Chapter 27: Her Choice

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 27

HER CHOICE


Malungkot na ngiti niya ang bumungad sa'kin. Sinalubong ko ang tingin niya't kita sa kislap ng kaniyang mga mata, alam kong masaya siyang makita ako.

Lunok.

"Pasok ka," aniya't mas nilakihan ang pagkakabukas ng gate.

While we're on our way to their living area, he remained silent.

"How's Chaichai? Is she okay now?" I worriedly asked, now walking behind him towards his daughter's room.

"She'll be fine especially now that you are here. Thank you, Mariyah."

Medyo naibsan ang bigat ng dibdib ko sa mas natural niyang ngiti.

Sana lang talaga maging worth it 'tong desisyon ko.

Nginitian ko rin siya bilang tugon at tuluyang pumasok ng kwarto nang pagbuksan niya ulit ako ng pinto.

"Namumutla pa rin siya," lingon kong wikay kay Jaxx.

Namumutla ang bata at halatang nahirapan ito kanina. Kinailangang kabitan siya ng hose at aparatu na nasa tabi ng kama niya.

Paano ko nga ba maaatim na tiisin ang ganitong kalagayan ni Chaichai? She's too sweet and too special not to be chosen over anything-or anyone.

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Caleb at ang maaaring kalagayan niya. He also had asthma and his condition was not good.

May tulong na kayang dumating para sa kaniya?

Medyo natigilan ako sa huling naisip. Hindi ko rin alam kung kakayanin ng konsensya ko 'pag nagkataon.

"Kaaalis lang ng kaniyang Pedia. She said that keeping an eye on everything our daughter will do is a must. We should be aware of her allergies and the triggering factors of her asthma." Pagbabasag niya ng katahimikan at naupo sa gilid ng kama ng anak.

"She's the only treasure I have. I can't afford to lose her, Mariyah."

Nang magtagpo ang mga mata nami'y mas nakita ko ang vulnerability niya.

He loved his daughter so much that he's ready to do anything-to sacrifice all he possessed.

"If she wants you back, I'm ready to face any battle and win against everyone that comes along my way."

I bit my tongue when I was taken aback by his statement.

"Kaya mong makipagbasagan ng mukha, Jaxx?" pabiro kong tanong to ease the moment.

"Wala akong inuurungan. Kahit makipagwasakan pa ng bungo 'yan manatili ka lang."

Peke na sana akong tatawa sa sagot niya pero mas kinabahan ako nang matalim pa rin siyang nakikipagtitigan sa akin sabay umigting ang panga.

"Oh-hello, baby! Mommy's here," mabilis kong nailipat ang aking atensyon kay Chaichai nang hawakan niya ang aking kamay.

"M-Mommy," mahina't mabagal pa ring usal niya.

Hindi ko inaasahan ang pagbagsak ng kaniyang luha habang malapad na nakangiti sa akin.

"Baby, don't cry na, okay? Mommy is here. I will never leave you."

Tinabihan ko sa pag-upo si Jaxx habang hawak-hawak ang kamay ng bata. Lalong lumapad ang kaniyang ngiting kita pa ang mga ngipin.

"Mommy, daddy, can I ask a favor?"

"Ano 'yun baby?"

"Of course, baby," sabay naming bigkas ni Jaxx.

"'Di ba po we used to dance noon but today I can't dance na. Mommy, daddy, can you dance together for me?"

Nagkatinginan kami ni Jaxx dahilan para magkalapit ang aming mga mukha. Big time akong napalunok dahil sa pagbilis ng pintig ng aking puso nang maramdaman ko sa aking pisngi ang hininga niya.

"Uhh-" nagpalipat-lipat ang paningin ko sa mga mata niya't sa kaniyang mapupulang mga labi.

"Honey, may I have this dance?" bigkas niya nang may seryosong mukha at malamig na boses.

Animo'y may kuryenteng mabilis gumapang mula sa aking puso papunta sa lahat ng sulok ng aking katawan. Sa isang iglap, halos triple na ang bilis ng pagtibok nito.

"I love you."

Nang muli ko siyang tingnan ay nasa tapat na ng aking tenga ang kaniyang mga labi't ibinulong iyon. Sa sobrang lapit niya sa akin ay nahalikan ko pa ang kaniyang pisngi sa ginawa kong palingon sa kaniya.

"Jaxx!" my eyes widened as I uttered his name.

"Why?" maang siyang napaayos ng upo, bahagyang hinaplos ang pisngi kung saan lumapat ang labi ko't nanunuksong ngumisi.

I hissed and dodged his stare.

Ilang sandali'y inabot niya ang kanang kamay. Nang tingnan ko siya'y nagmamakaawa ang mga mata niya habang nakanguso.

Hindi ko naiwasang mapapigil ng ngiti't umiling-iling na tinanggap ang malambot niyang palad.

"Hmmm.. mmmm.."

Humming lang ni Jaxx ang naging tugtog namin. Dahan-dahan naming isinasabay sa bawat ritmo ang kumpas ng aming mga katawan.

Gulat akong napatingin sa kaniya nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'king baiwang. Mas nagdikit ang aming mga katawan. Aalma na sana ako nang tanggalin niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking mga kamay upang ilagay ito palibot sa kaniyang leeg bago muling ipinatong ang kaniyang mga kamay sa aking baiwang.

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa matapos ang kanta. Muntik pa akong makatulog nang marahan niyang ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya habang nagsasayaw kami.

"She's fine, I'm sure." Pabulong iyong usal ni Jaxx ng nakangiti.

Nilingon ka si Chaichai na natutulog. Mas gumaan ang loob ko nang makita siyang nakangiti nang nakapikit ang mga mata.

"Maybe it's time for us?"

Taka akong napabalik ng tingin kay Jaxx na nakangisi na naman sa'kin.

Dahan-dahan niyang kinuha ang mga kamay ko't hinimas-himas 'to. Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang dalawa kong mga kamay habang nasa pisngi ko naman ang kanang kamay niya.

"Thank you for choosing us," nakangiti niyang sabi.

Nagsimulang bumigat ang pakiramdam ko.

Nang magpang-abot ang aming mga paningin ay doon ko lang nasiguradong tama nga ang desisyon ko.

Muli kong narinig ang sariling boses habang binabasa ang isa pang letter na naungkat ko sa'king mga gamit. This time kay papa naman galing.

"Love might be the most common feeling that ever existed but it can be deceiving. Falling for someone is inevitable but choosing whom to give your heart still needs to be refined. The outward looks can be dishonest but the eyes reflect what the heart expresses."

I smiled weakly while taking a glance at his eyes for the last time.

"There will always be a decision that seems to be the best, Jaxx. A decision that will only lead you to a better and rightful decision."

This might be the last time I would see his beautiful pair of eyes. It's making me sad.

"Thank you," tanging bigkas niya nang mayakap ako.

Mas mabuti na 'to kahit mabigat pa rin talaga sa dibdib.

"Kailangan ko nang umuwi, Jaxx."

Nakatitig lang kami sa natutulog na si Chaichai nang basagin ko ang katahimikan sa buong kwarto.

"I'll drive you home-kahit ito naman talaga ang bahay mo, Mariyah-"

Nangungusap ang mga mata niya pero pilit ko 'yung isinawalang-bahala. Ayokong mas mahirapan pa sa gagawin ko.

"No, you don't have to, Jaxx. Isa pa, gagabihin ka lang kung ihahatid mo pa ako," napabalik ako ng tingin sa anak niya. "She needs you more than I need someone to accompany me home."

I rejected his offer while not having an eye to eye contact with him. The idea of hurting him was making me feel guilty. And I hated it, so much.

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko. Napapikit na lang ako dahil pati ako'y nahihirapan na ring huminga.

"Again, thank you for choosing us, honey."

Muli niyang hinaplos ang aking buhok. Marahan niyang ipinikit ang mga mata upang bigyan ako ng isang malambot na halik sa tuktok ng aking ulo.

Nang makalabas ako ng gate ay hindi ko na siya nilingon pa-hindi ko na kinayang lingunin pa't makita siyang nasasaktan.

"Hello, MM! Ano, nakauwi ka na ba?" bungad sa akin ni Blessie nang sagutin ko ang tawag niya.

"Nope, nasa taxi pa ako-"

"Pinili mo na siya? Oh-my-gee!" sabat naman ni Ciara sa kabilang linya. Halatang inagaw lang niya ang phone mula kay Blessie.

Malalim ang hininga kong napatingin sa bintana ng sasakyan.

"Masama bang maging selfish paminsan-minsan?" wala sa sarili kong tanong.

"Why, MM? What's wrong?" ani Ciara na kumalma na ang boses.

"N-Nothing. I'm on my way home. Tatawagan ko na lang kayo kapag naging okay na ang lahat, okay?"

"We understand, MM-" sandaling naputol ang sinabi ni Ciara.

"Basta 'pag pinili mo si Sir Caleb, MM, nasa tamang tao ka-Aray!"

Bahagya akong natawa nang marinig ko ang pagsigaw ni Blessie. Para bang binatukan siya ni Ciara sa binanggit niya.

"Sure ka na ba sa desisyon mo?" rinig kong tanong ulit ni Ciara. Concerned talaga siya sa'kin.

I sighed.

"Understatement man pakinggan but I've thought of it just once and I know-deep in my heart-I am making the right decision." I sighed again. "I'm a hundred percent sure, Ciar."

I squeezed my eyes to shut and leaned my back to the headrest.

Yes, I am making the right decision.

Alam kong matapos nitong lahat, magiging proud silang dalawa sa'kin.

'Salamat sa love hack mo, papa. Gamit na gamit ko talaga.' Napangiti ako sa naisip.

Nang makarating ako ng bahay ay medyo gabi na. Bakit? Nilakad ko lang naman 'yung halos dalawang kilometrong layo mula sa pinagbabaan kong intersection papunta sa secret road pauwi.

"It's good that you're here, Ms. Merced-"

"Doc, doc, kumusta po si Caleb? Is he okay?"

Hindi ko na pinatapos ang doktor na nagkompirmang buntis ako dahil napahawak na ako sa magkabilang pulsuhan niya.

"Doc, please answer me! Give me hopes please, doc."

Kung oa man ang reaction ko'y hindi naman siguro mali, 'di ba? I mean, nasa bingit ng kamatayan si Caleb pero wala siyang anumang sinasabi sa akin tungkol sa kalagayan niya.

"What happened to him, doc? Okay na ba ang paghinga niya? Nahihirapan pa ba siya? Any update, doc?!"

Nang wala pa rin akong mapigang sagot mula kay doc ay napatakbo na ako papasok ng kwarto ni Caleb.

Halos bumagsak ang aking mga tuhod nang makitang nakaratay siya sa kaniyang kama-putlang-putla at walang malay. Automatic na nag-slowmo ang paghakbang ng mga paa ko papalapit sa kinahihigaan niya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Para bang ten precent na lang ng hangin sa katawan niya ang natira at forty nine point nine percent na lang ang dugo niya.

Nakakaawa siyang tingnan pero in all fairness, litaw pa rin ang magaganda niyang facial features.

"C-Caleb.."

Napaluhod ako sa tabi ng kama niya't hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay.

Mabilis akong napalingon sa pintong nakabukas at inaninag si doc pero wala na siya sa kinatatayuan namin kanina. Agad akong napatayo't hahabulin sana siya.

"Doc, bakit malamig po ang kamay niya?" sigaw na tanong ko pero wala na akong naabutan.

Napahid ko na lang ang aking noo't bumalik sa kwarto niya saka naupo sa gilid niya. Inilapag ko sa aking mga hita ang kamay niyang hinahaplos-haplos ko.

Matapos kong matitigan ng ilang minuto ang mukha niya'y hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang wala sa sariling napapangiti.

"Ah, haha, ano ba 'tong nangyayari sa'kin?" natatawa kong sabi sa kawalan at pinunasan ang mga pisngi. "You know what, Caleb, I've never been this crazy. Like-uhh-ewan, tumatawa habang umiiyak, nakikipag-usap sa sarili, at kung anu-ano pa. Not once in my life-not until I met you."

Napatigil ako nang mapansin ang mahinang paggalaw niya at ang pagtaasng sulok ng kaniyang mga labi.

"Thank God! Nagkamalay ka na, Caleb!"

Napisil ko ang kamay niya't napangiti sa pag-asang anumang oras ay magigising na siya.

"Mabuti naman, Caleb!"

Mula sa sayang sumibol sa puso ko'y mabilis namasa ang mga mata ko. Napaiyak na naman ako sa hindi malamang dahilan.

"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa'kin. Hinding-hindi ko kakayanin-huhuhu!"

Napahagulgol ako habang nakatapat ang likod ng palad niya sa basang-basa kong pisngi.

Ganito ba talaga 'pag buntis? Iiyak, tatawa tapos mag-d-drama na naman ulit?

"You promised me you'll never leave me, Caleb. You promised to protect me at all cost," pagpapatuloy ko hanggang sa pabulong na lang ang naiusal ko. "I'm here, holding on to your promises."

I caressed his pale cheek with my palm while I was holding his hand with my other hand.

"Caleb, I'm choosing you. I'm finally choosing you, baby."

Tuluyan akong umiyak sa paggaan ng aking pakiramdam. Nayakap ko siya. Sa ibabaw ng dibdib niya nailabas ko ang bigat ng aking pakiramdam dahil sa pagpiling ginawa ko.

Parang timang akong napatawa habang yakap siya nang maisip ko kung gaano ako ka-proud sa nagawa ko. Pakiramdam ko'y ngayon lang ako nakagawa ng mabuting desisyon sa buong buhay ko.

He was the best gift I ever received.

Choosing him was the rightest decision I had made.

Meeting him was the most beautiful blessing in disguise.

"You're choosing me again."

Mabilis kong naitingala ang aking ulo nang marinig ang kaniyang boses. Confident siyang nakangisi habang diretsong nakatitig sa'king mga mata. Binigyan ko siya ng gising-ka-na? look. Mas lumapad lang ang kurba sa mga labi niya.

"Gising ka na!"

Humiwalay ako sa kaniya't umayos ng upo sa tabi niya.

"Actually," nanunukso siyang tumawa, iyong kita talaga ang ngipin, "kanina pa."

"Anong-nakakainis ka!"

Nasuntok ko ng malakas ang kaliwang braso niya sa hiya.

"Aray! Ah!"

Kunwari pang nasaktan siya. Inirapan ko lang siya.

"Pero pinipili mo na talaga ako? Final, wala nang bawian? Manganak ka man ngayon?" pang-aasar ulit niya.

Baby, save mommy. Gusto yata ng daddy mong lumabas kang premature, baby oh!

Mabilis kong pinikit ang aking mga mata bago siya muling tiningnan.

"Fine, it's official. I'm choosing you, Mr. Caleb De Castro."

Nakita ko kung paanong naging linya ang mga mata niya't napaiwas ng tingin.

"Ganiyan ba kiligin ang snobbish na professor?" medyo nang-aasar ring pagtatanong ko.

Gantihan lang 'yan kasi.

"I'm super happy that finally, wala na akong kahati sa oras at atensyon mo," napahinto siya't kumunot ang noo, "ano nga 'yung tawag mo sa'kin kanina? Baby ba 'yun?"

Okay, I'm busted again. Narinig pala niya, kainis talaga!

"Yes, baby?"

Agad akong yumuko at kunwari'y kinakausap ang aking tiyan.

"Ha? A-Ano ulit 'yun, Caleb?"

Palusot yarn, self?

TSUP!

Nanlaki ng halos triple ang mga mata ko nang pagtingin ko ulit sa kaniya'y naangkin na ng malambot niyang labi ang mga labi ko. Kung paano niya nagawang maabot ako'y hindi ko alam. Napahiga ulit siya matapos ang smack kiss na 'yun.

"If it's official, then I'm locking it. You are my baby who's carrying my second baby."

Animo'y may invisible na kamay na humaplos sa puso ko't isang kamay naman ang kumikiliti sa akin dahilan para matawa ako.

"Korni ah?"

"Korni? Sinong ilong ngayon ang palaki ng palaki ang butas? Wait, sino nga ulit 'yung kinikilig sa ating dalawa?" depensa niya na mas ikinangiti ko.

Natatakot akong mapunit ang mga labi ko sa pinagsasabi niya. Stop me!

Hindi ko namalayang nakaupo na siya sa kama at bigla na lang akong hinila't niyakap ng mahigpit.

"I love you.." he softly whispered while cupping my face with his hands.

Bakit sobrang pamilyar ng boses at pagkakasabi niyang 'yun?

Hindi ako nakasagot pa. Sa pagkakataong naibuka ko pa lamang ang aking mga labi'y mabilis na naman niya itong sinakop. Inaangkin kung ano ang kaniya.

Adik yarn?

Matapos kaming lunurin ng kakaibang pakiramdam na naidudulot ng pagdidikit ng aming mga labi, yumuko siya't itinuon niya ang kaniyang atensyon sa'king tiyan.

"I love you too, my baby," nakangiting aniya sabay lapat ng halik sa nakabalandra kong tiyan. Itinaas na rin ng kamay niya ang suot kong shirt.

Marahan ko ring hinaplos ang mga hibla ng kaniyang buhok sa ulo nang idikit niyang ang pisngi sa'king tiyan. Yakap-yakap niya ang baiwang ko.

Sa mga sumunod na oras ay magkatabi kaming nakahiga sa kama niya't ikinuwento niya ang nangyari kanina. Ayon pa sa kaniya, may allergies daw siya sa shrimps na timing namang tempura at shrimp fillet ang ibinilin kong pang-lunch niya. Hindi ko naman kasi alam na na-t-trigger pala ng allergy niya ang asthmang naranasan niya ngayong araw.

At least ngayon alam ko na ang isa sa mga tatandaan ko sa'king future mommy and wife duties. Most importantly, kung hindi siya nagka-asthma, hindi ko ma-r-realize na siya talaga ang mahal ko.

Nung pinuntahan ko kasi si Jaxx before finally going back home to him, I realized that I love Chaichai but not her father. Siya ang dahilan ng halos lahat ng pagkakataong nagkita kami ni Jaxx at hindi dahil ginusto ko talaga. The other instances na ako mismo ang sumama sa kaniya ay dahil pa rin kay Caleb. I was hurting back then because deep in my heart, I knew and I'm sure that I loved him.

From the beginning until now, my heart beat only for him. I was considering everything I experienced with Jaxx as another blessing in disguise. I came to reevaluate my authentic self, rescan my true feelings and redetermine who I am destined for.

***

Isang linggo na ang lumipas simula nung nakipaglaban para sa kaniyang buhay si Caleb. Hindi naging madali ang pag-alalay ko sa kaniya pero hindi naman maging mahirap. Mas pinapadali niya ang mga ginagawa ko. Nagtutulungan kami para mapanatiling mapayapa at masaya ang pamumuhay namin.

Feeling ko tuloy mag-asawa na kami, churr!

'Happy Birthday, Caleb, baby!' A text on his phone read.

Mabilis akong napaupo sa couch nang mabasa 'yun sa phone niyang naiwan sa center table ng sala namin.

"Baby? Ah, may ibang baby ka pa pala ha."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro