18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 18

"TRUST me D." Iyon ang huling binanggit ng binata bago nito nilisan ang malaking mansyon. Mula sa salas ay hatid tanaw na lamang niya itong tiningnan habang papaalis lulan ng kotse. Hindi makakibo at tanging ang huling salita lamang ang patuloy na ume-echo sa pandinig niya. Nagpo-protesta ang sarili, iniisip marahil kung sa anong paraan at kung bakit niya pagkakatiwalaan ang binata at kung bakit nito sinabing pagkatiwalaan siya.

"Is there something bad happened?" Iyon ang tanging salitang namutawi sa bibig niya sa ilang minutong pag-iisip. Ang hindi pa niya maintindihan ay ang pabago-bago ng mood at pakikitungo sa kaniya ng binata. Kagabi sa resort, ang sweet nito at nang putulin ang halik ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha. Kung galit ba iyon ay hindi niya mawari. At kung bakit ito galit ay hindi niya alam.

He was being hideous. At kanina, sa kotse. Kung ano man ang naiisip nitong trip ay hindi nakakatuwa. Sinong matutuwa kung gayong parang nakikipag-karera siya gayong wala namang ibang kotse maliban sa taxi na hindi naman gaanong nakakahabol sa bilis nila. She almost fainted when he finally hit the gas at biglang nag-drift sa t-intersection. Pagkatapos ay magpapakita ito ng pag-aalala then turned into cold treatment tapos biglang tatawa at sasabihing pagkatiwalaan niya ito.

He must have gone crazy!

"Daisy?" Nanlamig ang buong katawan niya sa boses na tumawag sa pangalan niya. Right, that was a huge house at hindi malayong may multo roon. Mayroon nga bang multo sa alas dose ng tanghali? Guni-guni niya lamang siguro iyon.

"Welcome to mi casa!" Masayang bati ng boses lalaki. Agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Sa magarbong staircase naroon ang pamilyar na babae at lalaki. Iyong couple na nakita niya sa restaurant kung saan sana magaganap ang unang date nila ni Dem but it was ruined because of them.

"George Larson." Pagpapakilala ng lalaki na ikinasinghap niya. Literal na napanganga sa dalawang kaharap. Inappropriate man ay wala siyang pakialam. The old man is so gorgeous kahit pa may puti na ang buhok nito. Nasa late 50's na ito pero naroon parin ang pagiging manly nito. Siguradong gwapo ito sa kabataan niya. Zeus would bow down if he sees this man. And the lady beside him. A fine compose lady. But she's too thin and stiff. Maganda ang babae pero kung nanay man iyon ni Dem ay hindi sila magkamukha.

"Anna." Her voice. It sounds familiar. Saan ba niya narinig ang boses na iyon? And why her heart thumps faster than the usual? Alangan siyang lumapit sa dalawa at nakipag-beso-beso. And when her skin touches her parang may kung anong kumapa sa puso niya. Natitibo ba siya? Oh, she must be crazy.

"As you can see, I am Dem's father." Mungkahi nito, tumango siya bilang sagot. Both men possess an undeniable musculinity. Both goergeous at their time. Napalinga ito sa paligid na tila may hinahanap. "Where is he?"

"Ah, umalis ho eh. May importante raw na gagawin." Dahilan niya. Mukha namang naniwala ang dalawa.

"Right, kasama niya siguro ang mga kaibigan niya. I feel bad to his friend’s loss. Anyway, it's past twelve noon. Tara sa dining." Hindi niya makuhang magtanong sa kung anong nangyari sa kaibigan ni Dem dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Bakit nga ba gayong girlfriend lang siya at nagbabayad ng utang. Right, hindi siya girlfriend sa literal nitong meaning dahil wala naman silang feelings para sa isa't isa lalo na si Dem na halos kinain na ang buong ampalaya sa pagiging bitter.

They both hate each other and the feeling is mutual. Iyon lang ang meron sila. Pumasok sila sa magarbong dining hall na nakahelera na sa hapag ang sosyaling mga pagkain. Doon lamang siya nakaramdam ng gutom. Wala nga pala siyang agahan kanina. Even snacks.

Pinatili parin ang pagiging compose niya, ginaya ang hindi makabasag-pinggan na ina ni Dem na compose ring naupo sa assigned chair nito sa kanang bahagi ng kabesera kung saan naroon ang padre de pamilya. Never in her life she experiences of having a family lunch. Ngayon pa lang and by the look of the old man ay tanggap siya bilang girlfriend ng anak. Sasanayin na niya ang sarili na maging parte ng pamilya Larson. A dream come true.

"I'm glad na pinaunlakan ni Dem ang pakiusap ko sa kaniya. I am so happy to finally meet you, anak." Her heart almost jump when she heard the last word. O baka malala na ang pagiging over thinker niya. Right, anak na nga kung ituturing ang gf ng anak ng mayayaman. Gaya ng mga nababasa niya sa pocketbook, when the family whole heartedly accepts the lady of their son ay tatawagin na itong anak. Pero sa ibang bahagi ng puso niya ay may iba siyang naramdaman? May malalim na pahiwatig ang simpleng salita na iyon.

"Eat up, mamaya na tayo makwentuhan. You must be tired." Magiliw siyang tumango. Though tulog buong byahe ngunit pakiramdam niya ay hinahatak siya ng kama. Ikaw ba naman pagtripan ng driver na cold na masungit na bigla-bigla nalang tatawa. Naging hands-on si Anna sa kaniya sa pag-accomodate bilang bisita dahil maging ang paghatid sa kwarto ay ginawa pa nito.

"I am so glad that you're here. Finally, I could cope up the things we miss." Ayan na naman ang mga salitang mukhang may deep meaning.

"Nako Miss Anna, hindi na ho kailangan. Tsaka salamat po sa pagtanggap niyo dito sa akin. Malaking bagay na ho iyon." Malungkot ng ngumiti si Anna na ikinabigla niya. Did I offend her?

"I really miss my daughter." Nabigla siya nang yumakap ito ng mahigpit. Ramdam niya ang paghikbi nito na kung bakit ay may namumuo nang konklusyon sa utak niya.

"I'm sure miss kana rin po niya." Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nakaramdam ng habag at pangungulila sa mga sandaling iyon. Dahil ba ngayon lang siya nakayap sa isang babaeng close to be her mother? Mukhang ganoon na nga. Still, she can't fully understand why her heart aching for no reason. It was just a hug and yet she shed tears.

"Pasensya na po, sadyang nakakahawa lang kasi ang iyak niyo. Nadadala ako." Dahilan niya at kumalas sa yakap na hindi sana mabubuwag kung hindi pa niya inunahan.

"Thanks for the hug. Good night, Daisy."

Wala na sa paningin niya si Anna pero nanatili siyang nakatayo kaharap ang nakasaradong pinto. Out of nowehere nangangapa siya sa kung anong dapat isipin. Wala na si Anna pero ramdam na ramdam niya ang yakap nito, ang mga mata nitong lumuluha, ang malamyos nitong tinig na sobrang pamilyar sa pandinig niya. Her chest still aching. She gasped aloud.

"Nay."

Napaluhod siya sa napagtanto. Kahit na sino man ay walang makakapantay sa nararamdaman niya ngayon. Lukso ng dugo, iyon ang nagpapatunay na si Anna, ang ina niyang matagal nang wala sa piling niya ay iisa. Si Anna na siyang naging dahilan ng lahat ng pagdurusa niya sa kamay ni Manuel. Si Anna na iniwan sila at pinagpalit sa marangyang buhay.

Pabalang niyang pinahid ang luhang dumadaosdos sa pisngi niya. Pabalyang binuksan ang pinto at tinungo si Anna na nasa huling baitang ng hagdanan.

"Tapatin niyo nga ho ako, sino ba talaga kayo?" Napatigil ito sa pag-apak sa carpeted na sahig at lumingon sa kaniya. The compose and fine lady is gone. All she could see in her eyes is torment and apology. Napailing siya.

"Kayo ba ang nanay ko?" Halos mabasag na ang boses niya pero pinigilan niyang huwag tuluyuang maiyak sa harap ng ina. She has to prove something.

"Daisy." Muli itong umakyat hanggang sa baitang kung nasaan siya nakatayo. Pinagsiklop nito ang kaniyang palad at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. God knows how she missed a mothers’ touch. "Ako nga ang nanay mo." Gumaralgal ang boses nito, enough to broke her into pieces.

"Bakit mo kami iniwan ng tatay Manuel isang buwan matapos mo akong pinanganak? Bakit mo hinayaang mabuhay ako na wala ang kalahati ng pagkatao ko?" May akusasyon sa tono niya kahit pa humihikbi siya. Then again, her mother is being silent. Umiyak lamang ito at pilit na iniwawaksi ang kahapong nais sumiksik sa alaala niya.

"Bakit hindi mo ako binalikan? Bakit mo nagawa sa akin ito? Alam niyo ho ba ang pakiramdam na nabubuhay ka nga pero wala naman ang kalahati ng pagkatao mo?"

"Alam ko Esing!" Her mother hissed. "Alam ko kung gaano mamuhay na parang normal pero may kalahati sa puso kong namamatay sa sakit. Naiipit ako sa sitwasyon!" Napasinghap siya. Ang pangungulila ay napalitan ng galit. Galit sa ginawa ng ina, sa katotohanang namuhay ito na tila ba walang Daisy na nag-e-exist sa mundo. Na tila ba walang anak na nangungulila sa kaniya.

"Pero sana binalikan mo kami. Nay, ang daming tanong sa isip ko na hindi ko mahanap-hanap ang sagot. Araw-araw nababaliw ako kakaisip ng mga dahilan kung bakit mo kami iniwan, pero wala. Tapos bigla kang magpapakita na para bang okay lang? You just can't come and go na parang wala lang. Tapos ganito? Sana pala hindi ko na kayo nakita." Pagkamuhi ang rumihestro sa kaniyang mukha. Still can't believe the fact na iniwan talaga siya ng ina.

Ngayon, naiintindihan na niya ang tatay Manuel. Masakit ang iwan ng walang paalam, maskit ang umasang may babalik at mas maskit iyong maraming tanong ang gumugulo sa isip mo araw-araw, gabi-gabi pero wala kang sagot. At sa kaniya naibuhos lahat ng dinadala ng ama. The torture and pain she don’t deserve.

"Daisy, pakinggan mo muna ang inay." Umiling siya.

"Nakikita lang kita ay alam ko na ang dahilan. Congrats, you made your own life." Matigas niyang wika at bumalik sa kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro