6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 6

Hindi na siya nakapalag nang ipasok siya sa loob ng itim na van. Nawawalan na rin siya ng pag-asang makita ng Dem o ni Thorin man lang ang kalagayan niya. Oo nga naman, sino ba naman siya para iligtas nila dahil kung tutuusin ay siya pa nga ang dapat na mag-pasalamat dahil sobra-sobra na ang tulong na binigay nila sa kaniya.

"Relax ka lang, hindi ka namin sasaktan," nakangising wika ng lalaki na hindi man lamang niya kilala at wala siyang panahon upang kilalanin ito. Ang tanging alam niya lamang ay masama itong tao.

"Huwag mo akong hawakan, nandidiri ako sayo!" Bulyaw ni Daisy na lalong ikinangisi ng hinayupak. Para itong baliw na adik.

"Masiyado kang harsh. I like it." Pilit nitong nilalapit ang mukhang tsonggo sa mukha ng dalaga dahilan upang umatras siya at siniksik ang sarili sa sandalan. Hindi naman sa natatakot o ano, pero sadyang nakakainis itong ginagawa ng lalaki. Mula sa loob ay nahagip ng mata niya ang van nina Dem, hindi ito umaandar sapagkat nakabukas ang pinto ng backseat.

Dem Pabalyang bumukas ang pinto ng sasakyan at doon bumungad ang nanlilisik na mata ni Dem. Gulat niyang sinalubong ang mga tingin nito. "Ano sa tingin mo ang ackk!" Napaindak siya nang biglang suntukin ng binata ng pagkalakas ang lalaki na nasa tabi niya. Nawalan ito ng malay. Bumangon ang takot sa puso ni Daisy sa mga oras na iyon. Nakikita niya pa lamang ang parang halimaw na anyo ni Dem ay pakiramdam niya’y tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Nakakatakot ang awra niya.

"Ano? Tutunganga ka lang diyan?" Bulyaw nito na ikinabigla niya. Kung galit ito o ano ay hindi niya alam. Walang kung ano-ano ay bumaba siya sa kotse, natatakot siya sa itsura ng binata. Mga nakahandusay na kalalakihan ang tumambad sa kaniya at si Thorin na nagpupunas ng dugo sa putok na labi. Mukhang ito ang may gawa ng mga iyon.

"Hi D!" Nakuha pa nitong ngumiti sa gitna ng lahat. Ngumiti lamang si Daisy ng pilit bilang ganti rito at naglakad pabalik ng eskinita.

"Where the hell are you going?" Tiim bagang na tanong ni Dem mula sa likuran niya. 

"S-Sa ba-hay." Nauutal niyang sagot.

"Really? Ganiyan ka ba katanga gayong alam mong mapapahamak ka sa lugar na 'yon?" Magaspang nitong wika. Wala siyang panahon upang gatongan ang panunuya ng binata, ang importante sa kaniya ay malaman kung nasa mayos na kalagayan si Manuel. Tanga na siguro kung matatawag ngunit sa panahon ngayon ay kailangan siya ng tatay gayong hindi maayos ang kalagayan nito.

"Umalis na kayo, salamat sa tulong." Walang emosyon niyang saad at nagsimulang lakarin ang eskinita. Bahala na si batman kung lagi man siyang lapitin ng disgrasya at kapahamakan basta mananatili siya sa tabi ng ama. Higit na mas nanaig ang pagiging anak niya kaysa sa pagiging siya sa sarili niya. Kung sasaktan man siya nitong muli ay bahala na.

"Bakit narito ka pa? May kukunin kang gamit?" walang emosyon nitong saad, ni hindi man lamang niya tinapunan ng tingin ang anak, dahil busy ito kakatungga ng gin niya. Masakit mang aminin pero iyon ang ibinabadya ng sariling ama. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito, maging ang pagpapahalaga man lamang para sa kaniya bilang anak.

"Tay, papaano niyo po nagawa sa'kin 'to? Bakit ako ang pinambayad niyo sa lalaking iyon? Ganun na ba ako ka walang halaga sa inyo?"

"Malaki ang halaga mo kaya nga kita pinambayad. Oh! Lumayas kana't sumama sa lalaking iyon wala na akong kailangan sayo dahil bayad na ako." Napasinghap siya sa lantarang pagtataboy sa kaniy ng ama, for all people.

"Hindi po ako sasama sa lalaking iyon!" Protesta niya pa. 

Isang malutong na sampal ang iginanti nito, "Puta! Huwag mo nang pahirapan pa ang tatay. Alam mo namang wala akong pera pambayad. Sumama kana doon!" Pinagtutulak pa siya nito ngunit nagmatigas parin si Daisy, from the fact na tatay niya ito at hindi niya ito kayang iwan, ano’t ano man ang mangyari.

"Tatanggapin po ko lahat ng pasakit na ibibigay mo, huwag lang mapunta sa lalaking iyon." Pagmamakaawa pa ng dalaga na hindi na napigilang humagulhol.

"Ano ba esing! Anong gusto mong mangyari? Na dito ka lang at pareho tayong mama-tay sa gutom? Mag-isip ka nga! Palibhasa lahat ng laman ng utak mo napunta sa suso mo!" lihim niyang iniyukom ang kamao at pinipigilan ang sariling huwag maging bastos sa lalaking nagpalaki sa kaniya, kahit na sa marahas na pamamaraan.

"Maghahanap po ulit ako ng trabaho babayaran po natin ang utang niyo." Mahinahon niyang wika.

"Huh! Sa tingin mo ba may tatanggap sayo gayong wala ka namang natapos kahit anong kurso at puro pagluluto lang iyang alam mo. Mabuti pa doon ka sa club, malaki kikitain mo." hindi na niya kaya ang naririnig mula sa bibig mismo ni Manuel, para bang kay dali lamang para rito ang ipagtabuyan siya, kay dali lamang para ritong bitawan ang mga salitang iyon na para bang wala siyang halaga. Tumakbo siya papasok ng kwarto at ikinulong ang sarili roon. Sumusobra na ang tatay. Nahihibang na ito. Hindi, lasing lang ang tatay kaya niya nasabi iyon. Mahal na mahal ka ng tatay D alam mo 'yan. Kombense niya sa sarili subalit alinman ang iisipin ay iyon parin ang katotohanan. Napaiyak na lamang siya sa kaisipang iyon. Ni minsan ay hindi niya naramdamang mahal siya ni Manuel, ang layo ng trato nito sa kaniya. Sa paningin nito ay isa lamang siyang bagay na walang halaga, isang pamunas na kapag wala ng pakinabang ay basta na lamang itatapon sa basurahan.

Naiinis rin siya sa sarili dahil magpahanggang ngayon ay umaasa parin na balang araw ay mamahalin rin siya ng tatay gaya ng iba kung paano nila mahalin ang anak nila. Umaasang magbabago ito. Umaasang tatanggapin siyang muli bilang anak at hindi basahan.  Kung pambayad lamang ng utang ang nais nito’y maghahanap siya ng trabaho. Isasaksak niya sa bungo na kahit kailan hindi at hindi siya kakapit sa patalim may pambayad lang. May natitira pang dignidad at respeto para sa sarili niya.

Malakas na tawa ang siyang nagpukaw sa kaniyang isipan, halakhak sa tuwa na nagmumula sa labas ng silid. Marahil ay lasing na naman si Manuel, pinagpag niya ang sarili at muling luamabas ng kwarto. Laking gulat na lamang niya nang makita ito hawak-hawak ang isang suit case na may lamang... Pera?

"Saan niyo ho nakuha 'yan?"

"Uyy esing. May silbi ka rin pala. Kita mo 'yan? Mayaman na ako. Salamat." Anito at pinaypay sa eri ang tig-iisang libo.

"Sagutin niyo ho ako. Saan niyo nakuha ang pera? Ninakaw niyo ba iyan?" Bulyaw niya. Naguguluhan na siya kay Manuel, papaanong nagkaroon ito ng ganoon kalaking pera agad-agad kung hindi nito ninakaw.

"Lasinggiro lang ako esing pero hindi ako magnanakaw. May lalaking nagpunta rito kanina ang sabi niya ay interesado siya sa iyo. Ang sabi ko'y mahal ang bayad mo kaya hayon komobra ng isang milyon sa bangko at heto. Bwenas ang araw ko." Gumuhit sa mukha niya ang isang katanungan, kung sino ang lalaking tinutukoy nito.

"Bininta ninyo ako? Tay? Nahihibang na po kayo?"

"Huwag kang mag-alala esing. Mukhang mabait at galante naman iyong lalaki kaya panigurado iingatan ka 'nun." Napatakip siya ng bibig sa gulat at takot. "Lumayas kana rito tutal nagampanan mo na ang pagiging anak mo sa akin." Nilapag nito ang suit case at hinila si Esing papalabas ng bahay.

Nagmatigas pa siyang humakbang subalit mas malakas kaysa sa kaniya kaya nahila siya nito palabas. Hindi pa man naka-react ay pinagbasakan na siya nito ng pinto. Nagngitngit ang kaniyang mga mata sa pagkabigla at pooy. Naroon na naman ang pamiramdam ng pinagtatabuyan siya. Naroon na naman ang sakit. Bakit ba? Dapat nga ay maging masaya na siya dahil kusa siyang pinaalis sa masalimuot na buhay nilang iyon, dapat nga ay magbunyi dahil nakawala na siya ng tuluyan sa pagkakagapos sa mga pananakit ng sariling ama. 

Ganito na ba ang role ko sa mundo? Isang bayarang babae? Pinagbili ng sariling ama pambayad lang sa utang niya. Ipinagpalit niya ako dahil lang sa pera. Am I that worthless? Pera lang ba ang halaga ko? Isang milyon? Hindi niya maiwasang mag-aalala. Sino naman kaya ang lalaking nagka-interes na bilhin siya? Pareho ba ito sa isang lalaki kanina? Anong gagawin niya kung sakaling mas masahol pa ito kay Manuel? Unti-unting dumaosdos ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa mga mata ng dalaga.  Mas matatamisin niyang ma-matay kaysa ang mabuhay kasama ng hindi kilalang lalaki na iyon. Hindi, may paraan pa. Tatakas siyang muli. Tatakasan ang ano mang buhay na naghihintay sa kaniya sa kamay ng lalaki. Doon naman siya magaling, ang tumakbo, ang tumakas at magtago.

Dumaan si Daisy sa likod kung saan siya tumakas noon. Madilim ang lugar sapagkat dapit-hapon na. Makulimlim rin ang kalangitan na nagbabadyang umulan ano mang oras kung kaya't parang gabi na. Dahan-dahan siyang sumuot sa mga nakasadsad na kahoy papunta sa kabilang eskinita. Nang makalusot ay luminga-linga sa paligid, sinisipat kung may mga matang nakaantabay sa kaniya. Baka naroon lamang si Manuel at minamasdan siyang tumatakas. Muli niyang nilingon ang tahanan, ang balong-balong na iyon. Disedido ng takasan ang buhay, kalimutan ang mga mapapait na alaala at ang ugnayan niya kay Manuel. Sa araw na ito ay hindi kakalimutan na niya ang ama, at kailanman ay hinding-hindi na siya babalik pa.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at dumilat muli, inihakbang ang mga paa. Wala na ang esing na palaging binubugbog at sinasaktan ng sariling ama, wala ng esing ang magsasakripisyo at magdurusa sa masalimuot na buhay, wala na ang esing ng kahapon. Lahat ng iyon ay kalilimutan niya na. Panahon na upang palayain ang sarili niya, dahil hindi habang-buhay ay magiging ganoon siya.

Napaiktad si Daisy nang may biglang nagtakip sa bibig niya, hinila at pinasiksik sa pader. Madilim ang bahaging iyon kaya hindi niya maaninag ang humila ngunit isa lang ang sigurado siya, lalaki iyon, amoy pa lamang nito at ang malaking kamay na nakatakip sa bibig niya.

"Shhh, they might see you." Mahinang bulong nito, maging iyon ay napaka-manly pakinggan.

Napamulagat siya nang matantong may mga lalaking pakalat-kalat sa bukana ng eskinita. Mga tauhan ng lalaking pinagkautangan ni Manuel. Naroon parin ang mga ito at mukhang may hinahanap.

"Siyasatin ninyo, sigurado akong hindi pa nakakalayo ang babaeng iyon." Marahas n autos ng lalaking sinuntok ng binata kanina.

"Boss wala talaga. Mukhang kanina pa iyon nakaalis." Isang suntok ang natanggap ng lalaking nagsalita.

"Mga inutil! Papaano ko idadahilan kay Miss Anna ito. Tiyak malilintikan tayong lahat!"

Anna?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro