Chapter 17: Lipat-Bahay

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 17

LIPAT-BAHAY


"Take a seat," pag-uutos ni Caleb nang makarating kami ng bahay. Naupo ako sa sofa, hawak-hawak ang gown at heels ko.

"Hindi ba deserve ko ng explanation, Professor Caleb?" nakababaeng de-cuatro kong tanong habang nakasandal sa headrest nang mapansing paakyat na siya nang hagdan.

Napahinto siya sandali saka nagtuloy sa paglalakad. Napabuntong-hininga ako. Ilang sandali lang ay bumalik siyang nakaputing sando na lamang at checkered na pulang boxer shorts.

"C-Caleb," napapalunok ko pang usal sa sarili nang makitang papalapit siya sa akin. "A-Anong.. anong g-ginagawa mo?" nalilito't kinakabahang tanong ko. Bigla siyang nag-stretching sabay yuko sa tapat ko mismo.

Instead of answering my question, mabilis niyang ipinalibot ang kaliwang braso sa bewang ko habang nasa ilalim ng hita ko naman ang kabila.

"Hey, hey, stop! Ibaba mo na ako, Caleb!"

Pilit akong kumalas sa pagkakahawak niya ngunit mas diniinan pa niya ang pagkakabuhat sa akin. Naramdaman ko ang labis na pag-init ng buo kong mukha pati ng aking mga tainga.

Para kaming bagong kasal na papunta ng kwarto para mag-honeymoon. Rapist! Char.

Sa buong paglalakad niya paakyat papunta sa kwarto ko'y wala siyang imik, para bang easy-peasy lang sa kaniyang binubuhat ako.

Sinipa niya nang mahina ang pinto ng kwarto kong bukas na't tuluyang pumasok.

Lord, ito na ba? Ito na ba ang gabing may mawawala na sa akin?

Napapikit at napalunok ako sa naisip habang naghahabulan ang tibok ng puso ko.

"C-Cal-"

Hindi niya na ako pinatapos dahil marahan niya akong inihiga sa aking kama.

The next thirty seconds of our lives were the best feeling I've ever experienced.

Animo'y may super glue na namamagitan sa mga mata naming hindi matigil-tigil sa pagtitig sa isa't isa. Naibaba ko ang paningin sa Adam's apple niyang tumataas-baba, sa nagsisigawang biceps niyang kinukulong ako sa magkabilang gilid hanggang sa hapit na hapit na sando niya sa mabato-bato niyang katawan.

6-pack kaya 'yan or 8-pack? Na-c-curious tuloy ako. Lord, patawad.

Bababa pa sana ang mga mata ko sa boxer shorts niya pero ayoko nang mas magkasala pa, baka himatayin ako sa maiisip ko.

Naibalik ko ang paningin nang mapansing akmang hahawakan niya ang mukha ko ngunit agad niya itong binawi't mabilis na tumayo. Naiangat ko ang aking katawan at itinukod ang mga siko sa kama.

"Masakit pa ang mga paa mo kaya kailangan mong magpahinga," walang emosyong aniya na ngayo'y nakatalikod na sa akin.

Naglakad siya palabas saka muli akong nilingon. "Don't worry about what happened tonight. I can play them all in my palm. Sleep tight, Mariyah."

This time, a little shy smile was seen at the corner of his lips. Was he flirting with me?

"Arghh!"

Naiinis akong napatitig sa imaheng nakikita ko sa harap ng painting nina Tom at Jerry.

"Panira ka ng moment, Jaxx. Bakit ba bigla ka na lang pasulpot-sulpot sa isip ko, ha?" naka-pout kong sabi sa imahe sa kisameng nakangiting mukha niyang katatanggal lang ng helmet.

"Time 'to ni Caleb para mag-shine, e. Ayaw mo talagang magpatalo sa kaniya 'no, kaya magpahanggang dito sa kwarto binabakuran mo ako?" Napahagikhik ako sa nasabi.

***

"You dreamed of me, don't you?"

Napaawang ang labi ko sa naging bungad ni Caleb nang makababa ako ng dining area. Nakaupo siya malapit sa heater, hinigop ang kaniyang tsaa, habang seryosong nakasunod ng titig sa akin.

"Anong uri ng kaluluwa ang sumapi sa'yo at nakakapagbiro ka ng ganiyan sa akin, Caleb?" Napa-tsk siya ngunit nagpipigil din ng ngiti. "Ang kapal kasi ng tama mo today. Hindi ako sanay," pagpapatuloy ko't nagtungo sa cabinet upang kumuha ng cup.

"I already prepared you a glass of fresh herbal juice."

Napatigil ako nang ilapit niya sa'kin ang baso ng juice. May ilang slices iyon ng lemon, lemon grass, apple at cucumber.

"Kilala mo na ako ngayon, Caleb. Alam mo nang malamig na juice ang iniinom ko tuwing umaga instead of coffee or tea." Kinikilig na napangiti ako sa kaniya at naupo sa harap niya. Isang upuan ang pagitan namin.

"That's what your almost three-month stay does to me, Mariyah," nakangiti na ring aniya kaya napahigop ako sa juice na hinanda niya.

"Three months? Am I staying here that long already?" bulalas ko at tumango siya. "Sinisingil mo na ba ako sa renta ko? Sa bayarin sa tubig at kuryente? Wala akong maibabayad sa'yo, isinauli ko na sa'yo ang card e," kinakabahang paliwanag ko.

"I'm not your landlord here and we had no contract the time you came here. Consider everything you see in this house as yours-"

"Including you?" excited kong usisa.

Muntik niyang maibuga sa mukha ko ang iniinom niyang tsaa.

"Including.. me," nang-aasar siyang ngumisi. I was caught off guard. I cleared my throat twice and dodged his stare.

"By the way, magta-tatlong araw ka nang hindi pumapasok. Hindi ka ba mapapagalitan ng admin?" pag-iiba ko ng topic.

"Nope. I already called the office and they understand my reasons. It's not a big deal though," kalmadong sagot niya.

"Paano 'yung pagtakas ko pala?" Napatingin ako sa kaniyang napatigil din sa paghigop sa tea cup niya. "hindi ba ako ipapapatay ng taga-VU?"

"Ipapapatay?" maang pang tanong niya.

"C'mon, Caleb! Para namang hindi mo talaga alam ang under the table na karahasan sa university. Ako nga sana ang susunod niyong biktima, remember?" sarkastikong tanong ko.

"I don't know. There really are things that make you numb because you're used to the pain it's causing you. And that made me blind and deaf of what's really happening."

"But acting as if you see and hear nothing won't change you being an accomplice of the crime," seryosong wika ko.

Hindi ko gustong isa siya sa mga taong may alam sa pagkawala ng mga estudyante ngunit walang ginagawa upang baguhin ang sistema.

"I don't hate you, okay? I just hate the fact that you're one of them.. that you're not different from the rest of them."

Naiinis ako sa sarili ko dahil parang ako pa ang guilty sa halip na dapat ay siya.

"It's fine. That's why starting today, I'll be making the right decision. I promise." Wala mang emosyon ang mukha niya'y bakas sa tono ng kaniyang boses ang disappointment at determinasyon at the same time.

"What if they'll also haunt you and might as well kill you?" nag-aalalang tanong ko.

"That's if they'll know my connection with you."

I nodded understandingly.

Nagpatuloy ang araw namin na nagmumukmok lang sa bahay at walang magawa. Nanood kami ng Tom and Jerry show at nang natapos ay kumain na kami ng lunch. Nang tumanghali na'y pinag-braid na naman niya ang buhok ko, iyong dalawang magkahiwalay na tirintas.

"Mariyah..?" napalingon ako sa kaniyang mahinang kinatok ang pintong nakabukas.

"Hmm, bakit?" katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ng dinner kanina at nakapag-skin care na rin ako.

"Can I ask you a favor?" tanong niya nang mahinto sa tapat ng kamang hinihigaan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, sign na hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Lilipat tayo bukas sa bahay ko sa Maldi, for good. Pack your things up, we'll travel at 3 in the morning."

"Favor 'yarn? Command ata 'yan, e."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Ilang sandali pa'y tumalikod na siya't isinarado ang pinto.

"May pa-favor-favor pang nalalaman, wala rin naman akong choice." Padabog kong tinakpan ng kumot ang buo kong katawan at natulog na.

Maaga akong nagising dahil ganun talaga ako. Kapag alam ng utak kong kailangan kong gumising ng maaga'y automatic nitong ginigising ang aking kaluluwa.

It's the natural alarm clock I had since my childhood. I already did all the preparation of my things and now I am just waiting for Caleb to pick me up in my room.

"3:10," basa ko sa phone. Napagpasiyahan kong tingnan muna siya sa kwarto niya't alamin kung ano ang nagpatagal sa kaniya.

"Sleepyhead! Sleepyhead!"

Dinig na dinig ko mula sa pinto ang boses kong humahagikhik pa.

"Sleepyhead! Sleepyhead!" pagpapatuloy nito.

Nang makapasok ako nang kaniyang kwarto'y doon ko nakita ang cell phone niyang umiilaw at nag-v-vibrate habang paulit-ulit na nag-p-play ang boses ko.

"Bakit alarm mo ang boses ko?" bulong ko sa sarili. Iyon kasi ang biro ko sa kaniya nung minsang gumising siya nang pa-lunch na kami. Is he secretly recording me?

Agad kong dinismiss ang alarm niya nang muling umalingawngaw sa kwarto ang halakhak ko. Kinikilabutan ako sa sarili kong tawa.

"Hmmp.."

Nang mapansin ko ang paggalaw niya'y mabilis kong nilisan ang kaniyang kwarto't hawak-hawak ang dibdib na naupo sa kama ko.

"Mariyah?"

Mabilis akong napaayos ng upo at kunwari'y inaayos ang dalawang maletang dadalhin ko.

"Aalis na tayo?" Tiningala ko siya na ngayo'y suot ang itim niyang hoodie na may puting shirt na kita mula sa loob dahil kalahati lang itong naka-zip. Pinaresan niya ito ng itim ding jogger pants at itim na hi-tops.

"Sorry for being late. Napagod na ang alarm ko, huminto na lang ng kusa kaya napasarap ang tulog ko."

I replied with a smile and started pulling my luggage.

"You wear this."

Inabot niya sa akin iyong kaparehong itim na hoodie na ipinasuot din niya sa akin noon na agad ko namang tinanggap.

"Just bring your back pack with you. You won't need all of these," utos niya habang hawak ang maleta ko.

"H-Huh? Pero wala akong magagamit pagdating dun."

"We'll know kung masasabi mo pa rin 'yan pagdating natin sa bahay," nakangiting aniya saka naunang naglakad palabas kaya sumunod na lang din ako.

Ilang oras pa raw ang magiging biyahe namin kaya hinayaan muna ako ni Caleb na makatulog.

"Nakarating na ba tayo?" tanong ko sa kaniya saka humikab at nag-unat ng katawan.

"Yes, finally, we're home."

Pagkalabas ko ng kotse'y bumungad sa akin ang isang modern amakan house. Animo'y isa itong apartment kung titingnan sa labas-simple ngunit maaliwalas. Ito 'yong bahay na gustong-gusto kong tirhan noon pa. Para bang wala akong iisipin kundi ang simpleng pamumuhay kasama ang taong magiging katuwang ko sa pagbuo ng pamilya.

"Bahay mo 'to?" amazed kong tanong sa kaniya na bitbit ang kaniyang travelling bag.

"Bahay natin 'to pareho. Starting now, we'll be staying here, for good." Aniya saka lumapit sa pintuan.

"Door open."

Ganun na lang ay may pulang ilaw na nag-blink ng dalawang beses at isang boses ng babae ang maririnig.

"Voice activation recognized. Welcome home, De Castro's!"

Biglang bumukas ang pinto at nagtuloy sa pagpasok si Caleb. Agad kong inilibot ang paningin nang makapasok sa loob. Ganun na lang ang gulat ko nang mapaupo sa furniture set na bumungad sa amin. Wooden sofa ito sa unang tingin ngunit wala itong pinagkaiba sa quality ng lambot ng sofa namin sa dating bahay.

"Dalawa lang ang kwarto rito. Isa sa'yo at 'yung isa naman sa'kin. Sa likod ng divider cabinet na 'yan ang dining area at kusina-in-one natin." Turo niya sa cabinet kung saan nakalagay ang malaking tv. "There's your room and here's mine. Both have its own comfort and bath room so we don't have to share with one."

Tumango-tango lang ako't tumayo na. "Caleb, dahil ba sa pagtakas ko sa event ang dahilan nitong paglipat natin?"

"We'll talk about it next time. For now, you arrange your things and take a good rest. I'm sure you're still exhausted." Nakangiti niyang tinapik ang tuktok ng ulo ko't naglakad papasok ng kwarto niya.

As he promised, may mga gamit na akong nakahanda sa cabinet ko, both casual at pambahay.

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng mga kahoy na ipinapatong-patong. Naghilamos muna ako't nagsuklay bago ko tiningnan sa harap ng bahay kung doon nagmula ang tunog ngunit hindi. Pagtingin ko sa exit door sa likurang bahagi ng bahay malapit sa kusina'y doon ko natanaw ang topless na si Caleb at nagsisibak siya ng kahoy.

"Bakit mo ginagawa 'yan, Caleb?" Pagkuha ko ng atensyon niya.

Napalingon siya't doon nagliwanag ang kaniyang mukha.

"Shouldn't I receive my 'good morning' first?" balik niya ng tanong saka muling sinibak ang malaking kahoy gamit ang palakol na hawak niya.

Naglakad ako papalapit sa kaniya sa malawak na space sa likurang bahagi ng bahay. Napapalibutan ito ng concrete fence.

"Wala ba tayong gasul dito o kaya nama'y butane stove nang hindi ka na nag-f-flex ng biceps mo diyan?"

Nakayuko ma'y napahinto siya sa ginagawa't nilingon ako nang nakangisi.

"So you're here for my biceps, huh?"

Umayos siya ng tayo dahilan upang maayos kong makita ang kalahati ng katawan niya. Bahagya akong napaatras nang maramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mga pisngi.

"Ito ba, ayaw mo?" Mapanloko niyang itinuro ang mabato-batong tiyan niyang gumagalaw pa kasabay ng kaniyang paghinga.

Nakagat ko ang aking dila. Gustuhin ko mang ang ibabang labi ko ang makagat ay ayaw kong makita niyang tama nga siya. Baka mas lumakas lang ang hangin at lumaki ang ulo niya.

Napako ang paningin ko sa gap ng dibdib niya't sa malulutong na abs sa tiyan niyang mamasa-masa pa sa pawis. Palaman na lang ang kulang, may pandesal na for breakfast.

"You can have these if you want."

Mabilis kong iniharang ang mga kamay ko nang makita siya sa mismong tapat ko at ibinabalanda ang malusog niyang pangangatawan.

"C'mon, you can touch it, Mariyah," pang-aasar niya, "you can even lick it," pabulong at nang-aakit pang aniya habang palapit ng palapit sa akin. Paatras naman ako nang paatras.

"Eww! Shoo! Shoo!" nandidiri ko siyang pinapaalis ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Pilit pa niyang idinidikit ang malagkit niyang balat sa kamay ko kaya todo iwas naman ako.

Feeling ko kasi sasabog na ang puso ko't mag-aapoy na ang mukha ko sa sobrang init.

Bakit kasi napakabango pa rin niya kahit pawis na pawis?

"Honestly, nakalimutan kong dalhin ang portable stove natin samantalang nahulog ng manok ko kanina ang stove natin dito," tumatawa pang bigkas niya.

"M-Manok...mo?" takang tanong ko.

"Manok ko-Ohh, aling manok ba ang iniisip mo?" mas lumapad ang nang-aasar niyang ngisi at ginigitgit na naman ako.

Nanlalaki ang mga mata ko. "B-Bakit..ilan ba manok mo dito?"

Ilan nga ba? Kahapon kasi isa lang naman 'yung nakita ko.

"I have.. two," pabulong na sabi niya sabay tingin sa baba at nang sundan ko iyon ay papunta iyon sa-aggh, a-ano 'yun?!

"Nakakainis ka Caleeeeb!" Tili ko at mabilis na naglakad papasok ng bahay.

Ewan talaga. Bakit kailangan niya pa tingnan 'yun? My poor innocent eyes!

"Ako na nga ang magluluto ng breakfast pagkatapos mong magsibak diyan ng kahoy, okay?!" sigaw ko sa kaniya habang binubuksan ang ref namin dito.

Good thing, I managed not to remember what I just saw.

"Bakit walang laman 'to?!" sigaw ko ulit nang makitang puro ice lang sa bawat gilid ang meron sa loob.

"Hindi pa ako nakapag-grocery, sorry!" rinig kong tugon naman niya.

"Sige, sige! Ako na ang bibili ng stocks natin good for two weeks na," pagvo-volunteer ko.

"Are you sure?"

"Oo! Busy ka pa naman diyan, para pagbalik ko makapagluto agad ako. May waze naman sa phone ko kaya no worries."

Pagkatapos kong maghanda at kunin ang wallet na sinasabi niyang dalhin ko'y nagpunta na ako ng parking space sa gilid ng bahay. Naka-plain oversized red v-neck shirt ako't isinuksok ang unahang bahagi nito sa high waist denim shorts ko.

Agad kong pinaandar ang torqouise green vintage scooter na naka-park at inilagay ang phone ko sa lalagyan sa tabi ng speedometer.

Nagulat ako nang pagkalabas ko ng gate ay puro naglalakihang puno at mga halaman ang sumalubong sa akin. Hindi ko akalaing nasa gitna ng jungle pala ako nakatira ngayon.

Kaya pala nung tinanung ko kung saan galing ang signal ng cell phone namin, ang sabi ni Caleb ay nagpatayo siya ng sariling cell site malapit dito. Ganun pala talaga ang nagagawa ng pera.

It took me almost 20 minutes to arrive at the nearest mall. Hindi siya kasing laki ng Mall of Astra pero lahat naman ng kakailanganin ko'y naroon na.

Ip-in-ark ko ang scooter sa parking space ng mall. Pagpasok ko'y agad kong tinungo ang grocery section.

"Veggies, check! Fresh juice, check!" Pag-r-run down ko sa listahan ng mga bibilhing nasa push cart ko. Baka kasi may makalimutan ako, mahirap na.

Nang mailagay ko na sa cart lahat ng nasa listahan kasama ang ilang biscuits at noodles na idinagdag ko'y agad akong nagtungo sa cashier.

I'm on my way to the line when someone behind med talks about someone so familiar.

"Isn't she the girl?" bulong nito sa kasama.

"'Yung girl na may scandal sa VU? Siya nga!"

Napalunok ako nang mas lumakas ang bulungan, Naitaas ko ang paningin sa itinuturo ng mga nasa tapat ko.

'VAUND UNIVERSITY IS HAUNTING YOU, MARIYAH MERCED. Hide or you will pay for your scandal's price!' Basa ko sa isip. Nakasulat ito sa naglalakihang tarpaulin na nakalinya sa bawat cashier ng grocery section.

Naroon din ang picture ko na naka-uniform. Hindi ko alam kung paano nila nakuha iyon.

"Hello, Vaund Office! I think she's here.. Yes, at Maldi Mall."

Matapos kong marinig iyon ay mabilis kong binitawan ang cart na tulak-tulak ko't animo'y kidlat akong kumaripas ng takbo nang mapansin ang mga nakaitim na mga lalaking naglalakad papunta sa gawi ko.

Lumiko ako sa meat section at dumiretso sa nakahilerang mga fast food chains.

"Ayun siya!" sigaw ng lalaki kaya mas binilisan ko ang pagtakbo bitbit ang wallet ni Caleb.

Humalo ako sa maraming taong parito't paroon saka tinungo ang escalator. Nang nasa itaas na ako'y nalingon ko ang mga lalaking nakatingin sa akin habang ang isa'y tinuturo pa ang direksyon ko. Nagsimula silang tumakbo papunta sa escalator kaya dali-dali naman akong tumakbo't nakipaggitgitan sa gitna ng mga nasa hagdan. Madali kong naakyat ang second floor ngunit nang tatakbo ako papunta sa side ng home section ay may nakasalubong akong lalaki.

Nahirapan akong tumigil sa pagtakbo at ng may sumasabog na dibdib ay nahablot nito ang siko ko. Hinarap ko siya't sinapak gamit ang kabilang kamay ko pero malakas siya.

"Tatakas ka pa ah!"

Akma ko siyang sasapakin ngunit nahawakan niya lang ang dalawa kong kamay. Malakas ang pwersang sinipa ko ang maselang bahagi ng pagkalalaki niya sa kaniyang pantalon. Napasigaw siya sa labis na sakit at tumalon-talon.

"Patatakasin mo 'ko o gusto mo pa ng isa?" Binelatan ko pa siya bago tuluyang napatakbo sa kabilang direksyon.

Paglingon ko ulit sa kaniya'y hawak-hawak pa rin niya ang bahagi ng katawang sinipa ko. Sana lang hindi naging balut 'yun. Or baka napisa na't nakalabas na ang sisiw?

A little smirk formed in my lips but it eventually faded. I saw numbers of men from the escalator and from the guy's direction. They're all after me!

Napatakbo ako papasok sa clothing section at sa huling lingon ko'y papasok na rin silang lahat kahit pa hinarang sila ng guard.

"Nandito siya!"

Napahinto ako nang makita ang lalaking malaki ang katawan sa right side ko.

"I got her!"

Rinig kong sigaw naman ng isa pang lalaki sa kabilang side ng daanan.

Nang may malakas at mabilis na pintig na puso'y paatras akong napatakbo dahilan upang mawala ako sa paningin nila. Dumire-diretso ako't lumingon pakaliwa habang naghahabol ng-

"AAAAAH!" malakas kong tili bago tuluyang nagdilim ang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro