Chapter 18: His Past

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 18

HIS PAST


"AAAAAH!"

Napatili ako nang bigla akong hablutin sa isang sulok at nandilim ang paligid.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Mamasa-masa.

Madulas.

Matigas.

Naigalaw ko ang aking mukha. Animo'y naliligo ako sa kung anong tubig na nakapa ko. As I taste my lips, it tastes like...

"S-Salt?!"

Agad akong napadilat pero para pa rin akong nakapikit sa sobrang dilim. Bigla kong naamoy ang isang pamilyar na scent. Napatigil ako nang marinig ang boses ng mga lalaki at ang mga yapak nila.

Sa gitna ng pagma-mannequin challenge ko'y mas napasubsob ang muka ko sa matigas na kung anong bagay sa harap ko. To my curiousity, inilabas ko ang aking dila at marahan nitong pinaglaruan ang basang parte-pinaikot-ikot, pinataas-baba at pakanan-pakaliwa.

Bumpy.

I am halted by the sudden sway of the-kung anong pader itong nasubsuban ko.

"All clear," ani ng isang boses na nagpatigas ng buo kong katawan.

Sa isang iglap ay nagliwanag ang paligid. Sa aking pagtingala, parang anghel na nag-zoom in sa paningin ko ang seryosong mukha ni Caleb. Pawis na pawis siya't dumadaloy ito sa kaniyang dibdib.

"Eww!"

Mabilis kong napahid ang aking mukha nang tumulo ang pawis niya sa nakaawang kong labi.

"Ikaw 'yun?!"

Agad akong napaatras nang makitang iyong hubo't hubad niyang upper body ang nasa tapat ko mismo.

Napahid ko ang aking dila at inis na napatitig sa kaniya.

"You licked it, now it's yours," wika niya nang may nahihiya ngunit nakakalokong ngiti. Nasusuka akong lumaban ng titig sa kaniya.

"P-Pinasok mo ako d-diyan...?"

Nandidiri kong turo sa topless niyang katawan at ang suot niyang itim na hoodie na ngayo'y tuluyang nakabukas.

"They can't shoot you on your head." Muling sumeryoso ang mukha niya't hindi ko mawari kung anong emosyon ang gusto niyang iparating. "They have to see me stop breathing first before they can touch you."

Hindi ko alam kung alin ang una kong gagawin-ang magpasalamat ba o kikiligin sa mga pinagsasasabi niya.

Nakauwi kami ng bahay na kung anu-ano ang ginawang pagtatago para lang hindi ako makita ng mga tao.

"Salamat, Caleb," nakangiting usal ko. Napaupo ako sa sofa ngunit nilingon lang niya ako't nagdire-diretso sa kwarto niya.

***

"Hello.." I responded as I saw Jaxx calling.

"Hi Mariyah! Kumusta ka na? Hinahanap-hanap ka ni Chaichai. Anong araw ka raw bibisita rito?" sunod-sunod na tanong niya. Napasilip muna ako sa kwarto ni Caleb at nang makitang mahimbing ito natutulog ay saka ko lang muling itinapat ang phone sa tainga.

"I can't promise as of now Jaxx but can you tell her I miss her too? Soon I'll visit her if my sched will allow." Malapad akong napangiti nang ma-imagine ko kung paano sasaya iyong bata tuwing nakikita ako.

"We'll hold on to that. Don't worry, madali namang makaintindi ang anak natin-I mean.. a-anak ko," medyo pweke siyang natawa ng mahina. Nakagat ko ang aking kuko.

"Salamat Jaxx." Mahina akong bumuntong-hininga.

"Walang anuman, ikaw pa, mahal kita-I mean...mahal ka n-namin, yes, mahal ka namin."

Bahagya akong napapigil ng tawa dahil baka marinig ako ni Caleb at magisa pa ako ng tanong.

"Oh sige, sige na! Mahal mo na ako," pang-aasar ko sa kaniya at tuluyang napahagikhik. "'Di joke lang, Jaxx. Hindi ka naman mabiro," bawi ko nang hindi siya sumagot.

"B-Basta, hihintayin k-kita-I mean.. h-hihintayin ka n-namin," nauutal na namang bigkas niya na mas nagpalakas ng tawa ko. Napatakip na lang ako ng bibig.

Jaxx.. Jaxx.. Jaxx.. Haist.

"Bye na nga," ngumisi ako, "nalilito na ako kung alin ang bibilangin, iyon bang 'I mean' mo o 'yung pagsasabing miss mo na ako."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Ang cute lang sa tainga. Pakiramdam ko ako si Deib at hinahabol ako ng mga puso!

"Okay, don't forget to take a good rest. I lov-Bye!"

End of call.

Napapailing kong kinuha ang napamili namin kanina't inilagay sa ref ang ibang mga grocery products except dun sa lulutuin ko for breakfast.

"Breakfast in bed!" malapad ang ngiting usal ko nang makapasok sa kwarto ni Caleb.

"I can go out of my room and eat on the dining table. Why are you bringing stuffs here? Will you spoonfeed me again? What am I, a person with special needs? Am I that useless, huh? " nag-iigting ang pangang tanong niya saka padabog na tumayo't inayos ang hinihigaan.

"Tssk."

Nilagpasan lang niya ako't lumabas ng kwarto na parang hanging dumaraan lang. Napabuntong-hininga ako.

Bipolar 'yan uy? Kanina nga 'you licked it, it's yours' tapos ngayon 'am I that useless?' Kaloka ka dzae!

Natapos kaming kumain nang walang kibuan. Ni pagtitigan sa isa't isa'y hindi namin ginawa.

"Ano ba naman 'to pati tubig sobrang cold sa'kin?!" maang akong napatingin sa baso ng tubig na itinaas ko sa tapat ng ref. Patago ko siyang nilingon na agad namang napaiwas ng tingin.

"Heto namang labanos-Anong tinitingin-tingin mo diyan ha? Titig na titig 'to akala mo naman kaya akong kausapin!" pagpaparinig ko ulit.

Inilapag ko muna ang basong hawak ko sa mesa sa tapat niya mismo. Kinuha ko ang lalagyan namin ng asukal at binuksan 'yun sa harap niya.

"Ikaw naman, kanina antamis-tamis mo tapos ngayon mas mapait ka pa kesa ampalaya!" May emphasis kong sabi. Nanlalaki pa ang matang binigkas ko ang salitang ampalaya nang napapatingin sa kaniya. Tumayo siya nang walang paalam at lumbas ng exit door.

Napaikot ang mata kong nailapag muli sa mesa ang lalagyan ng asukal at sinilip siya sa pinto. Nakaupo siya habang hinaplos-haplos iyong manok na noong unang dating pa lang namin dito'y palaboy-laboy na.

Ay, nakahithit siguro 'to kanina. Duda ako, e.

***

Isang linggo na kaming nakatira dito sa bagong bahay namin. Literal na tahimik ang naging buhay namin dahil hindi na ako kinakausap ni Caleb for the rest of the days. Hindi ko alam kung tinopak lang ba siya nung una dahil lapit siya nang lapit sa akin o na-realize niyang mas mabuti nang mapanisan ng laway kesa kausapin ako.

"Nauna na ako sa coffee shop. Hintayin na lang kita dito. Ingat sa byahe!" Basa ko sa text ni Jaxx with the very same content nung una kaming nagkita sa coffee shop.

Actually, tumakas lang talaga ako kahit wala naman si Caleb sa bahay dahil may aasikasuhin daw. Nung tinanong ko kung anong oras siya makakauwi, ang sabi niya'y baka gabihin siya. Naisip kong ito ang perfect time na mabisita si Chaichai.

"Order lang tayo ng frappe at tea tapos diretso na tayo sa inyo," pag-s-suggest ko na tinanguan naman niya bago kami pumasok ng shop.

"Mommyyyy!"

Ang masayang-masayang Chaichai ang sumalubong sa akin. Sa sandaling nakarga ko siya'y pinaliguan niya ng halik ang buo kong mukha.

"You're big na baby. Nahihirapan na si mommy na kargahin ka," nakangisi kong usal saka pinindot ang tungki ng kaniyang ilong. Napatawa siya.

"Oh anong nangyari't bungi ka na naman, ha, baby?" pang-aasar ko. Nagkatinginan sila ng daddy niya kaya napatingin na rin ako kay Jaxx na hindi makatingin sa akin.

"Jaxx don't tell me... sino-spoil mo 'to ng sweets!"

Maang na napatingin siya sa'kin at nagtatanong ang tingin.

"'Di ba I told you to refrain her from eating chocolates? Masisira ang napakagandang ngiti nitong baby natin oh, right, baby?" Naka-pout kong balik ng tingin kay Chaichai.

"I love chocolates, mommy! Do you wanna eat with me, mommy?"

Muling tumambad sa akin ang bungi-bungi niyang ngipin. Nang hiniling niyang ibaba ko siya'y hinayaan ko na lang.

"Tara mommy! I'll show you my chocolates, they're all in the ref!" paghihila niya sa akin papuntang kusina.

"Mana-mana lang 'yan, Mariyah," bulong ni Jaxx na sumama na rin sa'min.

"Mommy will help you finish that, baby, okay?" Kinuha ko iyong limang kisses na natitira sa choclate jar niya. Isa-isa ko iyong isinubo hanggang sa napuno ang bibig ko ng pinaghalong tamis ng milk chocolate, alat ng choco caramel at pait ng dark chocolate.

"J-Jhwaksh.." gulat kong usal nang biglang pinunasan ni Jaxx ang gilid ng labi ko. Sa sobrang lapit ng mga mukha nami'y naamoy ko na ang mint sa bibig niya. Ang gwapo ng amoy niya.

"Chocolate.."

Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha't ipinakita sa akin ang baby wipes na basa ng laway kong kulay chocolate.

Nakakahiya ka, Mariyah!

"Mommy, mommy! I want to bake! Gawa tayong cookies at cake, pleaseeee!" pagmamakaawa ng bata habang nagpa-puppy eyes.

"How can I resist that charm of you baby?" Inipit ko ang magkabilang pisngi niya ng aking mga palad at nakipag-nose-to-nose sa kaniya.

"Yeeyyy!"

"I know a perfect place for baking!" ani Jaxx at 'yun na nga, kaming tatlo na ang nag-road trip papunta sa bahay daw namin noon.

"Uncle D! Uncle D!" sigaw ni Chaichai nang makababa kami ng big bike.

Sinalubong naman siya ni Mang Diosdado na may dalang manual grass cutter habang nagpupunas ng pawis. Agad na nagmano ang bata bago kami muling nilingon.

"Good morning po!" bati ko sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba't mapupunta rin kayo rito ng kompleto bilang isang pamilya. Na-miss ko kayong makitang tatlo!" hanggang taingang ang ngiting usal ni Mang Diosdado. Napangiti na lang din ako.

"Gustong mag-bake ni Chaichai kaya napabisita kami rito. I hope everything's still fine here," pakikipag-usap ni Jaxx sa care taker nila.

"All is well Sir J. Wala kayong dapat ipag-alala. Enjoy your stay po, Ma'am M, Sir J!" aniya saka kami tuluyang pumasok na ng bahay.

"Mommy we'll bake chocolate cookies first po!" suhestiyon ng bata habang tinutulungan kami ni Jaxx na ihanda ang mga ingredients. Tinanguan ko siya.

Sa unang ginawa namin, sobrang nakakawala ng stress makasama si Chaichai. Bibo siya at game na game na turuan ako kapag may mga nakakalimutan akong ilagay. She's just so smart sa mura niyang edad. Siya pa ang nagpresentang magpaandar ng mixer namin. Para bang ako ang assistant baker at siya talaga iyong totoong baker. Si Jaxx naman ang boss na nakakibit-balikat lang at pangiti-ngiting pinapanood kami.

"Parang ikaw lang talaga kung makautos sa akin dati," pagtutukoy niya sa anak na inuutusan akong kunin ang chocolate powder sa gilid. Napaismid na lang ako.

The rest of our baking session was even double the fun. Sumali si Jaxx dahil pinahiran na siya ni Chaichai ng harina at para kaming matatandang mapuputi na ang mga buhok.

"Yumyum!" nakataas ang mga kamay na hiyaw ni Chaichai. Sinisimot niya ang lalagyan ng cookies na b-in-ake namin.

"Baby, can you give this slice of cake to Uncle D?" malumanay na tanong ni Jaxx sa anak habang inaabot ang isang platitong may cake. Nang akmang kukunin na iyon ng bata'y napayakap ito sa akin at humahagulgol ng iyak.

"My teeth hurts mommy! The cavitis are attacking my teeth!" Napapasigaw na iyak niya habang niyuyugyog ang bewang kong yakap niya.

Pinunasan ko muna ang mga luha niya't sinilip ang kaniyang mga ngipin.

"I told you naman 'di ba, baby? You eat a lot of chocolates and cookies, stop crying na," pagpapatahan ko.

Nang mayakap naman siya ni Jaxx ay ako na lang ang kumuha ng platito sa mesa at binitbit iyon kasama ang iced tea na tinimpla rin niya.

"E-Excuse me po.." usal ko nang marating ang duyang pinagpapahingahan ni Mang Diosdado. Malapit ito kung nasaan ang sunflower garden kaya tanaw namin ang malalaki't dilaw na mga bulaklak.

"You take your snacks po muna. Pampa-energized lang po hehe." Pag-aabot ko sa kaniya ng dala ko na agad naman niyang tinanggap sabay ngiti.

"Naku Ma'am M, naalala niyo pa rin po ako. Hindi po talaga kayo nagbabago!"

Ramdam ko ang sayang naramdaman niya nang makita ako.

"Walang anuman po." Naupo ako sa upuang rattan sa tabi ng duyan habang binibigyan kami ng sapat na lilim ng dalawang puno ng mangga malapit sa amin. "Matagal na po kayo rito?"

"Masasabi ko pong medyo matagal-tagal na rin po. Simula nang mag-isang taon 'yang si Chaichai ay nandito na po ako. Malaki nga po ang pasasalamat ko sa inyong mag-asawa kasi dahil po sa inyo, napatayuan ko ng bahay ang pamilya ko sa probinsya. Hindi niyo po ako tinuring na ibang tao, ma'am. Salamat po," nakangiting bigkas niya habang nakatingin sa mga bulaklak saka ibinalik niya ang tingin sa'kin. Ramdam ko ang sinseridad ng bawat salitang binitawan niya.

"Ma'am M.." pagbabasag niya ng katahimikan.

"Po?"

"Ngayong nagbalik na po kayo sa iyong mag-ama, hiling ko lang po na sana'y hindi niyo na po sila iiwan uilt." Bahagya siyang napabuntong-hininga't tiningnan ako sa mga mata. "Nakita ko po kasi kung paano gumuho ang mundo ni Sir J nung nawala ka. Ilang lingo ring hindi siya umuuwi kay Chaichai at araw-araw, gabi-gabing hagulgol lang ang naririnig ko sa buong bahay."

Biglang bumagal ang tibok ng puso ko at pati paglunok ay hirap na hirap akong gawin.

"Nakikita ko siya sa bawat sulok ng bahay, sa bawat bahagi dito sa buong lugar.. lalo na dun sa tree house. Akala ko nung una, kaya niya kasi malakas siya pero nagkamali ako. Nung nakita ko kung gaano kamugto ang mga mata niya't sobra ang ipinayat niya.. Labis-labis na awa ang naramdaman ko para kay Sir J." Halos mamasa-masa ang mga mata niya't muntikan pang pumiyok.

"Kaya ma'am.. huwag mo na pong iiwan si Sir J, pakiusap po. Kahit hindi na bilang trabahdor niyo rito kundi bilang pamilya na rin. Hindi ko na alam kung kakayanin pa niya kung mauulit na naman iyong dati."

Mapait akong ngumiti dahil ramdam ko ang awa niya kay Jaxx. Kahit wala akong maalala, that sting, that same pain, it's also hurting me inside.

"I can't promise.. but I'll do my best to stay beside him as much as I can." With a heavy heart, I smiled again and stood to bid goodbye.

"Papasok na muna siguro ako, Manong D. Salamat po sa kwento," pagpapaalam ko't nang tumingin lang siya sa aki'y tumalikod na ako.

"Ma'am M.." pagtawag niya kaya napalingon ako, "ingatan mo po ang puso mo. Ikaw na lang ang meron sina Sir J at Chaichai. Kaawaan ka nawa ng Panginoon," sambit niya. Matapos kong makipagtitigan sa kaniya'y naglakad na ako pabalik ng bahay.

Pagkapasok ko'y okay na ulit si Chaichai. Bibo at sobrang kulit na naman na parang walang nangyari. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Manong D nang tingnan ko silang mag-ama sa malayo. Meron akong Caleb na kahit hindi ko maintindihan minsan ay hindi pa rin ako iniiwan tsaka may Blessie at Ciara rin akong nandiyan palagi para pagaanin ang loob ko. Masaya pa rin naman ang buhay ko kahit ulilang lubos na.

I found comfort from the people who were once strangers to me. Pero silang dalawa, may pera nga, wala namang ibang kasama sa buhay maliban sa mga katulong at si Manong D. This time, tama ang sinabi niya kanina. Kahit anong mangyari, maaalala ko man sila o hindi bilang pamilya ko, I'll stay by their side no matter what.

It's pay back time.

"Do you want to visit a very familiar place before you go home?" rinig kong usisa ni Jaxx mula sa ear piece na pinasuot niya sa akin. Connected ito sa mic na nasa kaniya at ganun din ang mic ko sa ear piece niya para hindi na kami magsigawan habang nasa biyahe.

Hinatid lang namin si Chaichai at ngayon nama'y ihahatid na rin ako ni Jaxx pauwi.

"What place?" I asked curiously.

"I'll consider that as a yes," aniya at binilisan ang takbo, iyong halos tumumba na kami kada may curve na kalsada. Mas napapayakap na lang ako sa kaniya. "Wait until you see it."

Dumating kami sa isang mall malapit sa pinanggalingan naming bahay. Siguro naman walang makakakilala sa'kin kasi medyo malayo 'to sa VU at nasa medyo liblib na lugar.

Namangha ako nang makita ang loob ng isang tindahang naka-glass. Maganda ito ngunit wala nang masyadong mga gamit. Habang binubuksan ni Jaxx ang pinto nito'y narinig ko ang bulungan ng mga napapalingon sa gawi namin. Mukha ngang sikat na tindahan ito noon dahil iba ang excitement nila nang makitang binubuksan ulit ito.

To my surprise, Sweets of Andreas ang pangalan ng tindahan na noo'y isa palang bakeshop. Binanggit pa ng mga babae ang ilan sa mga paborito nila sa mga tinda ng shop. Magkahalong saya at pag-aalala ang nasa puso ko ngayon. Saya dahil mas makikilala ko si Jaxx sa mga bagay na ipinapakita sa'kin ngunit nag-aalala akong baka may makakilala naman sa akin. Mahirap na't baka hindi na ako makauwi ng buhay ngayon.

Naging mabilis ang pagpasok namin sa bakeshop ni Jaxx. Ipinakita niya sa akin ang kusina at sobra akong natuwa. Ganung klaseng kusina kasi ang pinapangarap ko noon since nahiligan ko ring magluto. Aniya nagsimula raw itong business nila three years ago at sobrang nag-boom dahil sa mga best selling choco cookies at choco explosion. Nakapagtataka lang na kung malakas naman sa masa ang business nila'y bakit ito isinara.

Nagpatuloy lang si Jaxx sa pag-tour sa'kin sa buong lugar. Pati ang mga kwento niya'y nagpatuloy din. Ayaw daw ng mga customers nilang ipasara ang shop but the sad thing was, wala na iyong head baker. The master of the masterpieces was gone.

They had to close the bakeshop and keep the whole place untouched. Gusto niyang kahit iyong shop man lang ang magiging alaala niya sa baker nito at sa customers na naging parte ng business nila.

Mapait akong napangiti nang muling matitigan ang pangalan ng shop. Sobrang swerte ng asawa ni Jaxx para patayuan siya ng ganito.

Bumuntong-hininga ako habang nakatayo sa likod ni Jaxx na ngayo'y ni-l-lock ang glass door ng shop.

"Mariyah Merced?"

Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa akin. Gusto kong tumakbo palabas dahil sa sobrang kaba at takot. Send help!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro