Chapter 9: Confession

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 9

CONFESSION


"I said, where did you go and whose shirt are you wearing, huh?!" Seryoso ang mukha niya nang muli akong tanungin. Matapos ko siyang nilagpasan ay hinila niya ang kamay ko't galit akong pinaharap sa kaniya.

"Do I have to answer that?"

Ikaw nga hindi nagsabi sa aking may date kayo ni Kween Zebbe. Napairap ako.

Mahina siyang bumuntong-hininga at disappointed na umiwas sa akin ng tingin.

"Okay, let's rephrase it. Bakit ka ginabi ng uwi?"

Tumaas lang ang kanang kilay ko at muling nakipaglaban sa mga titig niya.

Manigas ka!

"C'mon, Mariyah. Walang matinong babae ang uuwi ng ganitong oras." Nasapo niya ang sariling noo.

Really?'Pinanlakihan ko siya ng mata sa isip ko.

"Will we just stare at each other all night? I don't read minds so please don't make me do it now."

Binigyan ko siya nang bahala-ka-sa-buhay-mo look, binawi ang kamay saka nakakibit-balikat at panlalaking naka-de cuatrong naupo sa couch. Muli siyang bumuntong-hininga nang isang kilometrong lalim. Napahalakhak ako sa isipan ko.

"Take off your shirt. I'll give it back whoever the owner is," maawtoridad na aniya. Nang hindi ako gumalaw ay mas lumapit siya sa akin saka akmang hahawakan ang shirt ko.

"Hephephep! Gusto mo talagang maghubad ako dito? Sa mismong harap mo? Sure ka? Ha, Caleb?"

Itinapat ko ang aking palad sa mismong mukha niya para pigilan siya. Animo'y kinikiliti pa ang aking mga ugat nang maramdaman ko ang mainit-init niyang hininga sa aking palad.

Marupok side mode: On. Hay naku, self.

"I-It's n-not.. It's not what you think okay."

Nauutal naman niyang usal na hindi magawang tumingin sa akin, namumula't napapalunok.

"'Yun naman pala, e," pagmamaktol ko. "Pero kung gusto mo talaga, pwede namang bukas o sa susunod na araw," pabulong na dagdag ko.

Moment of silence.

"Ako, may tanong ako sa iyo, Caleb."

Hindi pa rin niya ako tinitingnan at namumula ang mga tenga. Umupo ako paharap sa kaniya, nakatungtong ang kanan kong binti sa couch at nakapatong naman ang aking kanang braso sa sandalan.

"Bakit hindi mo sinabing may date kayo ni Kween Zebbe?" Agad siyang napalingon sa akin at ang mga iyon ang nagpadurog sa aking puso. Palagi na lang.

"I-I mean.. bakit kailangan mong itago 'yun sa akin?"

Unti-unting gumapang paitaas ng aking dibdib ang pamilyar na kirot at hapding hindi ko alam kung kalian ko huling naramdaman.

Nanatili siyang tahimik, sinisisid ang aking kailaliman sa pamamagitan ng aking mga matang nagsisimula nang mamasa.

"Hindi mo ba alam na alam kong may masamang mangyayari sa 'yo?" Napasinghap ako ng maraming hangin, tumingala upang pigilan ang nagbabadyang mga luha saka muling humarap sa kaniya. "Hindi mo man ako paniwalaan pero paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo na alam ko na ang takbo nitong kwento-nitong lahat-lahat!" Napalakas pa ang aking boses. Gusto kong ibuga lahat ng sakit na idinulot niya sa'kin simula pa nung una.

"I knew you as a calculated person. Hindi ka basta-bastang nagsasalita kung hindi mo pag-iisipan ng ilang libong ulit. Hindi ka nag-o-open up ng mga bagay tungkol sa'yo kung hindi ikaw ang may gusto. Ikaw ang lalaking dinidistansya ang sarili sa iba. Ngunit doon kita nagustuhan mapa-Kalebb ka man ng nobela o ang Caleb na nakilala ko sa park." Nauubusan ng hiningang dire-diretso kong usal, nakatitig sa nakakalusaw niyang asul na mga mata.

"Out of the blue, heto ako't nakikitira sa mansyon mo. I saw how good you treated me. Ibang-iba sa Kalebb na akala ko nabasa ko na lahat, mula prologue hanggang epilogue. Marami ang nagbago at hindi ko alam kung bakit. Kung dahil man 'yun sa hindi ikaw ang tunay na Kalebb o dahil pinipilit kong isiping ikaw at ang lalaking nabasa ko sa isang nobela'y iisa ay hindi ko na rin alam." Kalmado kong usal sa nangungusisa niyang mga titig. Bumuntong-hininga ako sa bigat ng aking dibdib.

"Isang bagay lang ang nasisiguro ko, Caleb. At 'yun ay ang.." Hinugot ko na ang lahat ng lakas ng loob na natitira sa aking sarili. "Gusto kita, higit pa sa Kalebb na nakilala ko mula sa isang nobela."

Nilamon kami ng nakabibinging katahimikan. Tanging mga mata lamang namin ang kapwa nangungusap.

"Gusto ko nang magpahinga," walang emosyong usal niya sabay tayo at naglakad paakyat ng hagdan. Sinundan ko lamang siya ng tingin, hinihintay na lingunin niya ako.

Dumiretso siya paakyat hanggang sa unti-unti siyang naglaho sa aking paningin. Muli akong bumuga ng malalim na buntong-hininga. Hinayaan kong bumagsak ang aking katawan sa couch at bumaluktot habang itinatago ang mukha sa aking mga tuhod.

Ganito pala kasakit ang ma-reject ng taong minahal mo sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon. At least, naranasan ko 'to. This made me feel human.

Ilang minuto pa akong nasa ganoong posisyon, umiiyak ng tahimik at patago, bago ako umakyat na ng kwarto. Naibagsak ko ang aking sarili sa kama at tumitig sa imahe nina Tom at Jerry sa kisame.

'Sana pagkatapos ng nangyari'y babalik ulit kami sa dati.'

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang mga nangyari kanina kasama si Jaxx at anak niyang si Chandrea. Nakalimutan ko pala siyang tanungin tungkol dun.

"Will it matter kung tatanungin ko siya gayung hindi ko naman na ulit makikita sila Jaxx at ang anak niya?" Tanong ko sa sarili ngunit alam kong naging malinaw na sa kaniyang ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon sa kanila.

Hindi ko naman talaga sila naaalala. Wala akong ni isang pangyayaring naaalalang kasama ko sila. Ayoko rin namang tuklasin kung anuman 'yung narinig ko kanina.

Hindi nagtagal ay natulog na ako't pinagdasal ko na lang lahat.

***

"Good morning."

Napalingon ako sa kaniya't sinundan ng tingin hanggang sa maupo siya sa tapat ko. Walang nagtangkang magsimula nang mapag-uusapan habang kumakain kami ng agahan.

"Nakatulog ka ba matapos lutuin 'to lahat?" Usisa ko dahil naabutan ko lang 'tong mga pagkain kaninang ininiinit sa malaking microwave oven niya. Ako ang tagaluto ng breakfast dahil matagal siyang magising kaya sigurado akong napagod siya sa pagluluto kanina.

"Do I look like I cook things like that?" Naiinis na tanong niya pabalik saka sumubo ng kanin at menudo.

"Ah-ehh s-sino? May maid na ba tayo dito sa bahay?" Napalingon-lingon ako sa paligid.

"Zebbe knows these are my favorites kaya nagpa-deliver siya kanina."

Naputol agad ang kilig ko sa idea na gumising siya nang maaga para lang ipagluto ako ng agahan. Akala ko pa naman ito ang way niya para sumagot dun sa naging confession ko kagabi.

'Nagtatanong ka pa kasi self, ayan tuloy nakapag-dessert ka ng mapait na selos at pusong durog.'

"That's good. Sanaol. Hehe," pilit kong tawa saka muling yumuko't nagtuloy sa pagkain. Una siyang natapos habang ako, naiwan na naman sa mesang mag-isa. Ewan, tinatamad akong tumayo at lunukin lahat ng nasa bibig ko. Tinapos ko ang aking pagkain, hinugasan ang mga pinggan, naligo at nagbihis na.

"Thank you." Malamig kong usal, walang ekspresyon ang mukhang binuksan ang pinto ng kotse niya. Hindi ko na siya nilingon ngunit bago ko maisarado nang tuluyan ang pinto ay narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga na mas nagpabigat ng aking dibdib.

"Good morning, class!" bati ni Caleb sa'min kaya sabay-sabay din kaming tumayo't bumati sa kaniya.

"To start off this meeting, I want someone to give me the definition of GDS or the Global Distribution System as per advised for you to research." Agad niyang usal in his deep baritone voice na nagpatili ng mahina sa mga kaklase ko.

"Global Distribution System as a term in the travel industry links to a system used as distribution channel of travel products to agents across the globe. It is a single point of access for making reservations of flights, car rentals, hotel rooms, tour packages and other travel-related items. That would be all Sir, thank you!"

Walang ibang reaction ang lahat ng mga kaklase ko sa agarang pagtayo at pagsagot ni Kween sa tanong kundi ang mapanganga at mamangha sa talino niya. Um-echo sa buong room ang palakpakan ng mga kaklase ko lalo na ang mga lalaking mga puso na ang lumalabas sa mga mata. Halos magkandapunit-punit pa ang mga labi ng ilan sa pagkakangiti.

"Thank you, Miss-"

"Zenesstier, Sir. Zebbe Zenesstier."

Napatango agad si Caleb. Napataas naman ako ng kilay. Kunwari pa silang hindi nila kilala ang isa't isa gayung nag-d-date na nga ng patago. Tsk.

I rolled my eyes and shrugged, irritated.

"Ang sweet nila magtitigan 'no, MM?" Napalingon agad ako kay Ciara na bumulong sa likod ko pero ngumisi lang siya. Maisumbong nga sa admin.

"Did you know that Amadeus is the leading GDS today?" tanong muli niya sa amin.

"It's your job to let us know things that we still don't know Professor. Please get straight to your point." Inis kong sagot at dahil sobrang tahimik ng lahat ay rinig na rinig ang boses ko sa apat na sulok ng room namin. Nagkibit-balikat akong nakasandal sa likod ng upuan, diretsong nakatingin sa kaniyang animo'y walang masama sa sinabi ko.

Narinig ko pang may napaubo ng mahina, may tumikhim at ang iba ay nagpipigil ng tawa.

"Noted, Ms. Merced." Huminga muna siya ng malalim.

"Now, let's jump to the next distribution system who acquired two of its rivals in the industry. The Travelport acquired the Galileo International on 2001 amounting $4.3 billion through its travel predecessor, Travel distribution services. Later, on December 2006, Travelport also bought Worldspan for $1.4 billion. Moreover, in 2007, it completed the deal with its rival and integrated it with Galileo. Other subsidiaries of Travelport include Travelport Apollo, Travelport Galileo and Travelport Worldspan, and Travelport Digital."

Mahabang litanya niya habang may hologram na naka-flash sa harapan naming lahat, ipinapakita nito ang lahat ng kaniyang sinabi at ilang mga statistics ng Travelport.

"Any further question? Please don't hesitate to ask."

"With Travelport, Professor, can you say that acquiring other distribution systems in the market is really helpful to increase your competitiveness and stay on the lead?" Sarkastiko kong tanong, nakakibit-balikat pa rin. Agad naman siyang napatitig sa akin, hatalang nagulat din gaya ng mga kaklase ko.

"If you are referring to my personal opinion, Ms. Merced, yes. It helps a lot in maximizing your capabilities and scope as a system. It's like you gaining new set of friends. It helps you improve your performance and your character at the same time. There are certain things you discover doing while having new people around you-"

"Like hiding secrets from the people you first and originally get close to? Am I right, Professor Caleb?" Mas tinalasan ko pa ang aking pagkakatitig sa kaniya. Agad tumaas ang mga kilay niya.

"There are things which need to be kept a secret and to be spilled while some stand in between."

"But is it too confidential to hide it from someone who only cares for your safety?" Pagtutukoy ko sa muntikan na niyang pagkamatay dahil sa secret date nila.

Mas marami ang napatikhim at lalong bumigat ang atmosphere sa loob. Walang bumibitaw sa titigan namin.

"Is it also bad if you only want to protect that someone by keeping your secrets?"

Aba, aba, lumalaban.

"Protecting is different from being selfish, Professor."

Naramdaman ko ang kirot nang maalala kung paano niya itinago sa akin ang pagkikita nila ni Kween Zebbe. Kung hindi ko pa aksidenteng nasagot ang tawag ay hindi ko malalamang iyon na pala ang gabing muntik siyang mag-agaw-buhay. Na siyang gabing muntikan kong pagkagahasa.

Napalunok kami pareho kasabay ng tibok ng aking pusong nag-uunahang para bang may karera silang kailangan ipanalo.

"Sometimes you need to be selfish for you to be selfless, Ms. Merced."

Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ng malakas ang bell sa hallway. Sign na tapos na ang oras klase namin.

Automatic na nagsigalaw ang lahat at napansin ko ang mabigat at malalim nilang hininga.

"Good bye, class!" Pagpapaalam niya saka muli akong sinulyapan bago tuluyang lumabas.

"That was so heavy, MM. LQ kayo ng hus-"

Agad akong napalingon sa likod nang marinig ang boses ni Blessie ngunit natatakpan na ang bibig nito ng kamay ni Ciara. Pinanlakihan siya nito ng mata at napangiti ng mapakla nang mapatingin sa akin.

Hus- Hus- Hus- H-Husband?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro