Chapter 34: Renewal Of Vows

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 34

RENEWAL OF VOWS


Totoo ba ang nakikita ko?

Agad kong nayakap ang papel habang humahagulgol ng iyak. Nanlambot ang mga tuhod ko't namanhid ang ibang bahagi ng aking katawan.

Gulat.

Pagdadalawang-isip.

Takot.

Naghalo-halo iyong tatlo sa isip at puso ko. Ayokong madamay ang anak ko. Natatakot ako.

"Jaxxon! Jaxxon, get out and face me! You have to explain this to me!"

Napatigil ako sa pag-iyak nang umalingawngaw ang boses ng babaeng sumisigaw sa baba. Pinunasan ko ang aking mukha saka dahan-dahang naglakad papunta sa hagdanan.

"Jaxxon, if you're really a man, show yourself! Stop hiding her under your shadows! I don't have time to play with your game!" dagdag niya habang naglalakad-lakad sa gitna ng living room. May kasama siyang apat na mga lalaki.

"Ma'am, wala po rito si Sir J." Nakita ko ang pagsalubong sa kanila ng maid nang maglakad siya papunta sa pinagtataguan ko sa dulo ng hagdan. "Bumalik na lang po kayo sa susunod na araw kung may kailangan kayo."

Muntik akong mapahiyaw nang makita ko kung paanong napaupo sa sahig ang maid nang hawakan niya ang kamay ni Zebbe para pigilan ngunit malakas niya itong itinulak.

"I can't afford wasting more time. I want to know kung saan niya itinago ang asawa kuno niya. An agreement is an agreement at kailangan niyang panindigan 'yun!" asik niya't nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan.

"Ma'am, bawal po talaga kayong pumunta sa taas!" Mabilis na sumunod patakbo ang maid at hihilain na sana nito si Zebbe nang maunahan ito't muling itinulak.

"No!" Agad akong napatakbo mula sa pinagtataguan at tinulungang makatayo ang maid matapos niyang magpagulong-gulong sa hagdan. "Ate Klara, okay ka lang po?!"

Tumango siya't namilipit sa sakit na pinilit makatayo. Hawak-hawak niya ang likod na maaaring napuruhan sa pagbagsak.

"Oh-so you received my gift?" Napatingala ako kay Zebbe na ngayo'y kaswal na nakangiti sa bitbit kong envelope. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Anong.. ibig mong sabihin, Zebbe?" Napapalunok akong inayos ang papel na halos mapunit sa kamay ko. "I-Ikaw ang n-nagpadala nito?" utal kong tanong na mas humigpit ang pagkakahawak sa envelope.

"Isn't it surprising? Or should I rephrase it.. Is there much more surprising than the DNA result itself?" maloko siyang ngumiti at nagkibit-balikat. Umarko ang mga kilay niya.

Beep! Beep!

Napalingon kaming lahat sa pagbusina ng sasakyan sa labas. Pati si ate Klara ay nanginginig na rin sa takot.

"You'll go to him and tell nothing about me or anything that happened. Wala kang nakita o narinig. Naiintindihan mo?" Maldita't may pagbabantang pinanlisikan ng mata ni Zebbe si ate Klara. Nang tumango ito'y agad niya akong hinila sa pulso sabay lakad-takbong tinungo ang kusina.

"Go first," utos ni Zebbe sa akin nang nasa harap kami ng isang bakanteng cabinet malapit sa sink. Halos itulak niya ako papasok nang hindi ako kumibo.

Isiniksik namin ang aming mga sarili sa medyo masikip na space ng cabinet. Si Zebbe ang nagsara nito't napayakap ako sa aking mga tuhod.

"S-Sir.. mabuti't n-nakabalik na po k-kayo," nanginginig ang boses na usal ni ate Klara.

Sumilip ako sa awang ng pinto at nakitang nakasunod lang si ate Klara kay Jaxx at sa kasama nitong papalapit sa pinagtataguan namin ngayon.

Bakit nga ba ako nagtitiis na magtago rito kasama si Zebbe gayung pwede naman akong magpakita at isumbong ang panghihimasok niya rito kay Jaxx?

Hahawiin ko na sana ang kamay niya nang tabigin niya ang kamay ko't pinanliitan ako ng mga mata. "I owe you an explanation for this so you better stay."

Inis akong napailing sa ibinulong niya. Tutulong na nga lang siya, mang-uutos pa. Bossy talaga.

"Nasa kwarto pa rin ba siya?"

Nalipat ang atensyon ko sa muling pagsasalita ni Jaxx.

"O-uh-o-opo, Sir J." Bakas sa boses ni ate Klara ang takot.

Gusto kong pagaanin ang loob niya pero paano? Gusto ko pa ring malaman ang dahilan kung bakit ginagawa ni Zebbe ang lahat ng 'to.

What was she up to?

"Good. She needs to know nothing about our wedding tomorrow," anunsyo niyang ikinagitla ko.

Itutuloy niya pa rin ang kasal? No way!

"You're really good at surprise events, Jaxxon. Parang noon lang din binulabog mo kami sa balitang ikinasal na pala kayo sa Australia. Lodi ka, dude!" Mahinang tinapik ng lalaking kasama niya ang kaniyang balikat.

Lalong lumapad ang ngiti niya't namula ang mukha.

"That's why I want our renewal of vows to be more special. Malay natin 'di ba, masundan pa namin si Chandrea," natatawang aniya pero sa halip na kiligin ako'y gusto kong masuka.

"Loko ka talaga, dude. Para namang hindi mo t-in-ake advantage ang pagiging broken hearted ni Mariyah noon hahaha-aray!" Napatigil sa pagtawa ang lalaki nang hampasin ni Jaxx ang tiyan nito.

"I never took advantage of her. I just loved her the way she deserved, dude."

Ano raw? Ako, broken hearted? Nino?

Nang tingnan ko si Zebbe ay nakataas lang ang mga kilay niya. Para bang sinasabi niyang tama siyang dapat lang na nag-stay ako dito. Napasinghap ako ng maraming hangin.

"Manang Klara, paki-entertain na lang lahat ng needs ni Mariyah. I'll be back bago mag-dinner, okay?" bilin niya na nilagpasan lang si ate Klara.

"Wheeew!" buga ko ng hangin nang makalabas kami ng cabinet.

"You see now? Hindi ako ang kalaban mo rito," rinig kong aniya.

Matapos kong pagpagan ang sarili'y doon ko lang napansing nasa likod na rin pala ni Zebbe ang mga lalaking kasama niya kanina.

"Meet me tomorrow morning at Hotel Valencia. I'll send you you sundo bukas. I'm willing to help you, Mariyah, if, and only if, willing kang talikuran ang pagpapasakal kay Jaxxon."

Ibang klase rin talaga si Zebbe, e. Tututulungan daw ako pero may sextra pang hanash.

Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko nang tumalikod siya't lumabas ng exit door. Naiwan akong tulala at hindi malaman ang susunod na gagawin. Naisandal ko ang aking baiwang sa cabinet matapos kumuha ng tubig sa ref.

Kalma, self. Kalma.

Bumalik ako ng kwarto at nang tinawag ako ni ate Klara para mag-lunch ay hindi ako lumabas. Ni-lock ko ang pinto dahil gusto kong mapag-isa. Kailangan kong pag-isipan ang gagawin kong desisyon.

Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Malala na ang trust issues ko sa kanilang dalawa. Si Caleb na lang talaga ang maaasahan ko pero unfortunately, wala akong anumang contact sa kaniya.

Kumusta na kaya siya?

Nang maghapunan ay hindi rin ako lumabas. Okay lang din kay Jaxx na nagpahatid ako ng pagkain sa kwarto para dito kumain. Alam ko namang nagbabait-baitan lang siya dahil bukas ay itatali na niya ako sa kasalanang siya lang naman ang may gusto.

Laking pasasalamat ko nang walang gumambala sa akin. Kahit si Chaichai ay hindi nagtangkang pumasok ng kwarto.

Ewan. Kahit alam kong anak ko siya base sa DNA result kanina, palaging sinasabi ng isip kong may kaugnayan pa rin siya kay Jaxx kaya dapat ko muna siyang iwasan.

Don't worry anak. After nitong lahat, kukunin na kita at hindi na tayo maghihiwalay pa.

Napabuntong-hininga ako't humiga na. I had to look fresh bukas dahil panibagong stress naman ang kahaharapin ko.

Haist. Kailan pa ba 'to matatapos?

Dzzz! Dzzzz!

"Hmmm-ahayyyy!" Nakapikit akong nag-unat ng katawan at humikab.

I rerouted my gaze sa nakapagpagising sa'kin at hindi nga ako nagkamali. May alarm clock sa mesa sa tabi ng kama ko.

Pipikit-pikit akong tumayo't kinapa ang daan papuntang banyo. Pagkalabas ko matapos maghilamos ay nagising ng tuluyan ang kaluluwa ko. Tumambad sa'kin ang isang sosyal na gown na nakatayo suot ng mannequin. May kasama rin itong belo at isang box ng puting sapatos.

"Mr. & Mrs. Andreas, renewal of vows?!" nanlalaki ang mga matang basa ko sa isang maliit na envelope na nakatungtong sa ibabaw ng isang pulang velvet na unan. Katabi nito'y isang maliit na transparent box na may singsing sa loob.

"Good morning, Ma'am M! Mabuti't gising na po kayo. Pinagbilin ni Sir J na tulungan kitang magbihis at samahan ka papuntang simbahan. Nasa labas na rin po ang sasakyan natin."

Napalingon ako sa pagpasok ni ate Klara na hindi suot ang kaniyang uniform. Hindi ko siya sinagot at bagsak ang mga balikat na napaupo sa paanan ng kama.

"May problema po ba sa susuotin mo, ma'am? Malungkot po kayo," magalang na usisa niya't tinabihan ako. "Sobrang ganda nga ng gown mo, ma'am, e. Nung panahon ko simple lang ang suot ko kasi walang plano-plano. Pinikot lang kasi ng mga magulang ko ang best friend kong panagutan ang pinagbubuntis ko noon," mangiyak-ngiyak niyang kwento sabay buntong-hininga.

"Maganda nga po pero may ibang choice ba ako? Wala naman, hindi po ba?" Napatingin ako sa kaniya. "Hindi ko naman kasi siya mahal-"

"Pero mahal na mahal ka po ni Sir J," sabat niyang nakangiti.

Napangiti na rin ako ng mapait. "Enough na po ba 'yun para pakasalan ko siya?"

Doon ay tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Alam mo po, ma'am, nung kinuha ako ni Sir J bilang maid at yaya ni Chandrea, wala po akong ibang nakita sa mga mata niya kundi lungkot at pangungulila. Kaya nga nung nakita ko po kayo sa personal, noon ko lang din nakitang nabuhay muli ang happy side ni Sir J," pagpapatuloy niya.

Lalo akong napaiyak dahil mas bumigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y pinaparating niyang mali ang magiging desisyon ko kung hindi ko sisiputin ang kasal namin ni Jaxx. Kinokonsensya ba niya ako?

"Pero hindi ko naman alam kung ano ang nangyari sa inyo bago kayo umuwi galing Australia noon kaya wala po akong karapatang husgahan ka, ma'am." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod kong animo'y hinihimas rin ang puso ko para patahanin ito.

Nagtatanong ko siyang tiningnan kung dapat ko bang ituloy ang plano ko.

Tumango siya't ngumiti. "Chase what makes you happy. Hindi lahat nabibigyan ng chance na piliin ang tunay na kaligayahan, ma'am kaya huwag niyoo po sana itong sayangin."

Automatic na kumurba ang mga labi ko't pinunasan ang basang pisngi. "Thank you, ate Klara! Salamat po talaga!" Mahigpit ko siyang niyakap at mabilis na inayos ang kama.

"Ako na'ng bahala, ma'am. Sagot kita kay Sir J." Kinindatan pa niya ako bago siya lumabas ng kwarto. Mahina akong napatawa.

Mabilis akong naligo't nagbihis. Pagkalabas ko ng exit door ay naroon na nga ang sasakyang susundo sa'kin.

"Thank you." Nag-bow ako sa mga lalaking nakasama ko sa sasakyan bago lumabas.

"Good day, ma'am! This way to Ms. Zenesstier's room, please follow me," bati sa akin ng lalaking naka-uniform tulad ng mga nasa reception ng hotel.

Tahimik kaming naglakad at sumakay ng elevator hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang room.

"Good morning, Ms. Zenesstier! Your guest has arrived," aniya sa isang microphone sa gilid ng pintuan matapos may pinindot.

Ilang sandali lang ay may pumitik sa pinto at bumukas ito.

"Thanks! You may leave us."

Nag-bow pa ang lalaki bago umalis.

"Won't you ask me why I am doing this?" tanong niya habang inilalapag ang wine bottle sa maliit na mesang nasa pagitan ng inuupuan namin.

"Kung hindi ko gustong malaman ang sagot sa tanong na 'yun, hindi na sana ako pumunta rito," sarkastikong tugon ko. Napasinghal siya ng ngiti sabay sumimsim sa basong hawak.

"Kahit kalian talaga alam mo kung paano ako sagutin ng pabalang." Muli siyang ngumiti.

"Let's get straight to the point, Zebbe. Alam kong ayaw nating makita ang isa't isa kaya tapusin na natin 'to once and for all."

Hindi siguro masama kung siya naman ang uutusan ko for once.

Tumaas ang kanang sulok ng mga labi niya. "I'm sure that any minute now, Jaxxon will find out that you won't show up on your secret wedding and you-"

"Ano bang gusto mong palabasin, Zebbe? Matapos mong makipagsabwatan kay Jaxx, heto ka ngayon at nakikipag-usap sa'kin!" sigaw ko sa pagpigil ng mga pasikot-sikot niya. Naniniwala akong the more words you say, the more mistakes you commit.

Natameme siya't napalunok.

"Ngayon naman speechless ang peg mo? Ano na, Zebbe, wala na bang bago?" dismayadong bulalas ko.

"Ako ang nakabundol sayo at ako ang dahilan ng pagkawala ng baby mo-"

"Zebbe, naririnig mo ba ang sarili mo?" gulat ko siyang napagtaasan ulit ng boses. Bumilis bigla ang heartbeat ko.

"Mariyah, sorry.. sorry." Gusto niyang abutin ang mga kamay ko ngunit agad ko itong inilayo sa mesa.

Ilang beses akong nag-shake ng kamay dahil nanginginig na naman ako. Bakit niya inaamin ang kasalanang hindi naman niya ginawa?

"I'm sorry.. I hurt you and I killed your child." umiiyak nang aniya.

Hindi ako makapagsalita. Totoo ba ang mga sinasabi niya?

"No! Kung ikaw ang dahilan kung bakit maagang kinuha sa'kin ang baby ko, sa tingin mo mapapatawad agad kita, ha?" pati boses ko'y nanginginig na rin. "Halos mabaliw ako kaiisip kung sino ang gumawa nun sa akin. Tell me, Zebbe, anong nagawa ko para gawin mo sa'kin 'yun?"

Tuluyang bumuhos ang luha ko kasabay ng pagpiyok ng aking boses.

"Nagmahal lang din ako katulad mo, Mari-"

"Nagmahal? C'mon, stop giving me that cliché reasoning, Zebbe! Buhay ng baby ko ang nawala.. baby ko 'yun, e!" pigil ko sa kaniya.

Hindi ako 'yung taong basta-basta lang nagbibitaw ng masasakit na salita but not in her case. It's all a burst of mixed emotions piling up for a long time.

"I'm really sorry," patuloy niya habang umiiyak. "I didn't mean to do that. I was so broken that time and so I was drunk. Caleb rejected me so many times kaya naglasing ako. I'm sorry."

I mockingly laughed out of dismay. "Kaya ba dedespatsahin mo ako at ang anak namin?"

"No, of course not! Hindi ko alam na buntis ka. Hindi ko talaga alam, I promise. Sorry, please forgive me." Lumakas ang iyak niya at lumuhod sa harap ko. Umiling ako. Not this time.

Suminghot ako't diretso siyang tinitigan. "Hindi ko ramdam ang sincerity ng mga sorry mo, Zebbe. Wala ka nga sigurong puso, e!" Mabigat man sa loob ko'y kailangan kong sabihin 'yun para ma-realize niyang nagkamali siya.

"Believe it or not, I still have. I called an ambulance and hired a private doctor. I knew you need to be secured from the eyes of the VU admin. I also called Caleb to be at the location." Pinunasan niya ang basang-basa niyang mukha. "It's just that, nadamay pa ang baby mo, Mariyah and I'm very sorry for that."

I crossed my arms and fiercely stared at her eye to eye. With a raging flame inside my heart, I uttered, "don't just say you're sorry. Prove it." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro