Chapter 26: Her Decision

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 26

HER DECISION


Sa pagkalas ni Caleb mula sa mahigpit na pagkakayakap sa'kin ay sinalubong ng kaniyang hazel blue na mga mata ang aking mamasa-masang mata.

"Yes, jow, finally," hindi rin makapaniwalang usal niya, bakas sa nagiging linya niyang mga mata ang saya, "we'll be parents soon-Hooo! I still can't believe this!"

Marahan siyang napahilamos at hanggang tenga ang ngiting ibinalik ang paningin sa akin.

"P-Pa-uh-p-paanong?"

Hindi pa kayang i-process ng brain cells ko ang mga nangyayari. Ako? Buntis? Weeeeh?

Wala pa nga akong first kiss tapos buntis agad? 'Yung kay Jaxx naman ay sa noo ko lang. Hindi naman siguro ako mabubuntis nun, 'di ba?

Five months na raw akong buntis pero 'di ba three months pa naman kaming magkasama ni Caleb? Paki-explain naman. Mas mahirap pa 'to sa Calculus, e.

"Doc, can you please explain to her what really happened?"

I confusingly took a glance at Caleb whose arm was across my shoulders. I reroute my gaze to the doctor, brows raised.

"You became unconscious while doing the workout. As you heard, Ms. Merced, you are five months pregnant."

"How come-"

Napaawang ang mga labi ko sa pagbuntong-hininga niya sabay ngiti sa akin.

"At first, I was also puzzled why you didn't show symptoms of pregnancy in your first trimester. But as I checked you up, I discovered that you're one of the rare cases of late symptomatic pregnant moms. Nonetheless, you are at a high risk in terms of stress, mood swings and overeating so you have to take good care of your health." Nailipat niya ang tingin kay Caleb. "I already gave Caleb the instructions to keep an eye on you and your needs. It's just a matter of mutual understanding, you can do this okay?"

Ang mahabang explanation niyang 'yun ay unti-unting nagbigay-linaw sa'kin.

"Oh, siya, siya. Mauuna na ako't may rounds pa ako sa hospital," nakangiting aniya. "Congratulations to the both of you. Especially you, Ms. Merced!" Bumaling siya sa lalaking katabi ko, "Caleb, 'yung binilin ko. Be patient ha? Magpakabait ka kay misis-to-be!"

Misis-to-be?

Nang tingnan ko si Caleb ay bahagya siyang natigilan saka nahihiyang ngumiti, napakamot sa batok. Ganun din si doc na nagpipigil na rin ng tawa.

"Noted, doc! Thank you so much," pagpapasalamat niya't napatayo para ihatid si doc sa labas ng bahay.

Naibagsak ko ulit ang katawan sa kama, sapo-sapo ang noo. Bakit ganito?

"Baby," sambit ko habang hinihimas ang tiyan ko. Inangat ko ang sandong suot ko hanggang sa'king sikmura. "Paano ka nakapasok diyan sa tiyan ni mommy?"

Hindi ko pa rin talaga makuha ang sagot kung paano ako nabuntis nung Caleb na 'yun, e. Masisisi niyo ba ako kung gigising na lang akong may fetus na pala sa tiyan ko?

"Si Caleb ba talaga ang daddy mo, baby?" sunod na tanong ko habang nakatingin pa rin sa tiyan. "Isang sipa nga riyan kung 'yung mahirap basahing lalaki ang naging sperm donor para sa'yo," paghahamon ko.

Wala naman akong naramdaman dati na baby bumps kaya imposibleng sumipa siya.

"He moved!"

Mabilis kong naibaba ang damit nang magulat ako sa sigaw na 'yun ni Caleb. Kapapasok niya lang ulit ng kwarto ko.

"Can I see him move again?" tuwang-tuwa siyang napaupo sa tabi ko. Agad akong napaurong.

"Baby junior.."

Iiwas sana ako nang ilapit niya ang sarili sa akin. Itinapat niya ang mukha sa aking tiyan kaya hindi ko na nagawang umiwas. Nakapalibot na sa bewang ko ang braso niya.

"Daddy's here! Can you tell mommy to stop stressing herself on bearing you?" sweet na pagkakasabi niya habang nakahawak sa tiyan ko. "Please tell her, baby, that daddy will love you both no matter what happens. You behave in mommy's tummy, okay? Be a good boy."

Para siyang timang na kinakausap ang tiyan ko but the way he uttered those words was making me kilig.

Okay, kalma, kalma, self. Si Caleb lang 'yan, baka mamaya suplado na naman 'yan. Hay naku!

"Do you see that?! He moves, jow, he moves!"

Napatitig na lang ako kung paano siya napatawa at gulat na gulat na mas inilapit ang sarili sa'king tiyan.

"I love you."

My eyes widened when, without my permission, he raised my sando and kissed my tummy.

"Why?"

Napatigil siya sa ginagawa at takang tiningala ako.

"Enebe! Mey kiliti eke reyen, e!" pabebeng sagot kong isinuksok pa ang buhok sa likod ng tenga. Nagpipigil ako ng tawa sa pakiramdam ng paglapat ng mga labi niya sa'king tiyan.

Sino namang hindi makikiliti sa ganun, 'di ba? 'Di ba? Hindi naman kasi ako defensive, e.

"So ano, tayo na ba, my jowa?"

Ang harot ng reaction ko nang sabihin niya 'yun nang buong-buo ang boses at sobrang lalim na para bang bedroom voice niya 'yun. Nakagat ko ang ibabang labi pati na ang kuko ng aking hintuturo, nakangisi.

"Nope. Pag-iisipan ko pa," bawi ko agad, pinipigilan ang kaharutan.

"Baby, sabihin mo nga kay mommy na sagutin na si daddy."

Napatakip ako ng bibig nang hindi ko mapigilang mapangiti sa pagbagsak niya sa hinihigaan ko. Nakataas ang dalawa niyang mga kamay at animo'y sumusuko na.

Lumipas ang ilang mga araw at naging payapa naman ang pamumuhay namin. Hindi na ako masyadong nahihilo at nasusuka dahil sa iniresetang gamot ni doc pero 'yung overeating na sinabi niya'y totoo nga. Halos tiglilimang pasta servings ang nauubos ko every meal. Idagdag mo pa 'yung nilalamon ko kapag snacks sa umaga, tanghali at mapa-hatinggabi.

Lagi kong pinipigilan ang sarili dahil baka tumaba ako pero hirit naman nang hirit si Caleb. Mamahalin pa rin naman daw niya ako kahit mukha na akong nakalunok ng dalawang lobo.

Ang hirap tuloy makapag-decide gayung siya palagi ang nakikita ko. Take note, 'yung Caleb na caring, concerned at sweet pa ang kasama ko. Kapag hindi ako nakakatulog ay tinatabihan niya ako. Ako naman 'tong tulak sa kaniya nang tulak palabas ng kwarto.

Tinanggap ko na ngang siya ang magiging daddy ng baby ko kahit wala naman akong naaalalang may nangyari sa amin. Kung matutuloy pang may totoong mangyari sa amin, ay, hindi ko kakayanin 'yun.

Kahit gaano pa siya ka-yummy-basta!

Jaxx calling...

Heto pa ang isang pinoproblema ko. Nitong nakaraang mga araw, tawag ng tawag sa'kin si Jaxx pero hindi ko pa kayang sagutin. Hindi ko alam. Kung maririnig ko ang boses niya'y mas mahihirapan lang akong pumili sa kanilang dalawa ni Caleb.

Si Caleb ang daddy ng baby ko pero si Jaxx naman, sobrang attached ang feelings ko sa kaniya. Alam kong aalagaan ako ni Caleb dahil sa magiging anak namin pero nasisiguro ko ring mamahalin pa rin ako ni Jaxx may anak man ako o wala.

Ano nang tamang gawin ko? Ganda problem talaga, Mariyah.

***

"Caleb," panimula ko, "can I ask a favor-kung favor man 'to kung matatawag."

Nilingon niya ako matapos ibaba ang cup ng tsaa, nasa dining table siya ngayon. Simple siyang ngumiti.

"Of course," he replied casually and sipped into his tea.

"Umm.. tinawagan ko na sina Blessie at Ciara. I want to talk to them, e. Kahit sandali lang sana, kailangan ko talaga ng makakausap-"

"Pssh. Keep calm, jow, I'm here."

Mabilis siyang napatayo't napatakbo sa kinatatayuan ko. Blurry na ang paningin ko habang niyayakap niya ako.

"I love you, I love you.." pagpapatahan niya dahil napahagulgol na ako.

Napakabigat kasi sa dibdib ko 'yung hindi ako nakakatulog sa gabi. Iniisip ko 'yung proposal ni Caleb tapos papasok pa sa isip ko si Jaxx, lalo na si Chaichai. Masyado ko silang iniisip dahil out of nowhere na-g-guilty ako na feeling ko sinasabay ko silang dalawa.

Naaawa ako sa magiging baby namin kung si Jaxx ang pipiliin ko pero alam ko naman din kasing si Chaichai ang pinakamasasaktan kapag sa isang iglap ay lalayuan ko sila't hindi na magpapakita.

"You take care of yourself and our baby, hmm? I'll pick you up, just send me the cue."

Mapait akong napangiti sa paalala niyang 'yun bago ko binuksan ang pinto ng passengers' seat.

"Jow, I love you. Always remember to find your way back to me, hmm?"

Kita sa kislap ng mga mata niya ang concern sa akin. Iyong concern na kung pwede lang ay sasamahan niya ako hanggang sa loob ng bahay ni Blessie.

Tinanguan ko siya saka isinaradong muli ang pinto.

Nang makapasok ako ng gate ay doon ko lang narinig ang pag-alis ng kaniyang sasakyan.

"Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang po sa taas si Ma'am Blessie," ani ng maid nilang nagbukas sa akin ng gate. Nang tanguan ko siya'y tumalikod na siya't naglakad paakyat ng hagdan.

Sandali ko pang nailibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Mayaman nga sila kaya no question kung bakit branded lahat ng mga gamit niya't may sarili pang sasakyan.

"In fairness, ang pretty ni Blessie sa wallpaper ng phone niya," naiusal ko nang mapansin ang cell phone sa ibabaw ng glass na center table nila.

Maya-maya pa'y unang bumaba si Ciara na sobrang lawak ng ngiti.

"MM, I'm so happy you're safe! I heard the news from the university publication. Nagkaroon daw ng shooting incident between the VU guards and you. Sobrang nag-alala talaga kami ni Blessie!" nag-aalalang bigkas niya matapos akong yakapin at hinawakan ang mga kamay.

"The news is true but thank God, we're still alive and kicking nam-"

"We? Who's that someone na kasama mo sa sasakyan?" excited na pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Sasagot na sana ako nang may lalaking naglalakad papunta sa gawi namin mula sa kabilang side ng bahay.

"Blyke Jester?" nanlalaki ang mga matang usisa ko. Tipid niya akong nginitian.

"Hi! It's nice seeing you again."

Nginitian ko lang siya habang sinusundan ng paningin. Mas lumapad ang ngiti ko nang yumuko siya't kinuha ang phone sa mesa. Ow-em-jiii!

"S-Sa'yo 'yan?" paninigurado ko, nagpipigil ng kilig.

Maang siyang napatingin sa phone na nasa kamay niya, "yes, why?"

Ayiee! Kaya pala tinutukso-tukso ni Ciara si Blessie dito sa Supreme of supremes ng Vaund.

"Uhh-w-wala, wala naman Blyke, hehe," pekeng tawa ko sabay tingin kay Ciara.

I smelled something fishy here. Blyssie lang sakalam!

"EM-EEEEMM!!"

Umalingawngaw sa apat na sulok ng bahay nila ang malakas na sigaw ni Blessie. Halos liparin niya pababa ang hagdan. Naiwan pa ang kasamang lalaki.

Halos matumba kami sa lakas at higpit ng pagkakayakap niya. Pagkakalas nami'y inayos ko ang sarili at nakangiti siyang hinarap.

"Sorry."

Nag-peace sign siya nang ma-realize na siya lang ang tinitingnan ng lahat.

Napalingon kami kay Blyke nang tumikhim siya.

"I think I have to go. Nice meeting you again, Ms. Merced."

His emotionless tone of voice was back again.

"Thanks for today, Al!"

Nag-fist bump sila nung lalaking kasama kanina ni Blessie saka bumeso kay Blessie.

"Thanks for today."

Tumango si Blessie habang nakikipagtitigan kay Blyke samantalang kami naman ni Ciara ay nagpipigil lang ng ngiting nagkatinginan.

"Hello po, miss gorgeous!" magiliw na pagbati ng batang lalaki sa'kin nang makaalis si Blyke.

"Naku, naku! Here comes the future seamanlolokong Al. Tiyahin mo na 'yang si MM, e."

Tatawa-tawa pa si Ciara. Ginulo niya ang medyo mahabang buhok ng lalaki na nakahati ang bangs sa gilid gaya ng mga k-pop idols.

"Ilang taong gulang ka na ba, mister cutie pie?" pa-sweet na tanong ko na ikinapula ng mga pisngi niya.

Ang kyuttt!

"Ayun, hindi pa makasagot! Hay naku bes, 'yang kapatid mo natutulala na naman sa babae. Seventeen years old pa lang 'di na mahulugang karayom ang mga babaeng pinaiyak."

Kapwa napailing sina Blessie at Ciara kaya mas na-evaluate ko ang physical features ng kapatid ni Blessie.

Gwapo nga, mestizo. Medyo bilugan ang mukha ganun din ang mga mata. Makakapal ang itim na itim nitong kilay at almost perfect na tangos ng ilong. Hindi rin siya katulad ni Blessie na hanggang ngayon ay naka-braces pa rin.

Kahit sino ngang babaeng pakikitaan nito ng motibo'y ma-f-fall talaga. Lakas ng dating kahit bata pa!

Parang gusto ko tuloy maging sugar mommy, choss lang, HAHAHA!

"Your tita C is jealous already. You go back to your room kung ayaw mong mapingot 'yang singit mo." Mas natawa si Blessie at kunwari'y tinulak si Al.

"Tita C is always jealous that's why I won't be surprised if she'll get old all by herself."

Hindi ko napigilang bumulalas ng tawa sa paglukot ng mukha ni Ciara sa biro ni Al. Mabilis itong tumakbo't pilit niyang hinabol.

"Lakas talaga mantrip niyang kapatid mo, e 'no? 'Pag 'yan talaga nakahanap ng katapat, ako mismo ang unang tatawa. Sa akin pa rin ang huling halakhak," kompyansang pagbabanta niya't naupo na kami sa mahabang couch nila.

"Friends sila ni Blyke?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yup, shooting buddy nga 'yung dalawa," saad ni Ciara.

"Artista pala si Blyke at si Al?" takang tanong ko na ikinatawa ni Blessie.

"Shooting buddy means partners sila sa shooting session nila. Baril ang kasama, MM, hindi paparazzi."

Tumango ako.

"By the way, ano nga 'yung pag-uusapan natin?"

Napatahimik ako sa tanong niyang 'yun.

"What is it that's bothering you? You can tell us anything. We'll help you, we promise."

Inakbayan ako ni Ciara na nasa kanan ko.

Dalawang beses akong bumuntong-hininga bago nagkaroon ng sapat na lakas ng loob na sabihin sa kanila ang pakay ko.

"Okay, paano ba 'to.."

Pinunasan ko ang mga pisnging nagsimula nang mamasa.

"I'm pregnant."

Just as I expected, they're both shocked and somehow frozen.

"Exaggerated masyado, ah?" I jokingly said na nagpakilos ulit sa kanila.

"'Di nga? Ikaw, preggy?" Malaki pa rin ang mga matang usisa ni Ciara.

Tumango ako kaya mas naging exaggerated ang reaction nila. Si Blessie ay napatayo pa.

"So paano?" pang-iimbestiga ni Blessie nang muling maupo.

"You mean, paano nila ginawa o paano siya nabuntis?" dagdag na tanong ni Ciara.

"Pareho lang naman 'yun, bes, e!"

Pareho silang natawa. Oh 'di ba, parang mga loka-loka lang 'tong mga sosyal na 'to.

"So paano ngang nabuntis ka, MM?" ani Ciara. "Da who ang maswerteng daddy?"

Doon ako nagdalawang-isip na sabihin sa kanila. Gaano na naman kaya ka-oa ang reaction nila 'pag nalaman nilang siya ang ama ng magiging anak ko?

"Is there any other choices in the answer? I'm a hundred percent sure si Sir Caleb 'yan. Pustahan tayo, bes!" taas-noong sagot ni Blessie na naglabas pa mula sa bulsa niya ng one thousand krukrukru.

"Sige, kay Jaxx baby ako pupusta. Kahit boyfriend pa, ano game?" mas kompyansang inilabas naman ni Ciara ang one thousand krukrukru.

"Ang tanong, may boyfriend ba kayo?" pakikisali ko kaya napatigil sila't napapahiyang yumuko.

"Pati ba naman ama ng baby ko pagpupustahan niyo?"

Hindi makapaniwalang napaayos ako nang upo. Nawala tuloy ang posture ko, feel ko na ngang magdrama, e.

"'Mamaya niyan 'pag gender na ng baby ko ipupusta niyo na bahay at lupa niyo."

Nanatili silang tahimik. Napayuko ako sabay face palm sa magkabilang pisngi. Inilapit ng dalawa ang mga mukha nila sa akin.

"S-Si-uhh-si Caleb ang ama-"

"Yes! I told you, bes, panalo ako. Akin na pera mo dali!"

Inis na lang akong napapikit dahil parang mas ma-s-stress yata ako sa kanilang dalawa. Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Pero sureness talaga, MM, si Sir Caleb ang daddy ng baby mo?"

Mabilis na nagsilapit ulit ang mga mukha nila sa akin.

Nung tumango ako'y nagtatatalon naman sa kilig si Blessie habang si Ciara'y parang lantang-gulay na nanatiling nakaupo.

"Eeeh! My #CaliyahforLife heart! The butterflies in my stomach!"

Ang oa ng reaction Blessie ha. Parang siya pa iyong buntis, e.

"So what's the problem with that, MM? Hindi mo mahal si Sir Caleb?" halatang walang interest na tanong ni Ciara. Nakakibit-balikat siya.

"Hindi naman sa-"

Napahinto ako nang sumabat na naman si Blessie.

"I see no problem with that, MM. Matagal nang lumabas ang issue tungkol sa inyo ni Sir Caleb. No wonder kung magkaka-baby kayo. I'm so happy for you two! Paki-congratulate na lang din kay Sir, ah?" masiglang ani Blessie na hinawakan pa ang mga kamay ko.

"That's another problem, Blessie. Caleb and I are not in a relationship," parehong nanlaki ng sobra ang mga mata nila't napa-oh ang mga bibig. "But he had his proposal na maging official girlfriend niya ako, as in for real."

Bumigat ang dibdib ko nang maalala ang proposal ni Caleb. Kailangan ko siguro ng mas matinong mga kaibigan, hayst.

"Wala pa rin akong nakikitang problema run, MM. You can accept his proposal, be his girlfriend, marry him and raise your baby well. That's the solution, MM, I assure you ako ang unang-unang magiging ninang ng baby niyo."

Mas sumakit lang ang ulo ko sa suhestiyon ni Blessie.

"Bes, let her speak up."

Matapos iyong banggitin ni Ciara'y naisandal ko ang sarili sa couch.

"I think I don't love him anymore like I did before."

Pikit-mata ko iyong naiusal kaya hindi ko nakita ang reaction nila. Nanatili lang tahimik ang paligid.

"Nung unang buwan na nakasama ko siya-doon mas na-develop ang feelings ko. Mas hinangaan ko siya, mas minahal pero sa stage na 'yun, may umepal naman. His attention was divided. Even his time and his priorities changed."

Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng pakiramdam at ang pag-init ng atmosphere. I heaved a deep sigh and gradually opening my teary eyes.

"Hindi ko alam kung kalian at paano nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya. I just woke up one morning that I was tired of pushing myself for his attention, seeking for his approval. And when I was tired waiting for him to recognize my feelings towards him, someone made me feel that I am worth the wait. That I was worth all the pain he endured seeing me longing for someone else's love."

Napabangon ako't napayakap kay Ciara na buong puso akong sinuklian ng mahigpit na yakap. She softly caressed the back of my head and we stayed like that for couple of minutes.

"Hindi ka na sigurado kung siya pa rin ang laman nito?" she asked in the most comforting tone while pointing her finger at my chest.

I sniffed and slowly nodded, dodging her gaze.

"Kaya ba mukha ka nang panda kasi hindi ka nakakatulog kaiisip kung sino sa kanila ang pipiliin mo?" dagdag niya.

"Magsisinungaling naman ako kung itatanggi kong meron pa rin akong nararamdaman para kay Caleb-"

"No doubt why you now have a salamander in your tummy," biglang sabat ni Ciara.

"Woy, anong salamander? Pinaghirapan ni Sir Caleb 'yan, 'no!" depensa ni Blessie. Hindi ko napigilang matawa.

Nice joke, huh.

"Tingnan mo nga 'yang tiyan ni MM. Kahit bilbil nga parang wala naman. Partida preggy pa 'yan, ah!" manghang rinig ko kay Ciara at nagtawanan silang dalawa.

"Oo nga. Ilang buwan na ba 'yang salamander mo, MM?" si Blessie.

Tingnan naman natin ngayon ang reaction nila.

"Five months."

Malulutong na What?! with matching malaking buka ng bibig at mata. Sabi ko na eh.

Mabilis na lumapat ang mga kamay nila sa tapat ng aking tiyan. Animo'y hinihintay nila ang paggalaw ng baby.

"Sumipa siya!" Sabay na tili ng dalawa't pumalakpak sa tuwa.

Caleb calling...

"Hello, Caleb, napatawag ka? Malapit na kaming matap-"

"J-Jow.. I ca-I-I can't b-breath."

Naputol ang sasabihin ko't nagpalipat-lipat ng tingin kina Blessie at Ciara.

His voice was weak and airy. His breathing seemed heavy and it's making my heart pound so hard and fast.

"Caleb, what's wrong? Anong nangyayari diyan?" natataranta kong tanong sa kaniya sa kabilang linya.

"My a-asthma-" rinig na rinig ko ang malakas niyang pagsinghap ng hangin na animo'y iyon na lamang ang bumubuhay sa kaniya. "M-My asthma-HOOO! I-I need y-you. I want t-to see your.. y-your beautiful smile still."

"Uuwi na ako. Hang in there, okay?"

"I c-can't brea-"

Agad akong napatayo nang matigil ang boses niya't napaubo ng malakas.

"Caleb, listen to me. Kumalma ka, darating ako. I promise! Kumapit ka lang, please."

Mabilis akong naglakad papuntang pinto. Nang tumahimik ang kabilang linya'y in-end of call ko na.

I was about to turn around to bid goodbye when my phone rang for another call. I thought it was Caleb again but..

"Jaxxon?" bungad ko.

Pakiramdam ko lahat ng tatawag sa akin ngayon ay may emergency.

"Thank God you pick up the phone! I need you here, honey."

Nang marinig iyong unang kataga'y nakagat ko ang aking dila.

"Inaatake ng asthma si Chaichai. Nahihirapan siyang huminga. Mariyah, she only asked me a single favor."

This time, mas nanlambot ang mga tuhod ko.

'Yung feeling na gusto ko na lang maupo sa sahig at doon hayaang tuluyang mamanhid ang buo kong katawan. Requirement ba talagang mangyari 'to nang sabay?

Lord naman, bakit sila pang dalawa?

"What is it, Jaxx?" alalang tanong ko matapos ang pananahimik niya.

"You. She wants to see you while fighting against her battle. Mariyah.."

Hindi man niya pinapahalata, alam kong umiiyak na siya sa ilang beses nang muntik pumiyok ang kaniyang boses.

"Hmm?"

"Can you save-uh-our d-daughter from her worst nightmare?"

This was the first time he again recognized me as his daughter's mom after he promised not to insist it anymore.

Kay Chaichai ko unang naramdaman lahat bilang isang ina. Sa higit dalawang dekada, noon ko lang naramdamang nahanap ko na ang isa sa missing pieces ng pagkatao ko. Nawalan ako ng mama in my teenage years at 'yung fulfilment, sa kaniya ko naranasan.

"Those tears, MM, for whom are they?"

Muli akong natauhan sa narinig ko mula kay Ciara. Halos hindi ko na sila maaninag dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagtalon mula sa'king mga mata.

"Maybe it's time for you to finally choose who to keep and who to let go, MM."

Mapait nila akong nginitian. Mapait man pero in-e-encourage ako to do the right thing.

Ginantihan ko sila nang ngiti at muling tumalikod.

"We'll be praying for you and your decision, MM. Goodluck!"

Hindi ko sila nilingon at diretsong naglakad palabas ng bahay nila Blessie.

Nag-taxi na lang ako. Sa gitna nang biyahe ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak habang nakahawak ang palad sa'king dibdib.

"Ma'am, saan ka po bababa?" rinig kong tanong ng driver.

Saan nga ba ako pupunta?

Or was it more appropriate to ask, sino ang pupuntahan ko?

Kung si Caleb ang pupuntahan ko, magiging masaya ako dahil lalaki nang may kikilalaning ama ang magiging baby ko. On the other end, kaya ko bang matagalan ang pagiging calculated niya, pagiging not well-spoken sa emotions niya at sa paiba-iba niya nang timpla?

Kung si Jaxx naman, oo alam kong may nararamdaman na rin ako para sa kaniya-special siyang tao sa'kin pati na ang anak niya. Naging mabuti siyang tao at hindi niya pinaramdam sa'kin na ibang tao ako kahit isang beses. He's always to the rescue and with that I felt special and appreciated my value more.

Though gusto ko siya, was it enough for me to choose him and give the rest of my lifetime with him and his daughter?

"Ma'am.."

"P-Po?"

Nang makita kong nasa gitna kami nang intersection ng daan papunta kina Jaxx at sa gubat kung nasaan ang bahay ni Caleb ay muli akong napaisip ng malalim.

Which is which, assurance or consistency?

Alam kong kahit sinuman sa kanila ang piliin ko, may masasaktan pa rin talaga. 'Yun ang pinakaayaw kong gawin sa iba lalo na sa mahal ko sa buhay.

Matapos kong makapagdesisyon ay sinabi ko na sa driver kung saan niya ako ihahatid.

"Nandito na po tayo, ma'am," anunsyo ng driver matapos ang halos isang oras.

Agad ko siyang inabutan ng pamasahe't bumaba nang sasakyan.

As I stepped towards the gate, I took the deepest breath I ever had in my whole life.

Be strong, Mariyah. You were about to make a decision that'd change the entire plot of your life.

Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin ang malungkot niyang ngiti.

"Jaxx.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro