Chapter 37: Circle Of Friends

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 37

CIRCLE OF FRIENDS


What-was-that?

Napakwestyon ako bigla sa sexual orientation niya. All this time, lesbian pala siya?

Napuno na ng oxygen ang lungs ko sa rami ng malalalim na hiningang ginawa ko.

"Please don't get me wrong-"

"No! Zebbe, this is insane. Akala ko ba si Caleb ang gusto mo-na siya ang mahal mo-kaya nga minamalditahan mo ako noon, 'di ba?" naiinis na bulalas ko.

Nakakainis naman kasi 'yung idea of her falling for me, hindi ba? I mean straight kami pareho and out of nowhere she'd say she loved me?

This is absolutely insane-

"EWW!" disgusted niya ring bulalas, iyong labas-dila pa. Lalong hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "You really think na mahal kita in a romantic way? MM, you are insane! Si Professor Caleb De Castro ang mahal ko simula pa noon hanggang ngayon," paglilinaw niya't nasampal ang sariling noo.

I suddenly exhaled in relief.

"I love you bilang ikaw! Bilang Mariyah Merced na naging kaklase ko, that's it! What I mean is mahal kita as a friend that's why I accept your apology of not remembering me, duh!" she exclaimed.

"So, kasalanan ko?" I defensively asked. "Kasalanan ko bang iba ang dating nung 'I love you' mo sa'kin? Nagka-goosebumps nga ako, oh!"

Ipinakita ko sa kaniya kung paano nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. That's when she bursted out laughing.

"Tanga lang, Zebbe?"

"Baliw lang, MM? Assuming ka, dear?" natatawang balik niya sa'kin ng tanong saka kami nagkatinginan at nagtawanan.

Ay, ambot jud bayhana!

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Huling narinig ko ang pabulong niyang hagikhik bago ako iwanan sa loob ng sasakyan niya.

Natatawang napailing din akong sumunod sa kaniya. Bumungad sa'kin ang malaking bahay nila Zebbe. Cinnamon brown at puti ang pintura ng bahay kaya napakalinis sa mata. Mula rito sa baba ay tanaw ko na ang transparent glass na nasa roof top at sigurado akong swimming pool iyon.

Nang makapasok ako ng bahay ay mas napansin ko ang laki nito. Halos doble ito sa laki ng mansion ni Caleb na tinirhan namin dati. Mula sa carpet na makikita sa gitna ng living area, sa malalaking vases sa mga sulok, sa shining, shimmering na mga gamit hanggang sa kumikinang na chandelier sa itaas, isinisigaw nito ang yaman at kapangyarihang meron ang mga taong nakatira rito.

They were something to be feared of, literally. Hindi nga sila common people.

"Pillow, my baby!" Nalipat ang mga mata ko sa kulay ash gray na pusang sumalubong kay Zebbe. Agad niya itong kinarga. "Where's you kambal, ha?"

Ngayon ko lang napansing yellow orange ang kulay ng mga mata nito. Ang astig!

Nag-meow ito twice. Para bang nag-uusap silang dalawa habang kinikiliti ni Zebbe ang leeg nito. Hindi nagtagal ay may tatlong mga pusa pang nagsilapitan sa kaniya.

"MM!" tawag niya sa'kin kaya lumapit ako sa kaniya. "These are my babies pala. This is Pillow," pagtutukoy niya sa kargang pusa na ngayo'y naka-poker face na nakatingin sa akin.

"This is his twin sister, Pilar!" presenta niya nang mapaupo at hinaplos ang tuktok ng ulo nito.

"Hi Pilar!" napaupong bati ko sa pusang parang pinagbiyak na bunga ni Pillow. May ribbon itong nakapalibot sa leeg kaya alam ko agad na girly 'to. "Ayaan! 'Buti ka pa, hindi ka snob."

Inihilig nito ang ulo nang kilitiin ko ang leeg niya kaya mas natuwa ako. May isa pang pusang kulay puting may light orange na spots at agad nitong ikiniskis ang leeg sa sapatos ko.

"You're so cute. What's your name, kitty?" usisa ko matapos itong itaas sa ere't iniharap ang mukha sa'kin. "Oh.. blue at green pa ang mga mata mo! Sobrang ganda, sanaol!" Amazed na amazed ko itong inilapit sa mukha ko.

"She's Vazil while her kuya is Vixen," pagtuturo niya sa kasama ni Vazil kaninang kulay puti rin ang balahibo na itim naman ang spots. To my greatest surprise, same colors ang mga mata nila kaya mas weird tingnan.

"Here comes mother V!" Zebbe exclaimed, opening her arms widely para sa pinakamalaking pusa na kalalapit lang sa amin.

The happiness I could see through her eyes was undeniable. She could be a fur woman, not because she had to be feared but because she had a beautiful heart for her fur babies.

"Gusto mo mag-adopt ng isa? I'll give you one, MM!" Napakurap ako ng ilang beses sa tanong niya.

"H-Ha?" Napailing siya sabay ngisi.

"I said I can give you one para i-adopt mo. Lampas tainga kasi ngiti mo diyan, e!" pang-aasar niyang ikinakamot ko ng batok.

Agad akong umiling. "Hindi na. Baka mamatay lang 'yan sa gutom. Hindi ko afford ang cat food, ano ka ba."

Ayoko ngang mamatay sila sa gutom pero deep inside, gusto ko kahit 'yung next generation na nila. Mag-iipon muna ako ng pang-cat food.

"I'll supply you for a year ng cat food, then, you decide kung want mong ibalik sa'kin," suhestiyon niya. Ngingiti na sana ako sa idea niya pero napaurong ang kurba sa mga labi ko.

I had to deal with my priorities first. Mas bet ko 'yung kaming dalawa ni Caleb ang mag-aalaga at gawing baby namin for the meantime habang hindi pa kami nagkaka-baby.

Just with the idea, namula ako sa kilig. Caleb and I would be the fur parents of one of these cats. Soon.

"Tsaka na lang siguro, once everything's settled. Pramis mag-a-adopt ako ng isa."

She understandingly smiled.

"Feel at home, Mariyah! I'll be back in a few minutes." Pagpapaalam niya matapos akong iginiya sa malawak na living area nila.

"Salamat," tipid na usal ko't napaupo sa blue velvet covered couch.

Nang makaalis na siya ay dun lang ako napatayo't muling inilibot ang mga mata sa buong bahay. Dahil na-c-curious ako, naglakad ako papunta sa isang mababang cabinet kung saan nakahilera ang photo frames nila.

Marami ang pictures ni Zebbe mula pagkabata hanggang sa nagdalaga siya. Meron pa ngang mukha niyang halos maligo ng melted chocolates, meron namang nakangisi. Halatang bungisngis siya noon.

Nakuha ang atensyon ko ng isang frame na may pamilyar na mukha. Naka-blouse na floral si Zebbe habang karga ang isang batang babae. Malapad ang ngiti ng bata at nakalabas ang dila nito.

I missed her already. Napanguso ako sa nakita.

Meron pang isang batang lalaki sa kabilang side ni Zebbe at nakakapit ito sa laylayan ng blouse niya. Parehong mestiza't mestizo ang dalawang bata at halatang mas matanda ang batang lalaki. Kulay brown ang buhok nito, ganun din ang batang babae. And it's a weird feeling seeing her with the hair color.

"They're so cute, right?"

Mabilis kong nailapag ang frame ngunit paglingon ko'y nasa likod ko na pala si Zebbe, nakangiting tinitingnan ang hawak ko.

"Yeah, super. Pero nagtataka ako, bakit may photo kayo?" Ipinakita ko sa kaniya ang picture nila.

"W-Why?"nauutal niyang tanong kaya napakunot-noo akong tiningnan rin ang litrato.

Oops. Hindi ko dapat sabihing alam ko ang tungkol sa city of rebirth. Walang dapat makaalam nun.

"Ahehe," tumawa siya nang mapakla, "you know them?"

The way she interrogated me with her stare, kinakabahan ako. Patay ka na, Mariyah!

Napalunok muna ako bago sumagot. "No-of course not. Ang ibig kong sabihin.. b-bakit kasama mo sila sa picture, mga kapatid mo ba sila?" Pinilit kong ituwid ang sasabihin ko para hindi siya maghinala.

Sana gumana, sana. Kundi patay ako kay Jaxx.

She softly smiled saka lumapit sa'kin para tingnan ang iba pa pala nilang pictures na magkasama. "How I wish I had siblings, MM," malalim ang pagbuntong-hininga niya. "But then I realized that I have them. they're my siblings by heart."

Napa-ahh at tango ako. Umurong ang dila ko nang may maisip akong itanong sa kaniya.

"What is it, MM? Don't be shy, you can ask me anything."

Gulat akong napaiwas ng tingin nang mapansin niya sigurong may gusto akong sabihin kaso nag-aalangan ako.

"K-Kahit.. personal?" Half of me was saying she should say no para naman makahinga ako sa bigat ng naiisip kong tanong but half of me wanted to know more about her mysterious identity.

"Go on," pagpapahintulot niya. Mas malalim na buntong-hininga ang ginawa ko sa isip.

"I hope this won't make you uncomfortable or what.. pero I just find it weird na napakalaki ng bahay niyo tapos ikaw lang ang nandito?" Akmang sasagot na siya pero nilalakasan ulit ang loob kong naitanong, "If you don't have siblings, nasaan ba parents mo, Zebbe-I mean.. sorry to ask-"

"No, it's fine," agarang pagpuputol niya sa akin. "Well, I actually have a 'maid' as my dad calles her but for me, she's my personal assistant because she does all my other obligations." Napapangiti siya habang sinasabi iyon kaya ang dakilang chismosang si ako ay na-curious na naman.

"Sanaol may assistant, 'no?" pang-aasar ko pero dapat kasi 'sanaol may pera pampasweldo ng assistant' 'yun.

"She's actually gay," pabulong na pagre-reveal niyang ikinalaki ng mga mata ko.

"Ow.. you mean, hindi straight?" shocked na usisa ko saka siya natatawang tumango kaya ganun na rin ako.

Baka may pag-asa pa-charoooot!

"Back to the topic, unfortunately, my mom died when I was just one year old so I didn't have the chance to have memories with her," ng may nakalinyang mga labing pag-share niya. I felt bad kasi alam ko 'yung feeling na mawalan ng magulang. "But I still have my dad, though, pero he has his business to attend to for a couple of months. I have my own monkey business too so we have our separate lives to live in."

Tumango ako sabay haplos sa likod niya. "Now I understand. Thank you for trusting me with your life story. I literally understand the feeling na mawalan ng mahal sa buhay-"

Hindi ko pa lang natatapos ang sasabihin ko'y mahigpit na niya akong niyakap. Magdadrama pa ako ih.

"It'll be fine, babe," bulong niya habang kina-caress ang buhok ko kaya agad akong napakalas sa yakap niya.

"Babe?" Pinanlakihan ko siya ng mata, pinagbabantaan.

Nahawa na yata 'to sa personal assistant niya, e!

"Who said babe?" kunwaring tanong niya pero sinamaan ko siya ng tingin. "Did I say babe-No! I said beh, kaya siguro akala mo babe kasi magkasingtunog lang sila. Babe, beh, right?"

Defensive, ah? Nagtatanong lang, e.

"Okay, okay. Pasensya na po, bangag lang." Naitaas ko pa ang dalawa kong kamay.

Natatawa niya akong inakbayan at naglakad papunta sa kung saan. "Ikain mo na lang 'yan, MM. Gutom lang 'yan!"

Nakarating kami sa dining table nila na para bang araw-araw may company meeting dahil sa haba nito't sobrang dami ng mga upuan. "Palagi ba kayong may last supper na triple times edition?" natatawa kong bulalas.

Agad sumimangot ang mukha niya't naupo sa pinakaunang upuan sa left side ng mesa. "Let's have lunch na, uy! Masamang pinaghihintay ang pagkain, sige ka!" aya niya kaya naupo na rin ako sa tabi niya.

In all fairness ang bilis ng pagkaka-set up ng table at ng mga pagkain. Kung noong naglilihi pa lang sana ito'y marahil ako ang uubos nitong hinandang puro pasta. Habang kumakain naman kami'y may apat na rabbit na nakatayo sa kabilang side ang nanonood sa'ming kumakain at naghihintay kung kalian kami matatapos. Tuwang-tuwa ako sa apat na nilalang na 'yun kasi akala ko figurine dahil hindi gumagalaw pero sabi ni Zebbe iyon daw ang sinasabi niyang ibang mga fur babies niya.

"Thanks for the meal-Bwaah!" pagpapasalamat ko na napa-burp pa. Naglalakad kami ngayon papuntang sasakyan niya.

"You're always welcome. Hindi nga obvious na busog ka." Pareho kaming natawa sa sinabi niya dahil naging bloated nga ako habang hinihimas-himas ko ang tiyan. "If I wasn't eating beside you, I would assume that you're pregnant.. I promise!" muling pang-aasar niya na ikinatawa namin pareho.

"Kung hindi mo lang kami binangga noon ng baby ko, edi sana magiging ninang ka na ngayon!" balik ko sa kaniya ng asar pero may paninisi na ng slight.

Seeing how comfortable I was now, alam kong tama ang naging desisyon ko. Iyong patawarin ko siya, though hindi agad-agad, pero step-by-step alam kong mapapatawad ko na siya, Maibubuga ko na lahat ng negativities na nangyari noon. Nakakahinga ako nang malaya ngayong alam kong nabawasan na ang kontrabida sa buhay ko.

It would only take bravery and acceptance to forgive others. It might not be as easy as it seemed but it's all worth it-it's for one self's peace of mind. It's what we all deserve. Acceptance was the key towards forgiveness.

You coildn't fully forgive a person if you couldn't accept the fact that there were people who were used as instruments to tell us and made us realize that things wouldn't always go as planned or as expected or as wanted by us. Lavaaan lang!

"Gumawa na lang kayo ng bago," naka-pout na utos niya.

"Wow, ah! Ano 'yung gagawin namin laruan na lego na pwedeng ipagpatong-patong at ipagdugtong-dugtong? Salamat sa idea, Zebbe, ah?" nang-aasar na may halong sarcasm na sagot ko saka kami pumasok ng sasakyan.

Nandito na sa loob ang driver at iyong isa pa naming kasama sa front seat kaya agad ng umandar ang kotse pagkaupo namin.

Tawa ni Zebbe ang sunod na maririnig sa loob ng sasakyan. "Ah, basta! Kung ayaw mo edi kami na lang ni Sir Caleb ang gagawa," naka-crossed arms at maarteng aniya.

"Bakit? Sinabi ko bang ayaw ko ha?" natatawang hinampas ko ang braso niya sa gigil.

"Then, that's the deal. You'll make it as soon as possible or else ako ang gagawa nun for you!" taas-noo niyang announce sabay evil laugh.

"Thanks, but no thanks," sabay kaming natawa. "Kaya kong gawan ng paraan 'yan. Hintayin mo na lang ang certificate mo bilang ninang, okay?"

"Deal!" nakangisi ring aniya.

Hay naku, mga kolokoy talaga! Kung gawing deal ba naman 'yung pagkakaroon ng baby ay parang pwede lang bilhin sa kung saang mall.

"Sementeryo?" gulat na tanong ko kay Zebbe nang pagkababa namin ng sasakyan ay ito agad ang bumungad sa akin.

It's like I was on a tour pero walang laman ang itinerary ko dahil lahat ng pinupuntahan ko'y puro pa-surprise. Para siyang 'Four days and three nights in Tracing your Past Island', nakakakaalog ng brain cells.

"First thing first. Tell me who your friends are and I will tell you who you are, that's a very common kasabihan. But here, you will know who you are in the past through the circle of friends you had."

Kinilabutan ako bigla sa narinig, nakiskis ng aking palad ang tumatayong balahibo ko sa kamay. Kasabay ng bawat pagtapak ko sa daanan sa gitna ng sementeryo ay ang pabagal na pabagal ngunit palakas na palakas na tibok ng puso ko.

Huminto kami sa isang lapida sa gitna ng bermuda at nakapangalan ito sa isang babaeng marahil ay kasing edad lang din namin.

"She is Vienna Manalastas, a very good friend of mine."

Napatitig ako sa kaniya nang sabihin iyon na nanginginig ang boses.

"She was an achiever who was a master of playing keyboards. She's always been thoughtful to everyone actually."

Habang nakikita ko ang pag-iiba ng facial expressions niya'y alam kong hindi maganda ang naging ending ng pagkakaibigan nila.

"Won't you ask me who she was and how she's related to you?" iritableng baling niya sa akin kahit maluha-luha ang mga mata.

Maang akong napalunok. "N-natatakot ako, e. Parang ansakit kasi ng nangyari sa inyo. Baka mas masakit 'yung akin."

"You hit it right, ghorl." Hindi ko alam kung nang-aasar siya o nagsasabi ng totoo kaya nakaawang ang mga labi kong nagtatanong na tumingin sa kaniya. "Your nickname 'MM' actually started from us. Yours was MM, mine was Sisi and hers was Vee.. but we used to call each other babe though. That's one fact about you."

Babe.. kaya pala.

She deeply sighed and crossed her arms before continuing.

"Vienna was my childhood best friend that's why, obviously, we took up the same program in college-"

"So, where was I?" sabat ko. Agad kumunot ang noo niya.

"Atat ka, babe? Papunta pa lang dun 'yung emotions ko, e. Paakyat pa lang!" annoyed na iminuwestra ang kamay niya pa-slant sabay naging linya ang mga labi. "Kurutin kita sa singit diyan, e."

Mabilis na nanlaki ang butas ng ilong ko habang pinipigilang bumulalas ng tawa sa inusal niya. Parang nanay lang kung magsermon, Zebbe, ah!

"So 'yun nga," pagpapatuloy niya kaya behave na ako. "Vienna and I met you during college na. We were classmates and we built the tightest bond a friendship could possibly have. I can say na pinagtibay talaga tayo ng panahon. You know what.." agad siyang napatingala nang magbadya ang mga luha niya. Pati boses niya'y muntik pang pumiyok na animo'y bumabalik sa memory niya ang masasayang alaala naming tatlo.

"It's just so ironic that she's the one who's prim and proper among the three of us but she's somehow the bad influencer. She taught us to cut classes for once, try alcoholic drinks during class parties and even sneaked out for a night out." She chuckled bitterly.

Iyong tawa niya ang nagpakirot ng puso ko. Iyong kahit tumatawa siya alam kong dahil iyon sa sakit ng katotohanang hindi na 'yun maibabalik pa.

It's the pain I couldn't deny feeling because it's the emotion I was most familiar with.

"She was living a care-free life and no one expected it as her last." Doon ay tuluyang nadurog ang puso ko sa pagbuhos ng mga luha niya. "She knew her time was already limited that's why she's been trying new things-with us."

W-With us.. with me..?

With blurry eyes, muling nagtama ang mga mata namin. This was beyond what I can imagine.

"She was diagnosed with deadly cancer cells around her brain. Glioblastoma limited her life for nine months but it was a miracle that she lived for a year. Her brain cancer caused us so much mental tortures. We both had to absent from the class for three straight weeks to be with her." Malalim kaming napahinga at kapwa napalipat ng tingin sa pangalang nakaukit sa sementong isinisigaw kung gaano kalupit ang buhay.

"She was our happy pill." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi habang iyong mga luha ko nama'y diretsong bumabagsak sa damuhan. "But maybe it's how life turns the table three hundred and sixty degrees. Happiness is temporary and what makes it different is how we cherish every moment while we're with the people that make us experience it."

Tuluyang pumiyok ang boses niya. Mahigpit ko siyang niyakap mula sa kinatatayuan ko't itinungtong ang aking baba sa balikat niya.

"Ssshh.. magiging maayos din ang lahat, babe," hinahaplos ang likod niyang pagpapatahan ko.

"B-Babe?" gulat niya akong nilingon. Ngumiti ako't tumango.

"You were my babe. You will always be my babe," I uttered in the sweetest tone I knew.

It's through our eyes that we were communicating now. It felt weird pero pakiramdam ko ganito na kami dati nung mag-bestfriend pa kami. Kami siguro 'yung magkakaibigang tinginan pa lang naiintindihan nagkakaintindihan na.

It's fluttering my heart.

"You both stop!"

Gulat at takot kaming napayuko nang marinig ang tatlong magkasunod na malalakas na putok ng baril. Pagkatingin namin sa pinagmulan ng sigaw ay doon mas nagwala ang kabog ng puso ko.

"Give me my bride and no one will get hurt!" maawtoridad na sigaw ni Jaxx. Palipat-lipat niyang itinutok ang bitbit na baril kay Zebbe at sa dalawang nakabantay na guard sa likuran namin.

"Give me my bride-" pag-uulit niya saka muling pinaputok sa hangin ang baril. Mabilis akong itinulak ni Zebbe papalapit sa kaniyang ilang metro lang ang layo mula sa amin.

"She's all yours, Jaxxon! Tutal nakuha ko na naman ang kailangan ko sa kaniya!!" sigaw din ni Zebbe. Hindi makapaniwala ko siyang nilingon pero animo'y demonyita siyang ngumisi.

"A-Anong.." nagugulumihang tanong ko sa sarili ngunit agad niya akong sinagot.

"Yes! I already have her trust now more than how much she trusted you, Mr. Andreas." Naka-smirk pang anunsyo niya na muling ikinadurog ng puso ko.

How much trust do I still have to be broken before finding someone who wouldn't fail me?

"Now that she's so into the stories I made up about her past, I'm sure she'll be on my side now. Ako at ako na ngayon ang tutulungan niya. Right, babe?" Tumaas ang sulok ng mga labi niya't kinindatan ako.

Imong nawong babae.

"Ginamit mo lang a-ako?" Para bang gumuho ang mundo ko nang ikutan niya lang ako ng mata.

Hindi talaga siya nagbago at wala nang rason para magbago pa ang Zebbe na nakilala ko.

Disappointed akong napatalikod nang hatakin ni Jaxx ang braso ko't naglakad papalapit sa sasakyan nila.

Hanggang sa naibagsak ko ang sarili sa upuan sa tabi ni Jaxx ay lutang ang isip ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa rin ba ang mga nalaman ko. Kung alin ba talaga ang totoo o kung sino ba talaga ang totoong may malasakit sa'kin.

Lahat ba sila'y ginagamit lang ako para sa sariling kapakanan?

"Call the coordinator. The wedding will start in ten minutes."

Sa utos ng malamig na boses ni Jaxx ay umandar ang sasakyan. Ang nakangiting mukha niya ang huli kong nasilayan bago umikot ang paningin ko't tuluyang dumilim.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro