5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 5

"KAILAN makakalabas 'yong babae?" walang kaemo-emosyon niyang tanong kay Thorin na kasalukuyang binabasa ang record ni Daisy.

"A day or so, hindi pa masyadong magaling ang sugat niya sa ulo, why ask?" Nagkibit balikat lamang siya bilang sagot. As a matter of fact, he is not interested with that girl though, she's way too simple and innocent. "Nagugutom ako dude, tara sa kusina." Ani Thorin at sinapo ang tiyan, kaya sumunod na lamang si Dem rito, kahit hindi naman siya nagugutom gayong kumain na siya sa condo niya bago nagputan sa ospital.

Iniisip niya parin kung paano hahanapin 'yong cook na iyon sa dating resto kamakailan lang nasunog, well, ayon sa mga source ay sinadyang talaga ang pagkakasunog niyon dahil hind isa loob nagmula ang apoy kundi sa labas, at kung ano ang dahilan ay hindi niya alam. Wala ring nakapagsasabi kung nasaan na ito ngayon, ang mga dati niyang kasamahan

"Oh my God. Dem you should try this!" bulalas ni Thorin habang tinatakam ang pasta sa isang mangkok. Anong meron sa pasta at parang sarap na sarap itong kumag na ito.

"Nahh!" Tanggi niya ngunit nabigla na lamang lumanding ang tinidor sa bibig niya na puno ng pasta. Walang kung ano'y ninguya na lamang ito at– This is something familiar. Inagaw niya ang tinidor mula sa kaibigan at kumuhang muli sa mangkok. This is really familiar, parang... parang luto niya.

"Who cooked this?" he asked

"Si Daisy, pasyente ko. Ang sarap niya talaga, I mean ng luto niya." sagot ni Thorin na may nakakalokong ngiti sa labi. Marahang napailing si Dem sa narinig, ayaw niyang paniwalain ang sarili sa narinig mula sa kaibigan. Paniguradong hindi ang tinutukoy nitong Daisy dahil wala sa itsura nito ang magluto ng mga ganitong Italian food. Only that cook in the resto can do this at alam niyang hindi lamang ito ordinarying cook.

"You must be kidding. Ubusin mo na 'yan. Anyway, itatayo ko na ang resto at kailangan ko ng mga tao. Tell them that I need everyone’s help."

"Bakit ako? Ikaw ang may kailangan sa kanila tapos ako uutusan mo? Dem ang dami kong gagawin rito sa ospital." Reklamo ni Thorin na sinisimot ang laman ng bowl na iyon. Nailing na lamang siya habang kinakalikot ang cell phone.

DEMonyo👿: i need your help🙂

KingHades: bakit? May nililigawan kana ba Dem?

DEMonyo👿: gago wala, kailangan ko ng tao para sa itinayo kong resto.

BabyAsh: oww, may bago na namang tambayan hahaha😋

KingHades: Leave that all to me. Pero syempre hindi libre.. muaahh ready your black card Demon😈

BlackDark: ano meron?🍟

DEMonyo😈 and KingHades replied: WALA!

"Una na ako, may aasakisuhin pa." Paalam niya at lumabas ng kusina. Sinadyang dumaan sa kuwarto ng pasyenteng iyon sa hindi malamang dahilan ngunit mula sa labas ay narinig niya ang mahihina nitong tili. Napamura na lamang si Dem sa isip.

"Miss huwag kang malikot masyado!" Boses lalaki, Dem’s lips twisted nang makomperma ang may-ari ng boses na iyon.  Pabalya niyang binuksan ang pinto, he saw her and the nurse, ang lapit nila sa isa't isa. Pareho silang lumingon sa gawi niya at napaayos ng tindig ang lalaking nurse.

"Sir Dem, kayo pala." The nurse approached him ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkos ay tiim bagang na tinapunan ng masamang tingin ang babaeng pasyente.

"Next time, kung gusto niyong gumawa ng milgaro, utang na loob sa motel niyo gawin hindi dito sa ospital," malamig niyang turan at pinanlilisikan ng tingin ang babae. At lumabas ng kwarto nang hindi sinara ang pinto. 

"Mukhang na misinterpret yata ni Sir Dem ang nakita niya." puna ng nurse sa tabi niya na tila takot na daga dahil nangangatog ng kunti ang mga kamay hawak-hawak ang benda. Right the looks in his eyes, hindi siya iyong lalaking tipo ng tao na may bukal na pusong tumulong. Iyon yata ang sinasabi ng doktor kanina na kaibigan niya. si Dem, bakit gayon na lamang ang mga tinging pinupukol sa kaniya na animo’y may Malaki siyang kasalanang nagawa. Ang mga mata nito, kulay asul ngunit nag-aapoy ito sa galit. Kung bakit ay hindi niya alam. Ano bang ginawa niya para magalit ang lalaki ng ganon?

"Si Dem, anong klaseng tao siya?" Wala sa sarili niyang tanong.

"Hindi ko po alam Miss, ngunit sadyang mainitin ang ulo ni Sir Dem. Malayong-malayo sa ugali ng pinsan niyang si Doc." Magpinsan pala sila. Kahit saang anggulo tingnan ay napakalayo kung gayong magpinsan sila. Pero 'di iyon ang concern niya.

NANG sumunod na araw ay hindi na niya ulit nakita si Dem, tanging si Thorin na lamang dahil oras-oras siyang dinadalaw nito at kinakamusta kung okay na ang kalagayan niya. Naging close naman sila kahit papaano, sadyang makwento ito tungkol sa buhay niya, palatanong at para siyang batang hyper na nais makita at malaman ang lahat ng bagay sa mundo.

"So, tell me bukod sa pagluluto, ano pang madalas mong ginagawa?"

"Wala, kusina lang talaga ang mundo ko." Sagot niya. Tinatanggal na nito ang benda sa ulo niya, ang sabi pa ay magaling na ang sugat doon ngunit hindi parin siya pwedeng ma-stress o gumalaw dahil baka bumuka ulit ang tahi. Ma infection pag pagnagka-ganoon.

"Nasunog kasi 'yong resto na pinagtatrabahuan ko, and now wala na 'yong mundo ko. Back to reality ulit, maghahanap ng trabaho para may panggastos." Malungkot niyang sagot rito, maging ito rin ay lumungkot rin ang mukha.

"Tamang-tama, naghahanap kasi ng tao 'yong kaibigan ko, pwede kitang ipasok doon. Nagtatayo kasi siya ng food hub. Game?" Nabuhay ang tuwa sa kaibuturan ng puso ni Daisy dahil sa narinig.

"Kay dami na ng naitulong mo sa akin Thorin, nakakahiya naman kung pati sa trabaho ay ikaw pa ang—" naputol ang sasabihin niya nang ilagay ni Thorin ang hintuturo sa bibig niya, to shut her up.

"No fuss, I really want to help you, but you have to be healed up first. Baka lumala ang sugat mo at hindi ka makapagtrabaho ulit. And I won’t take no as an answer." Wala na siyang magagawa, nahihiya man ay hinayaan na lamang ito sa nais. Kaysa naman siya itong mahirapan sa paghahanap ng trabaho. Oportunidad na ang kumatok, tatanggi pa ba siya. Ibang-iba si Thorin sa pinsan niyang si Dem na ubod ng sama ng ugali.

"Ang bill ko pala, papaano?" sa tagal ng pananatili niya rito sa ospital ay pakiramdam niyang umabot hanggang milyon ang bill niya. Pati ang mga gamot na iniinom niya.

"No worries, bayad na iyon, pero... diyan tayo sa pero. Kailangan mong gawin ang mga bilin ko, maliwanag?"

"Yes doc! Maliwanag na maliwanag." She saluted that made Thorin smile widely as he could. He patted her head like a dog.

"Good girl." Anito na lalong lumapad ang ngiti hanggang sa maging ngisi na. "Naaalala ko sayo ang aso ko, wala pang name 'yon but now it has." Patuloy nito.

"Ano name ng aso?"

"Daisy." Walang gatol nitong sagot na lalong ikinalobo ng kaniyang pisngi. Marahas niya itong tinampal at pinandilatan ng mga mata.

"You name the dog after me? Anong akala mo sa'kin aso?" Natatawa itong tumango. Parang nais niya bawiin lahat ng mga magadang papuri niya sa lalaking ito, nagkakamali siya, pilyo pala ang isang ito at mapang-asar.

"Hon? Daisy is here." Bumukas ang pinto ng silid niya at doon niluwa ang isang magandang dilag na kasing edad niya lamang na may dalang cute na cute na aso, may damit pa ito at hairclip.

"Ow, the baby Daisy." Pinangko nito ang aso at hinimashimas ang ulo sabay tumingin kay Daisy ng nakakaloko.

"Hi, you must be Daisy. I'm Ethel by the way." Pagpapakilala ng babaeng dumating at naglahad ng kamay asking for a shake hand, malugod niya naman itong tinanggap. Nagtataka siya kung bakit hon ang tawag nitong si Ethel kay Doc, ngunit anong pakialam niya, baka naman talaga kasintahan ito ng doktor niya. "Pasensya na kung kapangalan mo 'yong aso namin, ito kasing si Rin eh, sabi ng iba nalang." She pouted.

"Wala akong naisip na iba eh. By the way, this is Ethel my girl—" Kita niya ang pagkislap ng mga mata ng binata at kung paano nito tingnan ang dalaga. How the way he adored this lady beside him. Oh! Sabi na nga ba at magkasintahan ang dalawa.

"Friends… just friends." Agap ng dalaga at pilit na ngumiti.

"Bagay kayo." Pansin niya, may nakita siyang chemistry sa dalawa. Ang cute nila kapag naging totoong magkasintahan, tsaka ang sweet lang ng endearment nitong hon.

"Don't say that baka umasa ang isa diyan." Kinuha nito ang aso kay doc at nagpaalam na lumabas. Nakita niyang bahagyang nanlumo si doc sa sinabi ni Ethel.

"Alam mo, bagay talaga kayo, bakit 'di mo ligawan?" aniya na tila pinagtutulakan kay Ethel.

"Naahh," he just wove his hands, as if saying na hindi na iyon dapat pagtuunan ng pansin. Tinulungan siya nitong makababa sa hospital bed pasakay sa silyang de guling at palabas ay tulak-tulak niya parin. His nurse suggested pero umayaw niya, hindi naman sa nagrereklamo pero naiilang siya sa gesture ni Thorin kahit pa sabihin niyang sweet ito, caring as the way he is. He's way too caring and too overwhelming.

"Nice to meet you Daisy, hope we see each other again!" Kumaway si Ethel, binigyan pa siya ng flying kiss bago tuluyang ipinasok sa toyota HiAce van. Hope we see each other again din Ethel. Unang pagkikita pa lamang nila gumaan ang loob niya para sa dalaga.

"So, you two finally date huh? That's bad. So bad. I pitied you Thor." Untag ni Dem mula sa driver seat na kung bakit ito naroon ay marahil ito ang magiging driver nila sa araw na iyon. 

"I think it's not bad, you know what bad is? Hanggang ngayon bitter ka parin. Alam mo, makakahanap ka rin ng katapat mo, remember what Coleen told you." Balik ni Thorin sa kaibigan. Natutuwa siya sa bangayan ng mga ito.

"Nakahanap na ako, pero nawala eh. But for now, I have to find her first." Kumunot ang noo ng dalaga sa usapan ng mga ito na tila ba wala siya roon at kasama ng dalawa. Curious lang.

"Pero what if, may asawa na pala or baka matanda na. Sure ka ba talaga sa cook na 'yon? I mean Daisy is here and she's good at cooking too. Right D?"

"Ha?" bulalas niya dahil sa gulat. At iyong palayaw na minsan na ring gamitin ng ilang kaibigan ay binanggit ni Thorin. It’s kindda cute, sa isip niya. "Excuse me lang ah, sa panahong ito ang hirap humanap ng perfect match, okay? At kung si Dem lang magiging match ko? Hell, or high water hindi ako papatol diyan, ang sama ng ugali kaya!" inis niyang sambit na ikinatawa ng binata, maging si Dem ay napapailing, hindi niya makita ang itsura ng binata nakatalikod ito ngunit dahil sa rare view mirror ay napansin niya ang paggalaw ng pisngi nito na kung nakangiti ba o nakangisi ay hindi niya mawari. Maybe because he found this amusing and interesting, pero kung na offend man niya ang lalaki ay hindi niya babawiin, sadyang totoo lang talaga ang lahat sa mga sinabi niya.

"See, I think D is your karma Dem. Hahaha this is great." Tuya ni Thorin sa pinsan. Mula sa rareview mirror ay nakita ni Daisy ang ismirang nagaganap sa harap niya. 

"Kung sayo lang din, huwag na. I'll better be alone." Napasinghap ang dalaga sa narinig, alam niyang totoo ang mga iyon kaya natutuwa siya. 

Malayo pa ang kanilang bahay ngunit tanaw na niya ang magarbong mga sasakyan na nakaparada sa mismong bukana ng eskinita kung saan siya laging dumadaan. Ayaw mang pansinin ang bagay na iyon ngunit hindi niya mapigilan ang sariling huwag kabahan.

"Dito na lang," pigil niya kay Dem na naguguluhang inihinto ang sasakyan, may kalayuan pa ito sa eskinita pero hininto niya parin. Lumabas ng van ang dalaga na nagmamadali at hindi maalis ang tingin sa mga sasakyang naroon.

"Tay," iyon ang nawika niya nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakapaligid sa bahay, na tila nagbabantay. Sa isip niya’y baka naroon na naman ang lalaking iyon. Mabilis siyang naglakad papasok ng bahay ng may marinig siyang sigawan sa loob.

"Wala rito ang anak ko sabi!" Boses ni Manuel iyon.

"Wala kang kwenta Manuel, ang usapan ay usapan! Huwag mo nang itago ang anak mo!" hindi nga siya nagkakamali, ang lalaking iyon na naman, ginugulo ang kaniyang itay. Mula sa bungad ng pinto ay kitang-kita niya si Manuel na nakaupo sa silya, hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso, duguan ang ilong nito maging ang kilay, putok rin ang labi. Lumukob sa loob niya ang galit at pag-aalala sa kalagayan ng ama.

“Anong ginawa niyo sa tatay ko?”

"Sabi na eh, nandito ka lang pala. Pasenya na sa ginawa ko sa Tatay mo. Kasi naman eh, nagmatigas pang ilabas ka." Kilabot ang bumangon sa katauhan niya ng lumandas sa braso niya ang mapaltos at magaspang nitong mga palad.

"Hayan na ang kabayaran ko, pakawalan mo na ako." Napanting ang tinga niya sa narinig. Halos tatlong lingo siyang nawala ngunit wala siyang nakikitang katiting na pag-aalala man lamang mula rito. Oo nga naman ito rin ang dahilan kung bakit niya nilisan ang bahay na iyon.

"Bitiwan mo ako!" Bulyaw ng dalaga ngunit ngumisi lamang ang lalaki.

"My lovely Daisy, huwag kanang pumalag pa, sige dalhin na 'yan sa kotse." Napadaing ang dalaga nang kaladkarin siya ng ilan sa mga kalalakihan palabas ng bahay na iyon. Kahit pa pumipiglas ay tinapunan niya ng masamang tingin ang ama na walang pakialam kung ano man ang maaaring gawin ng mga kalalakihang iyon sa kaniya. Napaka-walang puso!

"Bitawan mo ako sabi!" sinubukan niyang pumiglas ngunit mahigpit ang pagka-kahawak ng mga iyon sa braso niya. nahagip ng mga mata niya ang papalayong van ni Dem, God knows how she hope na sana marinig ng binata ang panaghoy niya sa mga oras na iyon. At kung bakit ay si Dem ang una niyang naisip ay hindi niya alam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro