Chapter 40: How It All Began

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 40

HOW IT ALL BEGAN


Nakipagsukatan ako ng tingin sa lalaking nagpakilala bilang Jonash. Jonash, who?

"I-I'm sorry?" nalilito kong usisa pero nagkatinginan lang sila ni Zebbe.

"She can't remember people so much, Sir, sorry. 'Yun nga po ang pakay namin ngayon dito. Maybe you can help us," sabat ni Zebbe.

Patagong bumuntong-hininga si Jonash. "Pasok, pumasok muna tayo't sa loob natin pag-usapan ang tungkol dun." Tumalikod siya kaya sumunod na rin kami. "Maupo na muna kayo. May kukunin lang ako sa taas."

Naupo kami ni Zebbe sa sofa habang hinihintay siya. Ilang sandali pa'y muli siyang bumalik dala ang maliit na photo paper na inabot niya sa'kin. "Para saan po 'to?" Tumingin muna siya kay Zebbe bago naupo sa kaharap naming sofa.

"Caleb and I were elementary batchmates. Naging ahead lang ako sa kaniya during high school since I took the placement exam to advance to the next year level. Matigas kasi ang ulo ko back then," natatawa niyang pagkukuwento, "ayokong mag-aral. Gusto ko lang mag-mobile gaming sa bahay kaya napag-iwanan ako ng mga kasing edad ko."

Nakatitig ako sa kaniya the whole time na nagsasalita siya. Mukhang matalino rin siya't sa pananalita niya'y malalaman mong mataas ang pinag-aralan. Naisandal ko ang aking likod sa sofa at komportableng nakinig, ganun din si Zebbe sa tabi ko.

"I graduated college first, obviously, pero sinundan pa rin niya ako sa tinuturuan ko which was Vaund University."

Napaayos ako ng upo sa narinig. "Naging professor ka rin po sa VU?" curious kong tanong. Tumango siya. "Pasensya na po pero hindi ko po kayo namumukhaan, Sir."

Ngumiti siya bago muling nagsalita. "I taught in the university only for four years kaya hindi mo na ako naabutan, Mariyah." Nang banggitin ulit niya ang pangalan ko'y pakiramdam ko nakilala ko na nga siya noon, hindi ko lang maalala. "Sobrang close namin ni Caleb, in fact, I know all of his secrets. Mula sa family background niya, sa mga failures sa buhay up to his past relationships. I saw how he admired someone and tried to keep their relationship private and strong."

That's when my curiosity level reached a hundred and ninety-nine percent. Tumango ulit siyang parang nababasa niya ang nasa isip ko.

"He met a girl who softened his long-time numb heart. Bukambibig niya ito kung paano niya unang nakita. He was hit by Cupid's arrow bigtime. He even stalked her kada-out namin sa univ at every weekends pinapadalhan niya ng mga bulaklak-"

"Awei, how sweet naman," naka-pout pang sabi ni Zebbe na nakatukod ang mga siko sa hita niya't naka-face palm. Binigyan ko siya ng anong-ginagawa-mo look pero lalo lang lumawak ang ngiti niya.

"He really is a sweet guy. Every after niya ipadala ang flowers, nagsusumbong 'yun sa'kin dahil hindi man lang daw siya tini-text ng girl kahit inilagay niya ang kaniyang phone number sa note. And all I could do was comfort him but laugh at him eventually."

"Sinukuan niya po ba 'yung girl?" This time, ako naman ang nag-but in sa usapan. Without a second thought, umiling siya.

Sobrang sweet pala ni Caleb dati. Ewan ko kung bakit naging ganun siya ka-cold at snob nung kami na ang magkasama. Sanaol na lang kay ate girl.

"Giving up was not in his vocabulary and destiny was on his side. Nagkatagpo sila sa isang public library sa town center-he was there to do his research for his thesis and the girl, according to him, was there para umidlip dahil hindi niya raw 'yun magagawa sa bahay nila for some reason."

Teka lang-

"Nagkakilala sila and her name meant the world to him-even if he already knew her in the past. Her candid photos were all over his gallery and believe it or not, he secretly recorded her laughter and made it as his ringtone. He also set it as his alarm."

"So that's how a Caleb De Castro gets crazy over a woman, huh?" hindi makapaniwalang ani Zebbe.

"He was absolutely crazy over that girl kasi kahit nung nalaman niyang first year student pa pala from the other university 'yun, he still pursued her!" he exclaimed in great awe, pati si Zebbe ay napa-wow. "And the girl who captivated his heart was named.." pambibitin niya, nakatitig ng diretso sa aking mga mata at kasabay ng malungkot na buntong-hininga ay ang muling pagbuka ng kaniyang mga labi, "Mariyah.. Merced."

The moment I heared my name, sumabog na lahat. Animo'y naging triple ang bilis ng pag-pump ng puso ko dahilan para maramdaman kong bumilis ang pag-agos ng dugo ko. Pakiramdam ko'y magsisiputukan na ang mga ugat ko sa kaba. Ramdam ko ang pagkagulantang ng mundo ko. Hindi makapaniwalang napatitig rin ako sa mga mata ni Sir Jonash.

"You were, you are and will always be the apple of his eyes, Ms. Merced."

My lips parted but nothing coame out. Gulat, kinakabahan, nalililito, nagdadalwang-isip. Hindi ko na alam kung anu-anong emosyon pa ang naghahalo sa puso ko. And on top of that was exceeding joy.

"You don't have to cry because he fought for you and your relationship longer than everyone thought," aniya nang mapansin ang pamamasa sa'king mata. Agad akong napapunas ng luha sa pisngi.

A deafening silence devoured us.

"Student-professor relationships were strictly prohibited in all universities so you hid what you had for months and only both of your closest friends knew-" he said, breaking the ice.

"Kung itinago po namin 'yun, bakit may nagpakalat na MM ang pangalan ng girlfriend ni Caleb sa VU campus?" naguguluhang usisa ko dahil kahit sina Blessie at Ciara ay alam ang tungkol dun.

Umarko ang mga kilay niya. "May nakakita sa inyo once at mabuti na lang walang nakapag-picture. About dun sa kumalat na pangalan.. sabi niya sa'kin, may nakakilala raw sa'yong schoolmate mo na tinawag ka by your nickname, MM. 'Yun marahil ang narinig ng nakakilala kay Caleb kaya 'yun ang nalaman ng marami. Luckily also, your schoolmate didn't notice him and left with no speculations about you."

"It proves na hindi chismosa ang mga Corinthians," proud na bigkas ni Zebbe kaya nagtatanong akong lumingon sa kaniya. "Corinthians ang tawag sa'ting students ng Corinth Academy," paliwanag niya.

Paano namang student siya ng Corinth Academy, e 'di ba sa VU siya nag-aaral? Gusto ko 'yung itanong sa kaniya pero wala akong energy para run. I had to know more of myself at kung sino talaga ako bago pa man ako nagkaroon ng reverse dementia. Just by that, I could make decisions that'd solve our problems. Ibinalik ko ang paningin kay Sir Jonash.

"'Yang picture na ibinagay ko sa'yo was the day na ipinakilala ka niya sa'kin."

Napatingin ako sa papel na nasa aking kamay at nakita ko nga ang mga nakangiti naming mukha-siya, si Caleb at ako. "So this is why I have this feeling of meeting you before, Sir Jonash."

"I told you," malapad ang ngiting tugon niya.

"Paano naman po 'yung naaksidente kami, alam mo rin po ba 'yun Sir?"

Nang marinig niya ang tanong ko'y unti-unting nawala ang ngiti niya't napalitan iyon ng malungkot na aura. "He resigned from the university-"

"Resigned? Bakit daw po?" I'm on the edge of my seat sa mga nire-reveal niya.

"Gusto niyang lumayo sa'yo-"

"Lumayo sa akin?" muling pagpuputol ko. Naramdaman ko ang pagpapakalma ni Zebbe nang hawakan niya ako sa kamay.

"Nalaman niyang may asawa't anak ka na, Mariyah. He was in pain-I saw him breaking down-but he didn't want to be that lover who would break your family. He decided to let you go and stay away but you chose to hold on him tightly and ran away with him instead. Naging marupok siya once in his life."

Napatakip ako ng bibig sa narinig habang unti-unting naging blurry ang aking nakikita. Out of nowhere, I heard a very familiar voice.

"You stop worrying things okay?" ani ng boses babae.

"I can't stop overthinking. I know this is not the right thing to do. I've made the wrong decision!" nag-aalalang sagot naman ng malalim na boses ng lalaki.

"Sssh.. This is not only your decision, hmm? Choice ko 'to, choice kong mabuhay na nasa tabi kita. We're on this.. together."

"I love you."

"I love you more."

"So, it's because of me all this time?" bulong ko sa sarili't muli kong naaninag si Sir Jonash nang tuluyang kumawala ang mga luha ko.

May asawa ako pero mas pinili kong pagtaksilan siya't sumama kay Caleb. What a decision nga naman, Mariyah. Hindi ko lubos akalaing dahil sa desisyong 'yun, magiging ganito kakomplikado ang mga buhay namin ngayon.

Naging makasarili ako. Mas pinili ko ang pansariling kasiyahan kesa kapakanan ng aking pamilya.

"Alam mo po ba kung sino ang asawa ko?" umiiyak pa ring tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Hindi na nasabi sa'kin ni Caleb dahil agad kayong umalis. The next thing I knew, nasa ospital na kayo dahil sa aksidente."

Sadness was evident in his eyes. Alam kong nasaktan rin siya sa nangyari kay Caleb. Hindi niya siya i-t-tolerate kung nalaman lang niya agad na may asawa na ako pero huli na.

Ngayon ko lang na-realize na si Jaxx lang naman ang nag-c-claim bilang asawa ko't may mga pictures kami. Marahil siya nga ang asawa kong tinutukoy ni Sir Jonash. Pero naging masaya ba talaga kami ni Jaxx noon? Ano ba ang nagtulak sa'kin para mas piliin si Caleb over him and our daughter?

Lalong sumikip ang dibdib ko. Kinakain ako ng aking konsensya. Kung hindi ko ginawa ang desisyon na 'yun, magiging magulo pa rin kaya ang mga buhay namin? Kung hindi ko pinili si Caleb, mararanasan ko pa rin kaya ang sayang nararamdaman ko kapag kasama ko siya?

"Caleb went back to Vaund because the admin begged-he was their biggest asset. Since rumors about your relationship became the hottest topic in town, he had to be back in service to protect you. Siya ang naging image ng university kaya nang malaman ng admin na may tagong ka-relasyon siya, they used the investigation of his resignation grounds as a threat," muling salaysay ni Sir Jonash kaya nakinig ako habang pinapatahan ako ni Zebbe. "They wanted to destroy your relationship to regain the trustworthy-and-loyal image of the university. It's like ikaw ang mistress sa relasyon ng admin at ni Caleb."

I mockingly scoffed. Pagselosan ba naman ako? Ano 'yun karibal ako ng buong VU?

Bahagya siyang napangiti. He's liking my reaction though.

"Patago ka niyang binibisita sa ospital noon. Minsan ako naman ang pinapa-substitute niya sa kaniyang mga klase kapag may major tests or operations na gagawin sa'yo," pagmamalaki niya na nagpatunaw ng puso ko. I was flabbergasted and out of words to describe how lucky I really was to have Caleb by my side. "Kaya nga nung nagising ka't unti-unting naka-recover, after almost a year, you both decided na bumalik ka sa pag-aaral which was the time na nag-resign naman ako as professor to focus on my business. He knew your condition-sabi nga niya maswerte pa rin kayo dahil kahit hindi mo na raw maalala ang past niyo dahil sa reverse dementia, kilalang-kilala mo pa rin daw siya."

"Alam mo rin pong may reverse dementia ako?" sabat ko sa sobrang pagkabigla. Tumango siya. No wonder, mag-best friends nga pala silang dalawa.

"Naging okay ka na physically and mentally, though hindi pa ganun emotionally kasi puro pangyayari lang daw sa paborito mong novel ang bukambibig mo araw-araw, alam niyang mas ikabubuti sa'yong makipaghalubilo sa iba since makakatulong 'yun for your fast recovery." Laglag-panga akong nakinig sa kaniya. "Anyway, no one knew about your connection to him, even the admins, so he's confident that you'll be safe while studying in Vaund. Idagdag mo pang nandun siya para protektahan ka."

Tama nga ang doktor. Caleb was there all the time nung naaksidente kami hanggang sa nag-recover ako from the trauma. Hindi niya ako iniwanan throughout my healing process.

Our love was somehow a mistake but it was pure and sincere. Unfortunately, we're a definition of right love at the wrong time.

"By the way, how was your baby? I heard from one of my batchmates in high school, magkakaanak na raw kayo ayon sa isang deleted status update ni Caleb," pahapyaw siyang tumingin sa tiyan ko. "Blooming ka at hindi halatang buntis ka, Ms. Merced," dagdag pa niya na ikinabog ng dibdib ko sabay tingin kay Zebbe. Nakita ko kung paano siya natigilan at napalunok.

"Umm-w-wala na po ang.. b-baby namin. Nakunan po ako, Sir." Napaiwas ako nang tingin nang muling magbadya ang mga luha sa aking mata.

"Oh-I-I'm very sorry to hear that, Mariyah. Sorry." Gusto niya akong lapitan pero mas pinili niyang hindi gawin. "How about Caleb? Okay lang ba siya after ng nangyari?" concerned na tanong niya. Marahil wala na silang communication after kong maka-recover dahil pati pagkakaibigan nila isinakripisyo niya para wala talagang makapagsabi kung nasaan ako.

"He's not fine, Sir. Nasa ospital siya ngayon dahil intentional na binunggo ang sasakyan niya," nagpipigil ng iyak na wika ko.

"Ganun ba? Basta tandaan mong handa akong tumulong sa inyo anuman ang mangyari, okay?"

I smiled bitterly and nodded.

"Thank you so much, Sir Jonash for your time! Thank you for helping Mariyah in knowing herself again." Tumayo si Zebbe at kinamayan si Sir Jonash na tumayo rin agad.

Pinunasan ko muna ang buong mukha ko saka tumayo. "Maraming salamat po, Sir. Malaking tulong po ang mga ikinuwento mo sa akin. Tatanawin ko po 'tong isang malaking utang na loob."

Nakangiti siyang tumango at nag-offer ng yakap kaya napahakbang ako papalapit sa kaniya. "You take care, hmm? Alagaan mo ang sarili mo, pati na si Caleb at ang magiging bagong baby niyo soon." Natawa ako sa bilin niya habang magkayakap kami at ganun din siya. Tumango ako nang kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Zebbe, don't forget, I'm just one call away," pahabol niya nang papasok na kami ng kotse ni Zebbe. Nag-yes lang si Zebbe at muli siyang kinawayan bago tuluyang isinara ang bintana.

Nang tanging tunog na lang ng aircon ng sasakyan ang maririnig ay doon ako malalim na napabuntong-hininga. "Kaya pala sinabi mong hindi ako nakatuloy sa pagiging varsity ng swimming team dahil sumama ako kay Caleb?"

Nagkatinginan kami nang lingunin niya ako. Naging linya ang mga labi niya.

"Pwede akong magtanong?"

"Go on," pahintulot niya.

"Alam mo rin ba noon ang tungkol sa relasyon namin ni Caleb?" Ito 'yung tanong na naglalaro sa isip ko kanina. She was one of my closest friends during first year college, for sure, may alam siya tungkol dun.

It took almost a minute for her to finally speak up. "Honestly, no." Napa-ha? ako sa isip. Bahagya siyang natawa sabay ikot ng mata nang makita ang reaksyon sa mukha ko. "Actually, ako ang talagang nagkagusto noon kay Sir Caleb and you knew how high my obsession level was. You were there whenever I stalked him to MOA, to the village he was living at and even waiting for him outside VU's gate for two long hours, hoping to see him walking out. You and Vienna were my punching bags every time I felt kilig when he greeted me thrice at the mall and smiled at me whenever I cracked corny jokes and pick up lines to him. You two were my cheerleaders, Mariyah."

Sa sandaling namasa ang mga mata niya, alam kong nasaktan ko siya. She was just so in love with Caleb and it eventually broke her. How genuine her love was to make her suffer genuine pain too for so long.

Akmang yayakapin ko siya pero sumenyas siyang huwag muna.

"Then the day came when we had to bid our last goodbye to Vienna. I couldn't forget that day-how could I forget it-even until now, it still hurts the same."

Habang pinapanood ko siyang umiiyak, nadudurog ang puso ko. Sumisikip lalo ang dibdib ko't gusto kong humagulgol siya sa mga balikat ko. I wanted to be her literal comfort zone, the place where she could lay down all her burdens. But how?

"Nandun siya-para akong nasa mga ulap, lumilipad-pero hindi pala dahil sa'kin.. kundi dahil sa'yo." Lalong namutawi ang sakit sa ekspresyon ng kaniyang mukha pero pilit niya 'tong pinipigilan.

The wound was still fresh like it was only yesterday. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko siya kayang sisihin.

"All along, the man of my dreams," diretso sa mga mata ko ang matatalim niyang titig, as if she's game for a war, "was living his dreams of making my best friend the happiest.. and it's killing me alive."

There I finally realized, she's not claiming for war but a pair of eyes that could understand the intensity of tears her eyes were concealing.

Indeed, she wasn't aching because of loosing him but for being betrayed by the woman she thought would be the last to leave her. Sadly, I could do nothing to change our past.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro