Chapter 4: First Day of Class

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 4

FIRST DAY OF CLASS


"You all know the drill, studs. It's time for my life's trailer." May ngiti sa gilid ng mga labi niyang usal na ikinahiyaw ng mga kaklase ko. Celebrity siguro siya dito sa campus. Naol.

In an instant, may pinindut siyang button sa gitna ng mesa at kung anong blue na ilaw ang lumabas mula rito.

"One fine morning of June 2026, a man who's 5 feet and 9 inches tall started to fall in love with Vaund University."

Everyone became silent and a woman's voice resonated in the whole room. A hologram was now showing us how he started being a professor of the university.

"He can sing." Ani ng boses habang pinapakita ang hologram ni Caleb na kumakanta sa isang videoke bar.

"He can dance."

Nagbulungan sila nang makitang sumasayaw naman ang hologram niya. Halos lahat ay tumutulo ang laway sa pinapanood nang inilibot ko ang aking paningin.

"He is a Master in International Hospitality, Tourism and Event Management and a Doctor of Philosophy in Tourism Management."

Napa-woaah ng mahina ang mga kaklase ko nang marinig 'yun but that's how I expected it. Nagpatuloy akong naka-focus sa pinapanood.

"Do you wanna know for whom his heart beats?"

Everyone was on the edge of our seats.

It's Kween Zebbe, awit!

Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa'kin at nagtama ang mga mata namin.

His hazel blue chinito eyes stared at me intently, without even dodging mine and it's melting my fangirling heart.

A loud rapid heartbeat filled my ears and I didn't know why I'm feeling this way.

"Good morning, Sir! Sorry for being late on our first meeting."

Naputol ang pakipagtitigan ko kay Caleb nang marinig ang boses na kanina ko pa hinihintay. Agad ding naputol ang malakas na pintig ng puso ko kasabay ng pagkawala ng hologram.

"You should have a very valid reason for interrupting my class and cutting off my intro presentation, miss." Paglingon ni Caleb sa babae.

"Of course, I have! Pinag-braid lang naman ako ng buhok ng Grand Master, Sir," aniya with so much class on her voice. Napansin ko ang pagngiti ng marami habang ang ilan ay nagpigil ng tawa.

"I assume your silence means you can do nothing with my excuse, Sir. You have to let me in." Maangas na dagdag niya but with respect still all over her voice. Nabalik ang paningin ko kay Caleb habang umiiling at napangisi.

Asuss! Kayo rin naman end game, e. Pakipot ka pa.

Naupo si Kween and sadly, medyo malayo siya sa akin. Pahapyaw lang akong napatingin sa kaniya hanggang sa natapos ang klase namin sa buong umaga.

"Vaundee, sa canteen ka mag-l-lunch ngayon?" tanong sa akin ng naka-braid nang magsitayuan na ang lahat. Tinitigan ko lang siya. Sobrang pamilyar nilang dalawa pero hindi ko masabi kung saan ko sila nakita.

"Hindi ka pa nga raw niya kilala, besh tapos kung magtanong ka parang ang close niyo na." Humagikhik ang naka-braces saka tinaas-taasan ako ng kilay.

"Okay then, I am Ciara Valle. It's nice meeting you!" Nakangiting pagpapakilala ng naka-braid.

"Hi, I'm Blessie!"

Wait. Ciara and Blessie? Sila 'yung—

"Blessie Gallo, right?" Nanlaki ang mga mata niya.

"H-How did you know?" I shrugged at napangisi.

Sabi na nga ba! Sila 'yung mean girl duo ng novel.

"Kaya pala sobrang pamilyar nila," bulong ko sa sarili. Agad akong napaayos ng tayo nang marinig nila.

"Can I ask something?" Agad silang tumango.

"Don't get offended ha? I m-mean—uh—ganito ba talaga kayo kabait sa lahat? I mean parang sa a-akin kanina. Kinausap niyo agad ako kahit hindi niyo pa ako kilala. 'Di ba?"

Sila nga kasi 'yung nananabunot, nambubuhos ng milk tea at nananapak ng mga students dito. Kahit nga mga lalaki'y hindi nila inaatrasan. Abot langit ang inis ko sa kanila noon. Bakit napakabait naman nila sa personal?

"Of course. What's your name by the way?"

"Mariyah with an h sa dulo."

Nakita ko ang pagbilog ng nakaawang nilang bibig saka gulat na nagkatinginan.

"Mariyah Merced?" sabay nilang tanong. Tumango ako, naguguluhan.

"MM, right?"

Kumunot ang noo ko. "The people, they also call me M'nM."

Napa-oh-my-gosh silang dalawa kaya mas nagkagulo ang mga brain cells ko.

"W-Why?" Paano nila nalaman buong pangalan ko? I mean, wala naman akong kapangalan sa kahit anong nobela.

"Ahh, wala, wala," agarang sagot ni Blessie.

"So anong feeling ng makasama s—" Halos mapunit ang mga labi ni Ciara na nagtanong sa'kin pero napa-aray siya nang sikuhin siya ni Blessie sa tagiliran.

"Gege, byers Mariyah with an h sa dulo! Seeyah around, Vaundee!" Kumakaway na paalam ni Blessie habang hinihila palabas ng room si Ciara.

Nang ako na lang ang naiwan sa loob ay doon lang nag-sink in lahat ng mga nangyari sa half day ko ngayon sa VU.

Nandito si Caleb na De Castro rin ang apilyedo at Kween Zebbe sa Vaund University. Their first meeting was how I imagined it while reading the novel. There's no excuse to say that it's not them. Nandito rin ang dalawang demonyitang walang ibang alam kundi ang mam-bully na sina Ciara at Blessie. This time, sobrang babaita naman nila.

"Aaaagh!" Napasigaw ako sa sobrang gulo ng isip ko. Nasa fictional world ba talaga ako kung nasaan ang mga taong in-i-imagine ko lang noon?

Kung narito man ako, bakit? Anong ganap ko dito? Paano ako napunta rito?

Hindi ko masagot-sagot ang mga tanong ko kaya nang mag-demand ang tiyan ko'y lumabas na ako ng room.

"Hey, you did great on my class." I froze when I saw who's now walking beside me.

Napatingin ako sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya.

Tugdugdug!

Nakita ko kung paano binasa niya ang mga labi gamit ang kaniyang dila saka kumurba ang isang tipid at nahihiyang ngiti.

TUGDUGDUGDUG!

Naibaba ko ang paningin sa kaniyang leeg. His Adam's apple was on its usual movement.

Shocks! Napaiwas ako ng tingin at nasapo ang magkabilang pisngi na kanina pa nag-aapoy sa init.

Mas binilisan niya ang paglalakad kaya nauna siya sa'kin ng ilang metro. Napatitig ako sa likod niya at nakikiliti sa hindi malamang dahilan.

He rarely gave compliment on anyone. But now—Agh! My assumerang brain cells, behave!

Habang nagpatuloy ako sa paglalakad, napahinto ako bigla. Naglalakad si Kween Zebbe sa kabilang side at ilang segundo na lang ay magkakasalubong na sila ni Caleb. Gusto kong tumakbo papunta sa kanila upang masaksihan ang iconic encounter nilang 'yun.

After nilang magsapakan sa CR ng mall, gusto kong makita kung sa pagkakataong 'to ay makikilala na nila sa wakas ang isa't isa.

Tulad ng nabasa ko sa BID, may bitbit na iced tea si Kween habang si Caleb nama'y napatingin sa phone niya saka itinapat iyon sa tainga.

This was it pansit!

Magkakabanggaan sila, tatalsik ang laman ng cup ni Kween at lilipad naman sa ere ang phone ni Caleb. Masasalo ni Caleb si Kween at magkakatitigan sila! Pag-p-predict ko ng mangyayari ayon sa aking nabasa.

Hindi nagtagal ay nagkasalubong sila at tulad ng inaasahan ko ay nagkabanggaan nga sila.

Yayyyks!

Slow motion na sumayaw sa ere ang iced tea ni Kween habang hindi maipinta ang magkahalong gulat at kaba sa mukha niya. Animo'y flying saucer naman ang cellphone ni Caleb na lumilipad paikot sa hangin. Pati ang mga estudyante sa paligid ay naka-slowmo ring napatingin sa kanilang dalawa.

Natapon sa uniform ni Kween Zebbe ang inumin pero higit pa run ang ikinatalon ng puso ko. Naka-bend siya habang nakapalibot sa baiwang niya ang mga kamay ni Caleb upang saluhin siya't pigilang matumba.

Iniwasan kong mapatili habang pinapanood silang mala-telenovelang naka-pause at three hundre sixty degrees na iniikot ang camera sa kanila. Nakagat ko ang kwelyo ng aking blazer.

"I'm sorry, Ms. Vaund," rinig kong ani Caleb saka itinayo ng maayos ang basang si Kween. Pinulot niya ang phone na medyo may basag at muling napatingin rito. "I'm really sorry, miss," pag-uulit niya saka malungkot na napangiti.

"It's okay, Sir. It's also my fault. Sorry."

"I think you should go to the rest room and change your clothes. You have an extra uniform with you? You can't attend your classes with that."

Natunaw ang puso ko sa concern niya kay Kween. Awit, sanaol!

Nang tumango si Kween habang abot hanggang tainga ang ngiti, akala ko'y sasamahan niya ito papuntang ladies CR pero sinundan lang niya ito nang tingin. I frowned.

He's supposed to accompany her to the restroom. Caleb pakihabol si Kween Zebbe. 'Yun na ang start ng love story niyo!

Sinundan ko ng tingin si Kween ngunit nang muli kong tingnan si Caleb ay animo'y napana ako ng mga mata niyang nakatitig pala sa akin. Bakit niya ako tinititigan ng ganiyan?

Nakita ko ang unti-unting pagkurba ng mga labi niya. May binulong siya na akala niya nama'y maiintindihan ko.

Ori? Sino si Ori? Ahh, baka pagkain nila 'yun dito at isina-suggest niyang order-in ko ngayong lunch. Nag-thumbs up ako na ikinailing niya saka mas lumapad ang ngiti.

Tumalikod siya't naunang maglakad papuntang canteen. Pagkarating ko run ay sobrang peaceful ng paligid. Ito 'yung normal na canteen kung saan nagkukwentuhan ang mga kumakain pero napaka-organized ng lahat.

Wala akong nakikitang pila at lahat ay nasa kani-kanilang mesa lang. Hindi tulad dati na halos ipagsiksikan ko na ang sarili ko sa naggigitgitang mga estudyante makabili lang ng pagkain. Sobrang laki rin nito at may mga hologram na iba't iba ang pinapalabas para aliwin ang mga kumakain.

"Good day po! May ori ba kayo rito?" Magalang na tanong ko sa babaeng cashier. Naka-buffet style ang pagkakaayos ng mga pagkain pero ni isa ay walang lumalapit dito upang kumuha.

"O-Ori? Wala kaming ganun dito, Vaundee." Nalilito pero natatawang aniya saka ilang segundong tinitigan ako. So ano 'yung ori na binulong ni Caleb sa akin kanina? "You should be new here in VU, aren't you?"

Nagulat ako sa sosyal niyang English accent kaya tumango na lang ako.

"I see. Here's how things go in this canteen. Umuupo lang lahat sa mga bakanteng mesa at oorder sila gamit ang monitor na lilitaw kapag pinindot nila ang button sa gitna—that red button there." Tumango ako nang makita nga ang pipindutin sa mesa. "Once their orders register to our system, i-d-deliver ng mga robots namin lahat 'yun sa table nila." Pagpapatuloy niya at kapansin-pansin nga ang mga robots na busy sa pagdadala ng trays ng pagkain.

Sobrang cool naman pala ng canteen nila.

"So why don't you go grab yourself a seat and order, hmm? I know kanina ka pa nagugutom." Ngumiti siya't akmang tatalikod na nang muling akong magtanong.

"Paano pala ako magbabayad? Wala po akong pera, ate."

"Hindi ka makakapag-enroll dito, Vaundee, kung wala kang deposit sa VU Bank na siyang gagastusin mo sa buong academic year. Don't worry."

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Ibig sabihin ay si Caleb ang nag-deposit ng pera para sa akin?

Nginitian ko na lang din siya at pumunta na sa bakanteng mesa. Sinunod ko lahat ng sinabi ng ate kanina at sobrang wow lang talaga nang makita ko ang mga menu nila.

Mga mamahalin at mukhang masasarap lahat. Gustuhin ko mang um-order ng mga iyon ay hindi ko magawa. Kay Caleb ang perang gagastusin ko kaya dapat maging maingat ako upang hindi niya isiping ginagasta ko lang basta-basta ang pera niya.

Habang nginunguya ko ang vegetable salad na in-order ko'y pakiramdam ko may matang kanina pa nagmamasid sa'kin. It's making me uncomfortable kaya binilisan ko na ang pagkain nang makabalik na ako sa classroom.

Nang ilibot ko ang mga mata para hanapin ang kanina pang nagpapatindig ng balahibo ko'y nahagip ng aking mga mata ang maamong mukha ni Caleb. Nasa 'di kalayuan siya, masayang kumakain kasama ang iba pang professors ng school.

Kasabay ng pagngiti niya ang kakaibang pakiramdam na humahampas sa bawat sulok ng puso ko. Hanggang sa paggalaw ng panga niya habang nginunguya ang kaniyang pagkain ay nakatutok ang mga mata ko.

Napasubo ulit ako ng isang malaking subo habang nakatitig sa bawat paggalaw ng Adam's apple niya. Kasabay nito ang pagkabog ng sobrang lakas ng dibdib ko.

He's my living Kalebb. Indeed, he's my dream man.

How couldn't I admire such cool and kindhearted guy?

As he paused for a moment and slowly moved his sight towards my direction, I couldn't explain the exceeding mix of emotions inside my heart and my head. I met his gaze that's gradually pulling my heart out, making me feel an out-of-this-world feeling I hadn't felt yet in my twenty-four years of existence.

Together with our eyes digging deeper into each other's souls, a question suddenly popped up into my mind.

I knew from the start how this would end but why did I allow myself to fall for him and get hurt in the end?

It saddened my entirety. I didn't have to feel this way, towards a man whom I know had already felt the same feelings for someone in the first place. This had to stop. This blooming love must come to an end, Mariyah. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro