Chapter 16: VU Hearts Night

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 16

VU HEARTS NIGHT


Halos ikabasag na ng aking eardrums ang malakas na sigaw ni Blessie sa tapat mismo ng tainga ko habang niyuygyog ang kaliwang balikat ko.

"Ano?" naiinis kong bulyaw at minamasahe ang tengang nagka-anxiety attack yata sa lakas ng boses niya.

"Gwapo ba 'yung driver niyo 'ka ko! Pwede naman kasi kaming dumalaw-dalaw sa bahay niyo para makilala namin siya, 'di ba?" baling niya kay Ciara na malapad din ang ngising tumatango-tango. Muli akong napalingon sa pinanggalingan ng kotse ni Caleb kanina.

Nakilala kaya siya ng dalawang 'to?'Napailing ako.

"H-Hindi kasi pwede," napakamot ako nang mahina sa batok ko, "strict si-s-sina yaya." Peke akong napangiti.

"Ahh ganun ba. Buti pa 'yung sa'yo, MM kasi yaya ang strict, amin kasi both parents, super tight sa rules," unti-unting bumaba ang mga balikat na ani Ciara.

"At kamuntikan pa akong 'di maka-attend tonight because I was grounded." Nakataas ang kanang kamay ni Blessie habang nakanguso.

"Basta, enjoy-in na lang natin ang gabi, okays?" pagpapaganda ko ng atmosphere saka hinila sila nang marinig namin ang pagsisimula ng malakas na tugtog. "Minsan lang 'to wuy, tara na!" patuloy kong paghila sa kanilang dalawa.

Wow, as in WOW!

Malakas ang ilaw mula sa dalawang towers na nasa bawat gilid ng main building habang tumatakbo pataas ang university flag na kulay silver at blue. Mas pina-magical naman ang paligid dahil sa walang tigil na fireworks sa ibabaw ng tatlong naka-U na buildings. Lahat ay heart-shaped na may iba't ibang kulay at laki.

Lumipat ang paningin ko sa main building na nasa tapat namin. Napakalakas rin ng puting ilaw sa bawat gilid ng pader. Tumatakbo pakaliwa ng buong building ang mga salitang Happy Annual Random Hearts Night, Vaundees! sa pagitan mismo ng third at fourth floor ng building. Ang dati'y tinted glass windows ay puno ng pictures ng nagdaang hearts night na nag-f-flash dito.

"This is so exciting, isn't it?" Naghahalo ang emosyong tanong ko sa kanilang napalingon pa't hanggang tainga ang ngiti. Mabilis iyong nawala nang makitang hindi kayang maipinta ang mga mukha nila habang nakatingin sa mga pictures.

"I-I'm sorry," nakokonsensya kong paghingi ng tawad. Namasa ang mga mata nila nang masilayan ang nakangiting mukha nilang tatlo sa mga bintana.

Marahil 'yong isa nilang kasama ay 'yung kaibigan nilang nawala.

"It's fine, MM. Basta you promise na mag-iingat ka ha?" may pag-aalala mang wika ni Ciara'y bakas sa tono nito ang pagbabanta.

"Promise us na mabubuhay ka pa bukas, MM. Mag-promise ka!" utos ni Blessie na pumiyok na sa huling salita niya.

Ngayo'y muli kong naalala kung paano nila ako pinagkatiwalaan sa sikreto ng university dahil gusto nilang maligtas ako sa pwedeng mangyari. Mas pinabigat nila ang dibdib ko.

"I sincerely promise to the both of you." Nginitian ko sila, iyong kita ang ngipin para palakasin ang kanilang mga loob.

"Good, dahil ang pagliligtas sa kaibigan namin noon ang kaisa-isang bagay na hindi namin nagawa. At least ngayon, kahit sa simpleng pagpapaalala'y maprotektahan ka namin." Mapait na ngiti ang iginanti nilang dalawa sa akin.

"Well, it's the very same 'you' but with a very different mindful, smart and wise friend. Let's just enjoy the night!"

Mas diniinan ko ang pagkakahawak sa pulso nila. Nagtuloy-tuloy kami sa loob at sinalubong kami nang malakas na tugtog habang may nakalagay na malaki't mahabang red carpet sa gitna ng hallway.

"This is it," pabulong na bigkas ni Ciara habang ngayo'y magkahawak-kamay kaming tatlo at pinanggigitnaan nila ako.

"Sayang ang gown mo, MM. Basang-basa na ng laway mo oh." Ilang beses akong napakurap sa narinig ko mula kay Blessie na nakakalokong nakangisi sa akin. Tinawanan ko siya.

Magarang-magara at animo'y kumikinang ang lahat ng bagay sa paligid dahil sa kakaibang liwanag nito. Lahat ng nakikita kong gamit ay glass na kulay silver at red. Napaka-classy. Dahan-dahan akong humakbang papasok nang hindi man lang inaalintana kung may kasama pa ba ako o wala. Ang gusto ko lang gawin ay titigan ang lahat ng narito-tao man, mga bagay o halaman.

Vaund University was indeed out of this world!

Bago pa ako maligaw sa laki ng venue ay mabilis akong hinila ni Ciara sa pulsuhan papunta sa kumpol ng mga estudyante sa harap ng isang malaking stage.

"Good evening, Vaundeeees!"

Dumagundong ang boses ng host na sinundan naman ng sigawan ng mga estudyante.

"Yes, I like the energy. It's getting higher and higher each year!" dagdag niya.

"Wohoo!"

Malapad ang ngiting napako ang paningin ko sa pagkamangha sa disenyo ng stage at sa sobrang gwapong host.

"But I'm a hundred one percent certain that you are triple times excited to see and hear the speech of the hottest guy in the campus. To not prolong the anticipation, please help me welcome the Supreme of all supremes, Mr. Blyke Jester!" Mahabang litanya nito na mas nagpalakas ng hiyawan.

Kasabay ng nakakabinging-ingay ang pagkaway ng lalaking mala-Superman ang tabas ng panga at mala-Angelina Jolie ang pagkakapantay ng lahat ng bahagi ng mukha na ngayo'y nasa podium.

"Anzuor ed' chillette!" panimula niya na ikinapunit ng panga ng mga babae't binabae, kasama na ako run. Kakaiba ang pagiging buo ng boses niya. Iyong tipong 'yun pa lang ang maririnig mo mula sa kaniya'y alam mong hindi ka niya paiiyakin.

"A-Anong sinabi niya?"

Kalabit ko sa dalawang kasama kong halos maihi na rin sa kinatatayuan.

"Good evening 'yun in Vaundeen language," tugon ni Blessie na nagpagulat sa'kin. May sariling lenggwahe rin pala sila rito kaya tumango na lang ako.

Kilig na kilig ang lahat ngunit hindi ko mapigilang mabahala. Walang ni isang professor na makikita sa paligid at ilang guards lang ang visible. Biglang huminto ng ilang segundo ang tibok ng puso ko bago tuluyang bumilis ng bumilis.

Ito nga ba ang sinasabi nila Blessie at Ciara na nanonood lang sa cctv ang mga professors kung sino ang susunod na estudyanteng mawawala?

"Without further ado, let's now fire up the dance floor!" rinig kong anunsyo ng host, hudyat ng pagsasaya ng lahat sa pagsisimula ng gabi ng mga puso.

Hindi pa man ako nakakilos sa kinatatayuan ko'y biglang nagsipaglapitan ang lahat at nagpares-pares. As expected may isang lalaking lumapit sa akin at inabot ang kamay na agad ko namang tinanggap.

Biglang nag-iba ang kulay ng ilaw. Mula dilaw hanggang sa naging pulang-pula saka muling bumalik sa pagiging dilaw.

Isang malaking bilog ang ginawa ng magkakapares habang may mas maliit na bilog sa loob nito na may mas maliit na namang bilog sa loob hanggang sa tingin ko'ynaging apat na bilog ang nasa dance floor. Grandest ball kung maituturing.

Nagsimulang bumilis ang tugotg. Alam ko sa sarili kong hindi ako marunong sumayaw at ni isang beses ay hindi namin 'to pr-in-actice. This time, sumasabay ang buong katawan ko sa ritmo ng tugtog at sa bawat pitik ng kamay at paa.

Umikot ang lahat. Kasabay nito ang pagpapalit namin ng partner.

"Hi, Ms. Merced," bati ng partner ko. Nahihiya akong ngumiti.

Masyadong formal ang Ms. Merced.

"Wazzup, gorgeous?" Napapangiti man pero napangiwi ako sa isip sa bungad sa akin matapos ang pangalawang ikot. Break it down, yow!

"You're new, aren't you?"

Na-caught off guard ako nang makaharap ko iyong lalaking nagsalita kanina. Sa gulat ko'y napagmasdan ko lamang ang galaw ng mga labi niya habang binibigkas iyon.

"Are you okay?" usisa niya kaya napalunok ako nang tingnan niya ako ng diretso sa mga mata.

"Y-Yes. I-I'm fine. Salamat." Napaiwas ako ng tingin. Napakagwapo niya't magkahawak pa ang mga kamay namin. Nakukuryente ako.

Hindi nagtagal ay mas napalunok ako nang makita kung ano ang kasunod na step ng sayaw. Bumagal ulit ang tugtog at kailangan ko pang isandal ang ulo ko sa dibdb niya.

"No worries. You can lean your head on my chest. I won't mind." Labas ang dimples sa magkabilang pisnging pagpapahintulot niya.

Mariyah, may Caleb at Jaxxon ka na, dadagdagan mo pa ba ng Blyke?

"It's just a dance. Stop illusioning, higad."

Nagising ang diwa ko sa pabulong na boses na nagmula sa babaeng may pinakamaitim na budhi sa mundo. Nagkataong magkatabi pa kami ni Kween Zebbe.

"Stop entertaining her and focus on me. Let's end this boring event once and for all," walang ganang aniya na nagpa-uncomfortable sa akin. "Pssh. Stop staring at me like how everybody does. Nakakasawa na."

Nakagat ko ang aking ibabang labi sa pagiging straight-forward niya. Ngunit mas hindi ko inasahan ang paghawak niya sa kanang pisngi ko't dahan-dahang isinubsob sa dibdib niya.

"~Hear every heartbeat, my love

You'll know for whom the music of my heart sings

Nothing compares to the sound your laughters make

In my ears that long for the tickle of your voice~"

Kasabay ng kanta ang pagsayaw namin sa himig na para bang napakatagal na naming magkakilala.. na matagal na naming isinasayaw ang isa't isa.

Bigla, isang malakas na tunog ang nagpadilat sa akin. Bumungad sa'kin ang kakaibang dilim ng paligid, maliban na lamang sa aming dalawang natatapatan ng malakas na ilaw ng spotlight.

Nakaramdam ako ng pagkabingi sa pagtahimik ng aming paligid.

"Let's run."

Iyon ang narinig ko kasabay ng paghila ng kung sinuman sa pulsuhan ko upang tumakbo palayo sa kinatatayuan ko.

Caleb, dumating ka, bulong ko sa isip habang walang tigil kami sa pagtakbo.

Huminto siya dahil parehong pagod na ang aming mga paa. Partida, naka-heels pa ako nito.

"B-Blyke Jester?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong nang maaninag ang tindig niya nang mahinto kami ngayon sa gitna ng isang kalsada. Tanging orange streetlights lang ang nagbibigay-ilaw sa daan. "Why are you doing this?" dagdag kong usisa. Hindi siya sumagot at hinahabol ang hininga. "You are the most respected student, the Supreme of all supremes, of Vaund University but here you are run-"

"Because I'm sick of this system!" galit na sigaw niya. "Taun-taon na lang may nawawala, napapagod na ako. Naaawa ako sa mga Vaundees na naging collateral sa pang-aabuso ng mga nasa posisyon!"

Naibuka ko ang aking bibig ngunit hindi ko mahanap ang salitang sasabihin.

"Now, they want me to shut up, to be thrown away and vanish! If they'll target me it's fine, but if it's with an innocent, I'll give them a fight they deserve!" Nagtitiim pa rin ang bagang na singhal niya saka napatingin sa nakalinyang mga ilaw sa 'di kalayuan.

"So y-you know?" wala sa sarili kong bigkas. Lumingon siya't binigyan ako nang gulat na reaksyon.

Bumuntong-hininga siya. "A year ago. Ginawa nila akong head ng studentry dahil alam nilang kapag binunyag ko ang madilim nilang sikreto habang may katungkulan ako, mas madali nila akong madidispatsa," pagsasalaysay niya.

"Mas mabigat ang magiging parusa ko dahil lalabas na ako ang taydor. Lahat ng mga estudyante ay pipirma sa petisyong patalsikin ako mula sa university," niluwagan niya muna ang kaniyang neck tie, "pero wala silang napala sa akin. Kaya ngayon, harap-harapan nila akong tinututukan ng patalim sa leeg."

"Paano kung natuloy 'yung kanina? Paano kung napatapon ka nga sa dumping site ng VU?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Isang maliit na ngisi ang nakita ko sa labi niya.

"I'll still fight. If they think I loose just because they think they win? Tsk. I can simply gather all their victims and make our escape plan."

"What if, wala nang daan palabas?" agad kong tanong.

"If there's a will, there will always be a way." Mas lumapad ang ngisi niya.

"What if.. makalabas nga kayo pero anong gagawin niyo? Maghihiganti sa maling sistema ng university?" tanong ko ulit.

Nangiwi siya sandali. "Violence is the cheapest form of revenge. It can satisfy you once but it won't give you the happiness that'll last for a lifetime."

Napatango ako, kunwari naiintindihan ko ang point nya. English kasi, e.

"You know what," ipinatong niya ang siko sa kaliwang balikat ko dahilan para mas ma-emphasize ang agwat ng height namin. "I learned that the best revenge you can do is to live freely and do what's best for all. At the end of the day, your success once seen by your oppressors will be the most priceless fact that will slap them."

This time mas naging totoo ang pagtango ko sa sinabi niya.

"Oh! I'm sorry for not formally introducing myself to you," mabilis siyang tumayo ng maayos sa tapat ko't inabot ang kamay. "My name is Blyke Jester. It's nice to meet you!"

"I'm Mariyah Merced. It's an honor to meet you too." Hanggang tenga ang ngiti akong nakipag-shake hands sa kaniya. "Jester ba talaga ang apelyido mo?" curious kong tanong.

"Amsterdam. He is Blyke Jester Amsterdam."

Napatigil kami sa pakikipagkamayan nang marinig ang boses ng isang lalaki't sabay na napatingin dito.

"Caleb," usal ko sa sarili.

"Let's go home," seryosong aniya habang hinahawakan ang isa kong kamay.

"Bakit?"

"Anong bakit? I said let's go home." Naging isang linya ang makapal na kilay niya.

"Bakit ako uuwi kasama ang isang taong hinayaan lang gawin ng mga may kapangyarihan ang maiitim nilang balak sa mga estudyante?" Hinila ko ang aking kamay pabalik na nagpatigil sa kaniya. "Hindi ka makasagot, Professor Caleb, dahil ba guilty ka? Dahil nasasaktan ka? Anong masasabi mong kami sana ang susunod niyong biktima, ha?" naiinis kong tanong, knowing na magkaalyansa sila ng mga nasa likod ng lahat.

"It hurts me more when the woman I love chooses someone she just knew over me who truly cares for her. Just keep your baseless accusation and let's go home." Halos pumiyok ang boses niya.

Nang may humihigpit na pagkakahawak sa aking kamay ay muli niya akong hinila't naglakad palayo.

"Until next time, Ms. Merced." Basa ko sa mga labi ni Blyke nang muli ko siyang lingunin sa huling pagkakataon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro