Chapter 22: Marupok Yarn

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 22

MARUPOK YARN

"Mariyah!"

Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan, habol-habol ang hininga't yakap ang kumot na bumabalot sa buo kong katawan laban sa lamig ng paligid.

"What.. was t-that?" naguguluhan kong bulong sa sarili nang makapa ang noo't leeg na basang-basa ng pawis. Napalunok ako.

Nagising ako sa boses ni Caleb na sinisigaw ang pangalan ko. Nasapo ko ang aking noo nang bigla itong kumirot, napangiwi ako sa sakit.

"C-Caleb?"

Mas naibalot ko ang sarili ng kumot nang mapansin siyang natutulog sa gilid ng kama. Nakapatong ang ulo niya sa mga braso.

Ngingiti na sana ako sa ganda ng pagkakatitig ko sa kaniya nang marinig ko ang sariling boses. Umiiyak ako't banaag ang panghihina, galit at kagustuhang lumaban.

"Caleb... Cale—nasasaktan na ako!"

"Hindi ikaw ang Caleb na nakilala ko!"

"Ang Caleb na kilala ko'y hindi ako kayang saktan! Kung mahal mo ako, bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!"

Mabilis akong napaatras at napayakap sa mga tuhod sa ilalim ng kumot. Naalimpungatan siya.

"You stay there!" turo ko sa kaniyang nagtatakang nakatingin sa akin. Napatingin muna siya sa bintana ng kwarto bago ibinalik ang mga mata sa akin.

"Mariy—"

"No! You stay there or I'll scream for help!" pagbabanta ko ngunit mas nangilid lang ang mga luha ko nang makita ang mukha niya kagabi.

Bumalik sa akin lahat ng ginawa kong pagmamakaawa sa kaniya na hindi naman niya pinakinggan.

Iyong mga hagulgol ko.

Iyong bawat pagpupumiglas ko.

Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko!

"Mariyah, I'm so—" paghingi niya ng tawad na akma pang tatayo't lalapitan ako.

"Don't you dare—touch—me—again! You, sexually abusive selfish man! Who do you think you are, huh? A God?" Nandidiri't nanlilisik ang mga mata kong tinitigan siya.

"I begged! I shouted for help!" I breathed in and out, controlling my emotions. "I never let anyone take advantage of me but you? You, self-centered Caleb De Castro. Ang KAPAL ng mukha mo para babuyin ako! Para saktan ako ng paulit-ulit! Ano, masaya ka na, ha? Naging masaya ka ba sa ginawa mo, ha?"

Pilit kong inaaninag ang mukha niya kahit basang-basa na ang buo kong mukha ng luha.

"I'm sorry—I—uhh—I was drunk."

"Yes, you're drunk!" I exclaimed. "Pinigilan nga kita, 'di ba, dahil lasing ka? But still, here I am now, waking up questioning my worth as a woman! I'm asking myself what did I do to deserve this. Tahimik na ang buhay ko pero simula nung dumating ka, everything just went upside down!" hingal kong pagpuputol sa sinasabi. Naramdaman ko ang pag-akyat ng animo'y kuryente mula sa aking talampakan hanggang sa tuluyan nitong nilamon ang puso ko.

Pinasasakit nito ang dibdib ko't pinapabigat ang bawat paghinga ko.

"You're happy now? I hope you are—"

"No, I'm not!" ganting sigaw niya. Namumula ang mukha niya't unti-unting namuo ang mga butil ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Nasuklay ko ang buhok sa tuktok ng noo ko out of disappointment and frustration. I even bit my tongue in so much want to slap him at the very least.

"I'm madder than the maddest man in this world for breaking the heart of the only woman I love. I'm mad at myself. I'm mad at me for getting drunk just because of jealousy. I'm mad at taking advantage of your weakness. I'm so disappointed at myself." Umiiyak na aniya habang sinusuntok-suntok ang sariling dibdib.

Hindi mo na ako madadaan sa ganiyan Caleb. Kung 'yun ang akala mo. Napairap ako sa isip.

"Don't act like you are the victim, Caleb. The guilt you're feeling is nothing compared to the pain you've cost me." I said in between my sobs.

"I'll never claim that I am the victim, Mariyah. I tore you apart and I'm sorry. Sa maniwala ka man o hindi, hindi ko tinuloy—walang nangyari sa atin kagabi. Kaya patawarin mo na 'ko, please.."

Ramdam ko man ang sincerity niya'y pilit akong hinihila pabalik ng sakit ng ginawa niya. Nakaka-trauma. Nakakatakot. Nakakawala ng tiwala sa lahat ng mga sinasabi niya.

"How sure are you that nothing happened?"

Kinusot ko ang aking mga matang namamaga habang nag-iisa ang linya ng aking mga kilay.

Gusto kong makasigurado. Gusto ko na rin namang mag-move on. Kung paano ko gagawin 'yun ay hindi ko pa alam.

"Remember when you ask if I truly love you, why would I do that—why would I hurt you," panimula niyang napahilamos ng mukha. "That's when I realize things. Tama ka."

I saw how his eyes were drowned by his tears. His words were stabbing my heart in lethal pain so as the wounds he made last night. I couldn't determine now which was more painful. I'm starting to hate what's happening.

No, Mariyah. Stick to the fact na sinaktan ka niya, inabuso at ininsulto. Fight for yourself, kahit ngayon lang.

"There are instances, Caleb that the time we realize things is when we find ourselves left all alone. And you know what's the worst thing? It's when even the only person who understands you has bravely left after what you've caused." I firmly uttered, fighting against his helpless eyes that's pleading to my inner soul.

Again, I wiped away the only tear that's slowly crawling down my cheeks.

Magpakatatag ka, Mariyah. Kakayanin mo 'to dahil kaya mo. You're not an empowered woman for nothing.

"Why would I make you cry when all this time you're the only one I've been fighting for? Tama ka nga. Am I that stupid to forcefully hurt you out of jealousy when in the first place you already chose me?" He then sniffed before continuing. "Honestly, I took a quick shower just to clear things off in my mind. Natamaan ako, doble. Natamaan ako ng alak at the same time, natamaan ako sa sinabi mo—dito."

Ngayon ay mas mababakas sa tono ng boses niya ang pagsisisi't pagka-guilty habang tinuturo ang dibdib na tapat ng puso niya. Dapat lang niyang maramdaman 'yan. Dapat lang.

"Nag-shower ako, Mariyah para pigilan ang sarili ko," muli siyang napahilamos ng mukha. "Alam kong iyong tubig na lang ang pag-asa para kumalma ang sarili ko."

I was frozen for a second when that hit my mind big time. Shower—alcohol—drunk. Nang maalala ko ang napanood sa isang balita noon ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

"P-Pero.. lasing ka, Caleb baka—" Naramdaman ko ang pag-init ng buo kong katawan.

"That I may die?" he mockingly laughed at himself. "If that happens, who am I to refuse what I deserve?"

Ngayon ay pabagal naman nang pabagal ang paghinga ko habang palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

"Matagal nga mamatay ang masamang damo. Look at me, I'm still alive and kicking. I still have the guts to face you—you see how stupid I am?" while wiping his tears he said, voice breaking in his last few words.

Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng nararamdaman.

Bakit mo ginagawa sa akin 'to, Caleb?

Ang gusto ko lang naman noon ay mag-exist ka sa real world na ginagalawan ko. Hindi tulad nitong ako ang nakapasok sa mundo mo't ginugustong masaktan ka rin ng paulit-ulit.

"Caleb.." pabulong na naiusal ko sa sarili, nakakagat ang daliri nang hindi ko namamalayan.

"You don't have to forgive me, Mariyah. But please let me apologize for what I did—I'm so sorry. I didn't mean to hurt you," humahagulgol na aniya.

"Caleb, Caleb," nag-aalalang tawag ko sa kaniya habang hawak-hawak ang mga pisngi niya sa gitna ng dalawa kong mga palad.

"Oo," self, please fight, please don't let your guards down, "nasaktan ako sa ginawa mo at hindi ko alam kung kalian ko 'to mararamdaman pero handa akong magpatawad." I heaved a heavy sigh when my heart unfortunately won over my mind.

Ang idea pa lang ng pang-iinsulto niya'y hindi na pinapalagay ang isip ko. Hindi ko alam kung kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa kaniya or worst, mamatay siya.

Isang maliit na ngiti ang ginawa ng aking mga labi habang nakikipagtitigan sa kapwa namin mamasa-masang mga mata.

"No one's perfect and you're not an exemption, I'm aware of that, Caleb. But please.." napapikit ako't napahugot muli ng malalim na buntong-hininga, "don't do that—not to me nor to anyone—again, hmm? Galit na kung galit pero hindi kaya ng konsensya kong mamamatay ka. Katangahan mo pa rin naman ang maligo kahit lasing."

Napa-tsk siya at lumitaw ang isang maliit na ngiti sa sulok ng kaniyang mga labi.

"Sorry," he mouthed when I finally let go of his face.

"Ayan, lalasing-lasing kasi hindi naman pala mapaninindigan ang pagiging seloso," pabiro kong paninisi sa kaniya.

Hays, 2030 na Mariyah, marufok yarn?

"Seloso ka, e," pinanlakihan ko siya ng mata, "hindi ka naman akin.." pahina nang pahina ang boses ko.

I saw how his apologetic face turned red and unexpectedly, he smirked.

"Is there a need to put a label before getting jealous? Wait!"

Nang animo'y may maalala ay napakiling ang ulo niya habang nakataas ang isang kilay.

"Are you jealous of someone? Nagseselos ka ba kay Ms. Zenesstier? Do you like me still, Mariyah?"

Bigla akong nagitla nang mabanggit niya si Kween Zebbe. Muling sumariwa sa isipan ko ang nangyari sa shop.

She's the fur woman in a very confusing way but proved her evil side in a very convincing attitude.

Just then, an unexplainable weird sting of fear hit my system. I mockingly smiled.

An angel to be watched out for, indeed.

"B-Bakit naman nasali pa si Kween Zebbe dito?" maang na tanong ko nang maka-recover. Napakunot-noo siya.

"Why? Threatened ka pa rin ba sa posisyon niya sa puso ng nag-iisang Professor Caleb De Castro?"

Bahagya niya akong siniko kaya napasimangot ako.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mariyah. Do you still like me as you were the first time you laid your sight on me?" nanunuksong usisa niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata't lumabas na sa kumot na kanina ko pa pinagtataguan ng aking katawan.

"Sabi mo naman kaninang hindi na kailangan ng label para magselos, so I move to refuse answering the question."

Nakangiti ko pang saad ngunit mabilis akong napatakip ng dibdib at maselang bahagi sa ibaba nang mapansing iba na ang suot ko ngayon.

"Sabi mo hindi mo tinuloy—A-Anong ginawa mo sa akin., Caleeeeeb!"

Malakas ang tili ko habang tumatakbo palabas ng kwarto nang tumatawa siyang kumaripas ng takbo.

"Mabuti na lang hindi mo ako natamaan nung combat boots kong hinagis mo kanina. Kung hindi baka puro malalaking dark circles 'tong mukha ko," reklamo niya habang nakasunod sa akin sa harap ng isang buffet table.

Paano ba kasi 'yung boots niya ang una kong nahablot nang mapatakbo kami kaya 'yun ang naihagis ko. Hindi pa ako nakatsamba, kwits na sana kami ngayon.

"Hindi mo naman kasi pinanindigang wala talagang nangyari kagabi at kumuha ka ng private nurse—na babae ha—para bihisan ako dahil—"

"Sinukahan kita," walang ganang sabat niya. Tumango akong nag-agree ayon sa paliwanag niya kanina.

"Yown! Mas mabuti na 'yung malinaw kesa magkabukol ka pa. Takot mo lang sa'kin 'pag natamaan kita 'no," maangas at kompyansang wika ko saka kumuha nang tempura gamit ang tong.

"May onion rings dun, 'di ba favorite mo 'yun?" aniya habang pinapanood akong nilalamon ang dalawang serving ng Lasagna Bolognese.

"Hmm? Farang mash nagki-cwave akho ngayown nung lashanya shaka amfanget ng amoy ng shibuyas," nahihirapan akong magsalita habang ngumunguya ang bibig kong puno ng pasta at cheese.

"You finish chewing first before talking, Mariyah. I always tell you that," concerned na pagpapaalala niya. Pinunasan niya ang gilid ng labi kong may tumutulo palang sauce gamit ang table napkin.

"Nagpa-buffet ka pa kasi. Wala namang fiesta," malinaw nang sabi ko nang malunok lahat sabay sumimsim ng cucumber juice sa baso ko.

"This is one of my ways of saying sorry to you—"

"Peace offering ba 'ka mo? Gege, you are forgiven Mr. De Castro. Good boy ka na, ha? Huwag nang manliligo ng halik sa leeg," tinutukan ko siya tinidor, "hindi mo alam paano nun pinapatindig ang mga balahibo ko sa katawan."

Bigla siyang namula, to the point na pati tenga niya'y kulang na lang umusok sa sobrang pula. Napa-tsk siya at ngumisi.

"Kumain ka na nga lang. Ipagkukuha na rin kita nung iba pang pasta," pagpi-presenta niya't tuluyang tumayo bitbit ang kaniyang plato.

Akalain mo nga namang magpapa-buffet siya sa loob ng bahay na kaming dalawa lang ang tao? Mapapanis na lang 'to hindi pa namin nauubos kalahati man lang.

Kung may mga kapitbahay lang sana kami, paniguradong ako pa mismo maghahatid house-to-house ng pagkain. Marami kayang nagugutom ngayon at namamalimos sa kalsada tapos kami rito nagsasayang lang. Hindi ko gusto 'yun 'no.

Naalala ko pa nga 'yung panunumpa namin noon sa paaralan tungkol sa pagtitipid ng pagkain at pagkuha lang ng naaayon sa kayang ubusin. Sayang nga naman kasi kung mapapanis lang.

Churr, gumawa ka kaya ng partylist, self tapos ipaglaban mo 'yung mga napapanis na pagkain, 'no?

***

"Caleb, Cale—" tawag ko sa kaniya nang halos matumba ako sa bilis ng pag-ikot ng paningin ko.

"Why? What happened?" alalang tanong niya saka ako inalalayang tumayo.

"Umikot na naman ang paningin ko," nahihilo ko pa ring usal, hawak-hawak ang noo't napapapikit.

Gusto ko lang naman maging sexy ulit kaya naisipan kong mag-work out. Ito na ngayon ang aking balik-alindog program.

Gulat akong napatingin nang makatayo mula sa yoga mat. Napatingin ako sa kamay niyang dumapo sa tapat ng tiyan ko.

"Buntis ka ba, Mariyah?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro