Chapter 10: Grand Master

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 10

GRAND MASTER


"Sir Caleb! Sir Caleb! Dito po sa table namin may vacant seat pa po!"

Napatingin ang marami sa sumisigaw at kasama na rin ako run.

"Thanks," tipid na sagot ni Caleb saka nakangiting naupo sa isang table malapit sa akin.

Guess who's around the table he's sharing with? It's Kween Zebbe and her closest friends.

Naisubo ko ang ilang hibla ng spaghetti saka animo'y sabaw na hinigop sa lakas ng tunog mula sa aking mga labi. Nakita ko ang pagtingin nila sa akin ngunit agad kong nadampot ang aking four seasons herbal iced tea at tumingin kunwari sa kabilang side. Nang mapansing nagtuloy na sila sa pagkain at pakipagdaldalan ay muli kong ibinaba ang baso't nakahinga ng maluwag.

Actually, hindi na ito ang unang beses na nakikita kong kasabay ni Caleb ang grupo nila Kween sa pagkain, mapa-snacks man o lunch. Simula nang mag-confess ako sa kaniya'y ganito na ang nagiging treatment niya sa'kin. As expected from a Caleb De Castro, more than anyone else ako dapat ang mas nakakaintindi dahil mas kilala ko siya.

Oo, nasasaktan ako kasi gustong-gusto kong ako ang katabi niy't hindi si Kween. In-i-imagine ko pa lang na makakatabi ko siya sa gitna ng napaka-busy na canteen, kumakain at nagtatawana'y napapatili na ang kaluluwa ko. Pero hanggang pangarap na nga lang siguro ako dahil mula pa sa nobela'y sila ang nakatadhana. Hanggang sa totoong buhay, ganoon pa rin talaga ang kapalaran ko.

Minsan nga na-k-kuwestyon ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kasi naman sa una pa lang alam ko na ang mangyayari pero hindi ko pinigilan man lang ang pagkahulog sa kaniya.

"Hays." Napabuntong-hininga na lamang ako't tinapos agad ang kinakain. Bumalik ako ng classroom at natapos ang lahat ng natitirang subjects nang malayo ang isip.

"MM, okay ka lang? Tulala ka na naman diyan na parang mangiyak-ngiyak na ewan." Tinapik ng katabi ko ang aking balikat, nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Yeah, I'm fine. Thanks for asking." Ginantihan ko siya ng tipid na ngiti.

"Anong you're fine? Tsaka salamat talaga dahil kinausap pa kita. Tingnan mo oh tayong dalawa na lang ang natitira dito."

Napaawang ang mga labi ko't mabilis na inilibot ang paningin sa buong silid na kami na lang ang tao.

"A-Asan na silang lahat?"

"Umuwi na. Ten minutes na rin kasi ang nakalipas simula nung natapos ang last subject natin." Natatawang aniya. Nagmamadali kong kinuha ang flash drive na nakasaksak sa gilid ng aking table saka inilagay iyon sa bag ko.

"Shocks! Ba't hindi mo agad ako sinabihan?!" Natataranta kong inayos ang sarili. Mas nagpigil lang siya ng tawa bitbit ang kaniyang sling bag.

"Ikaw kaya ang pinakadakilang tulog na nakadilat. Talo mo pa ang mantika kapag ginigising, MM. Bwahahaha!"

Nasuntok ko ng mahina ang braso niya kaya napahalakhak na talaga siya.

"Kainis ka! Sige isa pang pang-aasar mo't baka masipa na kita palabas. Ano?!" Pananakot ko pero tumatawa pa rin siyang nag-peace sign sa'kin habang naglakad paatras, papalabas ng pinto.

Pagkalabas ko'y kakaunti na lamang ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway at halatang pauwi na rin sila.

"Owemjii! I'm so sorry, Vaundee! Sorry, sorry!"

Halos mapatalon ako nang biglang may mango shake ang lumipad sa ere mula sa isang direksyon at saktong lumanding sa tuktok ng ulo ko.

"Ang lamig!" Napahid ko agad ang aking buhok na nabasa ng shake saka napayuko upang hayaang tumulo iyon sa sahig.

Ngayon ay gising na gising na ang natutulog kong diwa at ang kaluluwa kong naglakwatsa kung saan ay agad napatalon pabalik ng aking katawan. Napanganga ako sa gulat habang nanlalaki ang mga mata nang maramdaman ko ang pagdausdos ng natutunaw na ice sa gilid ng pisngi ko.

"I'm sorry, sorry, sorry! Sorry talaga, Vaundee!" Patuloy niyang paghingi ng paumhanhin habang pilit pinupunasan ang ulo ko gamit ang panyo.

"O-Okay lang, okay lang ako. I think kailangan ko lang maglinis sa restroom." Ngumiti ako ng mapakla at agad naman siyang tumango.

"Basta huwag ka lang magtat-"

"Okay lang talaga ako! No need to worry na, Vaundee! Bye!" Mabilis akong napatakbo papunta sa direksyon ng girl's restroom.

"Aggh! Ang lamig para akong nag-ice bucket challenge ng wala sa oras," usal ko habang nakatitig sa basang mukha sa salamin. Binuksan ko ang faucet at sinimulang basain ang aking mga kamay saka sinuklay-suklay ang aking buhok para matanggal ang maliliit na butil ng mangga.

"Sige na nga! Basta bilisan mo lang okay? Anong oras na oh!"

Napatingin ako sa may pintuan at iniluwa nito si Ciara na halos itulak na ni Blessie papasok, hawak-hawak ang pantog nito.

"Iihi lang naman ak-Hi, MM!" Agad siyang napangiti at kumaway saglit sa akin saka siya nagmamadaling pumasok ng cubicle.

"Hindi ka pa umuwi, MM?" Usisa naman ni Blessie na nakasandal ang balikat sa pintuan, nakakibit-balikat.

"Mamaya pagkatapos kong ayusin ang buhok ko. Natapunan kasi ng mango shake kanina habang naglalakad ako palabas," paliwanag ko. Tumango naman siya.

"Success!" Nag-stretch pa ng braso si Ciara pagkalabas ng cubicle saka napatingin sa mahabang salamin sa harap namin.

"Ang ganda-ganda ko talaga! Oh, MM hindi ka pa ba sinundo ng hus-" Napatingin sa akin si Ciara ngunit hindi pa man niya natatapos ang sinasabi'y mabilis tumakbo papunta sa kaniya si Blessie't isinuksok sa bibig niya ang panyong dala nito sabay takip ng kamay sas bibig nito.

"Pasensya ka na, MM, parehong madaldal talaga kami ni Ciara."

Hus- Hus- Hus-Sino ka ba talaga Caleb De Castro? Kaano-ano ba kita?

Ngumisi siya ng pilit sa akin saka bumaling kay Ciara na para bang nasusuka sa nakalagay sa kaniyang bibig.

"'Di ba sinabi kong mabilis ka lang kasi anong oras na? Naku ikaw talagang bata ka! Malalagot ka talaga sa'kin paglabas. May singit talaga akong makukurot jusmiyo marimar kang nilalang!" Nanggigigil na hinila palabas ni Blessie si Ciara na pilit pang nag-b-bye sa akin kaya kumaway na rin ako.

Nang muling tumahimik ang paligid ay nagpatuloy ako sa paglilinis ng sarili. Nang matapos ay agad akong lumabas ng restroom at laking gulat ko nang wala na lahat ng mga estudyante. Naka-on na rin lahat ng mga ilaw at pagtingin ko sa labas ay madilim na pala.

"Ms. Mariyah Merced."

Napahinto ako nang may apat na maskuladong mga lalaking lumapit sa akin. Lahat sila'y nakaitim na tuxedo, nakaitim na makikintab na sapatos at puro naka-brush up ang buhok. Napalunok ako sa magkahalong takot at kilig dahil kahit nakakatakot ang pormahan nila'y nakikiliti ako habang tinititigan ang edgy nilang mga panga't matatangos na ilong na sa Ebook novels ko lamang nababasa dati.

"Ipinapatawag ka ng Grand Master sa kaniyang opisina. Ngayon din!" Matikas na sabi ng isang umiigting pa ang pangang nakatitig ng diretso sa akin.

Lunok.

Walang tunog kaming naglakad sa gitna ng malinis na hallway, animo'y nakalutang lang sa hangin.

"They're both here, Grand Master." Rinig kong tinig ng isang lalaki pagkasara ko ng pinto. May dalawang lalaking malalaki rin ang katawan at naka-uniform na nakatayo sa magkabilang side ng room habang may isang lalaki namang nakatalikod mula sa gawi ko't sa aking tantiya'y isang propesor base sa suot nito.

"Ms. Merced, welcome to my office."

Napatayo ako ng maayos saka pinagpagan ng mahina ang aking blazer nang makita ang isang babaeng nasa mid-40s ang edad. Umikot ang swivel chair na kinauupuan niya't sa pagharap niya naaninag ko ang magandang mukha ng babaeng nag-welcome sa akin nung unang araw ko sa Vaund University.

"T-Thank you, Grand Master." Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.

"Have a seat, both of you." Isinenyas niya ang magkaharap na upuan sa harap ng kaniyang mesa.

Nakangiti't nag-bow ako bago naupo sa kaliwang side ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ng harapan ang lalaking dahilan ng pagkalutang ko buong araw.

"I suppose you two have already read the Vaund University rule book. It is written that anyone seen within the university premises after the given class time allowance will be given appropriate punishment. Now, I'm willing to listen to your reasons and let's start with you, Ms. Merced." Kalmadong panimula niya ngunit bakas pa rin sa tono ng boses nito ang pagiging pormal, sopistikada at paggalang ng lahat.

I cleared my throat first before answering.

"I-I'm sorry, Grand Master b-but I really don't know anything about the rule bo-"

"Stop giving me that kind of reason, Ms. Merced! Ignorance of the law excuses no one! It-does-not-excuse-you!" Tinuro niya ako habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin.

BIGTIME LUNOK.

"How about you, Professor De Castro?" galit niyang ibinaling ang paningin sa nakaupo kaharap ko. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam's apple at mabilis na pagkagat niya ng kaniyang ibabang labi.

"I waited for someone.. at the university parking space, Grand Master."

Muli siyang napalunok saka sinalubong ako nang tingin, nangungusap ang mga matang pinagdarasal kong ako ang tinutukoy niya at muling ibinalik ang mga mata sa kausap.

"It's settled then. According to the rule book, you, Professor De Castro and Ms. Merced, will be staying here overnight until tomorrow afternoon inside the dark isolated VU room. No phones, no communication. Now hand over your phones to the Vaund Guards and get ready for a roller coaster ride. Enjoy!"

I felt weird with her smile. My heart started to beat faster and faster.

Pareho naming inabot ang aming phone sa nakatayong mga lalaki saka lumabas na ng opisina matapos magpaalam sa Grand Master.

"Anong meron sa VU room ba?" Hindi ko napigilang magtanong kay Caleb habang binabambo na ng malakas ang dibdib ko.

"It's the room you won't wish to visit with your whole life." Maikling sagot niya nang hindi man lamang ako tinatapunan ng tingin saka nagtuloy sa paglalakad kasunod ng apat na guards.

It's the room you won't wish to go in with your whole life.

'It's the room you won't wish to go in with your whole life.

W-What was he referring to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro