Chapter 1: Blessing In Disguise

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 1

BLESSING IN DISGUISE


"Blessing in Disguise is trending on Twitter now?"

Napasigaw ako, nanlalaki ang mga mata at halos lamunin ko na ang bestfriend kong si Gift sa laki ng buka ng aking bibig.

"Ouch!" I shouted again, feeling the pain as her palm landed on my cheek near my lips.

"May langaw, ang daldal mo raw kasi kaya naamoy niyang bibig mo," pang-aasar niya pa. Napailing ako.

"Pero totoo? Trending ngayon ang BID? Eh 'di ba hindi nga nagpapakilala ng true identity niya 'yung author tapos medyo silent naman 'yung story sa Ebook dati?" tanong ko, magkahalong gulat at lito ang naging reaksiyon ko.

Well, it's been five years simula nung una kong nabasa ang story na 'yun during Ebook days at talagang naging avid reader ako nung author kahit hindi pa ganun karami ang followers niya.

Blessing in Disguise was one of my favorite stories of that writer.

"True, bes. Totoong-totoo kaya nga pati ako shookt sa nakita ko sa Twitter kanina."

Kumunot ang noo ko at napakibit-balikat.

Sa aming dalawa, ako ang talagang mahilig magbasa samantalang siya naman ay mahilig sa Hollywood movies. Nakikilala niyag lang naman ang mga authors at characters dahil panay ang kuwento ko sa kaniya sa lahat ng nagiging asawa ko sa fictional world.

"Wait, tingnan ko rin—owemgeee! Published na sa rin Wattpad ang BID, bes!" Hindi ko mapigilang mapatili sa nag-uumapaw na saya sa anunsyo niya.

"Bes, Babybaby is on Wattpad already!" Napapatalong sigaw ko sa mismong mukha niya habang niyuyugyog ang kaniyang magkabilang balikat.

Babybaby was the author's pen name on Ebook.

Napangiwi siya saka tinanggal ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Hindi obvious na sobrang happy mo, bes. Halos maligo na ako sa laway mong mala-fountain, e," reklamo pa niya saka pinunasan ang mukha. "Diyan ka na nga't manonood muna ako," dagdag niya.

With lips pouting, she turned her back from me then put on her headset. Naka-indian sit siya sa isang bench sa park kung nasaan kami ngayon. Hinihintay namin ang opening ng Tunnel of Lights dito.

"Woy, ano bang pinapanood mo? Share ka naman, bes," pangungulit ko sa kaniya, pilit sumisilip sa screen ng kaniyang cell phone.

Ilang ulit ko siyang kinalabit pero dedma lang siya kaya napangisi ako ng masama saka biglang hinablot ang headset niya dahilan para matanggal ito sa tainga niya.

"Ano nga 'yang pinapanood mo, bes?" inis na tanong ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata.

"Defending Jacob. It's Chris Evans, my baby." She seductively said, grinned then winked at me.

"Eww! Chris Evans na naman?" nasusuka kong sabi, trying to irritate her. "Why don't you go to Instagram? Trending siya run ngayon, bes."

"Ikaw ang magtigil. Panira ng moment ka, ghorl?" Hindi ako nakailag sa pambabatok niya kaya halos mapasubsob ako sa sobrang lakas.

Napahalakhak siya ng tawa habang inaayos ko ang sarili. Mabuti na lang marami ang mga tao't nagsimula na ring maging maingay ang buong lugar kaya walang nakapansin sa'kin.

Isinalpak niyang muli ang headset sa tainga saka tumalikod ulit. Napailing ako sabay buntong-hininga. Kahit bestfriend ko talaga siya'y magkaiba ang mundo namin pagdating sa ganitong bagay.

Ibinalik ko na lang ang aking paningin sa phone at tumalikod rin sa kaniya. After scrolling my Twitter account, I opened my Wattpad account and visited my favorite author's wall.

Sobrang dami na niyang followers kahit kahapon pa lang siya gumawa ng account given the fact na nag-trending nga ang story niya sa Twitter kani-kanina lang. Agad kong in-add sa library ko ang BID at sinimulan itong basahin.

Sa bawat salitang nababasa ko ay sumasabay ang palakas ng palakas na kabog ng aking dibdib. Hindi ko lubos maipaliwanag ang saya, kilig at excitement na naghalo-halo sa loob ko habang unti-unti akong bumabalik sa mundong minsan ko nang minahal at kinabaliwan.

Habang nagbabasa, napapahinto ako nang mapansing pinagtitinginan na ako ng mga tao.

"Mga kabataan talaga ngayon kung anu-ano ang pinapanood kahit nasa public places. Jusko," bulong ng isang ginang sa kasama niya nang mapadaan sila sa akin.

Napaikot ko lang ang aking mga mata at muling sumilay ang malapad na ngiting halos ikapunit na ng aking mga labi.

I didn't care. Masaya ako dahil deserve naman 'yun ng lahat.

Napapigil ako ng tawa, kilig, tili at kung anu-ano pa habang nagbabasa. Baka isipin ng iba dito na walang magawa sa buhay kundi ang mamintas ng kapwa'y nababaliw ako.

May magagawa ba sila kung nakikiliti pa rin ako sa binabasa ko kahit alam ko na ang susunod na mangyayari? Hello, uso kaya ang reread lalo na kapag hindi ka maka-get over sa binabasa mo.

After few minutes ng pagbabasa, nakaramdam ako ng gutom. Natatakam kasi ako habang ini-imagine ang asawa kong si Kalebb kaya ayun nagwala ang mga alaga ko sa tiyan.

"Bes, bili lang ako ng corn-on-stick," pagpapaalam ko sa kaniya at tumango naman siya.

Habang naglalakad ay minsan napapatingin ako sa phone ko't nagpatuloy sa pagbabasa.

"Kuya, dalawang cheese po," usal ko sabay abot ng bayad sa nagtitinda.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nakatayo sa gilid ng stall, walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

"Here's your corn-on-stick, Si—"

Nang marinig 'yun ay mabilis kong in-extend ang aking kamay. Dahil skill ko ang pagkapa ng mga bagay gamit lang ang peripheral view ko, agad kong nahawakan ang stick na inaabot ni kuya ng nakatingin pa rin sa binabasa ko.

"Ahem.."

Napatingala ako't nakataas ang mga kilay na napatingin sa nagtitinda nang tumikhim siya. Doon ko lang napansing may iba rin palang kamay ang nakahawak sa stick na hawak ko.

Gulp.

"Kaniya 'yan, miss." Bumungad sa akin ang medyo awkward na ngiti ng nagtitinda na itinuro ang nasa tabi ko.

Nakaitim siyang hoodie kung saan nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa nito. Naka-cap din siyang itim kaya hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya. His shorts were knee-length emphasizing his leg hairs paired with black hiking sandals. May katangkaran din siya.

Naibalik ko ang paningin sa mukha niya, pilit itong inaaninag nang siya naman ang tumikhim.

Mabilis kong nabitawan ang stick at napayuko na lang sa gilid. Naramdaman ko ang sobrang pag-init ng aking mukha. Para akong natatae na ewan sa naghahabulang tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw at tuluyan na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan.

"Miss, heto na ang sa'yo nang hindi ka na mang-agaw ng stick ng iba." Pinanlakihan ko ng mata ang lalaking nagtitinda habang nagpipigil siya ng tawa.

Agad kong hinablot mula sa kamay niya ang stick at mabilis na naglakad palayo. Habang naglalakad ako pabalik, biglang nagkagulo ang mga tao dahil nandiyan na raw ang guest na artista na kinuha para sa opening.

"Aray!" sigaw ko nang mahatak ako papunta sa agos ng napakaraming taong nagsitakbuhan. Naipit ako sa gitna at nagitgit ako ng mga katawan mula sa iba't ibang direksiyon.

Sa sobrang sikip ay hindi na halos ako makahinga. Napapikit na lang ako't hinayaang matabunan sa gitna ng napakaraming tao. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang isang brasong nakapalibot hanggang sa likod ko. Agad akong dumilat at bumungad sa'kin ang imahe ng isang pamilyar na tao.

Isang dangkal lamang ang layo ng mukha niya sa akin dahil nakayuko siya kaya naaninag ko ang facial features niya. Bigla pang nagkagulo ulit ang mga tao. Hindi sinasadyang natamaan ng kamay ng isang babae ang cap niya dahilan para matanggal iyon at sumilay sa tapat ng mga mata ko mismo ang buong mukha niya.

I gulped.

He's very familiar. I mean.. his facial features were so familiar.

I gulped again.

Nang mapagtanto ko ang naiisip, muli akong napasulyap sa'king cell phone kahit pa sobrang sikip.

"Messy black hair," bulong ko sa sarili, binabasa ang nasa phone saka muling tumingala sa mukha niya.

Tugdug.

Sobrang weird pero naririnig ko na ang kabog ng dibdib ko.

"Thick eye brows." Napasinghap ako ng mahina sa nababasa't nakikita ko.

Tugdugdug.

"A pair of twinkling hazel-blue chinito eyes."

Tugdugdugdugdug.

Nagpadausdos ang paningin ko pababa ng ilong niya. "Attractive nubian nose."

TUGDUGDUGDUGDUG!

Dito na nagsimulang mag-alburuto ang puso ko't anumang minuto ay sasabog na.

"Thin watery lips."

TUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG!

"Well-formed jaw line."

TUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG!

"Manly Adam's apple."

Eyes fixated on his neck, a high voltage crawled down into my spine as I saw it moved, a sign of him gulping.

TUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG!!

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. It was literally a blast of unfamiliar emotions.

Mas nailapit pa niya ang mukha sa'kin nang itulak siya ng mga nasa likuran. Tanging naririnig ko na lang ay ang pabilis ng pabilis at palakas ng palakas na kabog ng aking dibdib habang naamoy ang menthol scented niyang hininga.

Please don't say Kalebb's iconic line. Please, don't. Napapikit na pagmamakaawa ko sa isip.

Nasa Wattpad world lang si hubby Kalebb and he couldn't be you.

Just few seconds later, may nararamdaman akong tumutusok sa tiyan kong hindi ko alam kung ikatakot ko ba o mas ikakaba.

"My food's stuck on your shirt.. gorgeous," bulong niya, may nakakalokong ngiti sa gilid ng mga labi.

Okay. Uwian na. May nanalong Kalebb De Castro na.

The next thing I knew, nasa isang ladies' restroom ako. Nagpapalit ako ng t-shirt na ibinigay niya dahil napunta lahat ng cheese mula sa pagkain niya sa puting shirt ko nang maipit kami kanina sa gitna ng nagkakagulong mga tao. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro