Chapter 3: Vaund University

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 3

VAUND UNIVERSITY


Nagkibit-balikat siya't isinandal ang likod sa couch habang naka-de cuatro. "Won't you tell me something about yourself?"

Katatapos lang namin maghapunan at dahil nakaupo siya rito'y nakigaya na rin ako kasi wala naman akong ibang alam na pwedeng matambayan dito sa mansyon niya.

"Well, I became an orphan at the age of fifteen kaya kailangan kong magtrabaho for my tuition. Until now, heto ako't patuloy pa rin sa pagkayod. Gusto kong maging flight attendant." Nanlalambot ang mga tuhod ko at may kung anong kumikirot sa puso ko nang sabihin iyon.

Napabuntong-hininga siya. "Is that all?" He curiously asked.

"Yes. As far as I remember, my life isn't that interesting for me to share a lot." I answered, nodding.

"This is not good—I m-mean it's o-okay. It's fine." He then stuttered.

Deafening silence.

"How 'bout you? Won't you ask something about me?"

Muli akong napatitig sa kaniya, hinahanap kung saan niya nakuha ang ideyang iyon. Napangiwi ako't nag-isip.

"Hmm.. sige, share ka lang. I'll try to catch up," usal ko. Alam ko naman lahat tungkol sa kaniya.

"Okay, I'll start." Umayos siya ng upo at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "I'm also an orphan—"

"Dahil namatay ang parents mo sa isang drug raid at nanlaban sila kaya nabaril?" singit ko na ikinakunot niya ng noo. Naging malungkot at mapait ang ngiti niya.

"I-I'm so sorry, Caleb." I said, apologetic. "I told you, alam ko ang tungkol sa'yo. Hulaan ko, first heartbreak mo ay nung high school ka. Kailangan mo siyang iwanan kasi kailangan mong magtrabaho para makaipon ng pang-aral mo. Tama ako, 'di ba?" Confident kong sabi, sinusubukang sabihing naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

I gave him my most comforting smile to cheer him up a bit.

"Buti pa 'yan naaalala mo pa," aniyang pahina nang pahina ang boses.

"Ano ulit ang sinabi mo?" usisa ko pero umiling agad siya.

"Nothing. I have to sleep early. Mag-p-prepare pa ako for Monday." Tumayo siya't inayos ang hoodie.

"Oo nga, professor ka nga pala sa Vaund University," habol ko nang nagsimula siyang maglakad paakyat ng hagdan.

"Y-You.. k-knew?" gulat niyang tanong.

So totoo pala talaga ang Vaund University? At ang Caleb na kasama ko ngayon ang Prof. Kalebb ng school?

Okay. Now I get it. Siya nga talaga!

"Sabi ko naman sa 'yo, Caleb. Alam ko talaga 'yan kasi nabasa ko na ang story ng buhay mo at ang love story niyo ni Kween Zebbe." pagpapaliwanag ko na naman pero ayaw niya pa ring maniwala sa akin.

"Tsk. Babbling woman," bulong niya saka muling tumalikod.

Wait, totoo ba ang nakita ko? Umangat ang gilid ng mga labi ng isang Caleb De Castro?

Kahit pa hindi niya amining siya ang living Kalebb De Castro, sobrang dami nilang similarities. Napapigil ako ng tili nang hablutin ko ang unan sa gilid at niyakap iyon ng sobrang higpit habang ibinabaon ang aking mukha.

"Mariyah," rinig kong tawag niya sa usual niyang malalim at buong boses.

Tiningala ko agad siya na parang walang nangyari, nakangisi pa. "Yes, baby—este Caleb?"

"Good night," mahinahon at pokerfaced na aniya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nasuntok ko ang unan.

Kung hindi ko talaga kilala si Kalebb, iisipin kong napaka-cold niya sa'kin. Parang napipilitan lang din siyang pahiramin ako ng shirt at naaawa lang siya sa akin dahil wala na akong mga magulang kaya pinapatira niya ako dito pansamantala. Kaso alam kong simula pa lang ay ganiyan na siya. Bihira lang siyang makipag-usap kaya kinikilig ako talaga!

He didn't know how to express himself. He's no idea how to put his thoughts into action. Sa mga ugali niyang 'yun ko siya minahal.

Pagkatapos kong magliwaliw sa sala at nagkaroon ako ng chance na kausapin lahat ng mga gamit niya sa bahay ay pumasok na ako ng kwarto ko. Yup, kwarto ko. Hindi ko na kasi mahanap ang daan pauwi and it's weird. Para bang na-trap ako sa mundong dapat ay binabasa ko lang. Ang weird, 'di ba?

Pakarating ko ng room, napakaganda ng ambiance. May dalawang potted plants sa magkabilang kanto ng kwarto at malinis ang pagkakapintura ng dingding. Ngumisi ako nang maisip na didikitan ko ang mga dingding ng malalaking stickers nina Tom at Jerry. Favorite ko silang dalawa at alam kong 'yung show din nila ang paboritong panoorin ni hubby Kalebb.

Patalon akong nahiga sa napakalambot na kama. Napatitig ako sa puting-puting kisame saka bumuga ng malalim na buntong-hininga.

Hindi pa rin ako makapaniwalang makakatira ako sa bahay ni Caleb, as in 'yung totoong Kalebb. Grabe. Itong kwarto ko pa lang ay kasinglaki na ng buong apartment room ko.

Hindi nagtagal, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Good morning, Earth!" Napahikab ako habang inuunat ang katawan matapos kong magdasal at magpasalamat sa Panginoon.

Umaga na at napakagandang pambungad ang liwanag ng araw na tumatagos sa kurtina sa bintana ng aking kwarto. Agad kong inayos ang kama saka naupo sa gilid nito. Nahagip ng mga mata ko ang isang maliit na daan, kasya ang iisang tao lang, papunta sa kung saang parte ng bahay.

In my curiousity, agad akong tumayo't laking gulat ko nang makita ang isang walk in closet sa loob nito. Bumungad sa akin ang napakaraming damit pambabae na iba't iba ang kulay. Mabilis kong hinawakan ang mga iyon na sa tantiya ko'y puro mamahalin.

May mga bags na sa malls ko lang nakikita dati at mga sapatos at heels na kumikinang sa ganda.

"Ka-size ko lahat 'to?" gulat kong tanong nang komportableng naisuksok ko ang aking mga paa sa isang pares ng gold corset heels.

Nalilibang akong isinukat ang mga heels at sapatos na naka-display habang naglalakad na animo'y isang senyorita sa'king mga suot na mamahaling bag. Ngunit may isang bahagi ng closet ang kumuha ng atensyon ko. Dali-dali ko itong nilapitan at hindi maipaliwanag ang nararamdaman nang mahawakan ito.

"Is this real? Totoo ang Vaund University!" Tumitili kong niyakap ang navy blue blazer saka hinaplos ang nakaburdang logo ng university.

Napaypay ko ang aking kamay dahil animo'y nauubusan ako ng hininga sa sobrang tuwa.

Mangha ko ring tiningnan ang puting long sleeves polo na may nakasabit na navy blue necktie na may dalawang puting stripes sa may dulo. Kasunod nito ay ang high waist round pleated skirt na may dalawang puting stripes din sa ibabang bahagi. Kopyang-kopya ito sa na-i-imagine kong uniform na suot ni Kween Zebbe.

"You can try it if you want."

Gulat akong napalingon nang may biglang nagsalita sa likod ko. Malapad ang ngiti niyang nakatitig sa'kin, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pants.

"Unless you don't want to study in Vaund, then, you can leave it there," walang emosyong saad niya.

"Wait, ako m-mag-aaral sa Vaund University? Totoo?" Naituro ko pa ang aking sarili.

Agad siyang tumango. Napaawang ang mga labi ko pero walang salitang lumalabas mula rito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"It seems like you don't want to," nang-aasar ang tono ng boses niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Woi, hindi—hindi, ah! Gustong-gusto ko siyempre! P-Pero—"

"Ayaw mo?" Kinunutan niya ako ng noo.

"Iniisip ko lang kasi 'yung mga documents ko sa previous school ko." Worried din ako kung paano ko ma-i-p-proseso lahat gayung nandito na ako. Hindi ko pa alam ang daan pabalik.

Pero Vaund University din kasi 'yun, e. Sayang kung palalagpasin ko.

"I'll take care of it. Wala ka nang poproblemahin pa." He said assuringly.

"Pe—" aangal sana ako nang humakbang siya papalapit sa kinatatayuan ko.

"Trust me this time. Hmm?"

Tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niyang nagpalipad ng mga paru-paro sa aking tiyan. Ipinatong niya pa ang kanang kamay sa aking ulo habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. How could he tear my heart in exceeding joy and excitement I couldn't determine why?

"I.." My eyes were fixated only on his lips as he uttered every single word. I could feel my heart starting to beat violently. "Won't.." Everything just muted as he spoke another word. "Leave.." Why did it seem to be in a slow motion? "You.." My heartbeat went twice faster than it should be. "Ever.." With the intensity of his stare, it's now thrice more violent. "Again.." Wait! This is making me insane! "Promise."

Napasinghap ako ng hangin. Animo'y hinigop niya lahat ng oxygen sa'king katawan.

Napangiwi ako sa biglang pumasok sa isip ko.

"Pero hindi pa ako enrolled, 'di ba?" usisa ko, pagpuputol sa tensyong naramdaman ko sa loob.

"Tssh. Numb," bulong ulit niya sa sarili saka yumuko at nilapatan ng mainit na halik ang aking noo.

Muli niyang isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon sabay talikod. Naiwan akong nakaawang ang mga labi, hindi alam kung bakit niya ginawa 'yun. Nakita ko ang paghinto niya sa paglalakad.

"You better get ready. You're gonna enter Vaund University tomorrow." Rinig kong usal niyang hindi man lang ako nililingon. Wala akong ibang nagawa kundi sundan lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Nang makabalik ng kwarto, pabagsak akong napahiga sa gilid ng kama habang nakatapak ang mga paa ko sa sahig. Pakiramdam ko'y nasa ulap pa rin ako sa mga nangyari ngayong umaga.

May kaunting pangamba man ay hindi ko mapigilang ngumisi habang nakatitig sa kisame. Nakagat ko ang ibabang labi sa hindi ko masukat na kilig. Naiisip ko pa lang na makakasama ko na si Kween Zebbe sa iisang university ay nagwawala na ang kabog ng aking dibdib. Paano na lang kaya bukas 'pag nakita ko na talaga siya ng personal?

Kung makikita ko siya bukas, ay day, confirm nang totoong tao nga silang mga nasa novel.

Sa sobrang pagka-excite ko ay natulog ako ng halos buong araw. Sa paniniguro kong presko at wala akong ka-eyebags-eyebags bukas ay nakalimutan kong kumain ng agahan hanggang hapunan.

***

"You go first, susunod na lang ako." Pagbabasag niya ng katahimikang bumabalot sa'min simula ng makaalis kami ng mansyon niya.

"Dito mo talaga ako ibaba, Caleb? As in dito sa gilid ng kalsada bago man lang tayo makapasok ng university?" disappointed kong tanong.

"Alam mo namang professor ako dito at hindi akmang makita kang lumabas mula sa kotse ko. You're still a student and I am a professor, Mariyah." Now his statement made sense.

Baka isipin ng mga makakakita na magka-live in partners kami. Relationships like that was a big No-No in Vaund University.

"Fine. Maglalakad na lang ako." Kinuha ko na ang napili kong shoulder bag na kulay itim na hindi ko alam kung anong brand dahil LVCC ang nakalagay. Akala ko nga pinagsama na dito ang Louis Vuitton at Coco Chanel, sana nga.

"See you around, Professor Caleb! Adios!" Nakangisi kong paalam sa kaniya saka malakas na isinara ang pinto.

Kekembot-kembot akong naglakad hanggang sa bumungad sa'kin ang matayog na gate ng university. Gaya ng pagkakaalala ko'y kulay silver nga lahat ng pintura nito mula sa labas hanggang sa nakikita kong loob nito. Napakaperpekto ng pagkakagawa ng mga gusali. Animo'y mga dyamanteng kumikinang kapag nasisinagan ng araw.

Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang bumukas ang napakalaking gate. Natanaw ko ang isang babaeng nasa mid forty's na nakatayo sa 'di kalayuan. Nasa magkabilang gilid niya ang dalawang babae't lalaki.

"Good morning, Vaundee. Welcome to Academic Year 2030-2031! Enjoy your stay!" wika ng babaeng nasa gitna, iba ang uniform niya sa mga kasama.

Malapad ang ngiti nilang lima na nag-bow sa akin. Ginantihan ko sila ng matamis na ngiti.

"Daghang salamat!" sagot kong nakayuko rin saka dumaan sa kaliwang gilid nila.

If my jaw dropped a while ago, now I couldn't stop being amazed as I moved my gaze from the glittery silver painted walls of the left-most building. Naka-glass ang mga dingding nito kaya kitang-kita ko ang mga estudyanteng naglalakad. It was connected to the main building which has two high towers on each side and another glittery painted building on its right. Tinted glass naman ang dingding ng nasa right side kaya na-r-reflect nito ang sinag ng araw.

Its structure was somehow a mix of a millennial vibe yet classical at the same time.

This was really Vaund University. Finally, I'm a certified Vaundee.

Napasinghap muna ako sa napakapreskong hangin ng paligid saka naglakad papuntang entrance ng main building. Inabot ako ng halos fifteen minutes na paglalakad.

"Make way! Make way! The queen is on her way!" Narinig kong sigaw ng ilan dahilan para magsitabi ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Napatagilid na rin ako kasama ng iba.

Ilang saglit pa'y may isang matangkad na babaeng naglakad sa gitna ng daang ginawa ng nagkalat na mga estudyante kanina. Napanganga ulit ako. Sobrang puti at kinis ng balat niya, glossy skin kung tawagin. Skin care routine drop, please!

Her face was so angelic and as she walked, it's like she was a living barbie. I was in great awe how her body moved in slow motion. As her signature hair flip registered in my mind, I immediately covered my mouth. With eyes wide opened, I fixated my eyes on her. Victoria's secret angel yarn?

"Kween Zebbe is really the definition of a perfect beauty, isn't she?" rinig kong bulong ng katabi ko. Nang lingunin ko'y nakangiti na pala siyang nakatingin sa akin saka ibinalik ang paningin sa harap. Luhhh, close tayo?

Pero real talk, she's really Kween Zebbe? Super ganda nga talaga niya!

"Look at how she does the catwalk. She's blewing us off of the runway. Woah!" Napasigaw ng mahina ang isa kong katabi nang mag-flip na naman ng buhok si Kween.

Sa nakikita ko, napakalakas ng impact niya sa mga students dito. Lahat nga siguro in-a-admire ang kagandahan niya. Kulang na lang lumuhod sila't humalik sa sapatos niya.

Grabe. Isa kang alamat, Kween Zebbe!

"Oh my God! I'm so sorry, Kween! Sorry, sorry, sor—" Mabilis na yumuko ang babae para punasan ng skirt niya ang nabasang sapatos ni Kween nang hindi sadyang naitulak ang babae ng nasa likod niya. Natapon ang bitbit na kape nito sa sapatos niya.

"It's okay. Stand." Marahan niyang inalalayang tumayo ang babaeng mangiyak-ngiyak sa kaba saka niya ito nginitian.

"But—"

"No worries, dear. It's just a shoe after all."

Umugong ang bulungan ng mga estudyante at puro papuri ang mga naririnig ko.

Yeah, that's my girl!

She's rich and famous but not a spoiled brat. That's why I loved her. Mas humanga ako sa kaniya ngayong nakikita ko na siya in person.

Narinig namin ang tunog ng bell at nagsikilos ulit ang mga estudyante. Doon ko lang napansing nakaalis na rin si Kween Zebbe.

Beep. Beep.

Napatingin ako sa wrist watch na ibinigay sa'kin ni Caleb kanina bago umalis ng bahay. Naging itim ang monitor nito at may nag-pop up na mga letra.

VU-TPC 203, RM. 34 C.A., 7:45 A.M.

Hindi ko sure kung anong ibig sabihin nito pero sa pagkakaintindi ko ay course namin ang nauna tapos room number tsaka time ang panghuli. Naglakad-lakad ako habang tumitingin sa room numbers na nakasulat sa ibabaw ng pintuan ng bawat room.

Pinunasan ko ang panganay kong mga pawis matapos ikutin ang buong tatlong building pero wala pa rin akong mahanap na Room 34 C.A.

"Excuse me, Vaundee. Are you having a difficulty finding your classroom schedule?" Napatingin ako sa lalaking tumapik ng balikat ko. Tumango agad ako.

"There's a university blueprint in the monitor. You can enter your room number then you'll know the other details to guide you. I hope it'll help you." Napasunod ako ng tingin sa itinuro niyang monitor na nakahiga sa isang stand.

"Thanks. You're such a great schoolmate. See you around!" I smiled from ear-to-ear to show gratitude. Ganun din ang ginawa niya't umalis na.

Curious akong lumapit sa blueprint keme na sinabi nung lalaki. Hindi ko naman alam na ganun pala ang purpose nito. Akala ko display lang nila. Ginawa ko 'yung mga sinabing instructions at doon ko nalaman na kaya halos mahimatay na ako kalilibot ay dahil nasa second floor pala ang room na hinahanap ko.

Nagmadali akong maglakad habang hinahanap naman ang elevator kaso wala akong mahagilap. Sa sobrang kaba ko sa paghahanap ng room kanina, pati ang hagdan nila'y hindi ko na rin makita.

"Anong klaseng university 'to? Bakit hindi man lang nabanggit ni author na dumaan si Kween Zebbe o si Kalebb sa hagdan para naman may ideya ako saan pumunta," pagmamaktol ko habang pabalik-balik na naglakad.

Napatingin ako sa relos ko at ten minutes na lang magsisimula na ang first class. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko at ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Kapag ganito'y natataranta ako or worst, na-m-mental block kung ano ang gagawin.

"Gotcha!" Napaturo ako sa malaking hagdan pero pagkalapit ko nun ay biglang sumarado ito at nawala ang kaninang malaking butas na dinadaanan ng mga students papuntang second floor.

Ilang segundo lang ay muli itong bumukas at nakita ko ang ilang mga students na naglakad paakyat ng hagdan kaya patakbong sumabay agad ako. Nang marating ko na ang butas, akala ko'y iyon na ang ikalawang palapag pero hindi pala. Para bang inikot kami sa kabilang side saka pa lamang bumungad sa amin ang nakahilera na namang mga classrooms. Medyo kakaunti na lamang ang mga naglalakad dahil karamihan ay nagsisimula na marahil ang klase.

Pagtingin ko sa relos ay isang minuto na lang ang kulang at late na ako sa klase namin. Agad akong napatakbo at hinanap ang Room 34 C.A.

"Good morning, Vaundee!" Salubong sa akin ng dalawang babaeng kaklase ko siguro. Naka-braid ang buhok nitong nahahati sa dalawa habang naka-headband naman ang isa saka naka-braces. Rich kids 'to panigurado.

"Newbie ka ba, Vaundee?" usisa ng naka-headband na halos ikapunit na ng bibig niya ang pagngiti maipakita lang ang metal na nasa ngipin niya.

Vaundee nga pala ang tawag sa lahat ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa Vaund University. Nabasa ko 'yun sa BID.

"Umm—y-yes," hilaw kong sagot saka ngumiti.

Naghanap agad ang mga mata ko ng bakanteng upuan habang nakikipagngitian sa kanila. Okay na sana kasi may bakante pa sa may likuran kaso nang inilapag ko na ang bag ko ay nakasunod pa rin sila sa'kin.

"We're seatmates din!" Tumili ang naka-braid ang buhok.

Pabagsak akong naupo saka ngumiti ulit sa kanila. Saktong wala pang professor kaya hindi ako late sa unang klase ko. Pero 'yun ang akala ko.

Bumaliktad paikot ang mundo ko at halos masuka ako sa sobrang hilo nang makita kung sino ang papasok ng classroom namin.

"Good morning, class! I am Caleb De Castro, your professor for the course Applied Business Tools and Technologies."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro