Chapter 43: Gunshots

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trigger Warning: The following scenes contain violence. Reader discretion is advised.

CHAPTER 43

GUNSHOTS

"Babe, faster!" Umalingawngaw sa mahabang hallway ang sigaw ni Zebbe. Nang tumama sa'kin ang matalim niyang tingin ay dun ako napatakbo habang nakasunod sa kaniya.

Natapunan ko ng tingin ang mga nadadaanan namin. Patients were crying for help, aching for the pain that the explosion caused them. Nurses and even number of doctors were running back and forth to give them the aid they needed. Pleas of children for their parents to hold on crumbled my heart even more.

Everyone's in a hurry and death was chasing whoever it found. Nakakatakot. Nakakaangilabot.

The fact na ilang buwan o taong nilalabanan ng mga narito ang kani-kanilang mga nararamdaman, heto pa't dumagdag ang ganitong gulo na 'di naman nila dapat naranasan. Tears started to blurry my sight.

"Look," natigilan ako nang pwersahang hawakan ni Zebbe ang magkabilang balikat ko't iniharap sa kaniya, "the hospital will turn into ashes any minute now. Babe, you have to focus and save your life first for you to save others!"

Namumula na ang mukha ni Zebbe at matapos sabihin iyon sa mukha ko mismo'y naglikot ulit ang kaniyang mga mata. Tumalikod na siya.

"Caleb—jow!" gulat na tawag ko sa kaniya, napa-usog sa tabi nang patakbong inilabas siya ng kwarto ng mga tauhan ni Zebbe. "Baby, nandito ako.. nandito lang ako sa tabi mo." Sumabay ako sa pagtakbo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya habang nakahiga siya sa stretcher. Animo'y lumipad ako sa alapaap nang maramdaman ko ang pagganti niya ng mahigpit na hawak sa'king kamay.

"I won't die, I-I''m just sleepy." Unti-unti siyang dumilat saka ngumisi. "Stop your cute widened eyes from staring at me, you're tempting me to have a taste of your lips, jow." Lalong lumapad ang pagkakangisi niya nang bumaba ang tingin ng kaniyang mga mata. I felt my cheeks burning and I hated blushing in front of him.

"Hep, hep! Tama na ang landian. Many died and hundreds are facing death, stop being insensitive, please." Nanlilisik ang mata ni Zebbe matapos sumingit sa gitna namin ni Caleb dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.

Mabilis na naisakay sa sasakyan si Caleb at agad kaming umalis. For the last time, nilingon ko ang ospital. Mausok na ang paligid nito't may ilang linya pa ng kuryenteng pumuputok. Mariin kong napikit ang aking mga mata't hinayaang ilabas ko ang bigat ng nararamdaman sa kumakawala kong mga luha.

Binalot kami ng nakbibinging katahimikan. Ilang metro pa lang ang naitakbo nami'y narinig namin ang putok ng baril na sa likod mismo ng sasakyan tumama.

"Heads down, cover your ears. Let me handle this!" Maawtoridad na anunsyo ng tauhan ni Zebbe sa tabi ng driver na buksan ang bintana sa gilid niya. Nagsiyuko kami nina Caleb at Zebbe sa back seat saka siya tumayo't inilabas ang kalahati ng katawan. Itinutok niya ang isang mahabang weapon na medyo pointed ang unahan.

The driver and his mate were literally doing their job. Halos triple ang bilis ng takbo namin habang ilang segundo lang na tinutukan ng lalaki ang nakasunod sa aming sasakyan ay mabilis na lumipad ang matulis na bala at kasunod niyon ang pagputok mula sa likuran.

Hindi pa natigil ang pagputok dahil muli kaming pinaulanan ng bala ng nakabuntot sa amin. Muli namang sinundan ng putok ng kasama namin ngunit mukhang hindi pa rin niya ito masapul dahil pabagsak lang siyang napaupo ulit. Biglang nag-zigzag ang takbo namin sa pagtalsik ng kaliwang side mirror ng sasakyan sa lakas ng pagkakabaril. Napasigaw kami ni Zebbe dahil hindi kami sanay sa ganitong gulo.

"Cover your ears!" paulit-ulit na sigaw ng lalaking may kinuha na namang mas malaking baril.

"Sanay akong makipag-away sa campus at makipagtarayan sa kung sinu-sino but not like this! This is insane!" malakas pang bulalas ni Zebbe at halatang kinakabahan.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kaniya at kay Caleb na hawak ngayon ang kamay ko habang nakayakap mula sa likuran. Muli kong naibalik ang paningin sa lalaking ngayo'y muling nakatayo. Tatatawa-tawa pa siya habang mabilis na tunog ng mga bala ang maririnig, patuloy naman sa paglaglag ang mga bala sa upuan at ang ilan nama'y sa kalsada. Am I watching a live machine gun demonstration?

I couldn't believe na halos doble ang bilis ng pagpapaulan niya ng bala sa likuran ngunit wala pa rin akong naririnig na sasakyang nasisira o um-e-explode. Gusto pa yata nilang magkarerahan habang nagbabarilan sa gitna nang malawak na kalsada sa madaling araw.

"Oh-my-geee!" hiyaw ni Zebbe at nauntog ang ulo nang mag-zigzag ang takbo nang kotse. "What's happening?" naiiritang usisa niya nang mapansing ang pagputok ng gulong namin dahilan para magpagewang-gewang ang sasakyan.

"We need to transfer to our backup car, ma'am," mahinahon pa ring tugon ng lalaki sa unahan. "Flat na ang gulong natin at sure akong maabutan na nila tayo kahit dalawang gulong nila ang napasabog ko," dagdag niya.

The car stopped and a black speedtail car also parked in front of us. Makintab ang kotse pero mukhang sasayad 'yun kapag makakasalubong ng humps.

Inalalayan ng driver at ng kasama niyang makalabas si Caleb since medyo nahirapan siyang maglakad due to his contusions and injuries. Naunang sumakay sa back seat si Zebbe habang nasa likod ako ni Caleb at inaalalayan din siya mula rito. Ilang hakbang na lang sana kami papasok ng kotse nang may biglang humablot sa akin mula sa likod.

"Tulong! Tulong!" malakas na sigaw ko nang maramdaman ko ang pwersa ng braso niyang nakapalibot sa aking baiwang. "No! Bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ko habang sinuntok-suntok ang braso niya.

Nakita ko kung paano nagtiim ang bagang ni Caleb nang makita akong kinakaladkad ng lalaki papalayo, wala ng mas ikatatalim pa ang kaniyang mga tingin.

"I said.. bitawan mo 'ko!" Buong tapang kong siniko ang kaniyang kaliwang panga at tumalsik ang kaniyang laway. Lumuwag ang pagkahawak niya kaya sinundan ko ng malakas na pagsiko ang kaniyang tiyan dahilan para maitulak niya ako't mamilipit sa sakit.

"Peace po, kuya." Ngumiti ako sabay nag-peace sign.

"Chase her!" rinig kong sigaw ng isang boses babae mula sa likod kaya lalo kong binilisan ang takbo.

After ng ilang hakbang, natagpuan ko ang aking sarili sa isang building. Mabilis akong tumakbo sa elevator ngunit hindi iyon gumagana. Nang mapalingon ako sa pinanggalingan ay naroon na ang nakasunod sa aking dalawang lalaki, pareho silang may dalang baril. In a heartbeat, I rushed into the other elevator and clicked any of the buttons a hundred times maybe.

Napahawak na lang ako sa gilid ng elevator nang makita mismo ng aking mga mata ang pagtutok ng mga lalaki ng kanilang baril sa direksyon ko. Kung gaano kakalmado silang naglalakad ay kabaliktaran naman ka-wild ang nararamdaman ko. Animo'y na-i-pause ko ang hinuhugot na malalim na hininga nang makita kung paano umiikot ang magkasunod na balang papalapit sa akin. Sa bilis ng pangyayari'y hindi ko na namalayang sumara na pala ang pinto.

Automatic na bumaba ang mga balikat ko nang maibuga lahat ng kaba at paghahabol ng hininga. "What a great timing!" amazed na bulalas ko nang mapansin ang dulo nang bala sa pagitan ng nakasarang pinto ng elevator. Ito talaga ang plano ko. I had to distract them para makalayo na sila Caleb. He had to be safe first, kaya ko naman ang sarili ko. At the very least kung may mangyari mang masama, ako lang ang collateral damage.

Nang makarating ako sa kung anumang floor ng building ay binasa ko muna ang aking mga labi bago tuluyang binaybay ang mahabang hallway. Isa-isa kong sinubukang buksan ang pinto ng mga rooms pero lahat ay naka-lock. Napatingin ako sa malaking wall clock sa kabilang dulo.

Sino nga naman ang magbubukas ng 5:35 ng umaga?

"There she is!"

Gulat akong napatingin sa elevator at kalalabas lang ng dalawang lalaki. Naka-suit sila at hindi ako pwedeng magakamali. Vaund University guards ang nakikipaghabulan sa akin.

"Bumukas ka na, please! Bumukas ka na!" pagmamakaawa ko't halos matanggal na ang door knob sa lakas ng pagkakapihit ko. Nang makita kong malapit na talaga sila'y mabilis akong napatakbo sa dulo ng hallway at lumiko sa kaliwa saka lumiko ulit pakanan.

"Ay, salamat naman may nag-iwan ng bukas na opisina." Napabuntong-hininga akong naitukod ang mga kamay sa tuhod nang makapasok ako sa isang room.

Madilim ito dahil natatakpan ang buong paligid ng maroon na kurtina. Unang paghakbang ko'y isang tugtog ng piano ang pumuno ng apat na sulok ng room. The melody of the music was calming my restless heart. Sobrang sarap sa tainga. Pahinging unan please.

"Life, love and eternity,

Things I took advantage of,

Things I never imagined of spending with someone else."

Nanindig ang mga balahibo ko nang rumehistro sa sistema ko ang pamilyar na boses. Napahinto ako't hinintay ang susunod niyang sasabihin kasabay ng madamdaming tugtog ng piano.

"Things I once perceived as three different stages,

But how could they sing the same song,

And dance with a single rhythm?" he paused and sighed.

"My love, it's you,

I searched for an answer.."

Ramdam sa malumanay niyang boses ang katotohanang ipinahihwatig nito. His words were pure and honest. I must say, it came from the heart and that any girl would feel flattered.

"And I found.. you."

The time that he uttered you, the orangey light turned on and the smiling Blyke Amsterdam's twinkling eyes met mine. Hindi pa man niya na-p-prosesong ako ang nasa harap niya'y bumukas ang pinto na agad namang sumarado.

"MM?"

360 degrees kong napaikot ang aking sarili sa nanlalaki ang mga matang si Blessie. Mula sa pagkakatitig sa'kin ay lumipat ito sa yellow chrysanthemum petals na nagkalat sa kinatatayuan ko, sa mesang naka-set up for two, sa champaign glass, sa speakers, sa gold and silver balloons na nakadikit sa kisame, sa naka-flash na Will you begin a new journey with me? sa LED monitor at sa blue lights sa gilid hanggang sa tumigil ang paningin niya kay Blyke na hawak ang microphone.

"Siya na naman?" out of nowhere, she asked. I wanted to shrug her question off but it felt like, may ibang meaning 'yun. Unti-unting nawala ang pagkakangiti ni Blyke at napaawang ang labi dahil hindi niya alam ang isasagot. "So, this is the-Congrats, I'm very surprised!" atas niya. "Wow! Hindi ako makapaniwalang ganito ka pala mag-surprise—"

Naputol ang galit ni Blessie nang magkasunod na nabasag ang mga bintana sa putok ng baril. Tumakbo si Blyke at nakayuko siyang inalalayan para magtago sa isang mesa sa sulok.

"See you soon," I mouthed as I opened the other door and threw myself out of the room. Nakataas pa ang kilay ni Blessie at kunot ang noo nang umalis ako. Whatever their issue about me was, labas na ako run. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako magkaka-issue gayung gh-in-ost ko silang lahat.

"Saan ka pupunta?" Napaatras ako nang makasalubong ko ang isang VU guard. Isa pang guard na siyang bumaril kanina ang papalapit naman sa akin. The hallway was not that narrow pero mahihirapan akong tumakas.

I tried running away pero napasigaw lang ako sa sakit nang hilahin ng lalaki ang aking buhok.

In a snap, I found myself on the other side of Zebbe, her guards and Caleb. Katulad ko'y napapaligiran din sila ng mga VU guards na may bitbit na armas.

"Babe, are you okay? Sinaktan ka ba nila?" sigaw ni Zebbe. Umiling ako habang hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko. "If ever they'll hurt you, tell me! Sasabunutan at bibigyan ko ng magkapatid na sampal-"

"You shut your mouth up!" Buong-buong boses ng lalaking malapit sa akin ang nangibabaw. Halatang inip na ito. "Or else I will slap you—"

Hindi siya pinatapos ng mga balang tila literal na umulan mula sa itaas. Napatingala ako't nakita ang isang helicopter sa ibabaw mismo naming lahat na tuloy-tuloy na nagpapaputok ng minigun.

Nagkagulo ang lahat at nang magsipasok ang mga VU guards ay nagkaroon ako ng chance para tadyakan at sipain ang private part ng dalawang lalaking may hawak sa'kin at napabaluktot sa sakit.

"Babe, here!" Inabot ko ang kamay ni Zebbe na nakaabang sa akin at sinuong namin ang pag-ulan ng mga bala.

Mabilis na pinatakbo ang speedtail car, ang isa sa pinakamabilis na kotse sa mundo, kaya naiwasan namin ang pagkakatama. Nakita ko nga kanina kung paano hinulugan ng bomba ang dalawang kotse ng VU guards na agad nag-apoy at umusok.

"Brace yourselves!" sigaw ng driver nang mapansin ang paglapit sa'min ng helicopter. Ilang daang metro ang karerahan ng sasakyan namin sa nasa himpapawid bago kami nagawi sa isang open space na tulay. Napa-tsk ang lalaking kasama namin nang bumaba ang helicopter at huminto ilang metro ang layo mula sa'min dahilan para mapahinto kami.

"Jaxx?" gulat kong tanong nang makita siyang lumabas ng helicopter at tinutukan kami ng baril. Napagdesisyunan naming lumabas na lang kaysa maging abo sa loob kapag binomba niya kami rito.

"Oh, here she is! The only apple of my eye!" Jaxxon mockingly laughed as soon as we faced him. Nakita ko ang pag-ikot ni Zebbe ng mata. "Kumusta ka na, mahal ko?"

"Stop calling her names. She doesn't love you, Jaxxon!" singit ni Caleb na kahit nahihirapan ay pinilit makatayo nang maayos.

"At sino ang mahal niya?" natatawang tanong ni Jaxx. "Ikaw ba, Caleb? Ikaw na nang-iwan sa kaniya noon? Ikaw na umalis ng walang pasabi at hindi man lang inisip kung paano nun dudurugin ang puso ng babaeng sinasabi mong hindi ako mahal?"

Confused akong napalipat ng tingin kay Caleb na napalunok at hindi halos makatingin ng diretso kay Jaxxon.

"Kailangan kong gawin 'yun dahil walang-wala na ako. I thought what if my parents weren't criminals, maybe we wouldn't be as chaotic as now. Hindi ko sana kinailangang lumayo para buhayin ang sarili ko. Siguro walang naiwan, walang pagkakaibigang nasira at walang nasasaktan." Bakas sa boses ni Caleb ang bigat ng nararamdaman. Tumungo siya't hinayaang bumagsak sa kalsada ang mga butil ng luha.

"Siguro nga walang dapat itakas gaya ng ginawa mo noon. Walang taong naiwang hindi alam kung ano ang gagawin para lang mabuhay," ganti naman ni Jaxx.

"Desisyon kong sumama sa kaniya, Jaxx," sabat ko nang ma-realize kung saan papunta ang usapan. He shouldn't blame Caleb for the decision I made for myself to be happy and free.

"C'mon, Mariyah! Dahil ba hindi ka pa naka-move on sa ex-boyfriend mong nang-iwan at bumalik para agawin ka kahit hindi ka naman niya pag-aari?" Bakas ang galit sa tono ng pananalita niya at sa pamumula nang kaniyang mukha. Namayani ang sandaling katahimikan.

"Did you even love me for once? Sa mga taon na ako ang nanatili sa tabi mo, minahal mo ba talaga ako?"

His voice started to crack and tears came out unexpectedly. "Look, we were childhood friends-close friends-but Caleb always had your attention, your care and your love. I was watching you falling for my best friend and I know you know how it hurts."

Sunod-sunod na bumagsak ang kaniyang mga luha. It made my chest heavier and difficult to breath. His words were stabbing me twice as painful as I remembered how Zebbe betrayed me in the past. I wanted to hug him, comfort him pero hindi ko alam kung paano o kung pwede ko bang gawin 'yun.

"Ikaw, Caleb! This is all your fault!" Malakas na sigaw niya at itinutok ang baril kay Caleb.

"Mamamatay muna ako, Jaxx, bago mo siya mababaril," paninindigan ko at iniharang ang sarili kay Caleb. Naramdaman ko ang paghawak ni Zebbe ng kamay ko pero tiningnan ko lang siya't ibinalik ang tingin kay Jaxx.

"No, you won't do this—"

"Yes, I will!" Kung kaya niyang gawin 'yun, kakayanin ko rin kahit naaawa ako sa sitwasyon niya.

"No, not for him who dumped you."

"Hindi ibig sabihin hindi na niya ako mahal," pagdadahilan ko.

"You were depressed and failed in all the subjects because he—"

"It was my choice!"

"Your dad died in cardiac arrest for what happened to you, Mariyah." Nagsimulang manginig ang kamay niyang nakahawak sa baril.

"It was his time and I couldn't do anything to save him. Leave my dad alone, Jaxxon. Let him be in peace."

Lalo siyang namula at hindi makapaniwala sa determinasyon kong labanan siya.

"Please don't make me do this. I love you so much and our daughter still needs a mother!"

I suddenly felt pity for him. Nasa akin ang anak namin at wala siyang magagawa to get her back or even me.

"Oops! Can I join your intense conversation?" singit ni Zebbe na may dalang maliit na device. Jaxx's jaw clenched as he was expecting me to step back. "For your information, Mr. Jaxxon Andreas, Chandrea Andreas isn't your biological child," mahinahon ngunit may halong kaartehan at pang-aasar ang pagkakasabi nito.

"Stop making lies, Ms. Zenesstier! It won't clean you and your selfish image."

Napahigkhik si Zebbe at pinindot ang device. "According to the DNA test done between Caleb De Castro and Chandrea Andreas, it shows a very clear paternal connection of 99.999% probability of paternity." Pagtutukoy niya sa information na nakasulat sa isang DNA test result na naka-flash sa hangin. "You can fool everyone, Jaxxon, but not yourself, right?"

"All this time, I was so close to my daughter," wala sa sariling usal ni Caleb. "Tinago mo siya sa'kin ng mahigit anim na taon.. Jaxxon, dude, why?" Nanlulumong tanong niya at napaiyak na rin.

"Dude? The last time I know you cut ties with me!" Nasaspo ni Jaxx ang noo. "Masama na kung masama pero hindi ba dapat salamat ang maririnig ko mula sa'yo, Caleb?" Lalong naging intense ang titigan nilang dalawa habang pinapanood lang namin sila ni Zebbe. Natawa siya sa sarili, "pero sino ba ako para mag-demmand ng pasasalamat? Isang obsessed na lalaking nag-take advantage at nag-alaga ng anak ng lalaking mahal ng babaeng hindi siya kayang mahalin sa mata ng lahat."

Hindi ako makatingin ng diretso kay Jaxxon na naibaba na ang dalang baril. I felt bad for him, again. I hated it because I couldn't even remember everything. I wanted to also make things clearer but how? Hindi ko nga kayang maalala lahat ng nangyari between the three of us, paano pa kung makikisali ako.

I would only complicate the situation.

Quota na si Jaxx at Caleb sa lahat ng sakit. Nagkakasakitan lang kaming lahat dito, to be exact. I never wanted these. No one deserved to feel this way.

"I'm sorry, Jaxx." Blurry man ang paningin ko'y binigkas ko iyon. He deserved freedom as I was. "I'm sorry for being insensitive for so long. Sorry for not being able to give back all the love you made me feel. I'm sorry for not being the faithful wife you dreamed of." Sa paraang naaninag ko si Jaxx na tuluyang inilapag sa kalsada ang baril at humakbang papalapit sa akin, lalo akong nadurog.

"Patawarin mo ako, Jaxx, kung sarili ko lang inisip ko.. kung napabayaan ko kayo noon ni Chaichai," pagpapatuloy ko habang pahirap ng pahirap ang paghinga ko. "I don't deserve you anymore," umiiyak ring umiling si Jaxx. Napangiti ako ng mapait. "Sana hayaan mo akong makabawi sa paraang alam ko, sa paraang ikabubuti nating lahat."

The moment I realized kung gaano ka-honest ang ngiting namutawi sa kaniyang mga labi, naihakbang ko ang aking mga paa. Akmang pipigilan ako ni Caleb ngunit makahulugan siyang tiningnan ni Zebbe. Nang lingunin ko siya'y blanko lang siyang nakatingin sa akin. I smiled assuringly and made three more steps towards Jaxxon.

Ang isang hakbang ay naging dalawa, naging tatlo hanggang sa naging pagtakbo. The next thing I knew, nakasubsob ako sa dibdib ni Jaxx habang mahigpit akong niyayakap.

"I'm sorry, Jaxx," I said in between my cries. "Sorry."

"Ssshh.. ako ang dapat mag-sorry, ako dapat." Marahan niyang hinaplos ang likod ko na mas ikinahagulgol ko. "I was too hard on you that I forgot to make you truly happy. I was too self-centered," tuluyang pumiyok ang kaniyang boses at hinigpitan ang yakap.

"I believe mahahanap mo rin ang totoong magpapasaya sa'yo, Jaxx." Kumalas kami sa pagkakayakap at parehong sumisinghot habang nagpupunas ng basang mukha.

"Ngumiti ka na. Nakatingin sa'tin ang true love mo. Nandiyan na ang ama ng baby natin," pag-j-joke niya, "baka isipin niya sinasaktan kita't pagsusuntukin na naman ako."

Pasekreto siyang tumingin kay Caleb at sabay kaming natawa. Nasuntok ko pa ng mahina ang matigas niyang tiyan.

"Take care. Patuloy pa rin kitang mamahalin, ha?" Pinunasan niya ang pisngi ko't isinuksok sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa'king mukha.

"Humanap ka na kasi ng totoong magmamahal sa'yo. Though hindi man kasing ganda ko, at least kasing bait ko naman." Kumindat ako sa kaniyang hanggang tainga ang ngiti. Magkaakbay kaming naglakad pabalik kina Zebbe at Caleb.

"Job well done!" Lahat kami napalingon sa babaeng kabababa lang ng helicopter na lumapag sa kabilang side ng tulay. Pumapalakpak siya't taas-noong naglakad papalapit sa'min.

Who's this woman with a grand entrance?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro