Chapter 11: DD Bus 0143

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 11

DD BUS 0143


"Goodluck, Vaundees!" Iyon ang huling sinabi sa amin ng guards bago tuluyang isara ang pinto.

Inilibot ko ang aking paningin sa isang masikip na hallway sa aming harapan. Hindi abot ng aking mga mata ang dulo nito ngunit kapansin-pansin ang dalawang picture frame na nasa magkaharap na dingding.

"Ito ba ang VU dark room? Bakit hindi naman yata madilim?" tanong ko kay Caleb sa aking tabi.

"It's not what you think, Mariyah. Ang huling lumabas mula rito ay nabaliw at hanggang ngayo'y hindi pa rin gumagaling. Kaya dapat hindi tayo maghihiwalay."

Biglang tumigil ang tibok ng aking puso sa kaniyang sinabi.

"Bakit dapat hindi tayo maghihiwalay, e, tayo ba ha?"

Hindi niya ako sinagot sa halip ay narinig ko ang mabigat niyang paghinga saka naglakad sa gitna ng medyo makipot na daan. Habang tumatagal ay para bang paliit-liit ang espasyo ng daan at padilim ito nang padilim. Hanggang sa kahit nakabuka ang aming mga mata'y para kaming nakapikit sa sobrang dilim ng paligid.

"NOOOO!" Malakas na sigaw ko nang makita ang huling pangyayari. "No," bulong ko, humahagulgol at tinakpan ang mukhang basang-basa na.

"Mariyah..yah..yah," rumehistro sa tenga ko ang nag-e-echo-ng boses, "Mariyah!"

Napabalikwas ako ng upo nang tuluyang magising ng boses ang buong sistema ko.

"Caleb!" napahinga ako nang maluwag at niyakap siya gamit ang buong lakas na natitira sa aking katawan, "Thank God, you're alive!"

Naghahabol ako ng hiningang humiwalay sa kaniya't tinitigan siya-pinapamilyar ang bawat detalye ng kaniyang maamong mukha.

Mabuti na lang at masamang panaginip lang pala ang nangyari. Akala ko talaga totoong nagkasama kami nina Gift, Caleb at sina mama't papa. Lahat sila namatay sa panaginip na 'yun. Ayoko nang matulog ulit, baka bangungutin pa ako. Nakakatakot.

"Y-You're fine," dagdag ko, hinihimas ang malambot at makinis niyang pisnging nasa aking mga palad. It was just a dream, Mariyah.

"I am fine, syempre, nasa tabi kita buong araw. I got the pleasure of time staring at you while you're asleep-"

"Tinititigan mo ako kanina?" Pagpuputol ko sa sinabi niya. Tumango siya.

"Panaginip lang talaga.. pero mukhang totoo lahat 'yun! They all feel so real!" Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakikita ko ang mga mukha nina Papa, Mama at Gift. Totoong nakasama ko sila at hindi ako maaaring nanaginip lamang. Gusto kong makasama sila pero huwag naman sana 'yung nangyari kay Caleb. Ayoko pa siyang mamatay, e.

"They are all real. I and my feelings are real." Mahinang bulong niya ngunit sapat na para marinig ko. Agad akong napatingin sa kaniya.

"W-What did you just.. say?"

"Say, what?" Napailing ako sa pagmamaang-maangan niya.

Inilibot ko na lang ang aking paningin sa hallway na kinauupuan namin. Ngayon ko lamang napansin ang uniform niyang polo na nakatakip sa kanang side ng upper body ko.

"You did this?" nagtatakang tanong ko't hindi makapaniwalang hawak ang kaniyang damit.

"That's the best thing I should do that very moment, I guess. I want to take care of you in ways I know."

Ibinaba ko ang aking paningin sa katawan niyang nakaputing sando lamang. Ngayon ay lantad na sa tapat ko mismo ang hitik na hitik niyang mga braso. Nag-g-gym yata ang lalaking ito.

Lunok.

Nagsimulang mamawis ang aking mga kamay nang makita ang solid niyang collar bone na para bang inaanyaya akong hawakan ito. Muli akong napatingin sa kaniya bago ibinaba ang aking mga mata sa bumabakat niyang 8 pack abs.

"Mariyah." Napapikit ako ng mariin nang tuluyang matunaw ang aking puso sa pagkiliti ng kaniyang buo at pabulong na boses sa aking tainga.

Ito ba ang sinabi niyang mababaliw lahat kapag pumasok sa madilim na kwartong ito? Matapos kong humagulgol ng iyak sa nangyari kanina, ngayon nama'y kaunti na lamang at mawawala na ako sa wisyo dahil sa katawang nasa harap ko.

"Can we go back to where we used to be after this? Can you promise to stay with me no matter what happens?" Malungkot at nagsusumamo ang mga mata niyang nakipagtitigan sa'kin habang lumalabas ang mga salitang iyon sa kaniyang mga bibig.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Please promise me you'll still feel the very same happiness and excitement even if you'll know everything?"

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya pero tanging alam ko lang ay hinihigop nito ang aking hininga, pinapasikip ang aking dibdib.

"Caleb-"

Agad niya akong niyakap ng mas mahigit pa sa inaakala ko. Iba ang init na hatid ng kaniyang balat sa aking katawan.

"Just promise that you'll never leave me because I promise.. I promise, aayusin ko ang lahat. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon. Pinapangako ko, Mariyah."

Naipikit ko ang aking mga mata habang ninanamnam ang sarap sa pakiramdam ng pagkakahimas niya sa'king buhok. Matagal ko itong inaasam-ang mapansin ng isang Caleb De Castro.

"Vaundees, you can now leave. The Grand Master's waiting for you outside."

Automatic kaming napahiwalay nang marinig ang boses na iyon mula sa isang speaker na nakakabit sa gilid. Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya inalalayan niya akong makatayo.

"I'm sure you need to wear this. Baka ano pa ang isipin ng Grand Master sa atin," pagbibiro ko.

"Bakit ayaw mo bang isipin niya ang iniisip mo?"

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi ko inaasahang sasakyan niya ang biro ko.

"Baliw!" Inikutan ko siya ng mata, hinagis ang polo sa kaniyang dibdib sabay lakad papuntang pinto. Nakita ko pa ang nakakalokong ngisi niya bago ako tuluyang naglakad.

"How's your stay, Professor De Castro? Ms. Merced? I hope it won't ruin the image of Vaund University in your eyes." Bungad sa amin ng Grand Master kasama ang guards niya sa likod.

"Surely, it won't Grand Master. I'm thankful instead because I know myself-my priorities-better this time," malapad ang ngiting ani Caleb. Napangiti't napatango ang Grand Master.

"Thank you so much, Grand Master for the unforgettable experience." Pagpapasalamat ko rin nang tingnan niya ako.

Malaki nga talaga ang pasasalamat ko sa naging karanasan ko sa loob dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makasama kahit sandali lang ang mga taong gustong-gusto kong makita. Alam kong hindi na iyon mangyayari pang muli.

"If that's the case, I wish you both goodluck. Here are your things. Have a safe travel back home. See you on Monday!"

Tinanggap ko ang aking bag mula sa isang guard at ganun din naman si Caleb. Nag-bow siya kaya nakigaya na rin ako saka ko siya sinundang maglakad palabas ng campus.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin na nakatayo sa gilid ng kaniyang sasakyan.

"Makikisakay, siguro?"

"Nope, I'll send you the bus number. I have somewhere to go." Aniya saka sumakay ng kotse.

Hindi pa man ako nakapag-react ay pinaharurot na niya ang sasakyan habang naiwan akong nakasunod lamang ng tingin.

Nabalik ako sa wisyo nang tumunog ang phone ko sa bag. It's a text message from Caleb. Napakunot agad ang noo ko.

From: Baby Caleb, asawa ko

DD Bus 1310

I'll just pick you up in the stopover. Use the wallet in case you need it.

Hindi ko man alam ang gagawin ko'y inilabas ko ang wallet na sinasabi niya. Nakita ko sa loob ang ilang 2x2 at passport size photos ko kaya napaisip ako bigla kung stalker ko ba siya at bakit may ganito siyang kuha sa akin-which was limited edition lang talaga ang mukhang 'to. Sa mga shots na 'to lang ako maganda, e. Napansin ko rin ang ilang perang papel na iba't iba ang kulay pero hindi ko muna iyon binilang kasi hindi ko ma-gets 'yung pangalan na nakalagay.

Ang weird lang. Ibinalik ko na lang ang wallet at nagsimulang maglakad.

"Saang daan ba ako pupunta nito? Daig ko pa ang nasa movie na wrong turn sa dami ng pagpipiliang direksyon." Naguguluhan kong tanong sa sarili habang pinapanood ang mga magagarang sasakyang dumadaan sa intersection ng kalsada.

"I think it'll be a long, looong day for you, Mariyah and a hard day too." Napabuntong-hininga ako't napapailing na naglakad.

Nakita ko ang pila ng mga tao kaya nakihalo na rin ako. Dito pala ang sakayan at babaan ng mga pasahero kaya timing na rin na dito ako napunta. Ngayon ko lang din nalamang kaya pala DD bus dahil Double Decker bus siya at halos wala akong makitang ganun sa Pilipinas. Hindi pa ako nakakasakay nun.

"There's the DD bus 1310!" sabi sa akin ng babaeng pinagtanungan ko kanina. Hindi ako umimik, pinanood ko lang ang pagtakbo nito papunta sa amin at huminto pa mismo sa tapat namin.

Hindi ko feel na sumakay pauwi. Ewan. Nanatili akong nakatayo sa ilalim ng animo'y waiting shed nila ritong may bubong na kulay green.

"There's another DD bus for you!" Turo na naman ng babae ngunit sinabi kong sa susunod na bus na lang ako.

Ayoko pa talagang umuwi. Baka mas masaktan lang ako kung taliwas sa mga sinabi ni Caleb sa loob ng VU dark room ang sasabihin at gagawin niya 'pag nasa bahay na ako. Masakit pa ang puso ko't magang-maga pa ang mga mata ko kaya ayaw kong madagdagan pa.

"Oh, I'm sorry but I have to depart na. Nandiyan na ang bus pauwi sa amin." Naka-pout na paghingi niya nang tawad nang matanaw namin ang DD bus na hinihintay niya. Napangiti ako ng mapakla.

"It's okay. I'm fine here. Thank you for the big help. Have a safe trip!" Kumaway ako sa kaniya bago siya umakyat ng bus.

Nakita ko ang pagkaway at pagngiti niya sa akin nang makaupo siya malapit sa bintana.

"Sa wakas, andiyan na ang DD bus natin pauwi!"

Narinig ko ang boses ng lalaking nasa edad trenta pataas, halata ang pagkabagot sa paghihintay. Out of curiousity, napatingin ako sa bus at sabi sa sign board na nagpa-flash sa right side ng windshield nito'y DD Bus 0143.

"DD Bus 0143? Sino namang sasakay sa bus na 'yan? 'Yung mga papunta sa mga jowa nila?" Medyo natatawa't pabulong kong tanong dahil sino naman kasing magpapangalan ng bus na 'I love you' ang equivalent ng numero.

Nang makita kong ako na lamang ang kaisa-isang natirang nakatayo sa gilid ng kalsada dahil lahat pala ng mga naghihintay kasama ko'y iyon ang sasakyan ay inihakbang ko na rin paakyat ng bus ang aking paa. Nakaupo na ang lahat kaya ako na lamang ang pinagtitinginan nila. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mga pisngi.

Napatingin-tingin ako sa mga dingding ng bus dahli baka may nakasulat na bayad muna bago upo or bayad muna bago baba o baka naman may barya lang po sa umaga. Hinanap ko na rin agad kung may tali bang nakalagay sa gitnang ibabaw ng bus na kinakalabit kapag bababa dahil ganun sa amin kapag sumasakay ng jeep, e. Pero nang makita kong wala'y kinabahan na ako ng sobra dahil hindi ko alam kung paano pumara.

Baka dalhin na ako sa bahay ng driver or sa parking lot ng mga DD bus.

Fare:75 krukrukru'basa ko sa nakasulat sa ibabaw ng pintuan.

Kinuha ko ang wallet habang pinipilit ibalanse ang aking katawan sa muling pagtakbo ng bus.

74 krukrukru lang ang pera sa loob ng wallet? Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtantong kulang ang pera ko. Pakiramdam ko'y butil-butil na rin ang aking mga pawis sa kili-kili.

"Sir ito ba siya?" Napatingin ako sa driver nang magtanong ito.

"Yes, Triple D!" Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon.

Kunot-noo kong dinahan-dahan ang pagsunod ko ng tingin sa pinangagalingan ng boses. At sa ika-pitong linya mula sa pinakadulong upuan ay natanaw ko ang nakakurba niyang mga labi, mga mata'y nakatitig lamang sa akin.

"Come over, Mariyah. I reserved you a seat!" Hanggang tainga pa ring ngiti niya nang tawagin ako. Animo'y kaming dalawa lamang ang tao sa mundong aming ginagalawan.

"Jaxxon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro