Chapter 24: Battle Mode On

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 24

BATTLE MODE ON


Muli akong napapikit at nasapo ang noo nang muli itong sumakit.

"Sorry kung nabigla ka sa sinabi namin, MM ah," nag-aalalang paghingi ni Blessie ng tawad.

Tiningnan ko sila't tipid na nginitian.

"It's just so weird. Bakit hindi mo alam na boyfriend mo si Sir to think na super naging headline kayo noon sa blogsites ng mga Vaundees?" nagtatakang napaisip si Ciara sa naitanong niya. Pati ako nga rin.

"Yeah, I agree. Isn't it confusing na kayo ang magjowa pero si Sir lang at kami ang nakakaalam? Ano 'yun in a relationship with no mutual understanding?" dagdag pa ni Blessie.

Mas sumakit ang ulo ko sa mga naririnig. Nakakasuka, nakakahilo.

"Maybe it's time for you to ask him personally, MM. You should fix what's between you. Mukhang badtrip si Sir kanina e," ani Ciara habang hinahaplos ang likod ko saka sila nagtinginan ni Blessie.

"Sige, mauuna na siguro ako. Magpapahinga muna ako. Sumasakit ulo ko dito. Salamat pala sa inyo."

"Are you sure?" paninigurado ni Ciara na inalalayan akong makatayo.

I sighed.

"Yes, I can handle myself naman. Mag-t-taxi na lang siguro ako pauwi."

Nginitian nila akong dalawa at hinatid pa hanggang sa labas ng resort. For the last time, winagayway nila ang mga kamay at nakangiting naglakad pabalik ng restobar. Nang tumahimik ang paligid ay doon lang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari.

Maiisip ko pa lang ang medyo pamilyar nilang mga boses ay naninindig na ang mga balahibo ko. Mas lumala pa nung sabihin ni Blessie na kapangalan ko raw ang girlfriend ni Caleb.

I slowly closed my eyes. I calmed myself through the wind breeze touching my skin. I could feel the beat of my puzzled heart.

"BEEEEPP!!"

Halos iwan ng kaluluwa ko ang aking katawan sa nakabibinging busina sa likuran ko.

"Ano ba?! Don't you know the meaning of the word privacy?" pasigaw kong bigkas saka nilingon ang sasakyan. Binambo ng malakas ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng driver nito.

"We have to talk."

Walang kaemo-emosyon niya akong tiningnan sa pagbaba ng bintana ng kaniyang sasakyan sabay tingin sa malayo.

"No. We need to talk," I said, emphasizing the word 'need' then turned around his car and sat beside his driver's seat.

"I'm sorry."

Pagbabasag niya ng katahamikan matapos ang halos limang minutong pananatili naming nakatingin sa harap ng sasakyan niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"I'm sorry."

Sa pangalawang pagbigkas niya nun ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. He seemed so earnest and I could feel his sincerity.

Karupukan mode, striking the defense wall!

"I said I'll understand but tsss," he scoffed, "here I am again, following you around. I said we have our separate lives but I keep on jumping into your private life."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya at kitang-kita ko kung paano siya disappointed na natawa sa sarili.

"I'm so sorry."

This time, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nakapikit kong naisandal ang aking ulo sa head restraint dahil nagtatalo na naman ang utak at puso ko.

"Mariyah, sorr-"

I sighed deeply and opened my eyes. "Let's talk about my private life, then."

Nang muli ko siyang lingunin ay nasa akin na rin pala ang atensyon niya.

"May girlfriend ka na pala. Hindi mo man lang sinabi sa akin?"

He was caught off guard. Napaawang lang ang maninipis niyang mga labi.

"Matagal na kayo?" tanong ko pero napabuntong-hininga lang siya. "How did you guys meet?" usisa ko ulit.

Paano ko ba kasi siya tatanungin? Lalabas lang na ako ang assuming dito.

"Sa Vau-"

"Go straight to the point, please," he expressionlessly uttered, cutting me off.

Ilang segundo akong natahimik, napalunok ng laway at napaiwas ng tingin.

"Uhh-nabanggit sa'kin kanina nila Blessie at Ciara na there's this one time that you were the talk of the university because of your rumored girlfriend."

"Rumored." He smiled from ear to ear.

"What's funny? E, kung hindi ko sana kapangalan 'yung rumored girlfriend mo, edi sana makikitawa ako sa'yo ngayon."

Nagkibit-balikat ako habang siya naman ay nanlaki ang mga mata.

"N-Naaalala mo na?" Halata sa boses niya ang pagkatuwa at excitement na mas ikinalito ko.

"Sinabi din sa akin nung dalawa." Mabilis napatikom ang bibig niya't napaurong ng kaunti. "Bakit, totoo ba? A-Ako ba iyong girlfriend mo, Caleb?"

"If you say so, why not start being my real girlfriend tomorrow?" Nakangising aniya saka pinaandar na ang sasakyan.

"Woy, anong you say so? Tinatanong ko nga kung totoo, hindi ko naman sinabing ako 'yung jowa mo, 'no!" pagrarason ko habang tinatapik ang kanang braso niya.

"Jowa.. You're now my jowa."

Nanatili siyang malapad na nakangiti habang nag-d-drive kaya inis na nagdugtong ang mga kilay ko.

"Caleb, stop it! Hindi mo ako jowa, okay? Kung magkakajowa man ako, though pwedeng kasing gwapo't kasing bango mo pe-Aargh! Nakakainis ka!" pagtataas ko ng boses. He just shrugged kaya mas kumulo ang dugo ko sa hindi malamang dahilan.

"Jowa, you're my jowa. You are now my jowa. Jowa," he chanted.

"Fine, pag-iisipan ko!"

I surrendered. Mukhang hindi siya titigil at naririndi na ako sa accent ng chant niyang entitled 'jowa'.

Gusto ko lang naman makasigurado, napasubo tuloy ako.

Inis akong napasandal ulit at tahimik na nakatingin sa daan.

Wait, kung ako man ang girlfriend niya, paano? Three months pa lang kaming nagkakilala, 'di ba dapat niligawan niya muna ako nun?

Aish! Stop yourself, Mariyah! Inis ka nga kay Caleb, bakit ka napapangiti diyan?

"Psssh."

Nang marinig ko 'yun ay agad ko siyang nilingon pero nanunukso niya akong tiningnan saka nginitian.

"I think I know what you're thinking," pang-aasar niya pa. Napataas ang kaliwang kilay ko.

"Nawong nimo thinking-Owem-" impit na sigaw ko nang may biglang sumundot sa likod ng sasakyan niya.

Nang lingunin ko'y mas bumilis ang takbo nito't pilit kaming tinatabihan sa gitna ng malapad na kalsada.

"Aaaay!" sigaw ko nang muli nitong sinagi ang kaliwang bahagi ng sinasakyan namin.

"You want a race? I'll let you see what a real race is," Caleb murmured and clicked the red turbo button in front of him.

Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa halos tripleng pagbilis ng takbo namin.

"Natagpuan nila tayo!"

Pagtaas ko ng boses at kinakabahang napatingin sa logo ng VU na nakalagay sa gilid ng kotseng sumusunod pa rin sa amin.

"Hold on tight, Mariyah. We'll have some fun today." Nakangiting aniya. Para bang ang dali-dali lang sa kaniya ang ginagawa habang ako nama'y hindi na alam kung naaalala ko pa bang huminga o kusa na lang humihigop ng hangin ang baga ko sa sobrang takot.

"Caleb, ayoko pang mamataaa-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang muli siyang pumindot ng button at ang malala'y tatlong beses pa itong bumilis hanggang sa naabot nito ang maximum speed.

Mabilis akong napayuko't napatakip ng tainga nang umalingawngaw ang malakas na tunog ng baril, Kasunod niyon ay ang pag-zigzag ng takbo namin. Pati si Caleb ay napapayuko na rin habang nag-d-drive.

Sa action movies ko lang naman napapanood ang ganito!

Ikalawang putok nga baril.

Pangatlo.

Pang-apat.

"Lumalaban.." rinig kong usal ni Caleb. Gigil niyang pinindot ang pang-apat na level ng turbo. Buti na lang talaga walang katao-tao ang kalsada kaya dire-diretso lang ang takbo namin.

"Reaching maximum speed. Shield on position. Mr. De Castro, battle mode on."

Mas kumabog ang dibdib ko sa narinig mula sa sasakyan niya. May pa-battle mode on? Luhh.. laysho. James Bond lang ang peg ah!

Ilang ulit pa kaming binuntutan, sinubukang bungguin at paputukan ng sasakyang ngayon ay hindi lang isa kundi tatlong nakasunod pa rin sa amin.

"Phew! That was intense, Caleb!" natatawa kong pinunasan ang ilang butil ng pawis sa'king noo nang makababa ako ng kotse. "I enjoyed pero mas lamang nga lang ang kaba haha! First time kong makipagkarerahan sa mga namamaril."

He tried to control his laughter like he never had a battle for survival a while ago. Kung hindi lang halos ten times ang turbo ng sasakyan niya at malinlang ang mga nakasunod sa amin dahil sa daming u-turn, left turn, right turn at lahat nang turn sa mundo ay malamang kalat na ngayon sa social media ang pagkakahuli't pagkapatay sa aming dalawa.

"We're okay now, right?" napapasinghap siya ng hangin. Napa-stretch pa siya nang mga kamay na saktong lumanding sa mga balikat ko.

"We're okay. I forgive you, pero we're not mag-jowa, hmm?" pagkaklaro ko sabay baba ng kamay niya.

"Yet. We're not mag-jowa yet. Hmm?" panggagaya niya. Napapangiwi akong naglakad papasok ng bahay.

"Jow!" rinig kong tawag niya kaya napalingon ako.

"Jow?"

"Jow, short for jowa."

Umikot ang mga mata ko. Corny!

"Love you, jow!"

Bigla akong kinilabutan and out of nowhere, naririnig ko na naman ang boses ng isang lalaki.

"Does this mean, it's official?" bakas sa tono nito ang labis na tuwa. "We are official, finally! I'm so happy!"

Wala man akong nakikita pero na-i-imagine ko kung gaano kalapad ang ngiti ng lalaki.

"Love you, jow!"

Doon ay nanlamig ang buo kong katawan.

Kasing lalim at kasing buo siya ng boses ni Caleb pero pakiramdam ko, iba siya, hindi siya si Caleb.

Hindi maaari.

"You don't have to overthink. I'm giving you the rest of the time. If I'll understand, I will also wait."

Wala sa sarili kong siyang sinundan ng tingin matapos niyang pisilin ang pisngi ko't nilagpasan ako. Napahawak ako sa pisnging pinisil niya.

Days passed at balik taong-bahay na naman kami. Wala na kaming ibang ginawa kundi matulog, gumising, mag-cellphone, kumain at matulog ulit. Wala na nga sigurong parte ng bahay na hindi namin napuntahan.

"Ang init!"

Napapunas ako ng pawis dahil sa sobrang init ng panahon habang nakahiga sa couch.

"Wanna go swimming?" tanong niya na naupo na rin sa kabilang couch.

"Swimming ng bala ba? No, thanks. Mas gugustuhin ko pang humilata dito maghapon kesa makipagpatintero kay kamatayan."

Ilang minuto kaming nasa kaniya-kaniyang cellphone bago muli siyang nagsalita.

"Prepare your things. Bring extra clothes, we'll go to the gym."

Nalaglag sa mismong mukha ko ang phone nang malamig niyang sabihin iyon. Napaupo ako bigla.

"And why would I go to a gym? Tumataba na ba ako?" Napababa ako ng tingin habang hinahanap ng mga palad ko iyong baby fats ko sa tiyan. "Parang wala pa naman akong bilbil, Caleb," nakapout kong usal. Napailing siya.

"The last time I checked, you're constipated and dizzy. Now, you had a series of headache. It's confirmed.." pambibitin niya. "Kulang ka sa exercise."

Napa-hays ako kasi akala ko kung ano na ang confirmed na tinutukoy niya.

"Where are you going?" sunod na tanong niya nang tumayo ako.

"I'll prepare my things. I hope solution sa pagkaburyong ang pag-g-gym."

I smiled at him and confidently turned my back. Maybe I had to loosen up a bit from stress, nakakalosyang pala siya.

"Just tell me if I have to hug you every minute, if I have to cling with you every second, honey. I'm yours-all yours."

Natigilan ako nang biglang sumagi sa isip ko ang sinabing iyon ni Jaxx.

"I love you."

"I love you too, Jaxx."

Nasabunutan ko ng mahina ang sarili sa naiisip ko habang nakaupo sa paanan ng aking kama. Nakapikit akong bumuntong-hininga saka naibagsak ang sarili sa higaan.

Sumariwa sa'kin ang pakiramdam sa tuwing nakakasama ko siya.

Iyong pakiramdam na kapag nakakasama ko siya I got the chance to be a mom to Chaichai. It's one of the roles I aspired to be good at. Hindi ko alam kung bakit pero totoo 'yung sayang nararamdaman ko kapag naaalagaan ko siya. Tuwing napapatawa ko ang bata'y pakiramdam ko buo na ako bilang tao-bilang babae.

"Are you done?"

Agad akong napadilat at naupo, inayos ang sarili at ang aking mga gamit.

"Papunta na!"

Hay naku self. Hindi naman siguro kailangang tigdadalawa 'yung sa'yo. Ano ka sinuswerte?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro