Chapter 6: Her Sweet Lullaby

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 6

HER SWEET LULLABY


"Good morni-aah! Ouch!" impit kong sigaw nang maramdaman ang bigat at sakit ng aking katawan. Bahagya kong naiunat ang aking mga braso ngunit sadyang masakit nga talaga. Napatingin ako sa wall clock ko at pasado alas nuwebe na pala.

"Mukhang napasarap tulog natin ngayon, M'nM, a!" natatawang usal ko't nasapo ang mainit na noo.

Biglang nag-flash back ang lahat ng nangyari kagabi. Kung paano ko piniling saktan ang sarili ko nang mas pinili kong lumingon kaysa patuloy na umiwas sa maaari kong masaksihan. At sa isa pang pagkakataon, muling nadurog ang puso kong wala namang ibang ginawa kundi ang magmahal at umintindi.

Natakpan ko ng kumot ang aking mukha at doon ibinuga ang isang malalim at puno ng hinagpis na buntong-hininga.

"You can do this, Mariyah. Kaya mong magpakatanga para sa pag-ibig na 'yan, 'di ba? Panindigan mo na!"

Inayos ko ang sarili at muling ibinaba ang kumot. Itinuon ko ang paningin sa stickers nina Tom at Jerry sa kisame. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Iba talaga ang impact nila sa akin.

Bahagya akong tumagilid at doon ko lamang napansin ang isang tray. Meron itong isang plato ng kanin, scrambled eggs at bacon strips. May kasama pang apple at tubig sa gilid nito.

Dahan-dahan akong bumangon at mas lumapad pa ang ngiti ko nang tuluyan kong mahawakan ang plato't maamoy ang mga niluto niya.

"Rest well, beautiful. Get well soon!" A sticky note read.

Tugdugdugdug.

Ang ganda ng penmanship niya, pambabae.

"Yiieee!" tili ko pa. Gusto kong magwala sa kilig pero kapag nagrereklamo ang sakit ng katawan ko'y napatigil ako. Nang pakiramdam ko'y natunawan na'y bumalik ako sa pagkakahiga.

"Oops. I'm sorry. Did I wake you up?"

Nagulat ako nang imulat ko ang aking mga mata'y sumalubong ang maamong mukha ni Caleb. Bitbit niya ang isang basong tubig at gamot. 10:30 na pala ng umaga.

Agad akong napaupo at inayos ang sarili. Bahagya rin akong napatalikod saka patagong pinunasan ang gilid ng mga labi ko, baka may tuyong laway ako. Nakakahiya!

"Uh-h-hindi naman." Tipid akong ngumiti.

"Uminom ka muna ng gamot." Abot niya ng isang tableta sa akin na agad ko namang nilunok matapos magdasal saka isinunod ang tubig.

"Thank God you're fine. Last night you were burning hot."

Muntik na akong masamid nang inilapat niya ang likod ng kaniyang kamay sa noo ko, bakas sa kaniyang mukha ang ginhawa.

"B-Baka fatigue lang 'yon," rason ko at pekeng ngumiti.

"You're putting so much pressure to yourself. You've always been staying awake all night to study. Give yourself some time to rest and unwind. We only have one life to live, Mariyah and we can't afford to be regretful for the rest of our lives just because we overwork ourselves on things that should be taken moderately." Mahabang litanya niya.

"Professor na professor pagkaka-English natin, a?" Sagot ko kaya napatingin siya sa suot niyang light blue na polong may pagka-barong, may mga design na nakaburda sa gitna nito saka pinaresan ng itim na slacks at pagkakinis-kinis na school shoes.

"I'm just concern. Last night I literally panicked, as in literally." He sighed in disappointment. "Please don't do that again. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag naulit pa 'yong kagabi."

Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin kaya napa-ismid na lang ako.

Weeeh? Enjoy na enjoy ka nga sa kahalikan mo kagabi. Inis kong sabi sa isip.

"Of course, I will. Para tuluyan ka nang mabaliw sa akin. Charot!" Bawi ko agad saka natawa kahit totoo naman.

Tamang charot lang 'pag humarot. Paano kaya mabaliw sa babae ang isang Caleb De Castro? I wanna see.

"Tsk, kung hindi lang talaga kita-"

"Ano? Sige, ano? Mahal? Love? Sinisinta? Iniibig? Amore? Beloved? Hiniguma?" pambabara ko sa kaniyang hanggang tainga ang ngisi at nakataas ang mga kilay.

"Tssh. Matulog ka na nga lang ulit. Para ka namang walang lagnat. Napa-absent pa tuloy ako." Pahina nang pahina ang boses niyang inayos kunwari ang baso ng tubig at platitong pinatungan niya nito.

"A-Ano? Nag-absent ka sa university para lang painumin ako ng gamot?" Gulat kong tanong na ikinalaki ng mga mata niya.

"A-Anong lang? O-Of course n-not! I'll withdraw my letter and I'll be back for work, if that's what you assume."

Tatayo sana siya nang bigla kong hilahin ang kamay niya't itinapat 'yon sa leeg ko. Tutal andito naman na siya, aba, susulitin ko na 'tong quality time namin.

Pagkatapat ng balat niya sa leeg ko ay naramdaman ko ang bigla namang pag-init ng aking mga pisngi. Iba ang init na naipapasa ng kamay niya sa balat ko kung kaya't nagbibigay ito ng kakaibang boltahe ng kuryenteng dumaloy paibaba magpahanggang talampakan ko.

His touch was making me weaker and weaker.

"You're burning hot again, Mariyah!" Natataranta niyang nakapa ang noo ko saka bumalik sa leeg ko. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa kaya sa isip ko na lamang ay halos malagutan na ako ng hininga sa nakikita kong reaksyon niya. Pakiramdam ko ibang hotness ang tinutukoy niya.

"Okay lang ako, Caleb. Hangga't nandiyan ka sa tabi ko, alam kong wala akong dapat ipag-alala."

"B-But-"

"Lumalambot ka na ba sa akin ngayon, hmmm? Sabi nga nila, walang matigas na tinapay sa mainit na kape." Malumanay kong tanong habang binibigyan siya ng mapang-akit na tingin at ngiti.

"H-Huh-"

"Psssh." Itinapat ko ang hintuturo ko sa gitna ng mga labi niya. Pinadausdos ko ito hangang sa kaniyang dibdib habang hindi tinatanggal ang pakikipagtitigan sa kainya.

"M-Matulog ka n-na nga-"

"Paano kung ayaw ko, may magagawa ka ba?" Pagpuputol ko ulit at narinig ang pagbuntong-hininga niya. Napahalakhak ako sa isip.

Fall for me, baby, fall so hardly.

"You'll sleep or I'll sing? You choose, Mariyah," pagmamatigas niya kaya mas napangisi ako.

"Pwede both?"

He deeply sighed and contemplated. "Fine. I'm doing this because you're not feeling well. Please, huwag kang masyadong umasa sa boses ko. Masasaktan ka lang."

Gusto kong tumawa sa sama ng pagkaka-disclaimer niya. Para siyang kakatayin sa kaba.

"Sige na. Humiga ka na't kakantahan kita at in return, matutulog ka. Kailangan mong magpalakas.. para sa akin."

Sinadya niyang pahinain ang boses niya sa huli niyang sinabi pero hindi niya alam na narinig ko naman talaga. Keleg to the joints, beh!

"Ano nga 'yung last na sinabi mo, Caleb?" pang-aasar ko.

"W-Wala."

"Anong wala? Meron 'yun, e."

"Wala nga, wala."

"Ahh, okay. Kailangan ko palang magpalakas-para sa 'yo? Kaya sige matutulog na ulit ako," dagdag ko na mas ikinalaki ng mga mata niya. Nakangisi akong humiga't inayos ang kumot hanggang sa dibdib ko.

"La-la-la-la

Hmm-hmm-hmm"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinili niyang kanta o kikiligin sa sobrang lalim ng boses niya. Kanta ba 'yun kung matatawag? May tono nga pero walang lyrics.

"~La-la-la-le

Oh yeah, hmm-hmm~"

Amazed na amazed akong napatitig sa kaniya habang pumipikit-pikit pang kumanta sabay hawak sa dibdib.

Successful ang lullaby niya dahil hindi nagtagal ay napahikab ako't unti-unting bumigat ang aking mga talukap.

Nakaramdam ako ang pagdausdos ng tubig mula sa aking noo pababa ng aking mukha. Agad akong napadilat nang papasok na ito sa aking tainga at napabalikwas ng bangon.

Habol-habol ang aking hininga'y naramdaman ko naman ang pamamasa ng aking tiyan. Nang tingnan ko iyon ay may isang nakatuping towel sa tapat ng tiyan ko. Nakapa ko ang aking noo at basa nga ito. Doon ko lang na-realize na nalaglag lang pala iyon mula sa aking noo. Alas dose pasado pa lang ng tanghali. Pagtingin ko sa gilid ay nakaupo si Caleb habang nakapatong ang ulo niya sa kaniyang mga braso sa gilid ng aking kama.

Ayokong gambalain siya sa maganda niyang panaginip kaya naka-face palm ko na lamang siyang tinitigan.

"Okay na sana, Caleb, e. Kaso.."

Nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi at ang posibilidad na siya at si Kalebb ay iisa ang nagpapadurog sa puso't buo kong pagkatao.

"K-Kaso may mahal ka ng iba. Kung pwede lang na a-ako na lang, 'd-di ba?"

Napasinghap ako ng maraming hangin sa pagsikip ng aking dibdib.

"Prof. Caleb, a-ako na lang, please," pagmakaawa kong animo'y naririnig niya ako't sabihin niyang ako na ang pinipili niya. Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay ngunit agad akong napapahid ng mga luha nang maramdamang nag-aapoy siya ng lagnat.

"Oh my God, Caleb." Gustuhin ko mang sumigaw sa pag-aalala'y hindi ko magawa dahil naaawa rin ako sa kaniya. Napagod siya sa pag-aalaga sa akin kanina.

"Hmm.." Bigla siyang naalimpungatan kaya mabilis akong napahiga at nagtulog-tulugan.

Habang nakapikit ako'y naramdaman ko ang pagdampi ng mga daliri niya sa aking kaliwang pisngi saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakakalat sa'king mukha.

TSUP.

I got frozen when his lips landed on my forehead. I didn't know how to react. He was so cold but his lips seemed to be firey hot.

"Sleep well, hinigugma ko."

Bigla akong nabingi matapos kong marinig ang ibinulong niya. Napapigil ako ng hininga at na-squeeze ang mga kamay sa ilalim ng kumot. Napalunok ako't ilang segundong tumigil sa pagtibok ang aking puso.

Ilang sandali pa'y tumunog ang pinto, sign na lumabas na nga siya ng kwarto kaya agad akong napabangon at suminghap ng sako-sakong hangin.

"That was really insane!"

Hindi makapaniwalang nakagat ko ang unan saka sinuntok-suntok iyon, hinampas-hampas sa kama pagkatapos ay hinagis sa kisame.

***

"Here's a phone in case you'll be needing me." Kaswal na aniya habang inaabot ang isang cell phone sa akin.

It's been a week since I was sick and everything between us remained the same.

Tinitigan ko lamang ang nasa kamay niya.

"Bakit? I-I mean.. bakit mo ako binibigyan niyan?" nagtatakang tanong ko pero hindi niya pa rin binababa ang kaniyang kamay.

"I mean may extra phone ka pa pala? All this time gusto kong kontakin 'yung best friend ko, mga kaklase ko, instructors ko lalong-lalo na ang landlady namin baka kasi tinapon na niya lahat ng gamit ko sa labas! Why?" Napatayo na rin ako sa harap ng inuupuan kong sofa.

"Will you shout at me just because you think I deprived you the right to contact those people or take the phone and call them right away?"

Natahimik ako. Ilang sandali akong natigilan bago tuluyang tinanggap ang phone. Tipid lang siyang ngumiti saka agad tumalikod at naglakad paakyat ng hagdan.

Hindi ko matanggal ang aking mga mata sa cell phone na hawak ko ngayon.

"Wait. Sino ba una kong tatawagan? Si Gift ba para kumustahin siya't sabihin ang dahilan kung bakit bigla akong nawala o 'yung landlady ng apartment upang tanungin kung may pumulot na ba ng mga gamit kong itinapon niya sa kalsada?"

I hardly contemplated.

"Okay, okay. Si Gift na lang. 09-Wait.. 0-09-" Natigilan ako sandali. Nanlaki ang mga mata kong nakatutok sa keyboard ng monitor sa napagtanto ko.

"Bakit hindi ko na maalala ang phone number niya?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro