Chapter 23: Caleb's Girlfriend

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 23

CALEB'S GIRLFRIEND


Nahampas ko nang mahina ang kamay niyang nasa tapat pa rin ng aking tiyan.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Caleb!"

"Why? What's wrong?" gulat rin namang tanong niya. Mas nanlaki ang mga mata ko.

"Anong why? Ako, mabubuntis? Sino naman magiging ama, e wala nga akong jowa, aber?"

It caught him off guard and made his half-opened mouth remain speechless.

"See? I'm not pregnant or getting any pregnant, Caleb. It's more impossible than having a lunar eclipse in a broad daylight."

Ngumisi ako samantalang napapailing naman siyang pinaupo ako sa couch. Mabilis niya akong dinalhan ng tubig.

"Mariyah," rinig kong tawag niya matapos kumatok sa pinto ng kwarto ko. Isang araw na ang lumipas simula noong araw na nag-away kami dahil sa ginawa niya.

"Hmm?" sagot ko sa kaniyang isinilip lang ang ulo sa pinto.

"Your requested pasta is ready. Let's have lunch," pag-aaya niya kaya nagliwanag ang mukha ko.

Pasta. It's my new favorite craving now. Simula nung natikman ko ang pa-buffet ni Caleb last day, hinahanap-hanap na siya ng palette ko. What's funny was minsan kapag tinitingnan ko si Caleb ay parang lasagna na ang nakikita ko.

"You have a real pasta at the dining table so please, stop staring at me like you want a piece of me, Mariyah," pang-aasar niya sa akin, emphasizing the 'real' na para sa akin ay kakaiba ang kahulugan.

"Pwede naman sigurong sabay ko kayong kainin, 'di ba?" mas nanunukso kong wika na nagpaseryoso ng mukha niya. Malakas akong tumawa.

"Gutom lang 'to, Caleb. Huwag mong seryosohin." Tawang-tawa pa rin akong tumayo mula sa kama't binuksan ng malaki ang pinto.

"Rawr," pang-aasar ko saka siya nilagpasan.

Halos maubos ko ang apat na servings ng lasagna, fettuccini at carbonara. Hindi ko alam kung bakit ganito na karami ang nakakakain ko.

"It seems like you want me to grow big with these, huh," I jokingly uttered while looking at the foods that were still not eaten.

"If that's all you want, I'll give it to you. Just tell me."

Seryoso ang mukha niya kaya sa ayaw at sa gusto kong matawa ay ginawa ko ang lahat para maging cold rin ang mukha ko.

"What if.. I want you. Will you give yourself to me?" flirty na usisa ko habang mas inilalapit ang mukha sa kaniya, may boses na halos pabulong. Pinanliitan niya ako ng mga mata, though maliit naman talaga 'yun dahil sa pagiging chinito niya.

"Jokeee! Charot-charot lang, Caleb, ano ka ba. Sobrang seryoso mo naman today," mabilis na pagbasag ko ng katahimikan sa buong bahay.

Matalim pa rin siyang nakatitig sa akin sabay kibit-balikat na napasandal sa likod ng upuan. "If I'll give myself to you, will you answer me now if you still like me?"

Napasinghap ako nang hindi pinapahalata sa kaniya.

Tabang mga beh! Si Caleb? Asking me if I still like him? Wait lang, hinga muna ako!

"Hindi ka na sigurado. Tell me, you really do love him more than you loved me before?"

Wait lang ulit. Bakit ang lalim ng hugot niya?

"Your lips may not say it but your eyes do. I understand, I'll choose to understand."

Natahimik ako, pilit inaaninag ang mga mata niyang ngayo'y mamasa-masa na.

Walang emosyong tumayo siya't tinalikuran ako. "Mariyah, can I ask a favor?"

Tugdugdug.

"Ano 'yun, Caleb?"

Sa ilang segundong pagtitigan naming dalawa'y para bang ilang oras na 'yun para sa akin. Bumibigat ang dibdib ko.

That pain in his eyes.. anong meron?

"Can you think of it for some time," he smiled bitterly, "and promise me you'll find your way back to me again?"

Muli siyang tumalikod at naglakad papunta sa kwarto niya. Bago pa man niya pinihit ang door knob ay napatigil siya't nilingon ulit ako. Doon ko napansin ang nag-iisang luhang gumagapang mula sa kaniyang kaliwang mata at ang maliit na ngiti sa sulok ng kaniyang mga labi.

Those eyes, they never lied to me-never.

Nang mawala siya sa aking paningin ay doon lang ako napabuntong-hininga habang hawak-hawak ang dibdib ko.

What's with him today? Matapos niya akong muntik magahasa, tapos 'yung pagpapabihis niya sa akin at pagpapakain ng buong buffet. Heto siya ngayon, humihingi sa'kin ng pabor.

Muling pumasok sa isip ko ang Blessing in Disguise pero wala akong ibang maalala kundi ang mga pangalang Kalebb at Kween Zebbe. Ano nga ba ang nangyari sa kanila hanggang sa natapos ang nobela?

Ang naaalala ko na lamang ay 'yung sila ang naging main characters ng kuwento. Kung paano matatapos ang kuwento nila at ang iba pang mga nangyari ay hindi ko na alam-hindi ko na naaalala kahit anong pilit ko.

Sa natitirang mga oras sa buong araw ay nakahiga lang ako sa kama.

"What are you doing?" salubong niya sa akin kinabukasan nang paglabas niya ng kwarto'y dala ko ang mop, balde ng tubig at vacuum.

"General cleanup. Wala kasi akong magawa dito sa bahay, naboboryong na ako," pagdadahilan ko at sinundan siya ng tinging pumunta ng lababo at nagmumog.

"Isasama ko na rin ang mga kwarto natin. May lakad ka ngayon?" usisa ko sabay lapag ng balde. Sinimulan ko itong hilahin papuntang gilid ang mga couch.

"You don't have to. I can manage my things."

"Naghanda na rin pala ako ng breakfast kanina, ang kaso.." ani ko habang sinisimulang ilublob ang mop sa tubig.

"What?" His forehead creased, confused.

"Kinain ni Zurca," naka-pout kong bigkas nang hindi man lang siya nililingon.

Rinig ko ang mabilis niyang pagtakbo palabas ng exit kaya napalingon na ako.

"Baby, why did you eat our breakfast, huh? Sino ang nagtanggal ng tali mo para makagala ka ngayon?" Pakikipag-usap niya sa alaga habang hinahaplos-haplos ang dilaw nitong mga balahibo.

Tumingin lang ito sa kaniya kaya napatingin siya sa direksyon ko. Agad akong napabalik sa pag-m-mop at napa-hum ng kanta.

"Sabi ni Zurca, ikaw raw."

Nagulat ako nang pagtingala ko'y nasa harap ko na pala siya,. Nanlalaki ang mga matang ngumiti ako ng pilit.

"Nakakausap mo?" turo ko sa alagang bitbit niya gamit ang nguso.

"Guilty?" he grinned. I was taken aback.

"Nagsisisigaw kasi kaninang madaling araw, nakakaawa kaya kinalagan ko na kaso nung tumalikod ako, tumalon pala sa mesa at-"

"I'll cook for breakfast. No need to say sorry," he cut my words off and emotionlessly walked towards the fridge.

Mabilis kong natapos ang pag-m-mop at pag-v-vacuum after matuyo. I felt proud of myself kasi ilang buwan ko na ring hindi nagagawa ang ganitong gawaing-bahay.

Ciara calling..

Napatingin ako sa phone kong umiilaw sa upuan sa pagitan namin ni Caleb.

"Ehem," he cleared his throat, making me take a glance at him.

Ciara calling..

"I don't want any phone interruptions when eating, pero mukhang importante. Answer it, in a loud speaker," malamig at malalim ang boses niya kaya mas nagdalawang-isip akong kunin ang phone. Sa ikalawang beses na tinapunan niya ako ng tingin ay dun ko na sinagot ang tawag.

"Hello, Ciar!" bati ko, napatingin sa kaniya saka muling nag-iwas ng tingin.

"Good morning, MM! Free ka ba today? Gusto sana naming bumawi sa nangyari, okay lang ba?" aniya sa kabilang kinya.

Napalunok ako. Nang muli ko siyang tingnan ay nakakatunaw sa init at tulis ang pagkakatitig niya sa'kin.

"U-Uhh.. O-Okay na 'yun, wala lang naman s-sa'kin 'yun, e."

Kunwari pa'y mahina akong tumawa pero sa loob ko'y sobrang kaba ang nararamdaman ko. Halos gustuhin ko na lang lamunin ako ng sahig.

"No, nooo! Sobrang nakokonsensya talaga kami ni Blessie kaya gusto naming bumawi. Promise, hindi na 'to prank. Pro-"

Binambo ng sobrang lakas ang dibdib ko't para bang nabibingi ako nang biglang kunin ni Caleb ang phone sa kamay ko.

"Good morning, this is Mariyah's boyfriend. We're having breakfast now-"

I was confused, shocked and had no idea how to react. I stared at him who's now talking to my friend in a very different tone of voice. It's so deep, masculine and full of emotions I can't determine what.

"OMG! I'm sorry po, sorry po talaga. Sir Caleb, ikaw ba 'yan?" agad na sabat ni Ciara.

Sobrang nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin na nagtatanong ang mga mata.

'Why does she know?' he mouthed.

Binigyan ko lang siya ng I-also-don't-know look. Hindi ko naman talaga alam.

"Who.. is he?" maang na tanong niya.

"Sir naman e-MM, kami naman ba pina-prank mo, ha? Ikaw 'pag nakita kita, pipingutin ko talaga 'yang singit mo, beh!" sigaw ng isa pang babae sa kabilang linya. Sigurado akong si Blessie 'yun.

"Please watch your words, ladies," wala na namang emosyong wika niya. Natahimik ang dalawa ng ilang segundo.

"Sorry po ulit. Sir Caleb kung ikaw po 'to-" rinig kong ani Ciara pero wala na akong narinig pagkatapos nun dahil in-off na ni Caleb ang loud speaker.

"Hold on," utos niya sabay tayo at naglakad papuntang exit.

Napabuntong-hininga na lang akong napsandal sa likod ng upuan. Nang makabalik siya ng dining table ay tapos na akong kumain.

"You can go with them. Just make sure you're home before 5 in the afternoon."

Tinanggap ko ang inaabot niyang phone at naupo siya. "Thank you."

Ngumiti siya at sumimsim ng tea. "Please remember the favor I asked you."

Tumango ako't nginitian siya saka niligpit ang pinagkainan ko.

"Just find your way back to me no matter where you go."

Medyo natigilan ako habang naghuhugas ng pinggan sa sinabi niya. Mas napalunok ako nang magdikit ang mga katawan namin nang ilagay niya ang pinagkainan sa sink at naghugas ng kamay.

"I love you..."

My heart skipped a beat as his sweetest whisper registered my ear.

Did he just say 'I love you'?

Bago pa man siya tumalikod at tuluyan akong iwanang hindi alam ang isasagot ay marahan niyang idiniin ang mga labi sa tuktok ng ulo ko.

I blinked so many times hoping to process everything that happened. What was all of that?

***

"Em-eeem." Kung dati'y malakas at mahabang sigaw ni Blessie ang sumasalubong sa'kin tuwing magkikita kami, ngayon ay halos pabulong na ito.

Kahit pa kakaunti lang ang mga taong narito sa beach at sinigurado nilang walang makakakilala sa akin ay kailangan ko pa rin mag-ingat.

Bineso ako ni Ciara habang si Blessie naman ay niyakap ako.

Katamtaman lang ang init ng sikat ng araw. Napagdesisyonan kong mag-stripe light blue and yellow oversized long sleeves na naka-unbutton lahat at naka-roll pataas ang sleeves hanggang siko, paired with a two-piece light green swimsuit and a high waist denim shorts on top of it. I also had a stripe green and white headband and skintone flip flop sandals.

"It's so hot in here, let's have some refreshment drink at the restobar!" reklamo ni Ciara at hinila ako papasok sa isang restobar malapit sa amin.

"Here! Palamig ka muna, bes. May i-m-meet up lang kami ni Ciar, okay? Bye!" nakangising pagpapaalam ni Blessie habang kumakaway gamit lang ang mga daliri.

THIRD PERSON POV

Makikita mula sa 'di kalayuan ang isang lalaking naka-sunglasses, lime green Hawaiian polo, goldenrod swim shorts at brown slide sandals.

Nakatuon lamang ang atensyon niya sa babaeng nakikipagtawanan sa dalawa pang kasama nito. Sa komportableng pagkakaupo na naka de cuatro sa lilim ng isang niyog, katabi ng kaniyang mesa ang isang duyan, ay tinanggal niya ang unang dalawang butones ng kaniyang polo at itinungtong ang shades sa ibabaw ng kaniyang naka-brush up na buhok.

Malawak ang ngiti ng dalaga kaya gayun na lamang ang paggaan ng kaniyang pakiramdam kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin mula sa dagat.

Lulunukin na sana niya ang iniinom na mojito nang mapansin ang paglapit ng isang lalakeng medyo may katangkaran, maputi ang balat at halatang may kaya sa pananamit at paglalakad nito sa babaeng kanina pa niya pinagmamasdan.

Agad nag-isang linya ang mga kilay niya't bahagyang napatayo nang mapanood kung paanong hinaplos ng lalaki ang likod ng babae nang magyakap sila-iyong yakap na parang ilang taon silang hindi nagkita. Ang ikinainit pa ng kaniyang dugo ay kung paano isinayaw-sayaw ng lalaki ang babae habang magkayakap sila.

Nang mapansin niya ang dahan-dahang pagdapo ng kamay ng lalaki sa buhok ng babae't hinawi ito papunta sa likod ng kaniyang tenga'y doon na siya muntik sumabog. Dumagdag pa nang mahinang sinuntok ng babae ang tiyan nitong hapit na hapit sa katawan ang suot nitong floral t-shirt.

To contain himself from getting totally pissed off of what he's seeing, he immediately walked towards the other side of the beach-the parking space.

Malapit na sana siya sa pinag-park-ingan ng kaniyang kotse nang may makabangga sa kanang braso niya.

Agad itong nag-sorry pero bago sila nagpatuloy sa paglalakad ay tinapunan niya ito ng galit at nagtatanong na tingin. Napapayuko lamang ang mga ito saka nililingon siyang naglakad papunta sa isang kainan.

Bumuntong-hininga muna siya pagkaupo sa driver's seat at malakas na naipikit ang mga mata habang nakasandal sa head restraint nito. Ramdam pa rin niya ang malakas na pintig ng kaniyang puso at ang pangunguyom ng mga kamao dahil sa tensyong nabubuo sa dibdib niya.

Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ay ang paglinaw ng isang pakiramdam na matagal na niyang nakalimutan. "So, this is heartbreak huh."


MARIYAH.

"Jaziiiim!"

Nasa may kalayuan pa lang sila'y rinig na rinig na namin ang tiling 'yun ni Ciara.

Pareho kaming napalingon sa gawi nila at napapigil ako ng tawa nang talunan ni Ciara ang pinsan nang nakapalibot ang mga braso sa leeg nito.

"Hindi obvious na kailangan mo na namang magpalibre dito sa resto, cous."

Napabulalas kami nang tawa sa birong 'yun ni Jazim, ang pinsan ni Ciara sa ama.

"As usual, kaming tatlo lang din naman, cous e. Hindi mo naman siguro ikaka-bankrupt 'yun."

Ngayon ay hanggang tenga na talaga ang mga tawa namin. Ewan ko ba sa dalawang 'to. May kuripot at itong isa naman, nasobrahan sa hilig magpalibre.

Si Jazim ang may-ari nitong restobar kaya dito gustong-gustong pumunta nila Ciara at Blessie dahil malilibre lang ang ililibre nila sa 'kin.

"Okay, noted. Uyy, kumusta ka na pala, Mars?" baling niya sa akin. Mars ang tawag niya sa 'kin, in short for Mariyah.

Akalain mong pati sa pangalan ko, kuripot pa rin ang machong business man na 'to?

"Still, maganda pa rin-charot lang! Pero honestly, hindi na ako nag-aaral ngayon sa VU," tugon ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"What-really?"

Tumango ako. Inilapit naman ni Blessie ang mukha kay Jazim. "Sekretong malupit lang natin 'yun, Jazz. Actually, walang dapat makakilala sa kaniya dito kasi pwede siyang isumbong sa admin at ipapatay agad. Kaya 'tong resto mo, make sure walang CCTV footage na mahahanap about her."

Natahimik kaming apat, lalo na ako. Naalala kong may nakaamba pang panganib sa buhay ko.

Mabuti na lang talaga't lumipat kami ni Caleb sa lugar na wala masyadong nakakaalam.

"Is that so?" nag-aalala na ring wika ni Jazim. "Sige, I'll assure that. Besides, lahat naman ng guests namin dito sa resort ay puro taga kabilang city kaya no worries. I'll make sure safe pa rin kayong makakauwi."

Lahat sila'y nakatingin sa akin kaya napahugot ako ng malalim na hininga't binigyan sila ng mapait na ngiti.

May isang lalaking sumundo kay Jazim dahil may pag-uusapan daw sila. Nung una'y ayaw pa nga niyang sumama dahil parang hindi sila okay nung lalaki pero umalis din naman kalaunan. Naka-holding hands pa ngang naglakad.

"Buti pa cous mo may ka-hhww na, samantalang ikaw," pang-iintriga ni Blessie kay Ciara, "mukhang plano mo pa yatang maging ermitanyo habang buhay, bes."

Napa-tsk lang si Ciara. Makikiintraga sana ako nang bigla akong napapikit sa sobrang sakit ng ulo ko. Para na naman siyang umiikot at animo'y masusuka ako sa pagkahilo.

"You stop worrying things, okay?"

"I can't stop overthinking. I know this is not the right thing to do. I've made the wrong decision."

Nag-aalalang boses ng isang babae't isang lalaki ang bumibingi sa akin. Nasapo ko ang noong sa hindi malamang dahilan ay may sariling pintig, iyong malakas talaga't nararamdaman ng buo kong katawan.

"Ssssh.. This is not only your decision, hmmm? Choice ko 'to, choice kong mabuhay na nasa tabi kita. We're on this... together."

"I love you.."

"I love you more."

Their expression of love was the last line I've heard and the pain gradually stopped.

"MM, are you okay? Nakita namin kanina si Sir Caleb," rinig kong wika sa'kin ni Ciara pero nanatili akong nakatuon, hawak pa rin ang noo.

"Oo nga! Ganun pala ka-overprotective maging boyfriend si prof?"

Agad akong napatingala sa kanila, gulat at nagtataka.

"'Yung feeling na sinusundan ka niya kahit patago just to make sure you're safe, especially now that you're a hot target of VU's eyes. Yiiieeee, my #CaliyahForLife heart!" mahinang tili ni Blessie na agad namang napatigil nang sikuhin ni Ciara't pinandilatan. Agad siyang napatakip ng bibig.

'OMG,' she then mouthed.

"Don't you know, MM?" dugtong ulit niya, "kalat na kalat sa buong VU na may girlfriend si Prof. De Castro at MM din ang nickname."

Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin sabay bulong, "but don't worry, kami lang dalawa ang nakakaalam na Mariyah Merced ang real name ng girlfriend ni Prof-"

Napatigil na talaga siya nang pwersahang hinila ni Ciara ang kaliwang braso niya at tinitigan nang matalim.

May binulong pa siya kay Blessie na alam kong pinapagalitan niya na. Muli itong napatingin sa akin sabay nag-peace sign, kagat-kagat ang ibabang labi at hilaw na napangiti sa aming dalawa ni Ciara.

Mariyah Merced ang real name ng girlfriend ni Caleb.

Mariyah Merced ang real name ng girlfriend ni Caleb.

Kung kinikilabutan ako sa narinig kaninang boses ng lalaki't babae na hindi ko alam kung sino o sa nalaman ko ngayon tungkol kay Caleb ay hindi ko na rin alam.

"Ako ang girlfriend ni Caleb? Pero, paanong-?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro