3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 3

NAALIMPUNGATAN siya dahil sa pagmamanhid ng braso at paa. Doon niya napagtantong nakagapos ang sarili sa sa kama niya. Nilibot ang paningin at naroon ang ama, nakatayo hawak ang dos por dos na sa wari niya’y iyon ang pinanghampas sa ulo niya. May kung anong malagkit na bagay na naroon sa ulo niya at humahapdi ito.

"Tay!" bulalas niya.

"Huwag mo ng tangkaing umalis, hintayin mo na lang ang nakatakdang araw," matabang nitong wika at tinapon sa tabi ang kahoy na iyon. Lumukob ang takot at pangamba sa katawan niya. Pilit na kinukumbinse ang sariling tatay niya parin ang kaharap sa mga oras na iyon ngunit hindi. Hindi na niya kilala ang Manuel na iyon, ibang tao na. 

"Pakawalan mo ako, Tay. Hindi ako aalis. Pakiusap kalagan mo ako!" pagsususmamo niya at sinubukang gumalaw ngunit lalong sumakit ang buong katawan niya, mahigpit ang pagkakatali. Nagkakaroon na rin ng sugat ang kamay niya. "Tay ano ba! Pakawalan mo ako!" sigaw niya pa pero tila ba naging bingi si Manuel at taimtim lamang siyang tinitingnan.

"T-Tay!" nauutal niyang wika nang humakbang ito palabas ng kwarto. Napaiyak na lamang si Daisy dahil sa galit at pagkadismaya. Hindi pwedeng itali siya nang ganoon, hindi maaraing gawin ito sa kaniya ng sariling ama, iyon ang sinisigaw ng kaniyang isipan. Takot at pagkadismaya ang nararamdaman sa mga sandalling iyon. Lubos na nahahabag sa sitwasyong kinalalagyan. Jusko, tulungan niyo ako. Pakiusap.

"Tay!" muli’t muli niyang sigaw ngunit walang Manuel na nakikinig. Napahikbi na lamang siyang lalo. Halo-halo na ang nararamdaman, pilit na nagpupumiglas ngunit bigo. Nababaliw na si Manuel, sumusobra na. 

Pinilit na igalaw ang mga kamay, sinusubukang makawala hanggang sa lumuwag ang pagkakatali nito at nakawala sa pagkakagapos, ngunit maraming sugat ang kaniyang natamo. Sinunod na kalagan ang tali sa mga paa at dahan-dahang tumayo. Ang tanging naisip niya sa mga sandalling iyon ay ang makawala sa puder ng kaniyang ama, kahit walang kasiguraduhan sa magiging kahihinatnan sa labas ng apartment ay bahala na. Mas matatamisin niya iyon kaysa ang hayaang magtagumpay si Manuel sa binabalak, maging ang lalaking nais siyang makuha. Bahagya niyang binuksan ang pinto ng kwarto at sinilip ang salas, wala roon ang Tatay kaya sinarado itong muli at hinarangan ng lumang kabinet. Kumuha siya ng gunting at nagsimulang tas-tasin ang dingding ng kwarto hanggang sa makagawa maliit ng butas na sakto lang para sa sukat niya. Kinuha niya ang bag at doon lumusot.

Saka pa lamang napansing madalim na pala ang paligid, hindi niya alam kung anong oras na. Tumakbo si Daisy sa kabilang iskeneta hanggang sa marating na ang labasan sa wakas. Nagpatuloy lamang si Esing sa pagtakbo hanggang sa makalayo na. Kasabay ng pagod, gutom ay sumasakit ang pa ang kaniyang mga paa datapwa’t wala man lang suot na tsenilas o sapatos, may mga sugat na rin ito’t dumudugo ng ang ilan pero patuloy parin ang pagtakbo. Lahat ng mga nadadaanan niya ay may pagtataka sa kanilang mga mata ngunit wala siyang pakialam, mas importante na makalayo siya at maging ligtas. Hindi alam kung saan ako tutungo, walang direksyon ang takbo pero bahala na.

"T-tulong!" Hapong-hapo siya habang pumapara ng sasakyan ngunit wala ni isa ang huminto at nais mag-abot ng tulong. Oo nga naman, sino ba naman siya para tulungan ng mga taong ito. Mahirap lang siya, walang pamilya, walang kaibigan na handang tumulong, wala sino kahit isa.

"Daisy, wala kanang pag-asa," usal niya sa sarili at mariing pinikit ang mga mata. Muli na namang umagos ang masasaganang luha sa kaniyang mapupungay na mga mata. Pagod na siya kakatakbo, kakaiyak, kakatago ng sarili. Pagod na siya sa lahat kaya mas mabuti pang maglaho na lamang na parang bula. Tutal wala namang maghahanap. Bulong ng isip niya.

Hinakbang niya ang mga paa sa malamig na kalye habang nakapikit ang dalawang mata na patuloy parin sa pagtangis ngunit isang hakbang lamang ang nagawa sa kadahilanang bigla na lamang siyang natumba sapagkat naubusan na siya ng lakas. Tumama ang ulo sa semento dahilan upang mapadaing siya sa sakit. Dumudugo rin ang bahaging tinamaan ng kahoy na lalong nagpahina sa kaniya. Damang-dama ang malamig at magaspang na simento, ang ihip ng hangin, ang ingay sa paligid. 

"Hey! Wake up!" anang boses sa malapitan.

Malabo ang paningin niya ngunit pilit paring inaaninag ang kapaligiran, maging ang pandinig lumalabo, hindi niya lubos makita ang mukha ng taong nasa harap, tanging anino lamang nila ang nakikita at ang alingaw-ngaw lamang ng bose nila ang naririnig niya. Deep inside her, hoping na mabubuhay pa siya. Nakakatawa, bakit pa siya umaasa gayong wala namang dahilan upang mabuhay pa. Mabigat ang bawat pagbitaw ng kaniyang hininga, kumikirot lalo ang kaniyang mga sugat, at lalong sumasakit ang kaniyang katawan. 

Is this how I’m going to die?

Perhaps, she’ll die in peace.

Nakapikit man ay rinig niya ang maingay na paligid, gumagalaw ang katawan niya ng mabilis, ang mga taong nagsisigawan, ang kanilang mga yapak, tumatakbo ang mga ito. The beeping sound and the white light. She saw people trying to revive her. Those people wearing a blue suit, holding weird stuff. 

"Clear!" Someone shouted. She can feel her body moving up and down, getting heavy. It causes pain, even more, she wanted to die. Death is the only thing that can give her eternal peace and freedom.

"She's still fighting!" 

No, there's no reason for me to fight.

HE SAW how hard the doctor tried to revive the lady. They're having hard time cause she's not responding. Everyone is losing hope even him.

"Now you feel what I felt," saad ng kaniyang kaibigan sa tabi at mahinang tinapik ang kaniyang balikat. Pareho sila ng naging sitwasyon pero mas malala ang kay Reed, dahil isang buong pamilya ang nawala sa kaniya at hindi ito naging madali para sa kaibigan ang lahat.

“I am not,” he almost whispered pero sapat na para tinginan siya ng masama ni Reed. Sa isip nito’y napakawalang puso nitong kaibigan niya gayong may nasa alanganing sitwasyon and yet he stayed calm and sound.

"Seems like she's not willing to live. She's not fighting," wika pa ng isa nilang kaibigan. But he still stayed calm. He has nothing to worry about because he knew that this lady is not his burden. He is not guilty for what happened dahil hindi naman siya ang dahilan kung bakit ito nalagay sa piligro.

Nakita niya lamang itong nakahandusay sa kalsada, dumudugo ang ulo at walang malay-tao. There was an urgent and pitied to save the woman but he won't take full responsibility of what happened. It was Reed who's eager to save someone's life because of his dark past. Pero wala siya niyon.

"Why you're so being like this dude? I mean, hindi ka ba nag-aalala?" Reed asked. He just shrugged his shoulder and sat on the chair.

"There is no point in panicking nor worrying, that wouldn't help anyway," he uttered and closed his eyes firmly.

"You're so heartless, Dem?" singhal ni Reed sa kaniya ngunit pinalabas niya lamang iyon sa kabilang tenga at natulog. May pinoproblema rin siya ngayon at kailangan niyang sulosyonan agad iyon. He'll take everything just to fix it as soon as possible. That damn resto, that damn cook. He has to find that lady cook as soon as possible bago pa ma-launch ang pinatayo niyang resto sa susunod na buwan. And he won’t give a damn kung may mangyaring masama sa babaeng iyon, it’s not his fault anyway, at gaya ng sabi niya, there is no point at fussing at all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro