Chapter 39: Unforgettable Honeymoon

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 39

UNFORGETTABLE HONEYMOON


I'm sorry baby. I had to do this for us.

I composed myself before finally breathing out so deeply.

"Kailangan bang simulan natin agad ngayon?" malumanayng usisa ko habang pakembot-kembot na naglakad papalapit sa kaniya.

"Hindi pa ba dapat?" Mabilis niyang nasapo ang buong baiwang ko't hinila dahilan para mag-collide ang aming mga balat. Bigla kong naramdaman ang init sa'king katawan. Hindi ako sanay na ganito kami ni Jaxx.

"I mean-kaya nga tayo dumiretso dito for the sweetest part of the wedding." Ramdam ko ang hininga niya sa tungki ng ilong ko sabay kindat nang nakangiting kita ang mga ngipin.

"You're really good at sweet moments, huh?" Pinanliitan ko siya ng mata sabay kagat ng pang-ibabang labi ko. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang Adam's apple. Okay, almost there.

"Of course, honey. I've been craving for this for two long years, why won't I?" bulong niya sa mismong tainga ko. Mas pinakiliti iyon ng paglalaro ng mga daliri niya sa tagiliran ko.

Huwag kang ganiyan, Jaxxon. Baka masukahan kita dito sa pangingiliti mo. Busog pa naman ako.

Nang maibalik ang tingin niya sa'kin ay halos ilang inches na lang ang layo ng aming mga mukha. I scanned every little detail of his face. From his forehead, bushy brows, nose, cute eyes, cheeks, thin watery lips and his perfect jawline, I stared at them one-by-one with thirst and urge to touch them. His face broke the remaining gap in between while my hands were silently crawling down to his hips.

Nang marahan niyang naipikit ang mga mata sa unti-unting paglapit ng aming mga mukha'y napaikot ang aking mga mata.

"I-I think I need to wear something more appropriate.. I guess?" Hindi pa lumalapat ang tungki ng ilong niya sa mukha ko'y mabilis ko siyang naitulak dahilan para mauntog ang likod niya sa dingding.

He was caught off guard. I was sure he's irritated by how I pinned him to the wall and turned back. Bago ako makapasok ng kwarto'y nanunukso ko siyang nilingon sabay ngiti.

Pabagsak akong naupo sa kama habang nakangisi ng nakakaloko. I knew how to raise men's level of interest on me but unluckily for them, I also knew how to cut it off when it's on its peak. Sorry not sorry, Jaxx.

Nagbihis ako from the pajamas na isinuot ko kanina to a very manipis na lingerie in hot and sexy red and black. I needed to let him fall to my trap for him not to suspect me of my escape plan.

Honeymoon, here I come!

Nang makapasok ako ng kwarto niya'y siya ring paglabas niya mula sa shower room. Basa pa ang nakatali niyang buhok habang tanging dalawang tuwalya lang ang nasa kaniyang katawan-isang nakapalibot sa leeg niya't isa namang nakatakip sa pang-ibaba niya. Bigla akong kinabahan sa gagawin ko. Kung wala lang siguro akong ibang mahal, marahil ay bibigay ako sa ganito kagandang katawan sa harapan ko.

Para kay Caleb 'to. Para sa aming dalawa 'tong gagawin ko.

Napalunok ako.

"Honey," malambot na tawag ko. Napapunas naman siya ng mukha nang makilatis ang kabuuan ko.

Mahinhin akong naglakad at nang makalapit ay agad ko siyang inamoy habang nasa mamasa-masa niyang dibdib ang aking mga palad.

"How come that you smell so perfectly for tonight, hon?" kinikilig kunwari kong tanong pero deep inside, uwing-uwi na ako. Gusto ko nang matapos 'to.

Tumaas ang mga kilay niya't pati ang sulok ng kaniyang mga labi. "You are more perfect than how I smell, honey," malamig at malalim na hugot ng kaniyang boses. Napangisi ako. Ito ang gusto kong paglaruan, iyong marurupok.

"Hon-" hihigitin na sana niya ang aking baiwang ngunit nauna ko siyang itulak papunta sa malambot niyang kama.

Pabagsak siyang napahiga saka bahagyang inangat ang sarili nang itukod ang kaniyang mga siko sa kama. Muli ko siyang tinitigan. Gwapo naman siya at kakaiba rin ang hubog ng katawan. His position now was even emphasizing more of his well-built eight-pack abs and his promising v-line below it.

"So you're naughty now," natatawang pang-aasar niya kaya bahagyang gumalaw iyong mabato-bato niyang tiyan. Mahina akong humagikhik sabay yuko't itinukod ang aking mga palad sa bawat gilid ng mga hita niya.

"I'm learning it from the expert. Did I pass your standards?" nakaangat ang kilay kong sagot habang pinapatakbo ang malilikot kong daliri sa ibabaw ng tuwalya mula sa kaniyang tuhod hanggang sa kaniyang baiwang.

Nakita ko kung paano siya natigilan at halos nanigas sa kinahihigaan. Lalo akong napangiti. Gusto mo yarn, Jaxx? Nang may nag-aapoy ng pagnanasang mga mata'y nakagat niya ang mga labi, naghihintay sa sunod kong gagawin.

Napaisip ako. Paano kaya 'pag si Caleb ang gumagawa nitong lahat? Hindi ko kaya ikababaliw 'yun?

Sa isiping 'yun ay mas na-excite ako. Kailangan ko nang makatakas kaya ibibigay ko na ang best acting skills ko. Anytime now, darating na ang sundong ipapadala ni Zebbe at hindi nga ako nagkamali. Isang tunog na animo'y binato ng maliit na bato ang bubong ng rest house ang narinig namin.

That's the sign according to Zebbe's latest message and the show must continue.

Pareho kaming napatingala pero agad akong napaakyat sa kama para kunin ulit ang attention niya.

"Honey, pwede bang huwag tayong magpaistorbo kahit kanino?" Lumawak ang pagkakangiti niya nang maibalik ang paningin sa akin.

Dumiretso ang nanlilisik niyang mga mata sa malulusog kong dibdib na agad ikinatakot ko. Ngayon ko lang din na-realize na sobrang awkward pala ng posisyon ko. Nakaluhod ako't nasa pagitan ng mga tuhod ko ang mga hita niya habang nasa mga kamay ko ang kaniyang mga pisngi. Napahinga ako ng malalim. Wala ng atrasan 'to.

"Sure-"

Bago niya natapos ang sasabihin ay mabilis niya akong niyakap at magkadikit ang aming mga katawang gumulong-gulong sa kama. This time, lalong bumilis ang kabog ng puso ko't parang lalagnatin ako sa sobrang init ng pakiramdam.

He stared at me with so much admiration but not minding the weight his whole body was giving being on top of me. I trid to let go of myself but he's tightening his hug more. Matapos kong paikutin ang aking mga mata sa harap niya mismo'y napabuntong-hininga ako sa labis na inis.

"I can hold you like this the entire day. I think we should be in this position every day, honey." Lalo akong nainis sa sarili ko nang ibulong niya 'yun saka mahinang kinagat ang aking tainga nang wala man lang akong nagagawa para pigilan siya.

Hindi ko alam paano niya nagagawang daganan ako habang nakapalibot sa akin ang kanang braso niya. Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang pagbaba ng kaliwang kamay niya sa hita ko. Hinaplos-haplos niya't unti-unting itinataas ang suot kong damit. Napapikit ako sa nag-uumapaw na inis. Gusto kong manampal, to be honest lang.

"Do you want me to just tease you, honey, or finish it only by a single hand?" mapang-akit na tanong niya.

Imong nawong single hand!

Nakagat ko ang aking dila sa namumuong galit at luha sa loob ko nang bigla niyang pisilin ang likurang bahagi ng hita ko. Nakiskis kong aking mga ngipin habang pinanlilisikan siya ng mga mata pero mapang-asar na nakangiti lang siya.

Abusado, ah.

Naputol ang matamis na pagkakangiti niya nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog mula sa bubong ng rest house. Mabuti na lang at sa gilid ng kama bumagsak ang maliliit na semento at kisame. Gulat siyang napatingala sa ngayo'y butas nang bubong at tanaw sa ibabaw namin ang full moon.

"Hon-Ouch!" Pagbalik niya ng tingin sa akin ay kamao ko ang sumalubong sa mukha niya.

"Bastos!" singhal ko.

Napaatras ang katawan niya't kinuha ko ang chance na 'yun para itulak siya pagilid. Nang maibaba ang hagdan mula sa chopper na ipinadala ni Zebbe ay agad akong humakbang at sumakay rito habang nililipad-lipad ang suot ko.

"Next time, know more on the speed of your moves, Mr. Andreas," pokerfaced na usal ko sa kaniyang hawak-hawak ang pangang aking nasuntok ko. Nang magsimulang tumaas ang inaapakan kong hagdan ay may pahabol akong hirit sa kaniya. "By the way, thanks for the fake wedding and fake honeymoon. Enjoy the rest of the night, Jaxxon!"

Kinaway ko pa ang aking mga daliri sa kaniyang mabilis na kinuha ang phone sa mesa malapit sa kaniyang kama at may tinawagan.

Sorry, Jaxx pero huli na ang lahat.

Tiningnan ko ng nakangiti sa huling pagkakataon ang rest house niya bago tuluyang umakyat ng hagdang nasa gitna ng himpapawid na pinapaliwanag ng buong buwan sa'ming itaas.

Lumapag ang chopper sa isang bakanteng loteng napapalibutan ng mga ilaw sa tabi ng bahay ni Zebbe. Isang driver at dalawang naka-itim na mga lalaki ang kasama ko sa loob. Pagkababa nami'y dumaan kami sa isang maliit na gate sa gitna ng pader at bumungad sa amin ang kalmadong tubig ng isang pool.

"You did a great job!"

Nalipat ang paningin ko kay Zebbe na nakaupo sa tabi ng pool, ibinababad ang mga paa sa tubig.

"Salamat sa pa-chopper. First time ko," bigkas ko't napaupo sa isang folding chair sa tabi ng maliit na mesang pinaglagyan niya ng ilang drinks.

"Your lines were so seductive as well as your tone of voice. I'm impressed, MM," natatawang aniya kaya napakunot-noo ako. Nang lingunin niya ako'y binigyan ko siya ng what-do-you-mean look. "Nasa'yo ang device all these times, why do you think I know every word you said?" Naging linya ang mga labi niya't malokong kinindatan ako.

Nag-init ang mga pisngi ko sa sobrang hiya. Hindi ko naman naisip na lalagyan niya ng microphone 'yun. Narinig tuloy niya ang mga pinagsasabi ko kanina. Nakakahiya.

"Never mind me. Lahat naman siguro tayo may side na tawagin na lang nating maharot side." She's grinning as she pulled herself from being soaked. "It's just that," pabitin niyang dagdag, "iba-iba tayo ng level ng kaharutan." Pahina nang pahina ang boses niya habang papalapit siya sa akin.

Doon ko lang napansin ang perfect niyang katawan. Naka-two-piece black swimsuit lang siya kaya kitang-kita ang curves mula sa dibdib, sa baiwang hanggang sa balakang niya.

Sanaol talaga diyosa.

"Sinasabi mo ba sa aking malandi ka rin?" ganting pang-aasar ko nang maupo siya sa kabilang upuan sa tabi ng mesa.

"Maharot ang sinabi ko, hindi malandi. They're different in some ways," sagot niya habang pinupunasan ng tuwalya ang mukha.

"Pareho lang din 'yun. Ang pinagkaiba lang natin," panggagaya ko sa pambibitin niya kanina sabay pinaliitan siya ng mga mata. "Mas nauna lang 'yung akin pero 'di ibig sabihing hindi ikaw ang mas maharot sa 'ting dalawa." This time ako naman ang nag-grin na ikinaikot niya ng mata.

"Parang?" patanong niyang sagot kaya sabay kaming nagtawanan.

"I think we should celebrate this," pag-s-suggest niya't inabutan ako ng isang glass.

"Hindi ako naglalasing, Zebbe," umiiling kong tanggi at inilapag na lang ang glass sa mesa.

"Hindi naman tayo maglalasing. C'mon, this is only champagne. Is your freedom not worth celebrating?"

Napahinga ako ng malalim.

"Sige na, MM. Let's just savor the moment because tomorrow, we'll have another mission to accomplish," pag-i-insist niya. Kusa kong kinuha ang glass kahit may debate pang nangyayari sa isip at puso ko.

"Perfect. For your freedom and your fake marriage, cheers!" Masayang pag-t-toast niya pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ako sanay uminom ng ganito.

"Hindi tayo maglalasing, ah?" paninigurado ko. Tumango siya.

"Promise. Cheers?"

"Cheers!"

Itinaas ko na rin ang champagne glass ko't sumimsim ng dalawang beses. Masarap nga ang champagne at nakaka-relax. Napatingin ako sa kumikinang-kinang na tubig ng pool sa reflection ng liwanag ng buwan.

"I told you, you have to enjoy your freedom, MM." Rinig kong usal niya habang komportable akong nakasandal sa upuan at naka-de cuatro.

"Siguro nga, paminsan-minsan." Tipid akong ngumiti sa kawalan.

Ito na nga ang hiningang malayo sa controlling na pamamalakad ni Jaxx. This was life. This was freedom.

"Tara sa pool?" aya niya kaya nalingon ko siya. "Paunahang makaabot from there," turo niya sa right side ng pool, "to there," turo niya naman sa kabilang side.

Nakangiti akong tumango. Mabilis kong hinubad ang lingerie na suot ko't tumambad ang katawan kong naka-strapless one-piece swimsuit lang. Naunang naupo si Zebbe sa gilid ng pool at nang mapatayo ako sa tabi niya'y kita ko ang aking reflection sa tubig.

Hindi naman pala ganun kasama ang body shape ko. Kaunting workout pa, magiging kasing curvy rin ako ni Zebbe. I wasn't that chubby pero hindi rin petite kaya okay na ako sa size ko.

"Can't stop staring sa katawang pinag-aagawan ng dalawang hot at sexy na lalaki?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya at napa-tsk.

"Ano na, Zebbe?" Mabilis akong lumusong kahit sobrang lamig ng tubig. "Mahuli, sa sala matutulog!" sigaw ko na nauna nang lumangoy palayo sa kinauupuan niya.

She shook her head and tried to win the race. Too late for her, nasa kalahati na ako ng pool kaya huli pa rin talaga siya.

"Pinaglihi ka ba sa mermaid? Napakabilis mo pa ring lumangoy, ah!" usisa niya pagkaahon ng kaniyang mukha mula sa tubig. Inakbay ko ang mga braso sa gilid ng pool, hinintay siyang dumating.

"It's weird but I think I got it from one of my parents."

"Yeah, nabanggit mo nga noon na varsity player ng swimming team ang mama mo during her college years. Your speed never slows down pa rin. Parang dati lang ikaw palaging nananalo sa P.E. subject natin." Pag-s-share niya pero hindi ko na maalala. "Kukunin ka nga sana as our univ's varsity player, 'di ba kaso.." pagpapatuloy niya ngunit bigla siyang napatigil nang may maalala saka napaiwas ng tingin.

"Kaso, ano?" curious kong tanong.

"N-Nothing, nothing. Malalaman mo ang tungkol dun bukas. Tara, jacuzzi?" pag-iiba niya ng topic na agad tumalikod at lumublob sa katabing jacuzzi pool na iba-iba ang kulay ng ilaw sa ilalim.

Nag-aalala ko siyang sinundan ng tingin. She seemd disturbed kaya pakiramdam ko mabigat na parte 'yun ng nakaraang dapat kong malaman bukas.

The whole time na nasa pool kami ay walang nagsasalita o nagsimula man lang ng mapag-uusapan. Hindi na rin ako nag-attempt na magtanong dahil baka mairita lang siya sa'kin.

Nang makapasok na kami ng bahay niya'y sinamahan niya ako sa kwartong pamamalagian ko temporarily. Syempre hindi siya matutulog sa sala kahit natalo siya dahil bahay niya 'to at wala akong karapatang utus-utusan siya. Mabuti't nakahanda na rin ang mga gamit ko sa guest room kaya hindi ako nahirapang magpalit.

Kinabukasan, sabay kaming nag-breakfast. Sabi ni Zebbe, ang assistant daw niya ang naghanda ng lahat kaya lalo akong na-curious kung sino siya o kung ano ang itsura niya.

"Hindi mo talaga siya ipapakilala sa'kin? Final decision na?" pangungulit ko.

She chuckled then shook her head a couple of times. "Nope, maybe next time. Masyadong busy na tao 'yun. Gusto kong makapagkwentuhan kayo ng bongga."

Muli ko siyang tinitigan pero umiiling pa rin siyang naglakad palabas ng bahay. Sinundan ko na lang siya hanggang sa makapasok kami ng kotse niya. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe namin kaya muntik akong makatulog habang pinanonood ang mga lugar na aming nadadaanan.

"Let's go?" tanong niya. Nang mapansing nanginginig ang mga kamay ko'y hinawakan niya ito, in-intertwine pa niya.

There I felt my heart slowly going back to its normal beat. Her warmth was a relaxation to my fearful heart.

"Tara, babe."

Magkahawak-kamay kaming bumaba ng kotse. Nag-doorbell ang isang guard niya sa isang bahay sa gitna ng village. Ilang saglit pa'y bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang medyo may katangkarang lalaki in his early thirty's.

Nanlaki ang mga mata niya nang dumako iyon sa akin. The way he pinnrf his stare at me, parang nakita ko na siya noon pero hindi ko maalala saan o kailan.

"Mariyah Merced." Sa pagbanggit pa niya ng buong pangalan ko'y parang sinasabi niyang magkakilala na nga kami noon. "It's nice to see you again after a couple of years!" Gulat man siya'y nagawa niyang ngumiti at inabot ang kamay na naguguluhan ko namang tinanggap.

Binigyan ko siya ng sino-ka-ba look. Mapait siyang ngumiti. "It's me, Jonash, Caleb's best friend, remember?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro