Chapter 36: She Loves Her

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 36

SHE LOVES HER


Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan namin ni Zebbe, hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito.

Inaalalayan niya ako, tinutulungan.

"Never have I imagined situations like these," I mumbled.

Nandito kami sa loob ng kotse niya at walang nagsasalita.

"Hmm?"

Nilingon ko siya na nakatingin na pala sa'kin. "Akalain mong nagkasundo tayo? 'Yung experience na lumilipas ang mga oras na hindi mo ako tinatarayan."

Naalala ko kung paano niya idinikit sa mukha kong puno ng icing 'yung money bills niya sa café. Iyong pagtaas ng mga kilay niya't pag-ikot ng mga mata. Iyong pagmamaldita niya sa Hearts Night.

"Tssh!" she mockingly smirked. "Magkasundo naman tayo dati, ah!" depensa niya. Napahalakhak ako.

Talaga ba?

"Parang..?" biro ko sabay taas ng kaliwang kilay. Napasimangot siya.

"Parang? Ang unfair mo, MM! I treated you as a friend!" disamayadong reklamo niya kaya mas napahalakhak ako. She's back at calling me MM kaya alam kong komportable na nga siyang kasama ako.

"Sabi kasi ng mama ko, ikaw daw 'yung fur woman na dapat kong bantayan."

Naalala ko tuloy ang naging sulat ni mama at papa. Haist, miss na miss ko na talaga sila. Kung may paraan lang para makasama ko sila ulit. I'd do what it takes, bumalik lang sila.

"Ako? Fur woman-" Agad siyang napatingin sa suot na itim na oversized shirt na nilagyan niya ng chain belt. "Ah, I knew it! Dahil ba sa pagsusuot ko ng gan'to?" Turo niya sa malaking print ng lion sa shirt niya habang nanlalaki ang mga mata.

Napapahiya akong tumango. Napailing siya't natatawang pumalakpak. "Fave ko talaga ang mga fur animals. Ito, trivia lang, MM ah. I have five pet cats and two pairs of rabbits at home. Siguro naman may karapatan na 'kong magsuot ng may fur animal prints niyan, 'no?" Halos umusok ang ilong niya sa inis sa biglang pag-switch ng mood niya. Napapigil na lang ako ng tawa.

"Sorry naman-HAHAHA!" Hindi ko na napigilang bumulalas ng tawa. Sinamaan niya ako ng tingin kaya nai-divert ko ang paningin sa bintana sa gilid ko.

Ilang saglit ang lumipas, tumunog ang phone ni Zebbe. "This is Zebbe-WHAT?"

Gulat akong napatingin sa kaniya nang biglang tumaas ang boses niya. Nagsimula akong manginig sa takot.

Problema na naman 'to.

"Keep an eye on him. We'll be there in a minute," halatang aligaga siya sa narinig mula sa kabilang linya kaso hindi ko alam kung bakit.

"We're heading to a different hospital. May sumugod sa hospital kung nasaan si Caleb kaya kailangan siyang ilipat agad. I've sent you already the location," anunsyo niya. Ilang segundo lang matapos niyang pindutin ang phone ay umilaw ang maliit na monitor sa harap ng driver.

"They're really testing my patience, huh..?" bulong niya sa sarili pero dahil magkatabi kami'y narinig ko pa rin. She sighed.

Ano kaya ang tinutukoy niya? Or sino?

"Are you ready?" Paghawak niya sa kanang kamay ko. Ngumiti ako kahit may kaba sa loob ko.

"I am one of the bravest. I fear none." Taas-noong bigkas ko.

I wiped off my fear and worries that started to make me shake. I realized, kung matatakot man ako, 'yun dapat ang huling pakiramdam na mararamdaman ko sa labang 'to.

Sabay kaming naglakad-takbo ni Zebbe papasok sa exit door ng hospital. Naging mas alerto ang mga kasama namin dahil ibang ospital ang papasukin namin. Walang dapat makapansin o makakilala sa'min dahil maaaring ikapapahamak ulit iyon ni Caleb.

Bumuga siya ng malalim na hininga nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Napaismid ako.

"Ikaw ang jowa, Zebbe? Ikaw?" Napapaypay siya ng sarili't sabay kaming napatawa. "Mas worried pa siya, e."

Jowa ka, ghorl?

Ako ang naunang pumasok ng kwarto at halos mapaluhod ako sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod. Napako ang paningin ko sa mga galos at pasang nasa magkabilang braso niya. Nakabenda rin ang noo niya habang ilang galos at pasa rin ang mapapansin sa medyo maputla niyang mukha.

Napaka-gwapo mo pa rin, mahal ko.

"Everything will be fine. Be strong," napalingon ako kay Zebbe na hinahaplos ang likod ko. Mamasa-masa na rin ang mga mata niyang nakatingin kay Caleb. Nang magtama ang paningin nami'y ngumiti siya ng mapait.

Kusang naglakad ang mga paa ko at kung paano ko nakayanang makaabot sa tabi ng kama niya'y hindi ko na alam.

"Caleb.. b-baby, nandito na a-ako," umiiyak kong usal.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at doon ko na-realize na hindi maliit na aksidente ang sinapit niya. Sigurado akong sinadya ang pagbangga sa kaniya at gusto kong pagbayarin ang kung sinuman ang gumawa nito.

"Baby, gumising ka na please." Napaluhod ako sa tabi niya't hinawakan ang kaliwa niyang kamay. "Mag-p-propose ka pa sa'kin, 'di ba? 'Y-Yung.. 'yung kasal namin ni Jaxx.. h-hindi naman totoo 'yun. I promise kahit wala akong masyadong naaalala. Alam ng puso't isip ko na hindi ko siya pinakasalan o papakasalan." Itinuro ko ang tapat ng aking puso, "dito.. ikaw ang nandito, baby."

Hagulgol ko ang maririnig sa buong kwarto. Bahala na kung ano ang sasabihin ng iba. Sakit at bigat ng loob lang ang nararamdaman ko. Gustong mamanhid ng buo kong katawan pero pinipigilan ko.

Kailangan kong mag-survive dahil buhay pa ang lalaking makakasama ko hanggang pagtanda. Kinakailangan.

"Bumalik ka na sa'kin, p-please," I pleaded between my sobs.

Siniil ko ng halik ang kamay niya't dahan-dahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Lalong bumuhos ang mga luha ko nang dumapo ang daliri ko sa sulok ng kaniyang mga labi.

Ito 'yung mukhang hindi ko pagsasawaang titigan araw-araw. Siya ang gusto kong bumungad sa bawat paggising ko sa umaga at huli kong makikita sa pagpikit ng aking mga mata tuwing gabi.

"Caleb, alam ko na ang tungkol sa pagkaaksidente natin noon," parang batang pagsusumbong ko. "At 'yung sakripisyo mo sa pag-aalaga sa'kin noon, alam ko na rin."

Lalong sumikip ang dibdib ko't nahihirapan akong huminga.

"Salamat, ah?" Pilit kong pinigilang pumiyok pero hindi nakayanan ng nanginginig kong boses. "Thanks that you stayed loyal to me."

I intertwined our fingers and leaned my cheeks at the back of his hand. Gusto kong maramdaman niya ang init ng aking katawan. Gusto kong magising siyang nasa tabi ako. Gusto ko na siyang magising.

Blurry man ang paningin ko'y pilit kong inaaninag ang maamong mukha niya. Naalala ko ang malaking desisyong gagawin ko after nito.

"Baby. Gagawin ko 'tong desisyon para sa'yo. Ikaw ang unang nagsakripisyo noong kailangan ko ng karamay. Ngayon ako naman.. hmm?" Mapait akong napangiti.

How ironic life was. Ngayong alam ko na ang thirty percent ng tungkol sa'kin ay siya namang pagkakaganito niya. Naibaba ko ang aking mga balikat. Ang bigat na.

"Alam kong mahal mo na ako simula pa nung una pero pinipigilan mong tulungan akong alalahanin kung sino talaga ako," muling nagsunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. "You knew that keeping the secret is surely distancing myself from you. Still, you took the risk. Yeah, naramdaman ko talaga noon na ang layo mo sa'kin. Never have I thought na magiging cold ka at hindi ko halos matantsa para lang hindi kita kulitin tungkol sa past ko."

Tulala akong pilit inaalala ang unang mga araw na nakasama ko siya pero malabo na lahat sa isip ko. Ito na ba ang sinasabi ni Doc Marco na unti-unti kong makakalimutan ang mga nangyari months ago?

Wala sa sariling napangisi ako. Boses ni Caleb ang bigla kong narinig na animo'y malapit ito sa puso ko.

"Is it also bad if you only want to protect that someone by keeping your secrets?"

"Sometimes you need to be selfish for you to be selfless, Ms. Merced."

Tingnan mo nga naman, oh. Dati iiwas-iwas ka sa'kin sa university tapos ngayon, ikaw pala 'tong malaki ng pagkagusto sa akin. Sana 'di na lang kita hinabol-habol dati kasi kusa ka naman palang ibibigay sa'kin ng tadhana.

Worth it ka namang habol-habulin kaya kebs lang.

"Sa part na 'yun pa lang, bilib na ako sa'yo. Bilib na bilib ako kung paano mo patagong ipinapakita sa akin kung gaano mo ako pinapahalagahan at kung anumang meron tayo. Plus pogi points ka na run, Caleb." Lalong lumapad ang ngisi ko't hinawakan ng dalawa kong kamay ang mga daliri niya.

"Basta, promise ko sa'yo lalaban ako." Sinuklayan ko ang buhok niya. "Ilalaban ko ang pagsisinungaling mo sa akin huwag ko lang malamang may koneksyon ka sa mga taong parte ng nakaraan ko. Ilalaban ko kung ano ang meron tayo noon.. kahit malabo na sa memorya ko. Pangako, jow." Naalala ko 'yung unang endearment niya sa'kin nang ligawan niya ako.

"Pangako.. ako naman ngayon ang susugal. Kung makakalimutan man kita, pipilitin kong hanapin sa puso't isip ko kung gaano kita kamahal. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo.. pangako."

Mahigpit ko siyang niyayakap nang may tumapik sa braso ko kaya kunot-noo akong napalingon.

Ang kj, ah. Panira ng moment lang?

"MM, may upuan sa likod mo. Huwag kang masyadong umarte diyan kung ayaw mong magkapasa 'yang tuhod mo. Thank me later."

Inis kong tiningnan si Zebbe habang naglalakad papunta sa isa pang upuan malapit sa lalagyan ng mga bulaklak. Muli kong naisip ang nang-aasar niyang ngiti kanina. Nang napatingin ako sa kaniyang naka-pandekwatro'y ganun pa rin ang ngiti niya.

Napalingon naman ako sa upuang nasa likod ko.

Na-ka-ka-i-nis!!

Malay ko ba, e, gusto ko nang umiyak. Required bang mag-upuan?

Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay ngiti. Iyong ngiting nang-iinggit dahil ako ang unang nakalapit kay Caleb.

Ano ka ngayon, Zebbe? Selos ka, 'no? Tawanan kita ng sarcastic diyan, e.

"By the way, kanina lang daw nagising si Caleb kaso sumakit ang paa niyang nagka-fracture kaya kailangan siyang painumin ng pampatulog," kaswal na aniya.

"P-Paano mo nalaman?"

Napa-smirk siya. "The nurse came here and told me that. You're too busy with all your dramas kasi kaya you didn't notice."

Maldita talaga. Hayst, kalma, self.

After kong magpaalam kay Caleb habang tulog siya'y bumalik na kami sa sasakyan.

"I received a text. I have to go back home muna. I need to settle some of my papers. Sasama ka ba?" aniya habang nag-t-type sa phone.

"Sure." Iyon lang ang naisagot ko dahil occupied pa ng sitwasyon ni Caleb ang utak ko. Nagpabalik-balik sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ako mapakali. Paano kung malaman ulit ng gustong pumatay sa'min ang location niya?

Mapapahamak na naman ba siya? Paano kung mahanap din ako ni Jaxx?

"Zebbe," tawag kong ikinalingon niya. Sana 'di 'to magmaldita. "What if malaman ko na kung sino talaga ako kaso nakalimutan ko naman ang mga nangyari sa akin this past few months, especially the days with Caleb.. tutulungan mo pa rin ba akong mapalapit sa kaniya?"

Hindi makapaniwala siyang tumitig sa mga mata ko. "Of course! Pero kung pababayaan mo siya, handa akong agawin ulit siya sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba't tutulungan niya ako dahil sa huli makakalimutan ko pa rin naman si Caleb at pwede niyang makuha siya. Abangers din 'to, e!

"Charot lang, uy! Ikaw naman masyado kang praning. I'm sure if you're going to forget him and your memories with him, he will find ways to be with you. Nakita mo naman ang nangyari dati, 'di ba? Ikaw lang naman 'yung nag-iisip na snob si Caleb, e!" pangle-lecture niya pa sa'kin. Natatawang tumango ako. Tama naman kasi siya.

Binalot kaming muli ng nakakabinging katahimikan.

"Alam mo, Zebbe, pakiramdam ko malapit ko nang maalala ang past ko."

Gulat siyang napatingin sa akin pero nakangiti. Tumango ako.

"Kasi 'yung nakita kong video ng kasal namin noon ni Jaxx-if ever totoo nga 'yun-ay parang nakita ko na 'yun, e. Malabo nga lang pero alam kong for once nakita ko na 'yun. Then, there are voices na naririnig ko about love and making decisions na para bang nangyari 'yon sa akin at sa isang pamilyar na lalaki.. Ah-I don't know!" Kulang ang lito para i-describe ang nararamdaman ko.

Her face brightened and the next thing she did freak me out.

"You remember me too?"

Napaatras ako ng slight sabay singhap ng hangin nang lumapit ang mukha niya sa'kin. Hawak niya ang magkabilang balikat ko. Abot hanggang tainga pa ang ngiti niya.

Lesbi ba 'tong si Zebbe? Kinakabahan ako, why naman ganito kalapit?

"Hey, hey, chill." Mahina kong hinawi ang braso niya't napaayos ng upo. "May dapat ba akong maalala tungkol sa'yo? Zebbe, sino ka ba talaga? Parte ka ba ng past ko kaya mo ako tinutulungan?"

Disappointed siyang napatitig sa mga mata ko't muling nag-iwas ng tingin. Nang tingnan ko siya ulit ay kumikinang ang mga mata niya sa namumuong luha rito.

"I-I'm sorry.. I-" nakokonsensyang pag-apologize ko.

"I love you, Mariyah," kasabay ng pagpatak ng luha niya ang pagsambit niya ng tatlong salitang iyon.

In a snap, muntik na akong takasan ng bait.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro