Chapter 15: Hinigugma Ko

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 15

HINIGUGMA KO


"Mariyah?" Bakas sa mukha niya ang gulat nang mapansin ang presensya ko.

"One Earl Grey Tea, take out delivery for Mr. Jaxxon Andreas," nakangiting usal ko saka inabot sa kaniya ang cup.

"P-Pa'no mo nalaman?" nagtataka pa ring tanong niya.

"Actually, hindi ko alam na paborito mo rin 'yang tsaa pero kung magugustuhan mo, bonus na lang 'yun."

Napapangiti niyang tinanggap ang cup at ibinaba muna ang helmet na nasa kamay. "I mean paano mo nalamang nandito pa ako?" usisa niya habang humihigop ng tsaa.

"Nagbakasakali lang naman ako. Mabuti na lang naabutan kita, 'di ba?"

Napatango siya't nagpatuloy sa paghigop ng iniinom.

Lumipas ang halos isang oras at hindi namin namalayang humupa na pala ang ulan sa labas ng parking space malapit sa coffee shop.

"Hatid na kita?" suhestiyon niya.

"Sure ka, ihahatid mo 'ko? Iba ang dadaanan natin baka hinihintay ka na ni Chaichai."

"I told her that I'll be meeting you so no need to worry. Let's go?"

Tinapik niya ang bakanteng upuan sa likuran niya. Muli akong nagpalipat-lipat ng tinigin sa kaniya at sa upuan bago tuluyang napahinga ng malalim.

"Sige na nga, sige na. How can I resist that charm though?" Natawa kami pareho habang paangkas ako.

"Ayaw mo bang bisitahin si Chaichai?" Out of nowhere na tanong niyang ikinalaki ng mga mata ko.

"Pwede ba?" Bigla akong na-excite. Medyo matagal-tagal na rin kasi nung huling nakita ko ang batang 'yun.

"Why not?" sagot niya, napalundag sa tuwa ang puso ko. "'Yun ay kung hindi ka papagalitan ng amo mo."

Nalukot ang mukha ko nang maalala si Caleb. Alam kong hindi na niya ako hinintay at sigurado ako run. Sinabi lang niya ang mga bagay na iyon dahil kampante siyang susunod agad ako sa kaniya-na maghahabol ulit ako. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

Kung ano man ang kahihinatnan nitong naging desisyon ko'y handa akong harapin. Ang pagiging tunay na masaya'y walang anumang katumbas na halaga.

"Tara na nga nang mapaaga ang uwi ko!" pag-aaya ko na sa kaniya't agad siyang niyakap mula sa'king kinauupuan. Nakita ko kung paano siya napangiti habang napapapikit na nagtulak sa akin upang mas higpitan pa ang pagkakayakap sa bewang niya.

"Mommy!"

Ang sumisigaw at malapad na ngiti ni Chaichai ang sumalubong sa'kin pagkarating namin ng bahay nila na ginawaran agad ako ng halik.

"Mommy, mommy you come back for me! Right, mommy?" masiglang tanong niya nang aking makarga.

"Of course, baby! Mommy misses you so much," nakangiti ko ring sagot saka pinisil ang kaniyang malalambot na pisngi.

"How 'bout you, did you miss me?" usisa ko na mas nagpakinang ng mga mata niya.

"I miss you, mommy. Daddy misses you also! He always squeezes my nose b-because he said I look like you!" Mahabang litanya niya. Natatawa akong tumingin kay Jaxx na halatang nahihiya sa pambubuking ng anak.

"Do you know, mommy, I told yaya Klara that you are back na? I said you're just going to buy me a barbie doll and you will come back. And now, you are here again na! Yeheyyyyy!!" Iwinagayway pa ang mga kamay na aniya.

"By the way, baby, mommy brought your barbie doll already. Are you excited to see Barbie?"

Mas lumapad ang ngiti ni Chaichai at napapalakpak pa sa sobrang tuwa kahit bungal-bungal ang mga ngipin. Ibinaba ko na siya saka nilingon si Jaxx na kababalik lang mula sa parking space.

"Daddy, come, show to our baby her Barbie doll!" Umupo ako sa tabi ni Chaichai habang hinihintay na makalapit sa amin si Jaxx bitbit ang pinamili namin kanina.

"Look baby, oh. You have Barbie and she has soooo many clothes. You can ask yay-"

"Chaichai?"

Napalingon kami sa babaeng nasa mid thrity's na naka-uniform na pang-yaya.

"M-Ma'am M?" gulat at nagtataka niyang bigkas nang magtama ang aming paningin. Bahagya akong napangiti.

"Hello po. Nice meeting you!" Tumango ako na sinagot naman niya ng ngiti't yuko sabay tingin kay Jaxx.

"You take care of Barbie, okay, baby?" Pagpapatuloy ko habang nakaakbay kay Chaichai saka sumulyap kay Jaxx na napabuntong-hininga.

Magtatatlong oras din akong nanatili kasama si Chaichai. Nakapaglaro kami, kumain ng lunch at nagbasa ng story book hanggang sa nakatulog siya. Bakas sa mga ngiti at kislap ng kaniyang mga mata ang sayang naidulot ng aking pagbisita. Mas sumigla nga raw ito sabi ni yaya Mela.

"Thank you for making my daughter truly happy again," nakangiting pagpapasalamat ni Jaxx nang makarating kami malapit sa gate ng village.

Napahinga ako ng malalim. "No, thank you. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makasama ulit si Chaichai. Kahit man napakaraming negative vibes sa paligid, nabuo pa rin niya ang araw ko."

"Hindi ba talaga ako kasama dun sa bumuo ng araw mo?" tanong niya habang diretsong nakatitig sa aking mga mata.

Napaawang ang mga labi ko't hindi alam kung dapat ko ba iyong sagutin.

"No pressure, Mariyah. At the right time.. with the right words," nakangiting aniya at hindi ko namalayang natanggal na pala niya ang helmet sa ulo ko.

"Magdahan-dahan sa pag-d-drive ha?" seryosong wika ko nang paandarin niya ang motorsiklo. "I'm watching you, Jaxxon Andreas," nagbabanta ang tono ko't pinanliitan siya ng mata habang itinutok ang dalawang daliri sa aking mata saka itinuro iyon sa kaniya.

Napapangiti siyang sumaludo sa akin bago tuluyang nag-drive palayo. Hindi na ako nagtagal sa labas at pumasok na ako ng village. Iyong guard nama'y nakangisi na paglapit ko ng gate.

"Mabilis po ba talaga mag-drive si Sir, ma'am?" maloko niyang usisa.

"Medyo mabilis lang naman po, kuya," sagot ko.

"Gaano kabilis po ba ang medyo ma'am? Curious po ako," mas lumapad ang ngisi niya na tumataas-baba pa ang mga kilay at nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin ay naibuka ko ang aking mga bibig dahil hindi ako makapaniwalang ganun ang iniisip niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa naging sagot ko.

"Kuya ha, bilib ako sa intense ng imagination mo!" Bulalas ko't sabay kaming napatawa.

"P-Po?" maang niya pa, "ang akin lang naman, e, kasi sa bilis niyang mag-drive baka iba na ang ipag-drive nun, ma'am. 'Yun po ang mas intense." Muli siyang ngumisi at pinindut ang button upang makapasok ang paparating na kotse.

"Hay naku, kuya! Napaka-issue mo masyado, 'no? Makaalis na nga baka kung ano pa'ng masabi niyo," napapatawa akong nagpatuloy sa paglalakad.

Pakarating ko ng bahay ay agad kong napansin ang kakaibang katahimakan sa loob. Nakapatay ang tv kaya pumunta ako ng kusina upang tumingin doon pero wala pa ring tao.

"Caleb? Caleb!" mahinang tawag ko ngunit tanging echo ko lang ang sumasagot. "C-Caleb?" nag-aalala kong tanong. Nakahiga siya sa kaniyang kama at nakatalukbong ang kumot sa halos buo niyang katawan.

Nang makalapit ako sa gilid ng kaniyang kama'y doon ko lamang napansing mahimbing pala siyang natutulog. Napako ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. Napaupo ako.

Kung ganito ka lang sana ka-harmless 'pag gising. Napabuntong-hininga ako sa naisip.

Nagsimulang mag-trace ang mga mata ko sa kaniyang gulo-gulong buhok na palaging naka-brush up kapag nasa VU. Ito 'yung parte ng katawan niyang unang-unang rumehistro sa sistema ko noon. Muling bumalik ang pakiramdam ko noong gabing una kaming nagkita sa park.

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko.

Dahan-dahan kong naipikit ang aking mga mata habang nakatapat ang kanang kamay sa aking puso. Ilang saglit matapos kong pakiramdaman ang sarili'y may napagtanto ako.

Halos nagwala ang lahat ng body organs ko noon nang makita si Kalebb sa kaniya mula ulo hanggang paa. Hindi ko makakalimutan kung paano nanlaki ang mga mata ko't halos maubusan pa ng hininga. Samantalang ngayon, habang tinititigan ko ang parehong mukha niya, kalmado ang puso't kaluluwa ko.

'Teka lang!' sigaw ng isip ko nang maramdamanng may mali sa nararamdaman ko. Matapos ang ilang segundong katahimikan, ngayo'y sigurado na ako.

Wala na iyong kaba, iyong excitement, iyong weird na pakiramdam tuwing malapit ako sa kaniya. May nagbago nga ba?

"~Magkahawak ang mga kamay

Nakangiting naglalakad ng sabay

Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan~"

Bigla akong napakurap nang marinig ang sariling boses na kumakanta. Agad kong kinuha ang cell phone niyang nakaipit sa gilid ng kaniyang unan.

"Recording ko 'to, ah?" Nanlalaki ang matang bulalas ko saka napatakip ng bibig nang mapansin ang paggalaw niya.

"~Nadudurog aking puso

Habang puso niyo'y unti-unting nabubuo

Maghihilom pa kaya

Itong sugat na sayo'y nakuha~"

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang ma-realize kung gaano ka-pitchy at nanginginig ang boses ko. Nakakahiya!

"Masarap naman sa tainga ang kanta kapag nasa phone ko. Bakit para akong kambing na napaliguan ng malamig na tubig dito?"

"~Maghihilom pa kaya?

Malilimutan pa ba?

Ohh, yeahhh.. baby~"

Napapikit ako sa inis at labis na hiya sa boses ko saka bumuntong-hininga. Bakit may copy siya nito sa phone?

I-d-delete ko na sana ang recording mula sa phone niya ngunit bigla ko itong nabitawan nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Hinila niya ako sabay tungtong nito sa noo niyang mahimbing pa ring natutulog.

Mabilis kong nabawi ang aking kamay. Pakiramdam ko'y mapapaso ako sa init ng kaniyang noo. Nagdadalawang-isip kong hinawi ang buhok na nakatakip sa kalahating bahagi ng kaniyang noo.

"Nag-aapoy sa init ang katawan mo at basang-basa pa ang buhok mo... a-anong nangyari?" nagtataka kong tanong at agad siyang nayakap nang mapansin ang biglang panginginig niya.

"Caleb.. Caleb, please stop. Caleb!" mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa kong mas hinigpitan pa ang yakap kasabay ng pagbilis ng panginginig niya.

"Hmmm.. mmm," pag-h-hum ko ng kanta.

"~How come that someone's this perfect

When I look into his eyes

I see the galaxy shining through his soul~"

Pagkanta ko habang hinihele siya sa'king mga braso.

Ilang sandali lang ay unti-unti siyang kumalma kaya humiwalay na ako't wala sa sariling napangiti.

***

Tatlong araw na ang lumipas at ngayon ay kasalukuyan akong naghahanda para sa gaganaping VU Hearts Night. Mabuti na lang, mabilis gumaling si Caleb sa flu niya kaya medyo nakahinga ako mula sa pagiging praning sa kung anong pwedeng mangyari.

"MM, nakabihis ka na ba ngayon?" tanong ni Blessie mula sa kabilang linya.

"Yup, kayo ni Ciara?" tugon ko habang inaayos ang gamit sa maroon chain purse na dadalhin ko.

"Mini-makeup-an na lang ako and I'm ready to go!" Maarte ang boses na saad ni Ciara sa interconnecting call namin.

"Sige, sige, i-e-end ko na 'tong line ko kasi bababa pa ako. Nauhaw ako sa pagnunudnod ng mga kolorete sa mukha ko e," pamamaalam ko na ikinatawa ng dalawa.

"Bakit kasi sobrang kuripot pa kung mas ikagaganda mo naman ang pagkuha ng makeup artist, hmm?" ani Blessie. Napailing-iling ako habang nakangiti.

"Simplicity is beauty naman kasi, 'di ba? Sige na, end ko na 'to. Bye!"

Matapos ang tawag ay malalim akong napahinga't tumayo mula sa 'king kama tsaka lumabas na ng kwarto. Nang makababa'y dumiretso ako ng kusina't uminom ng tubig.

"M-Mariyah?" gulat at nag-aalangang tanong niyang muling napaatras nang magkasalubong kami. "Are you going to attend the event with that?"

Biglang nasapul ng mga salita niya ang puso ko. "Please, huwag mo akong insultuhin kung ito ang isusuot ko. Wala naman akong nakikitang mali rito, Caleb." Napangiti ako ng pilit.

Mas bumigat ang dibdib ko nang walang anu-ano'y tumalikod siya't naglakad papuntang sala. Aakyat na sana ako ng hagdan pabalik ng kwarto nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Ano 'yan?" Nakatitig ako sa center table at sa mga pins na nilalaro niya.

"What do you think are these? Hair pins, I guess," sagot niyang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Pilosopo.

"I-I mean-for what?" dismayado kong tanong.

Hindi na niya ako sinagot at iminuwestra lang na maupo ako sa tabi niya. Agad-agad nang maupo ako'y nagsimula siyang guluhin ang buhok kong balak ko sanang ayusin pagbalik ng kwarto.

"There you go," usal niya kaya nakapa ko ang aking ulo.

"Wait, let me see." Tumayo ako't naglakad papuntang salamin na kita ang buo kong katawan saka tumagilid upang makita ang kaniyang ginawa. "Napakaganda!"

Nakangiti akong tumingin sa kaniyang malapad na rin pala ang ngiting nakakibit-balikat at nakapandekwatrong nakatitig sa akin.

"Thank you, Caleb," bigkas ko pagkalapit sa kaniya.

"I told you. You look better with braided hair."

"Babalik na ako ng kwarto para tapusin 'tong pag-aayos. Baka hinihintay na ako nila Ciara at Blessie," pagpapaalam ko. Ngiti lang ang tugon niya.

"Are you leaving?"

Hindi ko inaasahan ang usisa niya nang makababa ako ng sala't palabas na sana ng bahay.

"Yup, mag-t-taxi ako," pagsang-ayon ko. Nagulat ako nang titigan niya ako mula paa hanggang ulo saka umiling. Pangalawa na 'to ngayong araw ah!

"With that kind of look?"

Hindi ko alam kung pang-iinsulto na naman ba 'yun o suggestion na huwag na akong mag-taxi. Nakagat ko ang aking dila.

"Wait for me outside. I'll drive you to the university." Pag-uutos niya't mabilis na tumalikod, naglakad papuntang parking space sa basement.

Literal akong nag-freeze sa kinatatayuan. Buti na lang at nang marinig ko ang pagbusina niya kayas napabalik ako sa wisyo.

"Hindi ka ba a-attend ng event?" curious kong tanong sa kaniyang tutok ang atensyon sa kalsada.

"Nope, we're not allowed to attend. It's a student event in the first place."

Napatango ako. Hindi nagtagal ay dumating na kami pero nangibabaw pa rin ang katahimikan sa amin.

"About the five-minute thing," pag-uumpisa ko nang biglang sumagi sa isip ko iyong sinabi niya sa coffee shop. Narinig ko ang pagtikhim niyang mas nagpabigat ng dibdib ko. "It's not my intention to make you wait... for nothing. I'm sorry," nanginginig ang boses kong paghingi ng tawad.

He deeply sighed.

"Just the fact that you stayed, Mariyah. The five minutes of you chosing him were nothing compared to the future you'll be spending with me." Halos maputol na ang dila ko sa diin ng aking pagkakakagat dito habang nakikipagtitigan sa maamo ngunit may pait na tingin niya sa akin.

Was he shading his feelings for me?

Ganun ba talaga ang mga lalaki? Kapag nag-confess ang isang babae ng intimate feelings nila, iniisip nilang hindi na 'yun magbabago?

Hindi ako nagsalita at in-unlock na ang pinto ng kaniyang sasakyan.

"Pag-amping kanunay, hinigugma ko," bigkas niya nang mabuksan ko ang pinto. Muli ko siyang nilingon.

Paano niya natutunan ang mother tongue ko? Anong meron sa 'hinigugma ko'? Anong trip niya?

Blangko ang mukha ko ngunit nalilito ang isip na naisara ang pinto.

"Em-eeeeeem!"

Halos mapatalon ako sa gulat sa tili na iyon nina Blessie at Ciara na tumatakbo papalapit sa'kin.

"Bakit hindi mo sinabing naka-Ferrari ka palang pupunta rito?" pagsisiko sa akin ni Blessie.

Naka-gown rin siyang off-white ang kulay, saktong-sakto ito sa kaniya na mas nagpa-emphasize ng mga kurba niya sa katawan. Naka-v neckline ito, long sleeved ngunit kitang-kita naman ang likod niya. Kumikinang rin siya dahil sa mga kulay gintong mga beads na nakapalibot ditto.

"Big time ka naman pala, MM!" nang-aasar din ang tono at tingin ni Ciara na malapad ang ngising sinundot ang tagiliran ko.

Siya nama'y naka-navy blue na off shoulder gown at napapalibutan ang dibdib niya ng naglalakihang ruffles. May mga silver beads din itong disenyo.

"Napaka-sosyal ng pulang kotse niyo. Beke nemen pesekey, MM," nagpapabebeng ani Blessie na ikinalaki ng mga mata ko.

Anong pulang kot-

Agad akong napalingon upang tingnan ang sasakyan ni Caleb. Laglag-panga akong tinatanaw ang pulang kotse na ngayo'y papalabas ng gate.

"Ba-bakit... b-bakit pu-" salitan ang naguguluhan kong tingin sa kotseng papalayo at sa mga kaibigan.

Itim 'yung kotse niya 'di ba? ITIM?? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro