Chapter 28: Blood In Her Hands

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 28

BLOOD IN HER HANDS


Muntik akong mapatalon sa gulat nang inilingkis ni Caleb ang mga kamay sa baiwang ko mula sa likuran. Mahina niyang sininghot ang gilid ng leeg ko. Nakapatong pa ang baba niya sa aking balikat.

"Do I have to wait for too long?"

The scent of his breath and the fragrance of his topless body were out of this world. Parang gusto kong araw-araw kaming ganito ah.

"Don't worry, hmmm? Ilalagay ko lang 'to sa oven and I'm done, why?" nakikiliting wika ko sa gitna ng paglapat niya ng malalambot na halik sa leeg at balikat ko.

Nawala lang ako sa paningin niya para gumawa ng cake. Hindi pala text ang nabasa ko kundi isang reminder. Nagtampo agad ako at sinuyo niya ako gamit ang cake na siya mismo ang nag-bake. Ang kaso, hinampas ko siya ng unan kanina sa inis ko't iyong cake na peace offering dapat niya ang natamaan ko.

"I miss you, baby."

Gusto kong sumigaw sa kilig nang ibulong niya 'yun sa mismong tainga ko. Shocks!

Nakagat ko ang mga labi sa pagpipigil ng nararamdaman.

"Hindi ka masyadong obsessed sa'kin, Caleb, 'no?" pang-aasar ko't naglakad papuntang oven. Nakayakap pa rin ang mainit niyang mga balat sa akin mula sa likod.

Nakalingkis din siya sa'kin kahit napaupo muna kami sa couch para hintaying maluto ang b-in-ake ko. Ilang beses din niyang hinaplos at kinausap ang tiyan ko.

"Baby, won't you greet me on my birthday?" kaswal na aniya habang nakatukod ang mga siko sa ibabaw ng mesa.

"Happy birthday, then!" nakangiting bati ko saka itinulak papalapit sa kaniya ang katatapos ko lang gawing lime cake. Napasimangot siya.

"Not accepted. Greet me with our endearment, my baby," nakangusong paglalambing niya.

Napasinghal ako ng tawa sa mga hirit niya. Asusss! Kung hindi mo lang talaga birthday.

"Fine," inasar ko pa siya sap ag-ikot ng aking mga mata, "baby, happy birthday!"

Pa-slowmo ko pang pagbati na ikinapula ng mga tainga niya.

Muli siyang napanguso. "Gift ko?"

"Isn't this enough?" pagtutukoy ko sa tiyang hinahaplos. Mas naningkit ang chinito niyang mga mata.

"My second gift-"

Maloko ko siyang tinawanan at nilagyan ng tiring icing ang kaniyang mga labi. Gusto ko siya biglang asarin today.

Pupunasan na sana niya ang icing nang mabilis kong sinalubong ang kamay niya't siniil ang labi niya ng mabilis na halik.

Malinaw na malinaw ang hazel blue niyang mga mata sa paglaki nito. Laglag-panga siyang nakatingin sa mga labi kong may icing na rin. Dahan-dahan kong nilinis ang medyo madulas kong mga labi gamit ang aking dila. In-e-enjoy kong makitang napagalaw ang Adam's apple niya sa paglunok and unconsciously, ginaya niya ang ginawa ko sa aking mga labi.

"April 20. Happy 26th Birthday, my baby!"

Malapad ang ngiti ko siyang kinindatan sabay kuha ng mga ginamit ko sa paglalagay ng icing at naglakad papuntang sink.

"Baby-AAHH!"

Napahinto ako sa pagtawag sa kaniya mula sa kusina. Napalingon siya mula sa pagkakaupo sa couch habang nanonood ng isang episode ng Tom and Jerry.

"AAAAAH!"

Patuloy akong napasigaw sa biglang pagsakit ng aking ulo. Animo'y mabibiyak na ang aking bungo sa lakas ng pintig nito. Napabaluktot ako nang mahina kong nasabunutan ang sarili.

Halos mabingi ako sa matulis na tunog ng mga glass na pinupukpok ng kutsara or anything metal. Nag-echo iyon sa tainga ko kaya mabilis ko itong natakpan.

"Stop, please! Stop!" pagmamakaawa ko sa pagitan ng matutulis na tunog.

"One more! One more!"

"Kiss! KISS!"

Unti-unting nawala ang sakit ng aking ulo. Isang blurry scene ang naaninag ko habang malakas na napapikit-scene ng isang reception ng kasal at parehong nakangiti ang bagong kasal. Sinundan ito ng malakas na hiyawan nang halikan ng groom ang bride saka muling humarap sa crowd na tatawa-tawa.

"Once again, congratulations to the newly wed. Cheers to a happily ever after of Mr. and Mrs.-"

"Baby? Baby, are you okay?"

Agad akong napatingala at sinalubong ang nag-aalalang mukha ni Caleb. Nakaluhod siya sa harap ko't inaalalayan ang aking mga braso hanggang sa maayos akong napaupo.

"I-I'm fine."

Napabuga ako ng hangin habang minamasahe ang noo.

Newly wed?

Sino ang ikinasal? Ako? Si Caleb? O kaming dalawa? Kung ibang tao 'yun, sino?

Mas sasakit lang ang ulo ko kaiisip ng sagot para run. Bahala na si Batman.

Tumunog ang phone ni Caleb, may tumatawag. Matapos niyang masigurong okay lang ako ay tumayo siya't naglakad papasok ng kaniyang kuwarto. Pumasok naman ako ng kwarto para kunin ang phone ko sa study table. Tiningnan ko kung may texts na sina Blessie at Ciara ngunit missed calls ni Jaxx ang bumungad sa'kin.

Jaxx calling...

Sasagutin ko ba 'to?

Jaxx calling...

What if may emergency kaya ganito karami ang missed calls niya?

"Jaxx-"

"Muling in-atake ng asthma si Chaichai. She's having difficulty in breathing and she's been looking for you. Honey, can you please do us a favor again this time?"

Naibaba ko sandali ang phone saka tumingala upang pigilan ang nagbabadya kong mga luha.

Pinili ko na si Caleb pero bakit pakiramdam ko kailangan ko na namang mamili sa kanilang dalawa?

Lord, tabang.

After uttering a short prayer for guidance, itinapat kong muli ang phone sa'king tainga.

"I'll be there, Jaxx as soon as I can. Please tell her I'll be by her side, okay?"

Matapos kong i-end ang call at magbihis ay napatakbo ako sa kwarto ni Caleb. Isinilip ko lang ang aking ulo sa nakaawang na pinto. Mabilis akong napapikit nang timing namang tatanggalin na niya ang suot na checkered yellow boxers.

"Pastilan!"

Gulat kong iminulat ang kaliwa kong mata upang tingnan kung tapos na siyang magbihis. Tumambad sa'kin ang hubo't hubad niyang katawang nakatalikod sa gawi ko. Nasamid ako ng sariling laway.

"Caleb, Blessie called me. Nagka-emergency raw. I'll be back as soon as maging okay na ha? Bye!" sigaw ko saka kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Scooter ko ang aking dinala at sa abot ng makakaya'y binilisan ko ang takbo. Gusto kong nandun agad ako sa tabi ni Chaichai habang nilalabanan niya ang sakit niya. I promised to myself na hindi ko siya iiwanan kahit anumang mangyari, 'di tulad ng ginawa ng totoong mommy niya.

Sa gitna ng pa-d-drive ko'y hindi mawala-wala sa isip ko ang hubad na imahe ni Caleb.

Bakit sobrang sexy ng katawan niya at napakaputi pa?

Okay, erase, erase. Focus, Mariyah! Chandrea needed you as soon as possible. Wala kang time para lumandi.

Nang marating ko ang bahay nila'y isang pindot ko pa ng door bell ay bumukas agad ang gate. Iniluwa nito si Jaxx na sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"I miss you so much, honey. Mabuti't dumating ka na. I missed you, I miss you, I miss you!" paulit-ulit na sabi ni niya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"J-Jaxx, Jaxx-kumusta na si C-Chaichai?"

Pilit akong kumawala sa mga braso niya ngunit ayaw niya akong bitawan.

"I love you. I love you so much, honey," pauli-ulit niyang bigkas.

Pinaghalong inis at gulat ang naramdaman ko nang lapatan niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Dumapo ang mapusok niyang mga labi sa aking noo.

"W-Wait, Jaxx. Teka-"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang sakupin ng mga palad niya ang aking mga pisngi. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng aming mga mukha. Isang malakas na kabog ng aking dibdib ang nagpahina sa buo kong katawan.

"Mahal na mahal kita, Mariyah. Mahal na mahal," aniya sabay lapit pa ng mukha sa akin.

Ramdam ko na ang paghinga niya sa tungki ng ilong ko. Sa pagkataranta ko'y napaiwas ako ng tingin upang iwasan ang halik niya.

"Ano ba, Jaxx? Si Chaichai ang ipinunta ko rito. Ang anak mo ang ipinunta ko rito-"

Sa gitna ng pilit kong pagpupumiglas sa mga braso niya'y narinig namin ang masayang boses ni Chaichai na tumatakbo papunta sa amin.

"Yey! Mommy is back, daddy!"

Malakas ko siyang naitulak dahilan para magkahiwalay kami. Nagtagpo ang mga kilay ko't kinunutan siya ng noo.

"Sabi mo inaatake na naman ng asthma niya si Chaichai. Jaxx, how will you explain this to me? I need your explanation!"

Hindi ko napigilang mapaluha habang palipat-lipat ng tingin kay Jaxx. Pilit niyang hinahawakan ang kamay ko na mabilis kong hinila pabalik.

"Everything I said was true. Honey, we miss you and we love you so I called you. Hon-"

Dumapo sa pisngi niya ang palad ko dala ng galit at pagkadismaya. Naiinis ako sa sarili kong nagpaloko ako sa kaniya.

"Stop calling me honey, Jaxx dahil hindi kita kaanu-ano. This is such a desperate move. I can't believe you stepped this low!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Sumakay ulit ako sa dala kong scooter bago siya nilingon.

"Kung talagang mahal mo ako, Jaxx, huwag mo na akong sundan. Parang awa mo na."

Agad kong pinaharurot ng takbo ang scooter kahit hindi ko malinaw na naaninag ang daan sa pamamasa ng aking mga mata. Papalubog na ang araw kaya lalong dumilim ang paligid.

I managed to drive safely kahit hindi ko na maintindihan ang naglalaro sa dibdib ko. Mabigat sa ito, nakakasakal. Hagulgol ko lang ang naririnig ko. Para akong nabibingi sa mga busina't tunog ng mga sasakyang nakakasabayan ko sa kalsada.

Paano mo nagawa sa'kin 'to, Jaxx?

Tanging kabutihan lang naman ang ginawa ko sa'yo at sa anak mo pero nagawa mo 'to sa akin. Saan ba ako nagkulang?

Hindi ko na alam kung nasaan ako-kung malapit na ba ako o malayo pa.

Nang makita ang tatlong magkasunod na poste, alam kong malapit na ako sa sikretong daan pauwi. Binagalan ko na ang takbo ng scooter nang biglang may bumunggo sa akin mula sa kaliwa. Sa isang iglap, tumilapon ako.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik at walang dumadaang sasakyan. Nagsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan sa'king mukha.

Gusto kong tumayo at mag-drive ulit pauwi pero mas malala lang ang pagbagsak ko nang subukan kong gumapang. Masakit ang bawat buto ko sa katawan, nanghihina at sobrang hapdi ng aking balat.

"A-Anong nang-AAH!" napahiyaw ako sa labis na sakit.

Humilab ang aking tiyan kaya napabaluktot akong hawak ang sarili. Dalawang magkasunod na hilab pa ang naramdaman ko sa'king tiyan.

Ilang sandali'y narinig ko ang tunog ng isang kotseng papalapit sa kinahihigaan ko. Ang buong akala ko'y tutulungan niya ako. Nagkamali ako.

Nang pilit kong iminulat ang aking mga mata'y mga paa lamang ang naaninag ko. Lumuhod siya sa tapat mismo ng aking ulo. Sa pagtingala ko'y pumatak ang ulan sa aking mukha kaya ilang beses akong napakurap.

Babae ang nasa harap ko't basang-basa rin ang may kahabaan niyang buhok.

"Vakit ka kashi-hik-namamangkha sha dalawang ilog-huk!" sarkastikong saad niya kahit parang wala siya sa katinuan. "He desherves shamwan-hik-vetter and that's-huk-me!"

The second time na narinig ko ang boses niya'y halatang umiiyak na ito. "Kaylev desherves me!"

Narinig ko ang talsik ng tubig sa mga hakbang niya hanggang sa marinig ko ang pagtakbo papalayo ng sasakyan.

Pinilit ko muling makatayo ngunit mas nanghina ang mga tuhod ko nang mahawakan ang aking mga hita. Punong-puno ng dugo ang aking mga kamay. Kinakabahan man, muli kong kinapa ang aking hita at may dugo pa rin. Palakas ng palakas ang daloy nito dala ng tubig-ulan sa gitna ng kalsada.

Bago tuluyang nandilim ang paningin ko'y wala akong ibang naisual.

"Ang b-baby ko.." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro