Chapter 35: Unveiling Her Past

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 35

UNVEILING HER PAST


Nakita ko kung ilang lunok ang nagawa ni Zebbe bago huminga ng malalim. Sana lang kasama na sa mga iyon ang pride niya.

"Challenge accepted," kompyansa siyang napangiti, bumalik sa pagkakaupo at inayos ang sarili.

"Saan ka pupunta?" Sinundan ko siya ng tinging tumayo at kinuha ang phone sa kama niya.

"You mean, saan tayo pupunta?" maarteng balik niya sa'kin ng tanong.

Here came the fierce Zebbe again.

Kumunot ang noo ko't napasunod sa kaniya palabas ng kwarto. "A-Ano na naman 'tong gagawin mo, ha?"

Patuloy siyang naglakad hanggang sa makapasok kami sa elevator. "You want me to prove that I'm really sorry, right? We'll talk about it 'pag nasa sasakyan na tayo."

Malditahan ba naman ako?

"Are you even thinking, Zebbe? Paano kung may makakilala sa'kin dito? Gusto mo talaga akong mamatay, 'no?" pilit kong paghabol sa kaniya nang makababa kami ng first floor ng hotel.

"I own this hotel so I know how to handle these people. Isang pitik lang ng mga daliri ko, tikom na ang bibig nila."

Napahinto ako't nailibot ang paningin. Shocks, wala ngang ibang guests! Nakakatakot nga ang isang Zebbe Zenesstier kaya pala kulang na lang lumuhod ang mga estudyante noon sa Vaund University.

"Charot lang!" Humagikhik siya ng tawa kaya napatakbo ako't naglakad kasabay niya. "I still have a heart nga, 'di ba? I know they will do their job well kung inaalagaan din sila ng kompanya and that's what I am doing. At the very least, they will obey me when I give a command of denying your presence here in my hotel."

O-Okay.

"Good morning, master!" bati sabay bow ng lalaking naka-itim na uniform na nagbukas ng pinto ng sasakyan niya.

Master?

Gaano ba siya ka-powerful?

"Okay, let's start this thread." Panimula niya pagkaupo ko ng sasakyan niya. Humugot ako ng malalim na malalim na hininga. Parang kanina lang iiyak-iyak at luluhod-luhod siya sa harapan ko.

"Fine, I'm willing to listen. Basta 'yung totoo lang, Zebbe.. please lang, tama na 'yung mga kasinungalingang narinig ko sa buong buhay ko."

"I understand," halos pabulong na sagot niya saka kami binalot ng nakakabinging katahimikan.

"That morning.." pagbasag niya ng katahimikan. Naisuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng high waist jeans ko para wala akong mahampas o masapak mamaya.

"I was so happy when he called to meet me. I was hoping still. Kasi naman, imagine tinawagan niya ako after rejecting me and telling me right into my face na layuan siya dahil iba ang mahal niya-dahil ikaw ang mahal niya?"

Medyo shaky ang boses niya pero alam kong pinipigilan niya 'yun. Naalala ko kung gaano ka-desidido si Caleb na kitain siya para tigilan na ang mga death threats niya sa'kin.

"Hindi ka na dapat nag-assume nun, about sa death threats lang naman ang pag-uusapan niyo. Nasaktan ka pa tuloy," pahapyaw na daldal ko sabay tingin sa bintana ng sasakyan.

"'Yun na nga, hindi naman kasi ako nagpadala ng death threats sa'yo. I don't even know your address, duh!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniyang inikutan ba naman ako ng mga mata. "Kung hindi ikaw, eh sino-" tinitigan niya ako ng diretso, "continue," pagtitimpi ko.

"Hindi ko rin alam ang about dun, Mariyah. What I know is papunta ako nun sa meeting place namin when Jaxx called me about his proposal."

"Proposal?" gulat na sabat ko.

"Idea niyang magsabwatan kami and for me, why not? Ako din naman ang mag-b-benefit in the end." Short pause. "I turned back and when I was on my way to Jaxx's house to discuss about the plan, I saw VU guards' vans rushing towards the opposite direction. Naka-alerto ito with your face and name flashing on the windshield."

Hindi ako kumibo at hinintay siyang magpatuloy. Now I also vividly remembered that very moment kung paano ko ginustong makatakas. Nakapa ko ang ilang gasgas sa braso na natamo ko sa pagkakasubsob sa araw na 'yun.

"Agad kong tinawagan si Jaxx and executed the plan the way it should be."

"Paanong napapangiti ka pa ng ganiyan, Zebbe? How about Caleb? Nasaan siya? Anong nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong ko. Naiharap niya ang palad sa'kin para patigilin muna ako. Napapikit ako ng mahina't naisandal ang ulo sa upuan.

"Chill lang, girl, okay?" pagpapakalma niya pero 'di ko maiwasang kabahan. "I was smiling because I succeeded with my own plan. And that is to abduct you."

Ilang saglit rin kaming nagsukatan ng titig. Nakangiti siya habang halos magdugtong na ang mga kilay ko.

"Pinatay mo na ang anak namin at ngayon pinaghihiwalay mo pa kami. What more can you get from me?" sarkastikong tanong ko. Napa-crossed legs at crossed arms siya habang inilihis ang paningin sa kalsada sa harapan.

"For now, just please.. spare me all the hate and anger in the world for the life of your innocent baby. Kailangan mo munang malaman kung sino ka ba talaga at ano ang past mo, hmm?" Maamo ang mukhang muli niya akong nilingon. "We're here!"

Naiwan akong speechless sa loob ng sasakyan hanggang sa humarang sa paningin ko ang lalaking kasama namin sa byahe.

"S-Sorry," pagpapaumanhin ko't mabilis na nilisan ang sasakyan. Mas mabilis pa siguro kay Flash na tinakbo ko ang pinasukang establishment ni Zebbe.

Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng mga babaeng kinapa-kapa ang aking katawan.

"Kapkapan niyo siya and make sure you'll find it," utos ni Zebbe na ngayo'y komportableng pinapaikot-ikot ang inuupuang swivel chair kasama ng iba pang nakahilerang mga upuan sa harap ng malalaking salamin.

Dulce Salon.

"What is this all about-Ako na nga ang maghahanap!" singhal ko sa babaeng ilang dangkal na lang ang layo ng kamay mula sa private part ng katawan ko.

"Ano nga pala ang hahanapin ko?" Paglipat ko ng atensyon kay Zebbe na sinenyasan ang mga babaeng umalis muna.

"For sure Jaxxon has put tracking devices in all your clothes. We need to get rid of 'em immediately or else-"

"Or else ano?" sabat ko.

"Or else, lagot tayo pareho."

Sa tono ng pananalita niya'y bigla akong nakaramdam ng pagkabahala. Mabilis kong kinapa ang lahat ng parte ng damit ko-mula sa oversized shirt, sa jeans hanggang sa sneakers na suot ko.

"Gotcha!" Masaya't napapahinga ng malalim kong tinanggal ang button ng high waist jeans ko. Pangalawa kong nakapa ang maliit at pabilog na bagay sa loob ng laylayan ng shirt ko.

Nang mapansin siguro ni Zebbe na hindi ko alam ang gagawin sa damit ko'y pumalakpak siya twice at nagsibalikan ang dalawang babae kanina.

"Use it. Pati sneakers mo palitan mo na rin, just in case." Pagkasabi niya nun ay inabot na sa akin ang grey oversized shirt na may maliit na itim na bulsa sa kaliwang dibdib nito, isang high waist tie-and-dyed blue denim shorts at isang pair ng puting sneakers na may dalawang itim na stripes.

Nagpalit ako ng damit sa dressing room nila. Tucked in ang likurang bahagi ng oversized shirt sa denim shorts habang nakababa lang ang nasa unahan. I liked casual outfits, presko at komportable.

"That's great. Now we'll leave your things here and let Jaxxon wonder why you came to a salon on daylight turned bar at night. Let's go," aniya sabay lakad paapuntang pinto. "And sheeesh, you put this on!" abot niya sa akin ng isang black rectangular sunglasses.

Isinuot ko iyon at kaswal na naglakad kasunod niya. Pagkasakay namin ng kotse'y pareho naming itinaas sa tuktok ng aming ulo ang sunglasses.

"Caleb's in the hospital right now. He's intentionally hit by another car while driving towards our meeting place."

A-Ano raw? S-Sinong binangga?

May kung anong boltahe ng kuryenteng nagpalamig mula talampakan ko hanggang ulo nang sabihin niya iyon. Napaawang ang mga labi kong napatingin sa kaniya.

"I immediately called my friend's emergency team and they're now treating him in a secret facility," salaysay niya, "so you don't have to worry, darling."

Ramdam ko ang paghapdi ng aking mga mata samantalang lito rin ang mga labi ko kung anong salita ang una kong bibigkasin.

He's in danger and I didn't even know.

Caleb..

"Why are you doing this?" I unconsciously uttered, letting my tears to freely fall into my shirt.

"'Cause I'm proving my sincerity-"

"No," I but in, "all these.. bakit mo ginagawa itong mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang tao sa kaaway niya? Bakit mo sinasabi ang mga sekretong alam kong maaari mong gamitin laban sa akin? Bakit, Zebbe?"

Nakatungo lang akong tinatanong 'yun nang may blurry na paningin.

"I don't think you can still say that after you know who you really are, Mariyah."

Nanatili akong tahimik at tikom ang bibig. I'm a bit frustrated and confused at the same time.

What about my past? Anong meron at kailangan pa 'yun ungkatin? Pero.. ano nga ba ang naaalala ko sa naging buhay ko noon?

Huminto ang kotse at hinintay ako ni Zebbe na ayusin ang sarili ko bago niya itinapak palabas ang mga paa sa nakabukas nang pinto ng sasakyan.

Pagkababa namin ay doon ko lang napansing walang ibang tao ang narito maliban sa amin. It seems like secret door ng building ang dadaanan namin. Nauna ang dalawang lalaking kasama namin at nang masigurong cleared ang lugar ay mabilis kaming naglakad with our glasses on.

Matapos ang paglalakad sa hallway ay hinila ako ni Zebbe papasok sa isang room.

"Oh, hello! Good morning, doc," rinig kong bati niya sa nasa loob.

Ako ang nagsara ng pinto kaya nang mapatingin ako sa narito'y nabigla ako sa babaeng naka-puting lab gown na may stethoscope na nakapalibot sa leeg. "D-Doc..?"

"Mariyah!" Pahapyaw siyang napatingin kay Zebbe saka ngumiti sa'kin. "I'm glad to see that you're really fine. Send my regards to Caleb, please."

Siya iyong doktor na nagsabing buntis ako at siya ring nag-asikaso nung time na inatake ng asthma si Caleb. They must know each other very well kaya bakit kami narito at ano ang connection niya sa pakay namin dito?

"Makakarating po, doc," pagsisinungaling ko sabay lunok.

"Thank you. Mauuna na 'ko sa inyo," maligalig na pagpapaalam niya't muling nilingon ang isa pang naka-lab gown na nakaupo sa tapat ng mesa. "Doc Marco, I'll be back later after my remaining rounds."

Nakangiting tinanguan siya ng doktor.

Gulat akong napabalik ng tingin sa kaniya nang tapikin niya ang aking balikat. "You take care, okay?"

Tinanguan ko lang siya.

"So, both of you are here! Please make yourself comfortable," iminuwestra ni Doc Marco ang magkaharap na upuan sa tapat ng mesa niya.

"Hello po, Tito Marco!" Tumayo ang doktor nang bineso siya ni Zebbe.

Naupo kami ni Zebbe at this time, nagsimula nang mag-unahan ang bawat pintig ng puso ko.

"Zebbe called me about what's gonna happen today. And it saddens me seeing you again after two years at hindi pa si Caleb ang kasama mong pumunta."

Nagtatanong akong napatitig sa kaniya't lalong nadiin ko ang pagkakapisil sa'king palad.

"A-Anong ibig mong sabihin, doc-nagpunta na kami rito dati?"

Nakagat ko ang aking dila nang mapabuntong-hininga siya't nag-aalalang tiningnan si Zebbe.

"You think she's ready for this?"

Anong tinutukoy nila? Teka lang, meron ba akog hindi alam dito?

"There's no other solution, tito. She has to."

Pati si Zebbe ay alam kong worried sa kung anuman ang pinag-uusapan nila. I needed to know. I could smell something fishy.

"Pwede bang diretsuhin niyo nga ako? Nandito ako oh, baka nakakalimutan niyong may kasama kayo," pigil ko sa makahulugan nilang tinginan. I had no time playing the dumb role here.

"Relax, Ms. Merced."

Frustrated ko siyang tinapunan ng tingin at naibagsak ang sarili sa sandalan ng upuan.

Tumayo siya't ilang sandali pang tiningnan ang bawat pangalang nakasulat sa envelopes na naka-arrange sa isang transparent cabinet sa isang sulok.

"This will explain what we're talking about."

Tinanggap ko ang inaabot niyang envelope na nakapangalan sa akin.

Bakit naman ako magkakaroon ng files dito kung ngayon lang naman ako napadpad dito?

"Medical records? Paano ako magkakaroon nito dito, doc?" Takang-taka ako nang matingnan ang nilalaman ng mga papel.

A deafening silence covered the entire room.

"Two years ago, may dalawang taong isinugod dito sa ospital. Ang isa ay ilang minor injuries lang ang natamo but unfortunately for the other, naging kritikal ang kondisyon niya. It was a car accident." Bahagya siyang napatigil at na-intertwine ang mga daliri sa ibabaw ng mesa.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Para akong naiihi sa kaba ngunit gusto ko namang i-fast forward ang lahat para malaman ko agad kung ano talaga ang nangyari noon.

"Madaling naka-recover ang nagka-minor injuries but the other had to suffer a head injury." Mariin siyang tumitig sa'kin na lalong ikinabahala ko. "You were in a comatose for three months and I was your attending physician-"

I questioned my memory when he mentioned it.

"I-I was in a coma? Doc, wala akong naaalalang ganun, as in wala po talaga," paninindigan ko.

Malungkot siyang napatungo at nang magkaroon ng sapat na courage para sabihin sa akin ang tunay na nangyari'y muli niya akong tiningnan sa mata.

"After three months in bed, you came back to your consciousness. Nagising ka at laking pasasalamat namin dahil naaalala mo pa lahat despite your head injury-ang mga tao at ang mga bagay na nangyari bago kayo maaksidente."

Gustuhin ko mang huminga ng malalim sa mga sinsabi ni doc, hindi ko magawa, Animo'y dinadaganan ng mabigat na bagay ang dibdib ko.

"Among all, Caleb was the happiest because he was with you all throughout your journey."

Si.. Caleb?

"Everything went well not until we found a strange change in your memory. Your test results might help you understand the situation, Ms. Merced."

Napatingin ako sa ilang test results na nakapangalan din sa'kin. Ilang angulo ng bungo at utak ang nakikita ko pero sa sobrang lito'y hindi na rin ito ma-digest ng brain cells ko. Naibalik ko ang paningin sa kaniya.

"Sa paglipas ng mga araw ay siyang pagkawala naman ng mga pangyayari sa memorya mo. You couldn't remember what happened to you a month ago and worst, you started to forget the day the accident happened." He paused for a moment. " It seemed that as days progressed, pakaunti nang pakaunti ang mga pangyayaring naaalala mo."

Puro tanong ang naglalaro ngayon sa isipan ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Naguguluhan ako. Nakakahilo. Gusto ko na lang maglaho.

"Doc, nagka-amnesia ba ako dahil sa aksidente?" naluluhang usisa ko. Napatingin ako kay Zebbe nang maramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay kong pawis na pawis.

"That was our initial observations. Pero hindi eh, may mali, sabi ko sa isip. So, I gathered all my connections and formed a team to study your case. Big thanks to Caleb because we were provided with everything we needed. During our research, we found out that you were diagnosed with Alzheimer's disease when you were thirteen years old," pag-e-explain ng doktor.

"Alzheimer's disease? 'Di ba for aging people lang naman po ang sakit na 'yun, tito? 60's, 70's?" Napatingin ako sa tanong ni Zebbe.

Tama nga naman. Sa pagkakaalam ko'y sa mga may edad na karaniwang nararansan ang Alzheimer's disease.

Tumango si Doc Marco sabay sandal sa swivel chair niya.

"Most commonly, ganun nga." Naibalik niya ang paningin sa'kin. "That's why Ms. Merced, you're one of the few cases of the young-onset Alzheimer's disease. Unfortunately, your disease caused another one of the rarest cases of a certain condition which led you to your gradual loss of memory."

"Hindi lang Alzheimer's disease ang dahilan ng hindi ko pagkakaalala ng nakaraan ko, doc?"

Nang bumuntong-hininga siya'y doon mas napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zebbe na mapait akong nginitian.

"You had the condition that only one out of ten thousand people can possibly have. It was triggered by the head injury you suffered for months. What you had two years ago was a reverse dementia-"

"Reverse dementia?!" I exclaimed. I couldn't control my emotions and my violent reaction. Nakaka-frustrate.

Sobrang weird lang kasi ng nagka-dementia ka na nga, reverse pa. Ano 'yun parang pa-backwards lang, ganun?

"If with the common dementia remembering things is getting worst as time progresses and has no treatment or isn't curable, reverse dementia is its opposite. Though you can loose your memory, the good thing is that you still have the ability to remember your past. Considered siya as reverse dahil habang tumatagal unti-unti mong maaalala ang mga pangyayari. Things might be on your side, Ms. Merced, and only time can tell."

Sa haba ng litanya niya'y para bang naka-mute ang lahat at sa gumagalaw na bibig na lang ni Doc Marco ako nakatitig. Ironic lang na pakiramdam ko naka-mute siya pero naiintindihan ko ang sinasabi niya.

"Kaya nga mahalaga ang ibinilin ko kay Caleb na huwag niya ring ipapaalala sa'yo kung ano ang mga nangyari sa inyo dati, kung sino ka at kung ano ang naging buhay mo."

"A-Anong hindi p-pwede? Bakit?" Bumalik ako sa wisyo't kusang bumagsak sa kamay ko ang aking mga luha. "Paanong hindi pwede, doc? 'Di ba nga mas dapat na ipaalala sa'kin 'yun para mas madali kong maalala kung sino talaga ako?"

Ramdam ko ang pagpapakalma sa'kin ni Zebbe sa kaniyang mga haplos sa kamay ko.

"That's the risk of your condition, Ms. Merced. The more your brain is fed with memories you can't remember, the more chances that you won't remember them. With reverse dementia, only the time can tell when you will remember your past because if external forces interfere in your healing process, everything will be back to zero." Inabot niya ang balikat ko't mahina itong tinapik. "Ikaw at ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, Ms. Merced."

Kaya ba walang sinasabi si Caleb tungkol sa'kin? Once niya lang akong tinanong about sa mga magulang ko dahil ba sa kondisyon ko?

Napasinghot ako saka pinunasan ang mukha. "Ano po ba ang dapat kong gawin ngayon doc? Hindi po okay ang kalagayan ni Caleb at nalaman ko pa ang tungkol sa kondisyon ko. Pakiramdam ko nagkabuhol-buhol na ang mga brain cells ko."

Bigla namang napangiti si doc habang nagpipigil ng tawa si Zebbe. Pabiro siyang kumalas sa pagkakahawak ng kamay ko't tinapik ito.

"Mas pagbuhol-buhulin natin 'yang mga cells, nerves at kung anu-ano pang linya ng kuryente diyan sa utak mo, Mariyah," biro niya. Binigyan ko siya ng what-are-you-saying look.

"Ngayong alam mo na kung bakit wala kang masyadong maalala sa past mo.." pambibitin niya, nakagat ko ang aking ibabang labi. "You need to choose your destiny. Pipiliin mo bang madiskubre kung sino talaga si Mariyah Merced o hahayaan mo ang panahong magdikta kung ano ang maaalala mo?"

Napalunok ako, big time. I was caught off guard. Ilang ulit pa akong napakurap bago pinakawalan ang malalim na buntong-hininga.

"Tutulungan mo ba akong kilalanin ang sarili ko?" balik ko sa kaniya ng tanong.

Confident siyang ngumiti at nagkibit-balikat. "Oo sana pero sabi nga ni tito, kung may chismosang makikisali sa healing process mo, mas hindi mo lang maaalala ang mga bagay-bagay. So, hindi na lang." Napangiwi siya.

Oo nga naman. Paano 'yun? Wala akong alam kung saan ako magsisimula.

Galit na sa'kin si Jaxx dahil hindi ko sinipot ang kasal namin samantalang nasa ospital pa ngayon si Caleb. Kung hindi ako tutulungan ni Zebbe...

Arrgghh! Ayoko naaaa!

Napapikit ako. Inabot ko ulit ang kamay niya't nang magkahawak-kamay ay makahulugan akong ngumisi.

"Game! Let us be the bravest persons to end this rarest condition." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro