Epilogue: Reality Check

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EPILOGUE

REALITY CHECK

Everyone's jaw dropped as the woman, in her fitted dress stopped few meters behind us.

"Job well done! If I didn't know you all, I would assume you're in a movie shoot. Very impressive acting skills!"

She's surely a familiar persona. Sinisigaw ng tindig at pananamit niya ang taas ng katayuan niya sa lipunan.

"Aunt Blaire?" As expected, sa'ming lahat, si Zebbe ang pinakagulat sa nakita. Lalong lumawak ang ngiti nito na bineso pa siya.

"Kumusta ka na, my dearest niece?" Ngiti lang ang tugon ni Zebbe kaya lumipat ang tingin niya sa akin. "It's nice seeing you again, Ms. Merced and Professor De Castro!" panimula niya. "I love your reconciliation scene a while ago."

Magpapasalamat sana ako dahil hindi siya galit sa'kin kahit siya ang Grand Master ng VU na gusto akong ipapatay nang maglabas siya ng silencer na baril mula sa purse na dala at itinutok 'yun sa akin.

"But I hate that you're happy for the desperation of others!" singhal niyang ikinakaba ko.

Nanlisik ang mga mata niya't nakataas ang isang kilay.

"Aunt Blaire, can you put that gun down? Tinatakot mo po kami," ani Zebbe. She scoffed.

"I have no plan of not pulling the trigger, my dear Zebbe. Someone has to pay for her parents' debt!"

Nagtatanong ko siyang tinitigan, nanginginig na napahawak naman sa braso ko si Zebbe.

"C'mon, of course you had no idea! You were just an innocent young girl back then when your mother decided to go against me."

Nanlambot ang mga tuhod ko at walang ibang naiusal kundi ang word na po? Hindi ko alam ang pinagsasabi niya.

"You really don't remember?" Tuluyan na siyang sumabog nang magsilabasan ang mga ugat niya sa leeg sa pagsigaw na 'yun. "You are the living proof how your father cheated on me and how your mother stole everything from me!"

My forehead creased in confusion. Her words reminded me of something. May mali, e. Alam ko, ramdam ko.

"Trust no one fully except yourself. The fur woman is just near, roaring for her next pray."

Just then, mama's letter for me flashed back. Naka-darkmagenta below-the-knee fitted dress siya, accented with faux fur to cover her sleeveless shoulders. Her turtle neck dress and fascinator hat made her look fiercer and intimidating.

She's the fur woman I'd been looking for.

"My papa loved mama so much. Tanging naalala ko lang po ay kung paano nila minahal at pinahalagahan ang isa't isa. Kaya nilang isakripisyo ang sarili nila para sa akin," usal ko, reminiscing my remaining memories with them.

"How sweet!" she exclaimed, pouted then laughed evilly. "Are you ready to sacrifice for them?"

Ano ba ang habol niya sa'kin? Sino ako para pag-initan niya ng ganito? I met her once and she seemed harmless but now, she's ready to devour me alive.

"Bakit ka ba galit sa'kin, Grand Master? Litong-lito na ako sa mga sinasabi mo. Can you get straight to the point—"

"I am the first and only original wife of your father, Tim Laurier! Kabit lang ang mama mo!"

Nag-echo ang sigaw niya at ang huling sentence ang paulit-ulit na nag-rewind sa isip ko.

"Tim Laurier?"

"Yes, Timothy was my husband before he left for your mother who's bearing you. Your mother was even a trouble maker so I couldn't think of any reason why he chose her!" hysterical niyang bulalas na ikinagimbal ng mundo ko.

"I couldn't give him a baby kaya nung nalaman niyang magkakaanak siya sa mama mo, he vanished! I was depressed and everything we worked hard for eventually went to nothing. Little did we both knew, I was pregnant and my baby had to die prematurely due to the depression I suffered without his knowledge."

Habang nakikinig ako, so many things flashed back to my mind. Paalis-alis si papa noon, palipat-lipat kami ng bahay at kung anu-anong trabaho ang pinasok nila. Kaya pala..

Hindi ko rin lubos maisip na kailangan pang mamatay ng anak nila para lang mabuhay ako.

"And for the longest time—now that I found you, I want you to suffer. I'm up for revenge!"

"Ano pa bang kailangan mo sa'kin? Patay na ang mama ko pati na ang papa ko—" sabat ko pero agad niyang pinutol ang pagpapaliwanag ko.

"My husband died because of your mother! He died protecting the wrong woman. She knew he was a hot target of drug lords for being the boldest lawyer in town. Nagmakaawa ako, umiyak ako sa harap niya. Lumuhod ako but she never listened. Now that she's dead, I'll give you the reunion you've been longing for." She hissed hysterically.

"Mahirap kang hulihin ng buhay ng mga tauhan ko and you' re not even intimidated of the death threats I sent, so maybe, it's time to give us the closure I've been tortured for all by myself," mahabang litanya niyang matalim pa rin ang titig sa akin. Now things were finally making sense.

"Kung mapapatay mo ako," nagmamakaawang tinitigan ko siya ng diretso, "ikasasaya mo po ba 'yun? Kung buhay pa si papa ngayon, sa tingin mo babalikan ka niya kung mapapatay mo ako o ang mama ko?"

Napalunok siya't kumurap na nagpapatak ng kaisa-isa niyang luha.

"Hindi. Ms. Laurier, violence will never be an answer to a broken heart. A friend of mine once said that we are broken for us to be fixed for a greater purpose. Nasasaktan po tayo para gumaling, bumangon at gawin nang mas maganda ang papel na dapat nating gampanan." Nakagat niya ang ibabang labi, napapikit at lalong bumuhos ang kaniyang mga luha. "Is that how you wanted to be remembered?"

"I don't care about my image!" taas-noo niyang sigaw.

"Of course, you do! Kaya nga po gusto niyong maghiganti dahil hindi mo po matanggap na ang tingin sa'yo ng tao ay isang babaeng successful ang career pero failed ang marriage, hindi po ba?" Natigilan siya't nagsimulang manginig ang mga kamay. "Ms. Laurier, it's been more than twenty years since your heart tore apart. Sana'y mahanap mo po riyan sa puso mo ang pagpapatawad dahil sa paraang 'yun lang0 muli kang mabubuo." Humugot ako ng malalim na hininga't inayos ang sarili. I even cleared my throat.

"In behalf of my parents, I'm sincerely sorry. Patawad kung nasaktan o niloko ka nila. We all commited mistakes naman, hindi po ba?" I swallowed again as I felt the tension inside me.

"What I learned was that forgiveness is free for all but forgiving must come from the heart. No matter how much pain they've caused you, true happiness isn't found, it comes with accepting people and the failures they make." I paused for a while. "I'm very sorry, Ms. Laurier. Sana mapatawad mo ako at ang mga magulang ko."

"Are you done begging for your life?" She firmly asked. Tumango ako't naipikit na lang ang mga matang napayuko.

Siguro nga rito na magtatapos ang buhay ko. Sabi nga ni Jaxx, destined things found its way. Kahit anong pigil mo, darating at darating pa rin ang kailangang mangyari.

"One single bullet. If I miss, you're lucky but if I hit you bull's eye, your bad. Bid your last goodbye, Ms. Merced!"

Napahinga ako nang malalim. It's literally a do-or-die game.

Everything's muted. Silence overtook the place. No loud noise, the only thing I felt was Caleb holding my hand me from the side.

Five seconds had passed.

Eight seconds.

Ten seconds.

"Stop it, Ms. Zenesstier!" rinig kong sigaw ni Jaxx.

"Huwag mong gawin 'yan, Zebbe! You're just complicating things," agarang dagdag ni Caleb. Napatingala ako't tumambad sa akin ang pag-aagawan nina Zebbe at Ms. Laurier ng baril.

Ginawa ni Zebbe ang lahat para maagaw ang baril hanggang sa isang mahinang tunog ng pagputok ang aming narinig.

"No, no, no," rinig kong wika ni Jaxx nang magkatinginan kami.

"No, this can't be—JOW!" sigaw ni Caleb na hindi pa rin ako binibitawan. Nahagip ng aking mga mata ang mga natigilang reaction nila Zebbe at MS. Laurier na hawak pa rin ang baril.

Bull's eye.

Dugo.

Dugo ang nakikita kong bumabalot sa'king kamay. Galing iyon sa damit ko sa tapat ng aking dibdib. Napatingin ako kay Caleb at kusang kumawala ang aking mga luha.

Pabigat ng pabigat ang dibdib ko. Nawawalan ako nang lakas para manatiling nakatayo. Dahan-dahan akong napaluhod hanggang sa tuluyang napahiga.

"Baby," tawag ni Caleb sa'kin nang bumagsak ako. Agad niyang sinalo ang aking ulo't hiniga sa kaniyang mga hita. "Baby, wake up. Hindi ka pwedeng pumikit, do you understand me?" mahinang tinapik niya ang pisngi ko.

I shyly smiled as his face zoomed in my sight. "This very same face.. s-same face I met and fell in love with." Hinaplos ko ang mukha niya. I wanted to remember every single detail of it. "I'm sorry k-kung nakalimutan kita. I know you'll love our baby more so I'm—" Nahinto ako sabay lumukot ang mukha sa pait ng dugong dumaloy pataas ng aking lalamunan.

"I-I'm giving you my consent, jow. Alagaan mo ang anak natin." Naghahabol na ako ng hininga. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'king kamay. "Raise her well, s-she looks so much like you." Napapikit ako nang mapaubo ako ng dugo.

Lumapad naman ang ngiti ko nang maaninag ko ang imahe ni Jaxx. "J-Jaxxon, honey. I'm happy na magkakasundo na kayo ni Caleb. Dalawa na kayong magiging—aahh!" Napasigaw ako sa pagkirot ng aking dibdib. "Dalawa na kayong—uh—d-daddy ng anak natin."

"Don't say that, honey. Tayong apat ang magmamahal ng buo kay Chaichai, 'di ba?" umiiling na tanong niya.

How could I smile when what I heard was supposed to make me happy but was suffocating me? Pasakit ng pasakit ang dibdib ko't animo'y ilang minuto na lang, mauubos na ang natitirang hangin sa'king katawan.

"Hahanapan mo pa nga ako ng bagong mamahalin para maka-move on ako sa'yo," pagpapatawa niya pero beyond the pain from the bullet, mas nasasaktan akong baka hindi ko na 'yon magagawa para sa kanila.

"I never promised, Jaxx. I-It's sad but.. maybe—aaah! M-Maybe, I can't see you s-smiling ear-to-ear again." Tears glimmered in my eyes. Kakaibang init ang hatid ng paghawak niya sa kabila kong kamay habang hinahalikan ito't umiiyak rin. "Can you promise to s-smile—hoo! F-For the rest of your life, Jaxxon?" Mabilis siyang tumango, lumuluha.

"Zebbe.." tawag ko sa pinakamamahal kong kaibigang hanggang dulo'y hindi ako iniwan. Hindi ko alam paano pero agad siyang napaluhod sa tabi ni Caleb. "Babe, s-sorry and... thank you."

Those three words meant everything to me. Sa lahat ng naging bahagi ng journey ko at sa lahat ng mga nasaktan ko, gusto kong mag-sorry at magpasalamat at the same time. Sa mga panahong magkasama kami, iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya. She smiled but the glimmer in her eyes spoke differently.

"B-Babe... always appreciate those who s-stayed—"Napabaluktot ako sa sakit na naramdaman ko sa'king buong katawan. Hindi ko na kaya. Mabilis niya akong niyakap, hindi alintana ang pagmamarka ng dugo ko sa kaniyang damit. Binitawan nila ang aking mga kamay at hinayaan akong gumanti ng yakap sa pinakamamahal kong babae. "Love them. Lalo na—hooo—'yung nagmamahal sa'yo ng p-patago," pambubuking ko sa kabila ng pagsikip ng dibdib ko. Lito siyang kumalas at tumingin sa'kin. I smiled in response.

Isang nakabibinging katahimikan ang sunod na nagibabaw. Hindi iyon natural dahil isang matulis na tunog ang bumibingi sa akin kasabay ng mas pagsikip ng dibdib ko.

The time I knew I was about to take my epilogue, ipinagdikit ko ang mga kamay nila't nakangiting pumikit. The last thing I saw was my daughters face smiling sweetly at me. Gusto pang tumibok ng puso ko—gusto ko pa 'tong patibukin ng matagal—but I ended tearing up and accepting that I had to take my final bow.

Finally, Mariyah Merced was signing out.

"Bes.. Beesss.." a wavy and dreamy voice registered to my ear. Pamilyar iyon at ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga.

"BES!"

Bumalikwas ako ng bangon sa lakas ng pagkakasigaw niya, habol-habol ang hininga.

"Buhay ako?" bulalas ko't kinapa ang aking dibdib na tinamaan kanina.

"Syempre naman! Nahimatay ka lang kanina run sa gitna nang maraming tao," inginuso niya ang lugar kung saan marami ang nag-p-picture taking.

"Nahimatay lang ako?" Nasapo ko ang noo. Kailangan kong mahanap si Caleb, Jaxx at Zebbe.

"Sila Caleb? Nasaan na sila? Nahuli na ba si Ms. Laurier?" sunod-sunod kong usisa pero nagtatanong lang niya akong tiningnan. Binigyan niya ako ng nababaliw-ka-na-ba? look.

"Hello, anong nahithit mo, bes? Cheese ng corn on stick ba? Hahaha!" Humalakhak siya't umayos ng upo sa pahabang bench kung nasaan kami ngayon. "Caleb ka diyan.."

"Corn on stick?" bulong ko sa sarili. Kung totoo 'yung corn on stick, totoo rin si Caleb!

"Si Caleb nga nasaan?"

"Sino ba kasi si Caleb ha?" Naiirita niya akong nilingon mula sa panonood sa phone niya. Natigilan ako. Kung hindi siya nag-eexist, sino 'yung nakasama ko k-kanina?

"Umuwi na ang guest?" takang tanong ko at napatingin sa stage na naka-lights off na.

"Kanina pa, bes. Kung hindi ka nga nahimatay, e 'di sana naka-VIP seat na ako run. In-offer-an kaya ako nung gwapong guy na nagdala sa'yo rito ng VIP tickets natin."

"M-May nagdala sa'kin dito?" Tumango siya. "Sino?" agarang dagdag ko.

"Hindi ko alam. Hindi kasi nagsabi nang pangalan. By the way," may kinuha siyang papel na naka-fold mula sa bulsa at ibinigay sa akin, "para sa'yo. Text or call him na lang daw kung gusto mong magpasalamat."

Agad kong kinuha ang papel saka muling tinupi nang akmang sisilipin niya. "Sa'kin 'to binigay. I need privacy," pagbibiro ko. Napangiwi siya't muling nanood sa phone.

Meet me in Airees village tomorrow if you want to tell me something. I'll be waiting. –Dorthon Lee

Napaisip ako kung pupuntahan ko siya. He seemed harmless the way his note read. Twenty-minute ride lang din ang address niya mula sa apartment namin.

Kinabukasan, nagbihis ako ng maaga at nang makita ako ni Gift since magkatabi lang kami ng kwarto'y sinabi kong pupuntahan ko iyong tumulong sa akin. Gusto pa niyang sumama ngunit hindi ko na pinasama, baka magkalat lang siya run.

"Or maybe, worried kang maagawan kita ng boylet, 'no?" pang-aasar niya. Naitulak ko siya papasok ng kaniyang kwarto.

"Ay ambot nimo uy!" natatawa akong tumalikod, "alis na 'ko. Pakibantayan na lang ng kwarto ko ha?"

"Oo na, sige na, señorita!"

Nakangiti akong lumabas ng apartment at sumakay ng taxi na b-in-ook ko kagabi bago natulog. Binigay ko ang address sa driver at halos thirty minutes pa bago kami huminto sa tapat mismo ng gate ng village.

"Good morning po!" bati ko sa guard na pinagbuksan ako ng gate. "May nakatira po ba ritong Dorthon Lee?"

Ngumisi siya't tumango bago tumalikod at pumasok ng guard house nila. May tinawagan siya sa telepono bago ako binalikan. "Actually, kanina ka pa hinihintay ni Sir Dorthon, ma'am. Klaro!" baling niya sa lalaking nakaupo sa scooter na agad itong pinaandar at lumapit sa'min. "Ihahatid ka po niya ma'am sa bahay ni Sir Dorthon."

Mabuti na lang at naka-black cycling shorts, puting crop top shirt sa loob ng pulang hoodie paired with white sneakers and red cap kaya komportable akong sumakay sa scooter. Sinubukan ko ngang suyuin si kuya driver na ako ang mag-d-drive at siya ang sasakay para maiba naman pero hindi siya pumayag.

"Salamat po!" Kinawayan ko siya bago tiningnan ang kabuuan ng gate at ang malaking bahay sa likod nito. Nahimas ko ang aking baba nang ma-realize na sobrang pamilyar ng lugar—ang gate, ang mga daan at kalsada ng village at ang bahay mismo.

Lalo akong na-curious kung ano ang hitsura niya, kung siya ba iyong nakita ko bago ako nawalan ng malay, at kung siya nga ba ang Kalebb na inakala ko nung gabing iyon.

Walang bumukas ng gate sa unang doorbell ko at nang akmang pipindutin ko na ulit ay doon tumunog ang gate. Para bang naka-slow motion ang pagbubukas nito hanggang sa bumungad sa'kin ang lalaking medyo may katangkaran.

I'm not sure if it was the peacefulness of the village that gave me this nostalgic feeling. The moment his eyes met mine, I knew he was real.

"Hi," nakangiting bati niya sa'kin.

Nanatili akong tahimik, tracing the details of his physique. Bagsak ang itim niyang buhok na tinatakpan ang kaniyang noo, makapal ang mga kilay, may katangusang ilong—sikretong napasinghap ako. How could I miss his thin lips which shined as he smiled? His well-formed jawline that clenched everytime he's holding back his temper and his Adam's apple were giving me goosebumps.

Muling bumalik ang paningin ko sa mga mata niya. Those eyes, those pair of hazel blue eyes, that never lied to me.

With a restless heart that's pumping a hundred times faster, I smiled back.

"Caleb," ilang hakbang lang ay nayakap ko siya ng napakahigpit "sumunod ka!" Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasaya ang aking pusong makita siyang muli.

"I missed you.." aniya sa mismong tainga ko't ginantihan ng yakap, "so much."

He then looked into my eyes and with smiles curved in our lips, I closed my eyes as his soft lips landed on top of my head, marking his territory for the second time and forever.





THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro