Chapter 20: City of Rebirth

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 20

CITY OF REBIRTH


Itinaas ni Zebbe ang kaliwang kilay habang nakatagilid ang ulo. Naningkit ang mga mata kong mainit na nakikipagtitigan sa kaniya.

"Well, the hunt has just begun."

Isang evil smile ang nagbigay ng kakaibang boltahe sa'king katawan. I flashed a smirk to signal her that I could no longer feel fear towards her.

"Do you think shaming someone make you look more dominant?"

Napatigil kami sa malalim na boses na iyon. Sabay kaming napatingin sa lalaking ngayo'y in-e-examine ang kabuuan ni Kween Zebbe.

"Tsk. Girls really love to make a scene in public." Naisuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng itim niyang slacks. "Immaturity is hitting you so hard, Ms. Zenesstier."

Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ni Kween Zebbe at kunot-noo itong tinitigan. Walang gana itong ngumiti ng tipid saka naglakad palampas sa amin.

Mabilis akong inalalayan ng isang waiter at pinunasan ang damit kong puno ng icing.

"Namumula ka," naibalik ko ang atensyon kay Kween sabay hawak sa magkabilang pisngi ko, "huwag kang masyadong kiligin sa pinagsasabi niyan. They're purely a show. Nothing's serious for someone like Blyke Jester Amsterdam, especially... you."

"Stop pestering her, Ms. Zenesstier. We both know that you can't beat me," tiim-bagang na usal ni Blyke nang muli kaming lapitan.

Napaikot ang mga mata ni Kween. "You're such an epic fail knight in shining armor, Blyke.. as always." She mumbled before finally going out of the shop.

"I have to go."

Hindi ako nakakilos sa agarang pagbubukas ni Blyke ng glass door.

"Blyke," wala sa sariling tawag ko, napatigil siya't lumingon, "salamat.. sa pagtatanggol mo sa akin. Salamat talaga."

Ngingiti pa sana ako pero agad siyang tumalikod at tuluyang lumabas.

***

"Are you sure you want to stay in our house for few days?"

Tumango ako habang nakayakap mula sa likod. Tinawagan ko si Jaxx dahil inis na inis ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung may nakapag-video rin at baka habulin na naman ako ng mga gustong pumatay sa'kin. Ayoko rin munang umuwi for the meantime.

"Hindi ka pagagalitan ng amo mo? Nag-leave ka ba? O nagpaalam man lang?"

Mabilis naman akong umiling. Ayoko kasing magsalita o makipag-usap sa kahit na sino.

Naiinis pa rin ako sa sarili ko kung bakit iniyakan ko iyong si Kween Zebbe. Sa sobrang inis ko rin kasi kina Blessie at Ciara, na prank lang pala 'yung meet up kanina, napahagulgol na lang ako habang 'yung dalawa, tinatawanan lang ako sa tawag.

Pamilya pala ni Blessie ang may-ari ng dairy shop kaya run ako pinapunta. Ang dalawang bruha, pinagkaisahan ako. Ang ending, pamamahiya lang ang inabot ko sa prank nila.

"Alright. Just let me know if you want to go home, okay?"

Hindi ako sumagot at mas hinigpitan lang ang pagkakayakap. Pinakalma ko ang sarili sa preskong hangin sa buong byahe.

Tahimik ang bahay nila nang makarating kami. Nasa paaralan daw kasi si Chaichai.

"Aalis na naman tayo?" naguguluhang tanong ko nang isuot niya ulit sa akin ang helmet.

"Hmm.. parang ganun na nga."

"W-Wala bang makakakilala sa akin dun?" nababahala kong usisa. Baka kasi doon na ako mahuli't mapatay.

"I'm sure, wala. Just trust me, hmm?"

Nahawa ako sa ngiti niyang nakakagaan ng loob at tumango na rin.

"Bakit ka ba kasi nag-drop out? I never taught you to be naughty at school, honey."

Napatingin lang ako sa kaniya habang tina-tap ng ilang beses ang tuktok ng ulo ko.

Yes, pag-d-drop out from school ang dinahilan ko. I told him that dropping out from the university was considered as a huge scandal which equated to death. Mas mahihirapan lang kasi akong mag-explain kung bakit sa Vaund University ako nag-aaral at kung paano ako umabot sa ganitong sitwasyon. Thankfully, he believed in my lies.

"Let's go, you're drooling..." his words awakened my senses, "honey."

Napaikot ang mga mata ko. "Please! Stop calling me honey. Nakakadiri! Jaxx!"

Lokong nginisihan niya ako't ini-start na ang big bike.

Magdadalawang oras din ang naging byahe namin. Halos lahat ng mga nakikita ko sa paligid ay bago at kakaiba. Huminto kami sa tapat ng isang malaking gate. Mataas ang nakapalibot nitong bakod na kulay blue at may hugis dome na animo'y transparent na tubig na gumagalaw ang nakatakip dito.

"What is this place?" magkahalong mangha at litong usisa ko nang makapasok kami.

"The city that'll remind you of your past."

Napasinghap siya nang malalim nang lingunin ko.

Nakalimutan ko ba talaga kung sino ako o ayaw lang niyang tanggapin na ako't ang asawa niya'y magkaiba?

"Mom!" tawag niya nang makapasok kami sa isang two-storey bungalow house.

Isang babaeng sa tingin ko'y mas bata sa akin ng ilang taon ang bumababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag.

"Jaxxon, my son! I miss you so much." Agad niyang sinunggaban ng mahigpit na yakap si Jaxx na nakangiti namang gumanti ng yakap.

"I miss you too mom," ani Jaxx na mas nagpalito sa akin.

Mom? Jaxx's mom was alive? Pero mas bata pa sa akin?

"By the way, mom..."

"Ohh-Is she Mariyah?" His mom's eyes widened while changing gaze between me and Jaxx. "Is she? Is she?!" Sunod-sunod niyang tanong na mas tumaas pa ang energy nang tumango si Jaxx.

"Finally..! I'm so happy to 'finally' meet you, hija!"

Mahina siyang napatili nang mayakap ako samantalang ako, napa-freeze na lang sa pagkabigla.

"Pasensya na kung obvious na obvious ang pagiging masaya ko, ha? Sobrang excited lang talaga ako to meet you again, hija! Paturo naman ako how to glow up like you."

Parang kiti-kiti nga, paanong hindi obvious. Peace po, hehe.

"Again po.. t-tita?" Doubtful pa ako kung paano ko siya tatawagin.

Nagkatinginan sila ni Jaxx kaya ang ending, dead air. Awkward.

"I'm sorry," pilit akong napangiti, "'di ko lang kasi gets.. you know na."

His mom sighed and flashed a smile. "Can we talk in private, hija?"

Nakita ko ang pagngiti ni Jaxx sa ina bago bumaling sa akin. Tumango ako't nagtungo na siya sa kabilang side ng bahay.

"Didn't he tell you?" Panimula niya nang maupo kami sa couch.

"About what p-po?" Again, I was reluctant.

"That you're in the city of rebirth-"

"Rebirth? You mean, reincarnation po?" Halos dumoble ang laki ng mata ko sa binanggit niya.

After a while, her silence meant a yes. Hindi makapaniwalang napatakip ako ng bibig.

"Kaya pala mas bata kayo kesa sa'kin? Kaya ba naka-gate at concrete fence ang buong paligid? At 'yung mala-tubig na dome sa ibabaw, anong ibig sabihin nun?"

She chuckled that made me gulp in an unfamiliar feeling.

"Yup. Lahat ng nakikita mong kakaiba, it's all because your world and ours are separated by time but united by love. Tanging mga taong may love ones na na-reincarnate dito ang maaaring makapasok or worst.." napataas muna ang kaliwang kilay niya, "hindi nila malalaman o matatagpuan ang lugar na 'to."

I nodded understandingly. Ibig sabihin ba nito, may loved ones din ako rito?

"Let me tell you a secret, hija," bulong niya habang inilalapit ang mukha sa akin. "Entrance with no code.. is an exit of no good. A reincarnated person can no longer enter the city or else, the city will forever disappear."

Nahaplos ko ang naninindig kong mga balahibo.

"T-That was.. c-creepy po."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

She scoffed and landed her back to the headrest of the couch.

"Hindi naman sobrang creepy. You just have to be careful, hija because you may meet your past life's enemies. Sabi kasi nila, lahat daw tayo dito sa mundo'y may past lives. Unang kita mo pa lang sa mga tao sa buhay na 'yun, mapa-kaibigan man o kaaway, makikilala sila ng puso mo."

Mas tumindi ang takot ko sa narinig. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"Jaxx, anak!" tawag niya. Hindi pa rin mapanatag ang loob ko.

"Yes, mom! Tapos mo na po ba akong i-chismis kay Mariyah? Lunch is ready already."

Pinakikinggan ko lang ang usapan nila pero ang isip ko'y hindi pa rin makapaniwalang may ganitong lugar pala sa mundo nila. Ang mas malala pa, sabi ni tita lahat daw tayo may past life so maaaring.. reincarnated soul din ako?

"No!"

"Hindi ka ba gutom, hija? Bakit ayaw mo pang kumain?"

"H-Huh..?" utal akong napatanong sa kanila.

"Mom asked you to come with us to the table for lunch. You said no. Hindi ka pa ba nagugutom, honey?" Jaxx explained but I'm still preoccupied. I couldn't search for any word to say.

"C'mon, gutom lang 'yan," ani Jaxx at hinawakan ang kamay ko para alalayan.

The lunch went smoothly though I remained silent. My head's overcrowded and the questions I had are far from over.

What if na-reincarnate din sila mama at papa kaya ako nakapasok? Saan ko sila hahanapin? Kung mahahanap ko man sila, maaalala pa ba nila ako?

What if reincarnation nga ako ng asawa ni Jaxx?

"Honey..."

I was back to my senses when I felt Jaxx pressing his hand on mine.

"W-Why?"

Gulp.

"I'm asking if you want to go around the city."

Hindi ako nakasagot.

"That's a brilliant idea, my son! Para naman mas makilala niya ang mga taga-rito sa city natin. Let her feel that she's at home."

Pilit kong ginantihan ng ngiti ang natural na pagkurba ng mga labi ng mom ni Jaxx.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. I just found myself walking with Jaxx in the middle of the tall buildings and houses.

"Kanina pa tayo lakad ng lakad, wala bang transpo dito?" reklamo ko.

"Lahat ng emosyon ay nararamdaman pa rin ng mga reincarnated na mga tao rito maliban sa pagod. They can do things repeatedly, all day, because they're all living in the life they wished to have when they died." Pag-k-kuwento niya saka isinuksok ang kamay sa bulsa ng kaniyang itim na leather jacket.

I nodded.

"Jaxxon?"

Napalingon kami sa babaeng ngayo'y tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Jaxxon, hubby kooo!"

Napapigil ako ng tawa nang agad siyang tinalunan ng babae at ikinulong ang leeg niya sa nakakapit nitong mga kamay.

"I have to show you something, tara!" rinig kong ani ng babae pero hindi na sa kanila ang atensyon ko.

I'm now curious at the textile shop on the other corner of the road.

Tumunog ang maliit na bell na nakakabit sa ibabaw ng glass door nang pihitin ko iyon papasok.

"What are you doing here?"

Bumungad sa'kin ang sarkastikong usisa ng cashier pagpasok ko ng shop. Nakataas ang isang kilay niya, naka-pout at nakakibit-balikat.

High blood lang, beh?

"Titingin lang sana ako..." Nag-aalangan ma'y tinatagan ko ang loob at naglakad papasok.

"Tingin lang, bawal magnakaw ha? Or else, ipapa-tarpaulin ko 'yang pagmumukha mo't ibabalandra ko sa lahat ng kalye dito sa city. Take note, we have exactly 341 anti-theft cameras and 200 censors within the shop," she snapped her fingers, "so you better think of your actions ten billion times. Hmmm?"

Tinitigan ko lang siya nang walang anumang emosyon. Asar, talo hahaha! Mainit pa dugo niya kesa sinag ng araw dito, e.

"Inaano ka ba nung customer, Clarita? Sinungitan mo pa talaga, anak. Nakakahiya." Rinig kong galit na tanong nung may-ari siguro ng shop nang tumalikod na ako't nagpatuloy sa paglalakad.

Clarita? Hindi man lang nagpalit ng mas pang-millennial na pangalan.

Napa-smirk ako.

"Ngayon ko lang siya nakita mommy pero adunno, inis na inis agad ako sa kaniya. She's getting into my nerves!"

My eyes rolled. Baka isa siya sa mga maarteng nilalang na nakabangga ko sa past life. Ganun na lang kasi ang inis niya sa'kin. Sa idea pa lang na baka nasapak ko 'yun noon ay napapahalakhak na ako sa isip.

"O-Ooh! I'm sorry! Sorry talaga!"

Agad kong napulot ang naka-roll na mga telang nalalaglag ng babaeng nabangga ko.

Bilis ng karma mo, self, a! Lutang yarn?

"Pasensya na talaga!" muling paghingi ko ng tawad saka tinulungang bitbitin ang mga tela.

"Pasensya rin po. Naabala pa kita sa pamimili mo, ate," malumanay ang boses na pag-a-apologize ng bata.

That smile.

Her eyes when her lips curved into an apologetic smile.

"You look.. familiar," gulat na bigkas ko. Napakunot-noo siya habang nakangiti pa rin sa akin.

"Naku, ate. Ngayon lang kaya kita nakita rito. Siguro isa lang ako sa mga taong nakasabay mo noon sa sasakyan o nakasalubong sa daan kaya pakiramdam mo'y pamilyar ako. I'm not as significant as anybody's roles, ate. I'm used to playing a supporting character."

Napatitig ako sa mga mata niya at sa bawat paggalaw na ginagawa ng kaniyang mga labi. Napaka-mature niyang magsalita kahit sa tingin ko'y kasing edad lang siya ni Chaichai.

"Enjoy ka po sa pamimili, ate!"

Mas lumapad ang ngiti niya't naglakad na papuntang cashier.

Her sweet and comforting smile. The way her eyes reflected the beauty of her inner soul.

She was really familiar.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko kung sino siya, isang pangyayari ang nag-flash sa isip ko.

A woman's laying down on a bed with a man holding her both hands. Happiness was all over the place while a doctor was pointing out to an image of a baby on the monitor. She rerouted her gaze towards my position and as her lips slowly formed into a sweet curve line, I almost lost my sanity.

My sight zoomed in and with a pounding heart-shouting for her name-I uttered.

"Mama?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro