9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 9

PAGTUNTONG ng alas sais ay naging busy na ang kusina, nagdatingan naman ang ilang cook na hinire ni Dem, at lahat sila mukhang may maibubuga, lahat sila may mga pinag-aralan. Pero hindi siya papatalo, gusto niyang ipakita sa kanila na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa lahat. Karamihan sa mga order ay light breakfast meal kaya madali lamang itong naluluto.

"Miss Daisy pinapatawag po kayo ni boss." Tawag sa kaniya ng isa sa mga kasamahan, naalala niya tuloy ang dating kasamahan na si Ken, lagi siya nitong tinatawag na miss Daisy, at nag-aalala siya para rito, kamusta na kaya ang mga iyon. Wala na siyang balita.

"Okay, tatapusin ko lamang ito." Tugon niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman siya pwedeng magpa-swap gayong hindi sila masiyadong close ng kasamahan roon, isa pa ay busy ang lahat sa kani-kaniyang task. Matapos gawan ang dressing ay lumabas na rin ang dalaga sa kitchen upang tunguhin si Dem. Naroon ito sa table at hindi nag-iisa, naroon ang kaniyang mga kaibigan.

"Uy, nandito na pala ang cook, how's your first day? Nahirapan ka ba?" it was Grey approach me, ngumiti siya bilang tugon.

"Hindi naman, tsaka mabilis lang naman akong maka-adjust eh." Sagot niya.

"Since we're here, bakit hindi mo na lang kami hainan ng mga pangmalakasang putahi mo, like Italian food, gustong-gusto ni Dem 'yon." Pansin ni Ash kaya tumango siya. Sumang-ayon naman ang lahat bukod kay Dem. Ano na naman kaya ang problema nito?

"Si Van, hindi ba siya pupunta?" napawi ang ngiti ni Daisy nang banggitin nito ang pangalang iyon. She can’t understand herself kung bakit naba-badtrip siya kapag nababanggit ang pangalang iyon. Naiinis siya.

"Kasama niya si Coleen, may photoshoot kasi sila somewhere in Tagaytay at kasama nila si Reed." Well, that's explains, buti na lang at hindi magko-cross ang landas nila. "Pero hahabol siya." Dagdag pa nito. Okay, she shouldn't be grateful kasi mamaya nandito na naman 'yong Van.

"So, wala na kayong order kasi magluluto na ako." Pansin niya, pakiramdam kasi niya ay tila invisible na siya nang dumating sa usapan si Van.

"Wala na, just Italian breakfast good for 7, iyon lang." sabad ni Hades, tumango ang dalaga at bumalik na sa kitchen at nagsimulang lutuin ang order ng mga ito.

BUONG maghapon ay nasa kusina lamang si Daisy, kaharap ang apoy at nagluluto ng mga order. She found peace kahit papaano dahil hindi niya nakikita si Dem, hindi na niya nakakausap mula kaninang umaga at hindi rin nalaman ang feedback nila sa luto niyang Italian breakfast. Bahala na, ang importante ay hindi na nagtagpo ang mga landas nila ni Van. Issue parin ito sa kaniya hanggang ngayon.

"Daisy, pakihanda nga ng sauce nito." Utos ng head cook. Wala sa loob siyang tumango at ginawa iyon.

"Are you okay?" tumango siya bilang tugon. Napansin niyang nagkibit-balikat ito saka pinagpatuloy ang ginagawa. 

"Miss Daisy, pinapatawag po kayo ni boss."

Tahimik lamang si Esing habang naglalakad patungo sa table nila Dem, at tama nga siya, naroon si Van, at talagang katabi pa nito si Dem. Parang ang sweet nila, kaano-ano kaya ni Dem itong babaeng 'to? Para kasing may strong connection ang dalawa. Girlfriend niya kaya si Van?

"Hey are you listening?" Dem snapped his finger in front of her.

"Ha? Ay ano ba iyon?"

"You must be tired, upo ka muna." Pinaghila siya ng silya ngunit tumanggi ang dalaga. Ayaw niyang sirain ang moment ng mga ito gayong hindi naman siya kabilang sa circle of friends, dahil isa lamang siyang hamak na cook na nagta-trabaho para may pambayad sa utang.

"Hindi na, may ginagawa pa kasi ako sa loob, may order ba kayo? Ikaw miss Vany may gusto ka ba?"

"Juice na lang, busog pa kasi ako." Tugon ng sopistikadang babae at muling ibinalik ang atensyon kay Demetrio.

"No, you should try something, ipaghanda mo nalang siya ng dessert. Ako magbabayad, don't worry." Tumango si Daisy bilang tugon. "Alam mo Van, ang sarap niya magluto, lalo na ang Italian food, 'yong paborito kong pasta, walang binatbat ang mga ibang cook ko rito. She's something..."

"Dem alam mo namang masama sayo ang palaging kumakain ng carbs eh." Malanding wika ni Van. Lihim na napairap sa kawalan ang dalaga.

"Ano ba D! umayos ka nga!" pagsawata niya sa sarili nang makapasok muli sa kusina. Napatingin ang mga kasamahan niya at kalaunan ay nagsibalik sa mga ginagawa. Sa kusina ay talagang tinuon niya ang buong atensyon sa pagluluto, naghanda lamang ng blueberry cheesecake para kay Van, pinagandahang maigi sagil baka ma-offend sa kaniya. Ayaw pa namang siya nito kay Dem, nakakatakot magalit ang isang 'yon. Tsaka kahit pa ayaw niya rito ay customer parin ang dalaga.

Time check, 9:36 pm, nasa kusina parin si Daisy naglilinis ng kitchen, wala pa kasing na-hire si Dem maglilinis ng kitchen kaya nagpresinta na lamang siya, pangsunog oras lang. Napansin iyon ng binata ngunit hinayaan na lamang niya. Umiiwas marahil sa kaniya sa hindi matukoy na dahilan.

"Daisy," tawag niya mula sa hamba ng pintuan ng kitchen. Tiim bagang niyang tinitigan ang dalaga na nagkaroon naman ng epekto.

"B-Bakit?" she stammers.

"Anong bakit? Alas dyes na umuwi na tayo, iniwan mo nalang 'yan diyan.” He doesn’t want to be sound rude and hostile pero kanina pa talaga siya naiinis rito. Halatang iwas na iwas ang dalaga sa kaniya and he hate it. Ano bang nagawa niya para umiwas ito?

"Okay ka lang Dem?" puna nito ngunit imbes na sumagot ay tinalikuran niya ito at lumabas.

"I'm not okay, because we're not okay." Kung may tinig na lumabas sa bibig niya’y hindi niya alam. Mababaliw siya marahil kapag hindi sila nagkakaayos ng dalaga. Ang kinaiinis niya’y bakit ito umiiwas, is she jealous? 

"Sandali nga, ano ba itong emote-emote na 'to? Hoy, kung badtrip ka dahil may LQ kayo ni Van, huwag mo akong idamay, nanahimik 'yong tao eh. Nakakahawa 'yang pagsusungit mo eh." Marahas niyang binalingan si Daisy. She really sounded like a jealous gf.

"LQ? Kami ni Van?" kumunot ang noo niya.

"Oo, at huwag kang in denial." Singhal pa nito. Aalis na sana ito sa harap niya ngunit nahablot niya ang braso ng dalaga dahilan para mahila ito papalapit sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?" pakiramdam ni Daisy ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha. Bakit naman siya magseselos, gayong wala namang sila ng binata. Ngayon lamang napansin na kulay ocean blue pala ang mga mata ni Dem, it was too cold, so deep and mysterious. Her heart pounded again shir ribs.

"Hindi ako nagseselos baliw! bakit naman ako magseselos eh wala namang tayo, bukod sa nandito ako upang magbayad ng utang ko sayo."

"But the way you act, you seem like a jealous girlfriend." He said in a lower voice. She swallowed hard. Why his lips taming her? O shit D! she shook her head to erase those thoughts. Hindi ito ang tamang panahon upang lumandi. Lumapit ito lalo hanggang sa isang dangkal na lamang ang pagitan ng mga mukha nila, kumakabog ang puso niya ng pagkalakas-lakas.

"Stop it Dem, binabalaan kita, huwag kang gumawa ng kalokohan, tutuhudin kita, sinasabi ko sayo!" banta pa niya, subalit sumilay ang nakakaloko nitong ngiti sa labi. Her nerve shivers down to the bone.

"Ow, violent, I like it." Napamulagat siya nang biglang lumanding ang labi nito sa labi niya. Ang unang halik niya, her precious lips touched by this chauvinist man. "Sabi mo tutuhidin mo ako kapag may ginawa ako sayo, asan na? Hindi ka makagalaw? Come on D, your reaction is so priceless." Humalakhak ito habang papalabas ng resto, saka niya pa lamang napansing hindi na pala siya humihinga. She would die unknowingly. Holding her breath for almost a minute, god! She breath loudly and pant.

Sa labas ay naroon si Dem, prenting nakasandal sa BMW niya, inismiran niya ito at akmang buksan ang pinto ng passenger seat. Subalit maagap ang binata at pinagbuksan siya na ikinagulat niya. Katahimikan ang bumaybay sa pagitan nila sa loob ng ilang minutong byahe. Walang traffic kaya diretso lamang ang takbo ng sasakyan nila.

Dem cleared his throat to break the silence. "Bakit mo nasabing LQ kami ni Van?" 

"Wala, instinct ko lang, tsaka ang sungit mo kanina kaya napagkamalan kitang may LQ kayo ni Van, teka kaano-ano mo ba siya?" wala sa loob niyang tanong.

"Ash elder sister, childhood friend kami at ganon talaga kami sa isa't isa. Now, tell me nagseselos ka ba?" napabuntong hinga si Daisy, isyu parin kay Dem ang pagseselos niya kuno.

"Hindi, bakit naman ako magseselos eh childhood friend mo 'yon, tsaka walang tayo okay?" kahit naman magselos siya ay wala rin, anong laban niya doon? Childhood friend 'yon eh siya? Nothing. Maganda ito, parang manika eh siya magsuklay na nga lang ay hindi pa magawa.

"So, kailangan bang maging tayo para magselos ka?" he grinned at her. Napanguso na lamang ang dalaga sa sinabi nito. Itong lalaking 'to hindi alam ang salitang ligaw, tsk kawawa ang magiging girlfriend.

"Eh akala ko ba bitter ka?" pansin niya pa at hinaluan ng panunuya. Hindi si Daisy iyong tipong easy-to-get na babae. Dadaan muna sa butas ng karayum ang magtatangkang manligaw sa kaniya at si Dem? Malabong magawa iyon dahil tulad ng sabi niya’y bitter ito at hindi alam ang salitang ligaw.

"I just hate people seeing so clingy to each other, ah basta nandidiri ako." Literal na napabuga ng hininga si Daisy, sa isip niya’y napaka-nonsense ng sagot nito.

"Seryoso? Dem, kahit kailan ba hindi ka na-fall o nagmahal man lang? kung mandiri 'to parang tae 'yong pagmamahal. Nako, humanda ka talaga kapag ikaw napana ni kupido. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ka bitter sa iba, tsk. Kawawa talaga ang magiging jowa mo, ang tanong magkaka-jowa kapa kaya?"

"Nahh, hindi ko kailangan ng pagmamahal kung alam kong sa huli ay masasaktan rin naman ako."

"Paano kung hindi?" hamon niya pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro