Chapter 2: His World

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 2

HIS WORLD


"Thanks for the shirt, Caleb." Malapad ang ngiting inabot ko sa kaniya ang shirt na ipinahiram niya sa'kin last week. After niya kasing ipahiram 'yun ay nagpumilit akong isauli dito sa mismong lugar kung saan una kaming nagkakilala.

"Nalabhan ko na 'to so you don't have to worry. Thank you ulit!" dagdag ko, assuring him, pero hinawakan niya lang ang kamay ko't marahan itong itinulak pabalik sa akin.

"Put it on instead." He calmly said, trying to show his small shy smile on the corner of his lips.

Umiling ako and insisted na tanggapin na niya.

"Isuot mo na lang 'yan ngayon, Mariyah, para couple shirt na tayo, 'di ba?" His words and deep masculine voice turned my face into red.

"S-Sure ka?" paninigurado ko. Tumango siya't ininguso ang ladies' restroom sa kabilang side. Wala akong nagawa para tumanggi kaya agad akong nagpalit ng damit at inilagay sa backpack ang shirt na suot ko kanina.

"It looks so good on you. Here, isuot mo." Nahihiya pa niyang itinungtong sa ulo ko ang isang itim na hoodie. Agad ko itong isinuot kahit ako ma'y namumula na rin sa hiya.

"'Yan, parehas na tayo. Can't you imagine we're wearing the same white sneakers?" Napatingin ako sa paa ko at nakaputing sapatos nga kami pareho.

Napangiti rin ako habang pilit kong ginagawang komportable ang atmosphere namin saka inilapag ang backpack ko sa gilid.

"Pwede—uh—ba kitang maipasyal s-sandali?" nag-aalangang tanong niya.

Nakita ko kung paano nanginig ang mga labi niyang ilang ulit niyang binabasa ng kaniyang dila. Napangiti ako sa isip.

"Sure, sure." Agad akong tumango ng maraming beses.

Aarte pa ba ako? Girl, he's so rare to be resisted.

"Wala bang maghahanap sa'yo sa bahay niyo?"

Umiling ako at nakita kung paano nagliwanag ang mukha niya.

"Ulila na ako dati pa kaya nga nagsisikap ako. Kahit anong raket diyan pinapatulan ko na makatapos lang ako ng college." Taas-noo kong usal na nagpangiti sa kaniya.

"Then, if that's the case, tara?"

May pinindot siya sa maliit na remote control na bitbit niya at tumunog ang kotseng nasa tabi lang namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kagara ang sasakyan niya. Shining, shimmering, splendid nga!

Naalala ko tuloy ang kotseng Ferrari ni Kalebb na kulay itim na palagi nilang sinasakyan ni Kween Zebbe sa tuwing mag-d-date sila. Bigla akong kinilig sa nakikita ko.

"You're drooling again, Mariyah. But anyway, nakakatulala naman talaga 'pag Ferrari ang kotse mo," kompyansang bulalas niya.

Pareho pa sila ng kotse ni hubby Kalebb ko!

Shocked akong napatingin sa kaniya at nang nakangiti siyang tumango ay agad kong niyakap ang bumper ng kaniyang kotse. Feeling ko tuloy niyayakap ko na rin ang kotse ni Kalebb. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang sobra-sobrang saya sa puso ko dahil isa sa mga pangarap ko sa buhay ay natupad na.

"You can hug it all you want pero sa ngayon mamasyal muna tayo," nakangiti niyang putol sa ginagawa ko. "Close your eyes first." Nakangising aniya at ang mga labi niya ang huling nakita ng aking mga mata bago ko ito ipinikit at ipinagkatiwala sa kaniya ang aking sarili.

Minsan ko lang siyang nakilala pero magaan na ang loob ko sa kaniya. I could feel that he's harmless. Hopefully.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad habang napipisil ko ang aking mga palad sa pagka-excite kung saan niya ako dadalhin. Ilang sandali pa'y umandar na ang sinasakyan namin.

"Hold on tight, Mariyah!" aniya na mas nagpataas ng level of excitement and anticipation ko.

The silence of the road we're heading was so deafening and a sudden change of temperature envloped me. The air inside the car was getting warmer and warmer as time went by.

Na-t-tempt akong dumilat but there's something I couldn't explain that's urging me not to. Magtatanong sana ako kung ano ang nangyayari nang biglang huminto ang sasakyan.

"We're finally here!" rinig kong anunsyo niya kaya napahinga ako nang malalim, animo'y nabunutan ng tinik sa dibdib.

Isa-isa kong idinilat ang aking mga mata. Nasa isang parking space kami't pagkababa pa lang namin ay nalaglag na ang panga ko.

"Wow! Bahay mo 'to?" mangha kong tanong habang inililibot ang paningin sa loob ng malaki niyang bahay. Halos triple ang laki nito sa apartment room ko.

"Yup—since ulila na rin ako so yeah, bahay ko 'to." Nakapamewang siyang napatingin rin sa paligid.

"Wait. Ganitong-ganito 'yung iconic abstract painting ni Kalebb sa BID! May ganito ka rin?" Napatakbo ako sa wall at hindi makapaniwalang ang dating nababasa ko lang sa Ebook, ngayon ay nakikita ko na sa personal.

Grabe, the goosebumps!

"I got that for almost—"

"Half a million?" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"You got it right."

Mangha akong tumitig ulit sa painting.

How come na ang painting na may parehong halaga sa nabasa ko'y totoo pala? Ano 'yun coincidence lang tapos Caleb din ang pangalan niya?

"Ito 'yung hagdan kung saan nalaglag si Kween Zebbe kaya napilayan siya ng ilang araw, hindi ba?" Napatakbo ako sa hagdan sa kabilang side ng bahay. Halos yakapin ko ang bawat hakbang sa sobrang tuwa dahil akmang-akma ito sa pagkaka-describe ng author.

Nang tingnan ko siya'y kunot-noo lang ang nakuha kong sagot.

"At iyang tv monitor mo! Tsaka 'yung frame kung saan ka nag-walling sa gilid nung hindi ka ni-r-replyan ni Kween buong magdamag!" Turo ko sa puting dingding sa kabilang side.

Hindi na maipinta ang mukha niyang natatawa't nalilito at the same time. Kung dahil ba 'yun sa sinabi kong pag-w-walling niya o sa pagiging oa ng reaction ko'y hindi ko rin alam.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Mariyah? Let's just go and have fun," aniyang napakamot sa ulo saka tumalikod at naglakad palabas ng bahay niya.

Yayakapin ko sana lahat ng mga gamit niya kasi nasa imagination ko lang sila dati sa novel. Ayaw ko namang tumakbo habang hinahabol ang sasakyan niya kaya lumabas na rin ako pagkatapos maisara ang pinto ng kaniyang mansyon.

Pagkarating namin sa mall na sinasabi niya'y muling nawindang ang buong sistema ko nang mabasa ang pangalan nito.

Mall of Astra? Sigaw ko sa isip.

Ganitong-ganito rin ang pangalan ng pinapasyalan nina Kalebb at Kween Zebbe sa BID.

"Caleb, sure kang Mall of Astra talaga 'to dito, hindi Mall of Asia or something?" Nakasunod sa kaniyang tanong ko ngunit tingnan niya lang ang pangalan ng mall saka naglakad papuntang entrance.

"Ewan ko sa'yo," rinig kong bulong niya sa sarili at tuluyang pumasok.

Sigurado kasi akong ito 'yung mall na nabasa ko pero napakaimposible naman kasi parang wala siyang alam. Hindi rin niya kilala si Kween Zebbe. Paanong—

"Hays, buhay." Napakamot ako sa noo saka sumunod na lang sa kaniya.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Na-b-bother ako sa mga nakikita ko. Magkakasunod kasi ng linya ang stores ng Bench, Afficionado at Watsons na parehong-pareho sa pagkakasabi dun sa story. Pati rin ang posisyon ng mga escalator ay tandang-tanda ko pa.

Naramdaman ko ang paninindig ng aking mga balahibo kaya napakapit ako sa braso niya.

"May Arcade games, let's play!" Turo niya sa mga nakahilerang video gaming machines kaya napabuntong-hininga ako.

Buti na lang may lugar pa ritong wala sa nabasa ko. Pinagpapawisan na ako, e.

Mga isang oras din kaming naglaro sa iba't ibang games sa Arcadia kung tawagin niya. Minsan kaming dalawa ang nagtutunggali at syempre dahil competitive ako, ako ang nananalo. Minsan nama'y tinuturuan niya ako paano laruin ang iba pang games.

"Did you enjoy?" tanong niya saka sumubo ng kanin.

"Of course! Ako palagi ang panalo kaya bakit hindi?" I gave him two thumbs up and an ear-to-ear smile.

Nakailang rounds kami ng kanin. Buti na lang naka-unli-rice ang restaurant, ahehe.

"Hoo! Ginutom mo talaga ako kanina," pagbibiro ko habang hinihimas ang tiyan. Nanlaki ang mga mata niya kaya napatakip agad ako ng bibig nang ma-realize kung ano ang pagkakaintindi niya run.

"Ops, sorry." Hilaw akong napangiti sabay nag-peace sign.

Bluuuuuurk.

Mas nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang tunog ng aking tiyang nag-aalburuto. Hindi dahil sa gutom pa ako. Mukhang may bulkang nagbabadyang sumabog sa dami ng kinain ko kaninang umaga bago kami nagkita.

Agad akong tumayo at napatakbo papuntang CR ng mall. Nakita kong mabilis siyang sumunod sa'kin kaya hindi ko na siya nilingon pa.

"Success!" Napabuga ako ng maraming hangin nang mailabas ko ng tuluyan ang masamang elemento sa'king tiyan. It's a good sign of relief, ika nga nila.

Napapikit ako dahil sobrang sarap sa pakiramdam na gumaan ang tiyan ko. After kong mag-flash ng masamang nilalang ay haharap na sana ako sa lock ng pinto ng cubicle nang bigla akong nadulas sa basang sahig. Nauntog ang puwet ko sa gilid ng toilet bowl.

"Aray! Aaah!" Napasigaw ako sa sakit na agad tumakbo pataas ng aking balakang. Nalukot ang mukha ko sa labis na sakit habang pinilit makatayo.

"Ouch!" Impit na sigaw kong muli nang madulas ang aking kamay na nakatukod upang makatayo dahilan para muli akong mauntog.

Hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay narinig ko ang tumatakbong mabibigat na yapak papasok ng restroom. Sunod na narinig ko ang sigaw ng isang babae mula sa katabing cubicle.

"OMG! Pervert! Manyak! You're so bastos!" sigaw niya at may narinig akong kalabog. Laglag-panga ako sa gulat nang ma-realize kung bakit napakapamilyar sa'kin ng linyang 'yun.

"It's Kween Zebbe," bulong ko saka napatakip ng bibig.

"Maynak ka! I'll call the police! Pervert!" Pagpapatuloy niya habang may naririnig akong nabubugbog at ang mahinang pag-aray ng lalaki.

"I'm sorry, mis—Aray! I didn't t mean to intr—Ouch!" Rinig kong usal ng lalaki na kaboses ni Caleb. Pahina nang pahina iyon mula sa posisyon ko.

Mahina akong napatawa. Hindi ko lubos akalaing maririnig ko ngayon dito mismo ang eksaktong mga linyang nabasa ko sa Ebook at Wattpad. Hindi ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. Nahawakan ko ang magkabila kong pisnging ngayo'y sobrang init na. Panigurado'y pulang-pula na rin ako. Nang makaipon ng sapat na lakas ay inayos ko ang aking sarili't lumabas.

"Oh, bakit parang Friday the 13th 'yang mukha mo?" Natatawa kong tanong kay Caleb. Baluktot siyang nakasandal sa wall na daanan palabas ng mga galing sa ladies' restroom.

"I was battered by a woman from the other cubicle. Akala ko kasi napa'no ka sa loob kaya lang iba pala ang nabuksan ko." Hahalakhak na sana ako nang tawa ngunit mas gusto kong makita kung gaano ba kaganda si Kween Zebbe sa personal.

Agad akong tumakbo para tingnan kung nandiyan pa siya sa malapit ngunit wala akong mahagilap kaya binalikan ko na lang siya.

"Dapat nga magpasalamat ka kasi na-meet mo na si the One. Yiieee!" panunukso ko sa kaniya habang sinisiku-siko siya sa tagiliran. Todo iwas naman siya habang nakakunot ang noo.

"Kween Zebbe! Kween Zebbe! Kween Zebbe!" Pag-ch-cheer ko saka muli siyang siniko at tinataas-taasan ng kilay. Mas lumapad ang ngiti ko ng makita siyang na-b-bad trip sa pang-aasar ko.

Kung alam niya lang kung ano ang susunod na mangyayari sa love story nila, for sure, pasasalamatan niya ako't mamumula ang tainga sa kilig.

"Halika na nga! Puro ka Kween Zebbe," aniya sabay gulo ng buhok ko.

Ngingisi-ngisi akong sumunod sa kaniya habang pinipigilan ang sariling mapangiti.

Team Kalzebbe for the win! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro