8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 8

HINDI pa man natatapos ang party ay nauna na silang umalis ni Dem, nagpupuyos si Daisy sa inis gayong siya lamang ang napapansin ng lahat. Si Sylver ang palagi siyang kinukulit tapos si Van naman palaging solo si Dem, siya ang kasama nitong dumating tapos iba ang ine-entertain, sinong tanga ang hindi magtatampo doon?

"What's wrong with you?" kunot noong tanong ng binata habang nagmamaneho.

"Pagod lang ako, don't mind me." Walang gana niyang tugon. Talaga namang naka-kapagod ang nangyari ngayong araw na ito at wala na siyang lakas para makipagsagutan sa mga question and answer portion nito.

"Okay, just rest then." Pero imbes na magpahinga ay napatulala siya sa kawalan, iniisip marahil kung paano niya babayaran ang utang na iyon kay Dem na isang milyon, mukhang kahit mamatay pa siya kaka-trabaho ay hindi iyon mababayaran. Ano ba kasing pumasok sa isip nito at isang milyon pa ang binigay, pwede namang kalahati o 'di kaya isang daan lang. Aanhin naman ni Manuel ang ganoon kalaking halaga ng pera. Ilulustay niya sa alak at magpa-kalasing habang buhay.

"Bakit mo binigyan si Tatay ng ganoon kalaking pera? Bakit mo ginawa iyon?" seryosong tanong niya ng hindi binabalingan ng tingin ang binata.

"Hindi ko alam, basta ko na lang naisip na gusto niya ng pera."

"Dem seryoso ako. Pagod ako para sa mga biruan at kung ano-ano kaya please sagutin mo nalang ng diritso ang tanong ko." Tiim bagang siya nitong binalingan ng blangkong tingin, pero hindi natinag ang dalaga. Sanay na sanay siya sa mga ganiyang reaksyon.

"Nakita ko kayo ng Tatay mo, nagsisigawan. Pinilit ka niyang sumama sa lalaking iyon and yeah you refused. Nagalit ako ng kunti sa Tatay mo, he's heartless the way he chases you, kaya iyon ang naisip kong paraan para tuluyan kang makalaya sa kaniya. I know it's not my business, wala ako sa posisyon para sumali at makialam pero hindi ko lang maatim na ganoon ka tratuhin ng sarili mong tatay. Para siyang hindi tatay sa'yo. Tapos naatim mong pakisamahan siya? How pathetic."

"Maski ako rin, naguguluhan ako sa sarili ko, 'yong kahit ba halos ikamatay ko na ay nanatili parin ako sa tabi niya. Wala eh, tatay ko parin 'yon at hindi ko maatim na ewan siya. Siya lang ang meron ako kaya tiniis ko lahat ng panankit niya." Akala niya ba ay kakalimutan na niyang tuluyan ang masalimuot na buhay pero bakit lahat sila ay bumabalik. Kailan ba siya tuluyang papalayain sa madilim na buhay na iyon? At kailan pa siya nagku-kwento tungkol sa personal na buhay lalo na ang tungkol sa ama niya.

"Noong gabing natagpuan kitang walang malay at duguan, siya ba ang may gawa niyon?" marahan siyang tumango. Sariwa pa ang ala-alang iyon, kasing sariwa ng sugat niya sa ulo na hanggang ngayon ay hindi pa gumagaling. Walang puso siyang ginapos sa sariling higaan. It was the first-time kaya nagkaroon siya ng courage para tumakas pero sinayang niya ang pagkakataong lumayo dahil bumalik ulit ako sa mala-impyerno niyang buhay. And now what? Si Manuel na mismo ang nagtaboy sa kaniya palayo. Pero bakit ganoon? Hindi parin siya masaya? Ano ba talaga ang dapat niyang gawin? Nakita niya si Dem na nagyukom ng kamay.

Hanggang sa marating nila ang condo unit ng binata ay pareho silang walang imik. Mukhang malalim ang iniisip ng kasama at kung ano man iyon ay wala siyang alam at ayaw niya iyong alamin. All she cared for now is that, she has a shelter, pansamantala. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw at wala siyang lakas para makipagkwentuhan sa binata.

"Diyan kana lang matulog sa kwarto ko." Imik nito, naroon parin ang pagiging seryoso.

"Paano ka?" kumuha ito ng isang unan at lumabas ng silid.

"Dito nalang ako sa couch, kung gusto mo maglinis, may mga gamit roon sa banyo panlalaki nga lang, ibibili nalang kita bukas ng gamit ko. Sige na pahinga kana." Nahimigan niya ang pagiging concern niya. Somehow, she felt little butterflies in her tummy. Bakit parang bumait yata ang isang iyon? Dahil ba kay Van? Oh! Naalala niyang muli ang kay gandang dilag na iyon. Wala sa kalingkinan nito ang itsura niya. she sure enough na ang mga tulad niyon ang tipo ng babae ni Dem. 

Malalim na ang gabi ngunit gising parin ang kaniyang diwa, hindi nakakatulog agad dahil namamahay yata ang katawan niya. Home sick ika nga nila. Tsaka hindi siya komportable sa malambot na kamang ito, mas sanay siya sa matigas at malamig na kama. Napabalikwas ng bangon ang dalaga. Mukhang hindi talaga siya makakatulog sa ganoong sitwasyon, isa pa ay nasa loob sila ng iisang bubong, hindi siya sanay na may kasamang estranghero kahit pa kasama niya si Manuel, iba parin iyon dahil tatay niya. Dem is a complete stranger to her. Nilatag niya ang makapal na kumot sa sahig at doon nahiga. Mukhang effective naman. Nag-aalala siya sa binata, kung maayos ba ang pagkakatulog nito, hindi kaya iyon nahihirapan sa sofa? She felt guilty.

NAGISING siya sa dahil sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Ki-aga-aga nambubulahaw itong hinayupak na akala mo pagmamay-ari ang buong bahay. Magrereklamo na siya ngunit bilging may sumiksik sa utak niya, nakitulog ng apala siya sa kwarto ng binata kay Dem. Oh my god! Ibig sabihin si Dem ang naliligo ngayon sa banyo. Papaano kung dito siya magbibihis. Jusko. Agad siyang nagtalukbong ng kumot nang bumukas ang pinto ng banyo. Nakita niya ang mga paa nito, palakad-lakad. Anong gagawin niya? Nakatalikod ito sa gawi, bumagsak ang tuwalyang nakatapis sa katawan nito. Diyos na mahabagin don’t tell me hubo't hubad ngayon si Dem sa harapan niya at kung wala ang kama ay kita niya ang kabuuan nito. Oh, god have mercy on her, maaga pa para sapian siya ng kademonyohan ngayon.

"I know you're awake, get up! First day of work mo ngayon." Work? In tagalog trabaho? Papaanong?

"Anong... AAHH!" bumalik siya sa pagkakatalukbong nang makitang naka-boxers lamang si Dem, jusko ano ba itong umagang 'to puno ng kahalayan. Narinig niya itong tumawa ng malakas. Anong nakakatawa sa ginawa niya? Nakakatawa bang maghubad siya sa harap ng babae? Ang demonyo niya!

"I'm dressed up pwede kanang lumabas diyan." Saad nito na may panunuyang tuno. Dahan-dahan ang ginawang pagbangon ngunit nanatili parin ang pagkakatalukbong ng kumot sa ulo niya, just in case lang. Nakahinga siya ng maluwag nang nakadamit na ito ng maayos. Ang bilis naman yata.

"Anong trabaho ulit ang tinutukoy mo?" tanong niya rito habang nagliligpit ng hinihigaan. Part of her habit.

"Ano nga ba... right. Ni-recommend ka sa akin ni Thorin as cook for my resto, kakatayo lamang nito last month and today is the grand opening at ikaw ang magiging head cook ko. And if you failed me, sorry pero maghahanap ako ng iba. Kulang ako sa tao kaya ikaw lang ang naisip kong e-hire. Maghahanap ako next day. So better satisfied me and the customer." Napakamot siya sa ulo kahit walang kati. Talaga bang ganito ang isang Dem?

"Ang dami mong sinabi. Pero paano naman ang isusuot ko, hello! Wala akong dalang damit." Ninguso nito ang mga labi. Ah, he wants kiss. Lumapit siya sa kinatatayuan ng binata at tumingkayad. Nakapikit matang ngumuso pabalik.

"Anong ginagawa mo?" he asked with his curled eyebrows. Napatampal na lamag ang dalaga ng marealize ang katangahang ginawa. "Para kang tanga,"

"Alam ko." Singhal niya. Humagalpak ng tawa si Dem, since the day we met ay ngayon niya lang ito narinig na tumawa ng ganito kalakas. "Hoy! Bakit ka tumatawa diyan? Abnoy 'to. Papaano 'yan wala akong damit ngayon?" lumapit ito sa kaniya kaya napaatras siya dahilan para mabangga paanan ng kama at napaupo roon, lumapit pa ito lalo kaya napalunok ng laway si Daisy. 

"Ah, eh." She tried to compose herself, but the man withdraws an annoying grin.

"You really love foreplay huh? Oh, hayan ang damit mo, bilisan mong mag-ayos hihintayin kita sa kabas in 10 minutes." Agad siyang tumalima sa banyo bitbit ang isang malaing paper bag at pabagsak na sinarado iyon. Huminga siya ng malalim upang e-relax ang pusong basta na lang kumakalampag sa kinalalagyan. Masama ito D!

"Gumising ka D!" sinampal niya ng pagkalakas ang pisngi, sheyt! Masakit pala. Nahimasmasan naman ito kahit papaano. Agad siyang naligo at nagbihis. Sa pagmamadali ay halos ma-slide siya sa basang tiles. Isang white polo shirt na imprinted ng EATING HUB RESTO at blue high-waist jeans at isang pares ng puting rubbers shoes, ang lahat ng iyon ay nagkakahalaga ng 150,000, may kasama pang undies. Oh, my ghad! Dagdag utang na naman. Lumabas siya sa banyo nang nakabihis na, wala roon si Dem, mukhang nasa labas na ito. Nagsuklay na lamang ng basing buhok at lumabas na. walang dalang kahit na ano kundi ang sarili niya lamang.

"You're 30 minutes late. Ganoon ba talaga kayong mga babae aabutin ng bagong taon sa banyo?" aburido nitong saad at lantarang hinagod siya ng tingin mula taas pababa at pataas muli.

"Pasensya na po, nawindang lang kasi ako sa 10 minutes niyo eh. Tsaka salamat sa undies na puro flower design, hello mukha ba akong bata? Jusme ang sikip pa ng bra." Reklamo niya. Pero in fairness, kasya naman lahat ng damit, iyon nga lang, problemado siya sa panty na puro sunflower ang design.

Narating naman nila ang resto ng matiwasay, walang patayang nagyayari sa loob ng sasakyan. Pagpasok nila ay pansin niya agad ang karaangyaang sinisgaw nito dahil sa mga desinyo at mamahaling gamit, mukhang pati rito ay pinagsisigawan ang kayamanan niya. Silang dalawa pa lamang ang tao roon, siya nama'y nagtungo agad sa kusina. Puno na rin ito ng stock at lahat ng mga kinakailangan ay narito na. Malawak ang kabuuan ng kusina kaya napaka-comfortable gumalaw.

"Dem anong gusto mong agahan?" tanong niya rito.

"Just simple breakfast, tsaka samahan mo na rin ng kape." Agad siyang tumalima sa pagluluto, habang maaga pa ay sinulit na ang kusina. For sure occupied na ito mamaya. Napatingin siya sa wall clock, alas singko y media pa lamang. Matapos magluto ay naghain na siya ng kanilang agahan.

"Sapat na ba ang mga tao para sa ganito kalaking kusina?" pansin ng dalaga. Nagpunas ito ng bibig bago siya tinpunan ng tingin.

"Yeah, at lahat sila qualified as cook, so better behave kung ayaw mong masisante agad." Bahagya siyang napayuko sa direct to the point nitong mga salita. Sino nga ba naman siya para e-hire ng isang Demetrio Larson na ito. Pero bahala na, kahit hindi man siya nakapagtapos ng college ay papatunayan niya ritong hindi siya pipitsuging cook lang. isusungal-ngal niya sa binata lahat ng alam niyang putahi na sa kaniya lamang matitikman. Humanda siya sa isang Daisy Bermudez. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro