Chapter 21: Drunk and Kisses

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trigger Warning: The following scenes contain violence and sexual assault. Reader discretion is advised.

CHAPTER 21

DRUNK AND KISSES

"Mama?"

Nabibingi ako sa katahimikang namamagitan sa mga tingin namin.

"You are.. my m-mother," I murmured.

"Ate?" Nakakunot ang noo niyang lingon niya sa'kin.

Mama, nandito ka lang pala. Miss na miss na miss na talaga kita. Gustong-gusto kitang hawakan, mayakap at makakwentuhan upang punan ang mga taong ipinagkait sa atin ng tadhana.

"Naiiyak ka po ate. Panyo, gusto mo po?"

Hindi ko magawang sumagot sa mga tanong niya. Animo'y bulkan na nag-aalburuto't nag-uunahan ang mga lava nitong makalabas at tuluyang umagos mula sa aking puso.

"Ate, tumutulo na po ang mga luha mo. Ayaw po kitang makitang umiiyak kasi naiiyak din po ako." Bakas sa tono ng kaniyang boses ang awa at bigat ng nararamdaman na para bang tumagos sa kaniya ang laman ng puso ko.

"Ateee-huhu--tumigil ka na po sa pag-iyak.. pleaseee po, gusto ko lang naman po makilala ang mama mo kasi tinawag mo siya. Ateeee!" dagdag pang pagmamakaawa niya saka sinabayan ako sa pag-iyak. Ang mas malala'y hagulgol pa ang ginawa niya.

"Atee-"

Walang anu-ano'y yumuko ako't hinila siya papalapit sa akin. Pinaramdam ko sa kaniya ang init ng yakap ng isang anak na matagal hinangad ang pagkakataong meron kami ngayon.

"Okay ka na po ba, ate?" paninigurado niya sa gitna ng pagsipsip niya sa bitbit na buko juice.

"Yup, sobrang okay na ako. Salamat pala dito," nginitian ko siya bilang pasasalamat dahil ako pa ang nilibre niya nang maiinom.

Naglalakad kami ngayon sa isang malapad na kalsada't sasamahan ko siya pauwi sa kanila. Gusto kong malaman kung may bago ba siyang pamilya o kung magkasama rin ba sila ni papa.

"You're welcome po-Kuya J!" biglang tawag niya kaya napatingin na rin ako sa direksyong tinatakbo niya.

"Hey, pretty! I miss you!" Malawak ang ngiting kinarga ni Jaxx iyong batang kasama ko.

"Mas miss kaya kita," naka-pout na pagpapa-cute nito. Napangiti ako dahil para silang totoong mag-ama.

"So how's my pretty Natasha?" Jaxx asked while pinching her nose.

So, her name's Natasha and not my mama Flaviana. Pero pwede namang napalitan na ang pangalan niya nang ma-reincarnate siya, 'di ba?

Ilang sandali pa silang nag-usap bago namin ihatid sa kanto kung saan lang daw maaari naming ihatid si Natasha.

"Thank you," I mouthed when she looked back at me for the last time.

Thank you for letting me see you again, mama.

Muntik pa akong maluha habang nawawala siya sa paningin ko kaya mabilis akong tumalikod at tinatagan ang loob. Hindi ako sigurado kung kalian ko ulit siya mayayakap o kung makikita ko pa ba siya. It's breaking my heart.

"Mariyah!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napapatingalang bumulong sa kalangitan. "Let our paths cross again, please.."

Isang tipid na ngiti ang namutawi sa mga labi ko't mariing napapikit.

"Mariyah!"

Sa pagkakataong iyo'y nilingon ko si Jaxx na nakasunod pa rin sa'kin.

"Ano?" singhal ko.

"Hindi ka okay." Bakas ang pagkabigla niya sa pahina nang pahinang boses sa pasigaw kong tanong.

I squeezed my eyes to shut, emotionlessly turned back from him and continued walking.

"May.. m-may problema ba? Tayo?" muling usisa niya habang pilit akong sinasabayan sa paglalakad.

Huminto ako sa paglalakad at buong tapang na tiningnan siya sa mga mata. "Jaxx, walang tayo, okay?"

"O-Oo nga pero hindi ka ok-"

"Pabayaan mo muna ako! Dun ka na sa babae mo, please lang!" singhal na pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Pakiramdam ko'y umuusok ang ilong at tainga ko sa naghahalo-halong emosyon. Gusto kong tumakbo't habulin si mama pero gusto ko ring lumayo sa inis nang makita ko si Jaxxon.

Sandaling natigilan si Jaxx saka napaiwas ng tingin. "Wait, are you jealous of Bale?"

"So she's Bale. E may Bale ka naman pala tapos ngayon pinipilit-pilit mong ako ang asawa mo!" naghahabol ng hiningang singhal ko ulit na nagpaigting ng panga niya't parang timang na napangiti.

"It's not funny, Jaxx. Dun ka na sa Bale mo," padabog ko siyang tinalikuran saka narinig ko ang muling pagsunod niya sa akin.

"Nagseselos ka nga, Mariyah," habol niya sa palaki nang palaki't pabilis ng pabilis kong paglalakad.

Hindi ko siya nilingon at nagdire-diretso papunta sa pinag-parking-an ng big bike niya. Hindi ko na rin alam kung paano ko natatandaan ang daan pabalik-basta kusa lang akong dinala dito ng aking mga paa.

"Hindi ako nagseselos, okay?"

"Hindi ka nagseselos? Kung nakikita mo nga ang reaction mo kanina at ngayon, I'm sure you'll admit right into my eyes that you're jealous of Bale."

"I said I'm not jealous," maikling pagsalungat ko.

"Yes, you are jealous. Your face is getting red, honey," paninindigan niya.

"No, I'm not."

Hindi naman talaga ako selosa-I mean, hindi ako nagseselos.

"You are obviously jealous, honey."

"I-am-not-jealous." I said, emphasizing my every word.

"C'mon honey, walang mawawala sa'yo kung aaminin mo. It's just between you.. and me," he insisted and took a step closer to me.

Madiin akong napapikit sa sobrang inis kaya huminto ako't nakakuyom ang mga kamaong humarap sa kaniya.

"Fine! I feel jealous. Nakalimutan mo agad ako nung sinunggaban mo ang pagkakatali nung babae sa leeg mo. Ano ngayon, matatahimik ka na ba ha? Alam mo naman palang nagseselos 'yung tao kinukulit mo pa!" mamasa-masa ang mga mata kong tanong ko sa kaniya.

He flashed a grin and without dropping our eye contact, he cupped my face with both of his hands.

"You have nothing to be jealous at. If my actions aren't enough to make you feel assured and secured, tell me. If I have to do-"

"H-Hindi naman sa ganun, Jaxx," sabat ko sa takot. Baka mahimatay ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso kong halos ikaubos na ng aking hininga.

"Just tell me if I have to hug you every minute, if I have to cling with you every second, honey. I'm yours-all yours."

I closed my eyes as his soft lips landed on my forehead. My heart's full of joy as I felt his every breath touching my skin-securing me with his arms around me.

"I love you," with a deep baritone voice he whispered right into my ear.

"I love you too, Jaxx." I replied in my sweetest whisper.

After resolving the issue, bumalik muna kami kay Tita Vexxia, Jaxx's mom para magpaalam.

"Thank you for making me happy," nakangiting pagpapasalamat ko sa kaniya habang magkaharap kami't magkahawak-kamay. Nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng tangke ng kaniyang big bike na nakapark sa gilid ng kalsadang ilang metro ang layo mula sa entrance ng village.

As agreed, I stayed four days sa bahay nila and for the record, sa guest room ako natulog. Defensive lang talaga, self?

Tutal sabi naman ni Caleb na mag-iisang linggo siyang out-of-the-town so free ako sa mga araw na 'yun. Nothing much to talk about sa pananatili ko sa kanila dahil as expected, mommy duties ang na-accomplish ko. Pinagluto ko sila ng meals, binasahan si Chaichai ng story books niya at ipinaghanda ng snacks for school.

His chuckles brought me back to my senses, realizing that I'm still in front of him and watching him visibly turning red.

"It's just that.. we're destined to be together again-be it in the past, at present or in the years to come."

His tongue was as sweet as honey as always.

"Maybe," I sighed then smiled shyly, "heaven saw that I need someone to watch over me and make my heart skip a beat for a second."

"And that's me!" kompyansang usal niya sabay itinapat ang kamay naming makahawak sa kaniyang dibdib.

"Ang taas ng self-confidence natin ah!" biro ko.

"Of course! I don't have to compete with someone just to have you, right?"

Napatawa ako ng mahina saka ilang beses pabirong umiling. "Hindi tayo sure diyan. Nagkagusto ka sa maganda kaya dapat ready kang makipagkompetensiya!"

Napa-pout siya. Sabay na lang kaming natawa sa mga pinagsasasabi namin.

"Sige na, baka gabihin ka pa. Mag-iingat ka sa byahe mo pauwi, Jaxx!" pagtatapos ko sa usapan namin. Baka kasi nakakalimutan na niyang umuwi.

Pagkababa ko'y hinintay ko na lang na makaalis siya saka ko kinuha ang scooter na ibinilin ko sa guard ng village at umuwi na ng bahay.

"How will you explain what I just saw?"

Muntik na akong kumaripas ng tumakbo palabas ng bahay. Malamig at malalim na boses na iyon ang bumungad sa'king kakapain pa lamang ang switch ng mga ilaw.

"Oh.. Why would I ask someone who's not obliged to tell me everything she does?" walang ka-emo-emosyong tanong ni Caleb nang mabuksan ko ang mga ilaw.

Nakasandal siya sa sofa habang nakaakbay ang magkabilang braso sa headrest nito at nakapanlalaking pandekwatro. Nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang long leeves kaya mayabang na nakausli ang malulusog niyang dibdib. Magulo naman ang buhok niyang medyo basa.

Kalma ka lang, Mariyah. Kararating mo lang at masaya kayo ni Jaxx kani-kanina lang.

"C'mon Caleb. She doesn't owe you an explanation. She doesn't even have to ask for your permission whoever she wants to flirt with. Am I right, Mariyah?" He continued his monologue.

Sobrang bigat ng dibdib ko habang pilit nilulunok ang aking laway sa pagka-sarkastiko ng tanong niya. Nanatili akong nakatitig sa nag-aapoy niyang mga mata.

"She can date whoever guy she sees on the road. She can cling into someone's neck no matter how less she knows about him. She can kiss-"

"Caleb, stop," pagpuputol ko nang maramdaman ang pag-init ng tensyon sa loob ko.

"Why?" Pinanlakihan niya ako ng mata't tinaasan ng kilay, "you can even kiss someone you barely know."

Nanlisik ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Animo'y nabibingi ako sa inis kung bakit niya 'to nabibigkas sa akin ngayon.

"Stop insulting me, Caleb. I'm warning you," with grinding teeth, I firmly uttered.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang pilit kong iniwasan ang pagkakagulo namin. Naglakad na lamang papunta sa kuwarto ko.

"Tell me Mariyah."

Napahinto ako sa paglalakad nang muli siyang nagsalita.

"Caleb, you just need some rest," baling ko sa kaniya pero nagpatuloy pa rin siya.

"Did you hug already? Have you cuddled already, huh? Have you walked on public holding and pressing each other's hands?"

Mariin kong naipikit ang aking mga mata sa pagpipigil ko ng inis at pagkadismaya sa kaniya. Alam ko na ngayong maaaring alam na niya ang tungkol sa amin ni Jaxx pero sapat na ba 'yun para insultuhin niya ako ng ganito?

"Have you kissed publicly? Or if not..." he scoffed, "privately?"

Sa pagkakataong ito'y hindi ko na talaga kayang sikmurahin ang mga pang-iinsulto niya.

"Insultuhin mo na ako't lahat-lahat, huwag lang ang pagkababae ko. Aminin mo nga sa'kin, Caleb. Bakit mo ako ginaganito?" sigaw na usisa ko, tumutulo ang mga luhang sa isang iglap ay ayaw nang tumigil.

Masakit, Caleb. Sobrang sakit.

"Because I'm mad at myself that I can't stop you when you cling with someone else! I can't disagree when I saw you holding other guy's hand because I don't have any right to deprive you from seeing someone else other than me-"

Okay, you want war? I'll give you war.

"'Yun na nga, Caleb, e! Hindi ako iyo dahil hindi mo ako pag-aaari! Utusan mo na ako't lahat, huwag mo lang insultuhin ang pagkababae ko!" Naghahabol ng hininga akong galit na napatitig sa mga mata niya.

"Hindi ako ang babaeng basta-basta na lang sumasama kung kani-kanino. Hindi ako ang babaeng nakikipagyakapan sa hindi ko kilala sa kung saan-saan. Mas lalong hinding-hindi ako makikipaghalikan sa lalaking hindi ko mahal!" patuloy kong sigaw sa kaniya.

I didn't care kung saan ako matutulog ngayong gabi o kung saan ako titira after this. Ang pinakaayaw ko ay 'yung ginaganito ako-iniipit ako sa mga akusasyon at pang-iinsultong lagpas na sa boundaries na dapat ay hanggang dun lang.

I couldn't understand people. I could be the most patient person but not like this.

"Are you trying to say that you love him? Well, I'm sure you kissed already."

Mabilis siyang tumayo dahilan para ma-out of balance siya ng kaunti.

"What? Of course not!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Bakit kailangan naming umabot sa ganito?

"So.." medyo mahinang saad niya, "you never kissed, hmm?"

"Hindi-nga-ako-gaya-ng-iniisip-mo-Caleb! Stop being so narrow-minded!" Magkahalong galit at pagkadismaya pa rin ang nangingibabaw sa puso ko.

"Then, let me do it first and put a mark on who's mine!"

Mabilis niyang hinawakan ang kaliwang pulsuhan ko't hinila. Nagdikit ang aming mga katawan. Nang ma-corner niya ako sa kaniyang mga braso'y agad niyang dinapuan ng magkakasunod na halik ang aking leeg-maiinit at agresibo.

"Caleb, ano ba?" Pilit na pagpupumiglas ko ngunit mas hinigpitan lamang niya ang pagkakahawak sa aking baiwang.

"I'll kiss you whenever and wherever I want," hirit niya sa gitna ng pwersahan niyang mga halik.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang unti-unti itong bumaba sa collar bone ko.

"Caleb, Caleb.. please stop this! Please! Amoy alak ka, Caleb!" pagsusumamo ko nang maka-recover. Sa takot kong baka tuluyan na niya akong abusuhin ay napatigil siya sa ginagawa.

"I'm begging you, pleasee," my voice finally broke while my eyes pleaded in tears.

Kung akala ko'y madadala na siya'y mas bumigat pa ang paghinga ko nang muli niyang isubsob ang mukha sa kabilang side ng leeg ko.

"Stop, Caleb! Stop, hindi ko na gusto ang ginagawa mo! Caleb-TULONG!" namamaos na pagsisisigaw ko habang pilit siyang nilalabanan.

Ang kiliting naidudulot ng bawat pagdampi ng mga labi niya sa balat ko'y purong sakit na mas nagpahina ng mga tuhod ko. "Please-huhu-- please tigilan mo na 'to," humahagulgol pa ring pagmamakaawa ko.

Gusto kong manakit.

Gusto ko siyang suntukin ng paulit-ulit.

'Tulong,' bulong ko sa isip habang walang tigil na umiiyak. Tuluyang bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig.

Hindi pa siya nakontento. Buong lakas niya akong binuhat at bahagya pang nadiin ang likod ko sa gilid ng pintuan saka ako pabagsak na inihiga sa kaniyang kama.

Blurry na ang aking paningin sa dami ng luhang umaagos mula sa sirang gripo ng aking mga mata. Tanging naaaninag ko na lamang ay ang kaniyang imaheng nakaluhod na pinanggigitnaan ng mga hita ko. Gustuhin ko mang lumaban, hindi pa rin sapat.

He's under the influence of alcohol and I could smell it through his breath. Ang ikinatatakot ko ay kung ano pa ang pwede niyang gawin sa akin ngayong nasa ganitong kondisyon siya.

Malakas ang pwersang hinawakan ni Caleb ang mga kamay ko't pinagsiklop iyon sa kaniya. Ipinuwesto niya ito sa magkabilang side ng ulo ko at mariing itinulak-tulak sa malambot niyang kama nang patuloy ko iyong ikinakalas.

"Caleb... Cale-nasasaktan na ako!" humihikbing sigaw ko nang ilipat niya ang bigat ng kaniyang katawan sa aking nakahiga ngayon sa ilalim niya.

"Hindi ikaw ang Caleb na nakilala ko!" pagpapatuloy ko nang muling maramdaman ang paggapang ng mainit niyang dila at hininga sa aking braso. "Ang Caleb na kilala ko'y hindi ako kayang saktan! Kung mahal mo ako, bakit mo ginagawa sa'kin 'to?"

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa sa ilalim ng madilim niyang kwarto. Halatang tinablan na siya ng pakiusap ko't pati siya'y nauntog sa pader at natauhan sa maling ginagawa.

"M-Mariyah? Mari-" Mabilis niyang binitawan ang aking mga kamay at halos talunin na ang kama. Halos mabulag ako sa lakas ng ilaw na tumatama ngayon sa aking mga mata.

Ilang ulit kong pinunasan ang aking mata. Nang kusutin ko ito'y muli kong naramdaman ang paggalaw ng kama't naaninag ang kaniyang anino sa tapat ko.

Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga. Nasapo ko ang aking noo sa bilis ng pag-ikot ng paningin ko. Mas lumala pa nang bumagsak ulit ako sa kama.

Nahihilo ako.

Nasusuka.

Nag-iinit ang buong katawan.

"M-Mariyah?" rinig kong tawag niya sa'kin bago tuluyang bumagal ang aking paghinga't nandilim ang paligid.

"Mariyah!"  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro