Chapter 42: Big Revelation

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 42

BIG REVELATION


One right move, Jaxx, we're busted.

Pigil akong napalunok sa paglapat ng kamay niya sa handle ng cabinet. Kaunting-kaunti na lang talaga'y mabibisto na niya kami rito.

He flashed a wider smirk which gave me chills down into my spine. I shut my eyes hardly and prayed deep in my heart for our safety. There's no turning back here. Kaya kong makipagpatayan kay Jaxx kung kinakailangan pero gusto ko pang makasama ang anak ko ng kami lang, iyong masaya at tahimik.

After an intense rise of tension between us, isang tunog ng bumubukas na gate ang maririnig. Malakas iyon at halatang pwersahan itong binubuksan. Sunod kong narinig ang mga yapak na papalayo sa'min. Nagkalakas ako ng loob na siliping muli siya't wala na nga siya sa tapat namin.

"I'm sorry if I already break into your privacy this late, Jaxxon!" Boses iyon ng best friend niya at feeling ko nasa sala sila sa lakas ng boses nito. "My business partner called me at sinabing may proposal na raw siya para sa kompanya," dagdag pa nito.

Mabilis kong binuksan ang cabinet at inalalayang makalabas si Chaichai. Muli kaming nagtago sa likod ng mesa. Pagkasilip ko sa kanila'y nakakibit-balikat si Jaxx habang walang interest na nakatingin sa kaibigan. Umiigting pa rin ang panga niya kaya alam kong naiinis siya sa pagdating nito.

"You should've called me about this, dude. It's late and I have to settle more important things." Straightforward na bigkas niya kaya kinabahan ulit ako. Binigyan ko ng ilang instructions si Chaichai kaya on my cue, sabay kaming gumapang papalapit ng back door. Nakabukas na ito kaya mahinang hugot na lang papasok ang ginawa ko para una ko siyang mapalabas. Napaupo't nakayukong isinarado ko ang pinto.

"Sabi ko na nga ba!" rinig kong sigaw ni Jaxx nang hindi ko mapigilan ang tunog ng pagsara nito.

Agad akong tumayo at ipinasa si Chaichai sa mga nakabantay na tauhan ni Zebbe na agad nilang pinasakay sa kotse.

"I-lock mo ang pinto, ngayon na!" kalmadong utos ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng kotse. Hawak-hawak niya ang control system ng buong bahay na na-hack nila.

Pumasok kami ng kotse at doon pinanood mula sa nakabukas na gate ang pagsipa ni Jaxxon ng pinto nang hindi pa rin niya ito nabubuksan. Galit at pagkadismaya ang mababakas sa kaniyang mukha nang pukpukin na ng sariling kamay ang medyo dark transparent glass door.

"Turn on the fire alarm. Hayaan mong magkagulo ang lahat," muling utos ko bago kami umalis ng lugar. Isang ngisi ang namutawi sa mga labi ko nang makita ang pagsisilabasan ng mga kapitbahay nila.

You couldn't manipulate me now, Jaxx. I wasn't your typical sweet lover who's willing to make you happy. I didn't want to just make you happy. I wanted you to get excited yet alarmed. You started the flame in me, let's end this with a hot and fiery game.

I still had my last ace.

Dumapo ang tingin ko kay Chaichai na yakap-yakap ko sa buong byahe. Nginitian ko siya nang tingalain niya ako.

"Mommy, how about daddy?" nakangusong tanong niya, "bakit hindi po tayo nagpakita sa kaniya kanina? Hindi po ba natin siya isasama?"

Mariin kong tinitigan ang aking anak. Siguro, hindi naman naging masamang ama sa kaniya si Jaxxon. He's a father every child could look up to. Mayaman, charismatic, determinado sa buhay at mapagmahal. 'Yun nga lang, he brought his love to the level no one could ever reach. Iyong pagmamahal na nananakal, nanggagapos, nananakit. But apart from that, he raised our child very well. May respeto sa kapwa at may pakialam sa kalagayan ng iba.

"Mommy will settle things with daddy first, okay, baby?" Hindi siya kumurap. "I promise, baby, kapag naayos na 'tong lahat ni mommy, magiging masaya ulit tayo." Lalong nilawakan ko ang pagkakangiti sabay haplos sa kaniyang pisngi. Ngumiti siya't tumango bago muling sumubsob sa'king tagiliran.

Dumating kami sa bahay ni Zebbe at sa kwarto na ipinahanda ko kaninang umaga kami dumiretso. Medyo malayo-layo ang bahay ni Jaxx kaya natagalan kami sa byahe. Nang makatulog si Chaichai ay doon lang ako lumabas ng kwarto dahil kakausapin ko sana si Zebbe. Napahinto na naman ako nang magpang-abot ang mga paningin namin ng lalaking nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Naka-hoodie siya't naka-surgical mask. Ilang ulit akong kumurap pero kabaliktaran ang kaniya. Hindi siya gumagalaw at kahit nangungusap ang kaniyang mga mata'y hindi ko mawari kung ano ang nais ipahiwatig ng kaniyang tingin.

Tatalikod sana siya nang humakbang ako papalapit sa kinatatayuan niya. "Hanggang kailan ka tatayo diyan at tititigan lang siya mula sa malayo?" Gulat siyang napatingin sa'kin. Sinuri ko ng mabuti ang pagkakatayo niya. He's on his usual attire and I was sure he's certain on hiding his true identity from Zebbe.

Napa-tsk ako nang hindi siya sumagot at napahalukipkip.

"Love shouldn't be silenced. It is meant to be shared," pangungumbinsi ko. "Pero hindi kita masisisi. Minsan kasi ang love, parang drugs 'yan. Nakakaaliw, nakakapagpasaya at nakakaadik ngunit ikapapahamak mo lang 'pag nalaman ng iba." Mabilis na nagdugtong ang kilay niya at kitang-kita sa mga mata niya ang pagkabahala. "Don't worry, your secret is safe with me. Always remember, nakaabang ako sa rebelasyon mo." Ngumisi ako't pinanood siyang manginig ng kaunti na agad napalitan ng pagkislap ng kaniyang mga mata.

"Babe, are you there?" Sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig ang pagtawag sa akin ni Zebbe. My grin widened as I looked back at him. He's panicking.

"Oo, may ipapakilala sana ako sa'yo, e!" ganting sigaw ko na ikinataranta niya. Nakita ko ang pagpapatunog niya ng mga buto sa daliri. Napatingin ako sa kamay niyang inaabot ako para pigilan nang akmang pipihitin ko ang door knob. "Charot lang gud uy," natatawa kong wika sabay nag-peace sign.

"I have an idea kung sino 'yan, babe!" Nagpipigil ng tawa akong napatingin ulit sa kaniya na nanginginig na. Gusto ko ang reaction niya, gusto ko siyang asarin gabi-gabi. HAHAHAHAHA!

Itinapat ko ang aking tainga sa tapat ng pinto para lalo siyang tuksuhin pero bigla itong bumukas kaya medyo na-out-of-balance ako.

"Asan na siya?" excited na bungad niya. Nanlalaki ang mga mata kong ngumisi nang lingunin ko iyong lalaki pero wala na siya sa tabi ko.

Takot na takot talaga siyang isumbong ko na siya kay Zebbe. Nawala lang na parang bula, e. Paano 'yun, tumakbo siya o lumipad?

"Bukas na lang siguro. Nakatulog na kasi ang anak ko mula sa byahe namin." Kumunot ang ilong ko nang mag-flash back sa'king isip ang reaction ng lalaki. Tumango siya at lumungkot ang mukha.

"Sayang, I want to spoil her agad pa naman sana. But, sige! Bukas ipagluluto ko siya ng breakfast," malawak ang ngiting aniya. Ginantihan ko siya ng ngiti nang maalala ko kung gaano nga siya kasarap magluto noong dinalhan niya si Caleb ng almusal sa bahay nito.

"I'm sure ma-e-enjoy niya ang stay niya rito. Thanks, babe!" Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya.

"We're gonna be her mommies, right?" she asked with glimmering eyes. I nodded, smiling. "Yey! Interesting. Good night, babe!" Dire-diretsong bigkas niya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Nightie, babe!" tugon ko bago niya ako pinasadahan ng tingin at isinara ang pinto.

Hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Nakahinga ako ng malalim knowing na may makakasama ako sa pag-aalalaga ng anak ko. I didn't have to depend on Jaxx because women were indeed naturally strong and independent. Tatalikod na ako nang mahagip ng aking mga mata ang nakasilip na mukha ng lalaki. Habang nakikipagtitigan sa kaniya'y may brilliant idea na nag-pop up sa isip ko. I flashed a poker face but at the back of my mind, I was smirking darkly.

Tingnan natin kung may gagawin na ba this time si Zebbe once mapansin niyang wala nang nagbibilin sa kaniya ng mga bulaklak. Nang makapasok ako ng kwarto'y doon ako napahagikhik. Simula noong nandito ako'y nag-l-lock na ng pinto gabi-gabi si Zebbe in case may mga tauhan ni Jaxx na mag-tresspass. I-t-take advantage ko 'yun.

Itinapat ko ang aking tainga sa pinto at hinintay na mawala ang kaluskos bago muling sumilip sa pinto.

"Hmm.. so sweet," natatawa kong inamoy ang dalawang blue roses sa sahig sa tapat ng pinto sabay tingin sa bawat detalye ng mga bulaklak, hoping to see any hint about the mysterious guy. "A and R?" basa ko sa letrang nakaukit sa mismong tangkay ng bulaklak. First time 'tong dalawang rosas ang iniiwan niya rito kaya I smelled something fishy na naman.

Napatingin-tingin ako sa buong hallway ngunit walang katao-tao. This time I had to solve first the mystery of his name. "Good play, huh?" Pagpasok ko'y inilagay ko muna ang rose sa isang pahabang box na nakita ko sa isang cabinet dito sa kwarto bago natulog sa tabi ni Chaichai.

"Good morning, baby ko!" Masiglang bati ni Zebbe sa anak ko nang makalapit kami sa kusina. Tiningnan lang siya nito kaya napangiti ako nang lumipat ang paningin niya sa'kin.

"Baby," panimula ko saka yumuko para magpantay ang aming mga tingin. "She's your new mommy-your second mommy. She is mommy Zebbe!" Muli nitong tinitigan si Zebbe, animo'y iniimbestigahan kung mataray ba siya o hindi. Kulang na lang pagtaasan siya nito ng kilay.

"I'm not her baby. I'm a big girl now. And big girls only have one mommy and a daddy," bulalas niyang nakapamewang pa. Nakagat ko ang aking dilang napatingin ulit kay Zebbe na halatang nagulat rin sa inasal ng anak ko. Mukhang may aagaw na sa trono niya sa pagiging bitchesa, ah.

"I'll think about it for a second," dagdag pa niya sabay itinapat ang hintuturo sa sentido. "What's her name again, mommy?"

Pigil akong napangiti, pakiramdam ko lumalaki't lumiliit ang mga butas ng ilong ko sa ginagawa. "Zebbe Zenesstier, baby."

"Hmm.. Okay po, but I don't like her surname. It's difficult to say, e!" Naipikit ko ang mga mata sa pagka-straight forward ng pagkakasabi niya. Kanino ba 'to nagmana? "She seems so nice naman po mommy and she's your friend din kaya pwedeng maging mommy ko na rin siya." Nang tingalain niya ako'y doon lumitaw ang fill-in-the-blanks niyang mga ngipin.

"HAHAHA!" paghalakhak ko na. "Go ahead, baby! Pwede mong yakapin si mommy Zebbe mo. Mommy won't get jealous."

"Sure? Magseselos ka po ih." Kiniliti niya pa ako sa tagiliran. Mabilis akong umiling at pinanood siyang tumakbo papalapit kay Zebbe. Yumakap ito sa kaniyang baiwang dahil 'yun lang ang abot nito. Send height!

"This calls for a celebration, baby! Wait, magbibihis lang si mommy Zebbe para same na tayo ng pajamas." Nakangiting tumango si Chaichai kaya nakangisi siyang naglakad-takbo at nang malagpasan ako'y kumindat siya bago tuluyang umakyat ng kaniyang kwarto.

Pagbalik niya'y hinahanda namin ni Chaichai ang mesa at mga utensils. Sa kusina pa lang ay amoy na amoy na namin ang niluluto niya kaya nung kainan na'y puro papuri ang natanggap niya mula sa bata. Enjoy na enjoy siya sa pakipagdaldalan sa'king anak, marahil ay dahil sa pareho silang only child.

Naging sobrang masaya ang unang breakfast naming tatlo. Si Zebbe ang palaging nag-o-open ng mga mapag-uusapan habang si Chaichai nama'y tawa lang ng tawa sa corny jokes ng bago niyang mommy. I'd never imagine her having this funny side. She's always seen as the fashionable, trend setter, classy and hard-to-reach Zebbe Zenesstier. Nonetheless, she also had a good sense of humor. Siya pa nga minsan ang nauunang humagalpak ng tawa sa sarili niyang jokes at sa tawa na niya kami natatawa instead na sa jokes niya.

Lumipas ang mga oras at maghapong hindi mapaghiwalay sina Zebbe at Chaichai. Mahilig ang anak kong mag-bake samantalang sa pagluluto naman ng mga ulam expert si Zebbe kaya nagkasundo agad sila sa kusina. Nung una'y gusto kong ibigay sa kanila ang time para mag-bonding pero nagpumilit si Chaichai dahil ako raw ang best baker sa mundo. Kailangan aniyang matikman ng mommy Zebbe niya ang mga bini-bake ko noon. Good thing was hindi nawala sa akin ang kaalaman sa baking kaya na-handle ko naman ang pressure.

Kinagabihan, nauna silang umakyat ng aming kwarto para roon ipagpatuloy ang kulitan. Zebbe really spoiled her at binilhan pa niya agad kanina ng isang malaking doll house ang bata. Kapapasok ko pa lang ng kwarto mula sa kusina.

"Milk delivery for Chandrea!" anunsyo ko na ikinalingon nilang dalawa. Agad inilapag ni Chaichai ang bitbit na doll at sinalubong ako. Nakangiti lang si Zebbe habang pinapanood itong inuubos agad ang isang basong gatas na tinimpla ko.

"Thank you, babe," she mouthed. Lalo akong napangiti and mouthed you're welcome.

"Mommy, I want another glass of this po, please?" Pinagdikit niya ang mga palad at nag-puppy eyes sa harap ko. Ganitong mukha ang gusto kong makita araw-araw. She's giving me the dose of good vibes I really needed during this time.

"Your wish is my command, young master," nag-bow pang respond ko. Mahina siyang pumalakpak ngunit agad bumalik sa pagkakaupo sa sahig sa tapat ni Zebbe. Muli niyang binitbit ang kaniyang laruan.

Mabilis kong tinimpla ang gatas ni Chaichai at nasa ikaanim na hakbang pa lang ako paakyat ng hagdan ay tanaw ko na ang pamilyar na pigura. He's wearing his hoodie, black jogger pants and this time, his pair of black slippers caught my attention. Pambahay iyon at animo'y nakita ko na 'yun dito sa loob ng bahay.

"Ahem," maang na tikhim ko dahil hindi niya napansin ang aking presensya. Mula sa pagkakayuko'y umayos siya ng tayo at bumungad sa'kin ang naka-mask niyang mukha. Unbothered na ang expression ng kaniyang mga matang naaabot ng medyo basa niyang pabagsak na buhok.

"Hi," pagbabasag ko ng katahimikan habang paisa-isang humakbang papalapit sa kaniya. Naisip ko iyong plano ko. Hindi siya kumibo, bagkus napansin ko ang pagtaas-baba ng kaniyang Adam's apple.

"You like her," kalmado at mababang tono ng boses na pagpapatuloy ko. "But you're afraid of rejection," dagdag ko. As I was fighting against his cold aura, I was observing his possible change of emotion. Isang kurap lang o iwas ng tingin, alam kong may mali na. It's either he agreed or he denied it.

"What if the feeling is mutual?" pag-d-distract ko sa attention niya para mas makalapit ako sa inilapag niya kaninang bulaklak. Nang makakuha ako ng enough distance para maabot ko iyon ay mabilis akong yumuko't dinampot ito.

"What if it's not.." medyo raspy ang boses na aniya na nakipag-unahan pa sa pagpulot ng bulaklak. Sorry not sorry pero sa akin pa rin ang huling halakhak. "Mutual," he frimly added.

Isang matalim na titigan ang namagitan sa'min hanggang sa makaayos kami ng tayo. Disappointed siyang tumingin sa dalawang blue roses sa kamay ko bago ibinalik ang paningin sa aking mga mata.

"This time, the mysterious letters are O and N?" confused na basa ko sa nakaukit na namang mga letra sa tangkay. Nang tingnan ko siya'y agad lumagpas ang paningin niya sa'kin. Gotcha!

"Aron? Aron ba ang pangalan mo?"

He remained speechless. His eyes started to show a trace of worries. He's panicking again.

"Aaron? Earon?" sunod na tanong ko nang maalalang may nauna na pala akong rose na napulot. Maaaring iyon ang unang letra ng pangalan niya. "Or maybe, Zaron, para unique?" Hindi pa rin siya kumibo at pinanood akong hulaan ang kaniyang misteryosong pangalan. "BARON! Your name is Baron!"

Nanlaki ang mga mata niya kaya napangisi ako. Catch!

"So, hanggang kalian mo 'to itatago, Mr. Baron?" taas-noo kong tanong and it caught him off guard. Sorry pero proud talaga ako sa sarili ko ngayon.

"Itatago?"

Pareho kaming gulat na napatingin sa pinanggalingan ng boses. It's Zebbe kaya mabilis pa sa dapit-hapong naitago ko sa'king likuran ang mga bulaklak.

"Itatago-huh? Anong itatago? Wala! Wala!" sunod-sunod kong pagsisinungaling at mukhang gumana naman. Pasikreto akong bumuga nang malalim na hininga.

"O-Okay," nalipat ang paningin niya sa kasama ko. "Baron, you're here! Nagkita na pala kayo ng best friend kong palagi kong kinukwento sa'yo," energetic na pakikipag-usap niya sa lalaki.

Owem-ibig bang sabihin siya ang...

"Y-Yeah," hilaw niyang pagsang-ayon sabay tingin sa akin. Pakiramdam ko'y hiyang-hiya na siya sa sarili niya't gusto na lang lamunin ng sahig. "We already meet-"

"I'm sure kilalang-kilala mo na siya, 'no! She's my best friend, Mariyah," singit ni Zebbe na hinawakan ako sa braso. "And babe, this is Baron, my personal assistant. She's the one that I've told you."

Ohhhhmy! Is this the revelation of the year?

Nang muling magtagpo ang mga mata namin, hindi ko maiwasang mapangisi sa isip habang siya naman ay nanatiling tahimik.

"But she's Bia at night," malokong aniya. "You take off your mask, Bia. Let her see how gorgeous you are!" nagbibirong utos niya rito. Ilang sandali pa siyang nakipagtitigan kay Zebbe bago tuluyang tinanggal ang mask pati na ang hood niya.

Luh, nangangamatis yarn?

"I-It's nice to-uhh-t-to finally m-meet you, Mariyah." Pulang-pula ang mga tainga niya habang in-e-extend ang kamay na agad ko namang tinanggap. Naipit ko ang aking mga labi nang mapalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa.

I secretly smirked and faked a yawn. "Maybe we've to call this a day? Arat, babe, tulog na tayo?"

"Good night, Bia! Tulog-tulog din sometimes." Kumakaway pang pagpapaalam niya habang nakasunod ako. Nang makapasok siya ng kwarto'y tinapik ko ang balikat ni Baron-este Bia.

"Girls like her are patience-demanding but trust me, she's worth the wait," tumatango-tango ko pang advice.

"Always," he added as his face finally turned red hot. I grinned as I closed the door.

Napatawa ako sa sarili bago humiga sa kabilang side ni Chaichai.

The night was peaceful with the soft sound of crickets and night flies. Not until a very distracting loud voice of Zebbe registered into my system.

"WHAT?" sigaw niya sa kabilang linya. She's holding her ear piece, eyes staring fiercely at nowhere while breathing intensely. "How could you let this happen again? We'll be there any minute now. Secure his safety first bago niyo alalahanin kung saan kayo pupulutin after this!"

Pinanood ko siyang mabilis na pinalitan ang pang-ibabang pajama ng itim na high waist jogger pants. Silk pajama ang top niya na itinuck in niya ang kalahati ng harap at ang natitirang kalahati'y nakalabas lang. Lumipat ang tingin niya mula sa natutulog pa ring si Chaichai at binigyan ako ng what-are-you-doing-there look.

"Ano na? Aren't you gonna come with me?" pinanlakihan niya ako ng mata saka nagmamadaling dinampot ang purse sa coffee table sa gilid.

"B-Bakit, anong meron?" Naguguluhang usisa ko pero agad niyang binuksan ang aking cabinet.

"Change your clothes. I'll tell you what happened inside the car," utos niya habang hinahalungkat ang mga naka-hanger kong damit. Hinagis niya sa kama ang army green oversized t-shirt ko at sumunod ang itim na biker shorts.

"Magbihis ka na, please!" rinig kong sigaw muli niya nang matauhan ako. Tapos na siyang magsuot ng sapatos at animo'y sasaraduhan niya ako ng pinto sa pagkakatulala.

Mabilis akong tumalikod at conscious na nagbihis nang napapanood niya. I sighed.

"Bilisan mo kasi!" iritableng bulyaw niya habang pilit ko siyang inaabutan sa hagdan.

"Ano nga kasi ang nangyayari?" ganting sigaw kong halos liparin na ang tigdalawang hakbang ng hagdan. "Ano nga?" pag-uulit ko nang 'di pa rin siya sumasagot.

"Caleb's hospital was attacked again just few minutes ago! Now, if you want na maabutan pa siya ng buhay, you better think straight and do as I say."

Lumabas na kami ng bahay at bumungad sa'kin ang dilim ng paligid. Ang aga-aga, bad vibes agad.

As soon as the door of Zebbe's car closed and we reached the hospital, a resounding bomb explosion resonated the place, welcoming us to a chaotic scene of life, death and everything in between.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro