4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 4

NILIBOT niya ang paningin sa kabuuan ng kaniyang hinihigaan ngayon, puting kisame, maliwanag na ilaw at ang gara ng disenyo ng kwarto. Nasan ako? Ang tanging naalala niya lamang ay humandusay siya sa malamig na kayle na iyon, may naririnig siyang ingay, hindi malinaw ang nakikita. Agad na umayos ng higa nang biglang nag-click ang door knob at umaktong nagtulog-tulugan.

"Have you known her identity? Her family?" 

Boses lalaki ang nagsalita.

"Based on my research, she's just an ordinary woman with a simple living. Tatay nalang niya ang kasama sa bahay nila," sagot naman ng isang lalaki.

"Salamat sa tulong, anyway ako nalang ang magsasabi kay Dem nito," rinig niyang turan ng lalaki at humakbang papalapit sa kama niya. "I know you're awake." 

Dahan-dahan siyang bumangon at bumungad sa kaniya ang mapupungay nitong mga mata. Oh! Nasa langit na ba siya? Bakit nagmukhang anghel ang lalaking ito sa suot niyang puting gown. "Ah, hehe. Hi!" Alanganin niyang rito, pero pilit na ngiti lamang ang iginanti ng lalaki sa kaniya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Wala bang masakit or anything?" nasa tono nito ang concern na kung bakit ay hindi niya mawari. Pinakiramdaman niya ang sarili niya. 

"W-Wala naman, bakit ano ba ang nangyari?" 

"Dem and Reed saw you in the middle of the road, unconscious and wounded, dinala ka nila rito para mabigyan ng agarang gamot. Your heart almost stops beating nang madala ka rito, so we tried to revive you and do some head surgery dahil sa damage at malaking sugat sa ulo mo. Paano ka nagkaroon ng ganoon sugat na para bang—"

“Ahm, hindi ko alam ang nangyari eh,” agap niya sa sasabihin nito, ayaw niyang may makaalam sa ginawa ng kaniyang ama sa kaniya. Napabuntong hinga siya. Kung hindi siguro siya nasugod rito ay baka patay na siya ngayon. Pero bakit sa kabila ng lahat ay nanghihinayang siya? “Ano ba kasi ang nangyari?” tanong niya pa. 

Bumuntong hinga muna si Thorin bago sumagot. Somehow, she pitied this woman, she almost dead nang makarating ito sa ospital niya so he and his team did everything to revive her, maraming dugo ang nawala rito sanhi ng malaking sugat sa ulo. Malaki rin ang naging damage sa skull niya na sa wari niya ay pinukpok ng matigas na bagay kaya ito nagka-fracture, mabuti na lamang at hindi gaanong naapektuhan ang utak nito, and that’s what he thanks for. 

Nagkaroon pa ng komplikasyon dahil sadyang mahina ang heartbeat ng babae, delikado kapag ginagawa niya ang operasyon agad kaya kahit maraming nawalang dugo ay sinubukan niyang e-revive muna ito and he made it. Saka pa niya isinagawa ang operasyon. To his surprise, may isa silang blood donor na siyang nag-match sa dugo ng babae.

“You have been sleeping for almost three hundred thirty-six hours, in short, dalawang linggo kang nasa ganiyang kalagayan.” 

Napamulagat si Daisy sa narinig. She has been sleeping that long? Kaya pala medyo pumayat siya, at gumaan ang kaniyang katawan. Nanlumo siya sa kaisipang iyon. Dalawang linggo, naroon siya ng dalawang linggo. Napabuga siya ng marahas, hindi lubos maisip kung dapat ba niyang ipagpasalamat iyon o hindi.

“Salamat sa lahat,” aniya sa pilit na ngiti.

"Kay Dem ka magpasalamat, minsan lang maging mabait ang isang 'yon." 

Napataas niya ng kilay sa sinabi nito. Kung hindi ba ito bumait ay iiwan siya roon? She groaned in disbelief. Oo nga naman, sino ba naman siya para tulungan. "Pero kahit na, nais ko paring magpasalamat." Wika niya. "Doktor ka ba?" 

He makes a sad face and slowly nodded. "Yup, alam mo, dalawa na kayong nagtataka kung doktor ba talaga ako. Mukhang hindi na gumagana ang karisma ko." Matabang niyang wika na ikinangiwi ko.

"Hindi kasi convincing ang awra mo para sa doktor. Masyado kang pogi." Natatawa niyang saad rito. Iyon na lang ang tanging ipinambawi niya sa lahat ng nararamdaman niya kahit pa nagsusumiksik ang napakaraming damdamin sa puso niya.

"Thanks for the complement. Anyway, kung may kailangan ka just click this button." Tumango siya at inabot ang parang mini size na remote control. Lumabas ito ng kwarto niya at muling natahimik ang paligid. Kamusta na kaya ang Tatay? Kailangan niyang bumalik sa bahay para masigurong okay lang ito. Hindi niya maatim na iwan itong mag-isa sa balong-balong. Tumayo siya at naglakad palabas bitbit ang stand ng dextrose niya, sinilip ang hallway at wala itong katao-tao. Muli siyang naglakad habang sinisipat ang dinadaanan niya, baka mamaya maligaw siya at hindi na makabalik sa kwarto niya. Nais niyang maglakad-lakad sandali kahit pa nanlalambot ang kaniyang mga tuhod. Ang wierd namang ospital na ito, ang gara masiyado. Puna ng kaniyang isipan.

"Hi miss!" bati niya sa isang nurse nakasalubong. Ginantihan siya nito ng ngiti at muling naglakad papalayo. Nagkibit balikat na lamang siya at muling naglakad-lakad ng walang direksyon. "Ahh, hmm…" napalinga-linga siya sa paligid, hindi niya alam kung nasaan siya, kung bakit siya naroon sa weird na kwartong iyon. Puno ito ng mga kakaibang bagay sa ibabaw ng lamesa. May microscope, at ilang paraphernalia at equipment na hindi niya alam ang tawag.

"Okay, babalik na aniya sa kwarto," saad niya sa sarili at muling humakbang palabik ngunit hindi niya na alam kung aling hallway ang patungo sa kwarto niya. Tumingala siya at doon may nabasa aniyang "laboratory" na nakasabit. Okay, hospital nga ito, medyo weird nga lang ang itsura.

"Miss?" nagitla ng may biglang nagsalita sa likuran niya dahilan para ma-out balance siya. Mabuti na lamang at naging maagap ang doktor na iyon at dinaluhan siya upang hindi tuluyang bumagasak sa sahig. “Be careful, hindi ka pa masiyadong magaling,” anito sa malumanay at puno ng concern na tono.

“Salamat.”

"Why you're here? May kailangan ka ba?" 

Unti-unti siyang tumayo ng maayos at iniyos ang sarili. "Hehe, wala naman, naglakad-lakad lamang aniya at pabalik na sana kaso naligaw ako eh." Ano ba, Daisy! Para kang tanga. Sawata ng kaniyang isipan.

"O-okay," tugon nito na tila hindi parin kombinsido sa sagot niya. “Next time, if you need anything, just tell me.” 

Bakit ba kay lambing ng pamamaraan sa pananalita nito? O baka dahil epekto lamang ng sugat niya sa ulo. Biglang kumulo ang tiyan niya. Oh my, gutom na siya. "I think your stomach is telling something. Come with me." Tumalikodd ito at naglakad papasasok ng isang hallway. Nakakahiya ka talaga D, para kang patay gutom. Umayos ka nga! Pumasok ito sa isang malawak na kusina? Seryoso? Napakalawak ng kusina rito.

"I'll cook for you. Any request?" suot parin nito ang matatamis na ngiti sa labi na hindi nakakasawang titigan.

"Ahh, ano. Soup nalang," saad niya at pilit na tinatago ang hiya sa sarili. Tinanggal nito ang kaniyang coat at naghugas ng kamay saka hinanda ang mga ingredients na lulutuin niya.

"Upo kalang diyan." Naupo naman siya sa stall at taimtim siyang pinagmamasdan habang nagluluto ng sopas niya. Napangiti na lamang si Daisy habang ginagawa iyon, ang sarap pala sa feeling na pinagluluto ka, dok pwede ba kitang magustuhan? 

“Ang mga doktor, hindi dapat sa kusina nakikita kundi sa operating room,” tudyo niya na ikinatawa ni Thorin.

“At ang mga pasyente hindi dapat gumagala kundi nanatili sa loob ng ward,” ganting tudyo nito na ikinatawa niya. "Here is your soup miss. Enjoy the food."

"Salamat," turan niya at nagsimulang sumubo ng sopas. In fairness masarap naman kahit na medyo maypagka-maalat ng kunti.

"How is it?" excited nitong tanong.

"Masarap naman, pero maalat ng kunti. Hehe." Lumukot ang mukha nito sa sinabi niya. She offends him perhaps. "Pero masarap naman talaga. Tikman mo oh!" Lumayo ito ng kunti at kunot noo siyang tiningnan.

"Tanggap ko, hindi pa ako marunong magluto." Nahimigan niya ang tila nagtatampong bata. Teka, ano bang gagawin ko? Papaano niya 'to papaamuhin? Mag-isip ka D!

"Uubusin ko 'tong sopas. Pramis!" aniya at sunod-sunod na sinubo ang sopas hanggang sa masimot na ang loob ng mangkok. "Ubos na!" she exclaimed and raised the bowl in front of him. Somehow, he smiled. "Huwag na magtampo okay? Hayaan mo, gagaling ka rin sa pagluluto. Kung gusto mo turuan kita,” magiliw niyang wika. 

Napangiti ng lihim si Thorin sa inasta ng babae, he finds her cute. Well, Ethel is the prettiest.  "You know how to cook?" parang may kung anong light-bulb na biglang sumindi sa utak ni Thorin. 

Mabilis siyang tumango. "Ano bang gusto mo?" 

Bahagya itong nag-isip. "I don't know, maybe anything," anito. Sinipat niya ang laman ng cabinet, at kung anong available na sangkap ang kaniyang gagamitin. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng pampalasa nang tumunog ang telepono ni Thorin. "Ahm, I have to take this call muna. Magluto kalang diyan," wika nito at sinagot ang tawag, tumango na lamang si Daisy at napangiwi habang nagigisa ng sangkap para sa sauce. 

Matapos niyang gumawa ng sauce ay hinalo niya na ang pasta at tinabi. Siguro naman ay babalik ito agad para tikman ang luto niya. Namimiss niya na ang resto, kamusta na kaya ang mga kasamahan niya? Si Jules? Si Ken? Wala na siyang balita sa kanila. Nakahanap na kaya sila ng trabaho? Maitatayo pa kaya ang resto? Gusto niyang magluto ulit. Napaupo na lamang ulit siya sa stall at humalumhaba habang pinagmamasdan ang pasta.

"Miss?" napukaw ang pag-iisip niya nang biglang may pumasok sa kusina, isang nurse na lalaki. "Balik na po kayo sa kwarto, lilinisan ko na po ang sugat niyo sa ulo." 

Sinapo niya ang benda niya sa ulo, at marahang tumango. Tinakpan niya na lamang ang mangkok, panigurado namang makakain 'to ni Doc pagbalik.

Sa may hallway pabalik ng kwarto ay nakasalubong niya si Doc na may kasamang isang lalaki na sa wari niya ay kasing-edad niya lang. Seryoso ang mukha nito at mukhang saksakan ng sama ng ugali dahil tinapunan siya ng ismid. Bakit ba?

"Nasa kusina po ang food niyo, Doc." Turan niya.

"Thanks, later titikman ko," tugon nito at agad namang binalik ang atensyon sa kasama at mahina silang nag-uusap habang naglalakad. Nagkibit-balikat lamang si saka pumasok sa kwarto.

"Ang bait ni doc, ano?" muni niya.

"Nako miss, mabait talaga 'yan. Ang dami ngang nafa-fall sa kaniya na mga kasamahan kong nurse na babae." Tugon ng nurse. May pag-asa kaya siya kay doc? Chos. Wala namang masama kung mangarap siya ng suntok sa buwan pero sana magustuhan siya nito. Sheyt! Ang pogi niya kasi.

"Pero ma'am, huwag ka, walang jowa si doc." 

Napatili siya ng wala sa oras. Jusme! Ang taas ng chance mo D! Natawa si kuyang nurse sa inasta niya.

"Bakit naman daw?" Usisa niya pa, this doctor somehow intrigues her.

"Walang nakakaalam kung bakit, pero malay mo miss, magustuhan ka niya. Hindi naman mapili sa babae si doc."

"Kyaaahhhh!" Tuluyan na siyang tumili sa kilig.

"Miss huwag kang malikot masyado!" sawata nito kaya umayos siya ng upo saka pinagpatuloy ang pagbebenda sa ulo niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro