Chapter 7: Meeting Him

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Trigger Warning: The following scenes contain violence and sexual assault. Reader discretion is advised.

CHAPTER 7

MEETING HIM


"Ano nga ba 'yung number ni Gift? 09756-ARGH!" Nasabunutan ko ang sarili sa sobrang inis. Magpahanggang ngayo'y hindi ko pa rin maalala ang number niya. I also tried my calssmates' numbers pero lahat ay hindi ko rin maalala.

I felt so stressed but I tried my best not to tell Caleb about it. Pinagalitan ko siya kanina gayung alam naman niyang wala akong dala pagdating dito pero heto ako, walang maalala ni isang tamang numero para matawagan ko man lang.

"She's calling! She's calling!" Boses ng babaeng AI ang narinig ko habang umiinom ako ng tubig sa kusina. Ngunit hindi ko iyon pinansin.

"She's calling! Zebbe is calling! Zebbe is calling!"

Palakas ng palakas ang mababang tonong boses ng babae. Sa curiousity ko'y sinundan ko ang pinanggalingan nito.

It's his phone on the center table of the sala. After making sure everything's clear, I picked up the phone and answered it.

"Good morning, Calebaby, this is your Zebbabe!" Bungad ng tumatawag kaya agad akong napatingala. Biglang nagwala ang puso ko. Tama nga silang may mga bagay na dapat hindi na natin inaalam dahil minsan ikapapahamak lang natin.

"Just wanna check on you, baby. Sobrang excited ko na kasi sa date natin mamaya!"

I managed to compose and calm myself not until she mentioned their date.

Bigla kong naalala ang nangyari sa novel. Their very first date was the night that Caleb was gun shot and almost died. It almost numbed my system.

"Hey, are you still there, baby? O-Oh, you don't have to answer. I know you're excited too. Basta, see you on the venue, okay? Bye! Mwaps!" Mahabang litanya ni Kween saka ibinaba ang tawag. Napabuntong-hininga ako.

I had to do something. Siguro ito ang dahilan kung bakit kasama na ako ngayon sa kwento. Ang purpose ko ngayon ay iligtas si Caleb-kung siya man talaga si Kalebb-mula sa kapahamakan.

"Caleb, hintayin mo ang babaeng magpapabago sa takbo ng inyong kwento."

Iniwan ko na sa sofa ang cell phone niya matapos kong i-delete ang detail ng pagtawag ni Kween Zebbe kanina. Buong araw kong pinlano kung paano ko siya maililigtas. Naghanap pa ako sa mga sites kung paano mag-s-save ng taong mababaril. Mabuti na lang may hologram na lumalabas kapag pinapanood ko ang mga videos kaya nagkaroon ako ng idea kung paano.

5:35 na ng hapon at handa na ako. Hinihintay ko na lang na lumabas si Caleb ng kwarto para masundan ko siya. Nang makita ko mula sa'king pintuang nakabukas ang pagbaba niya'y dahan-dahan na rin akong lumabas ng kwarto.

"Okay, Mariyah. It's time to make your own destiny," usal ko, humigop ng napakaraming hangin saka walang tunog na bumaba na rin ng hagdan.

"Kuya susundan po natin 'yung kotse," utos ko sa driver ng taxi habang nakaturo sa sasakyan ni Caleb. May car reservation app na naka-install sa phone na ibinigay niya kaya nagpa-book ako kanina.

Sa unang limang minuto'y sakto lamang ang takbo namin hanggang sa unti-unti itong bumilis na sinasabayan pa ng pagdami ng nakakasabay naming mga sasakyan.

"Kuya, pakibilisan po. Baka mawala na 'yang kotse sa paningin natin!" Natatarantang pakiusap ko sa driver pero nangyari nga ang kinatatakutan ko. Biglang lumiko ang kotse ni Caleb at hindi na nahabol ng driver dahil may ibang sasakyang sumunod dito.

Ilang ulit kaming nagpabalik-balik sa lugar ngunit hindi pa rin namin mahanap ang kaniyang kotse.

"Alam ko na po, kuya. Kapag may nakita po kayong poste ng kuryente diyan sa kanan tapos may puno ng mangga sa gilid, kumanan po tayo tapos diretso," utos ko ayon sa naaalala kong pagkaka-narrate sa kwento ng BID.

"Ayon naman po 'yung malaking tindahan, kuya. Kaliwa po tayo!"

Makakahinga na sana ako nang malalim dahil nadaanan namin lahat ng palatandaang nabasa ko ngunit biglang tumigil ang mundo ko sa aming narinig.

Kasabay ng isang malakas na pagsabog na ayon sa driver ay nagmula sa isang gulong na umalingawngaw sa madilim na gabi ay ang aming biglaang paghinto. Sinundan ito ng tunog ng isang sasakyang nawawalan ng preno saka biglang bumangga sa kung anumang bagay.

"CALEEBB!" Puno ng pagkabigla at pag-aalalang napasigaw ako. Nag-uunahan ang tibok ng aking puso at aking hininga.

"K-Kuya, kuya, puntahan po natin 'yung kotse! Puntahan na po natin, please!"

Natataranta ako't nanlalabo ang paningin sa mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"P-Po?" tanong ng driver na may kung anong ipinunas sa unahang bahagi ng driver's seat.

"Ang sabi ko puntahan na natin 'yung kotseng nabunggo! Oh God, Caleb, please be safe. Please, please, plea-"

Ilang saglit pa'y may naamoy akong kakaiba. Unti-unti nitong nilalamon ang aking sistema habang hinihigop nito ang aking lakas. Namanhid na ang halos buong katawan ko at segundo lang ang itinagal, tuluyan nang umikot ang paningin ko't nawalan na ng malay.

"Hmm.." Nalukot ang mukha ko sa sakit ng aking katawan nang mahina akong gumalaw. Bumungad sa'kin ang nakabukas na pinto ng taxi sa may ulo ko at naaninag ko ang hindi pangkaraniwang dilim. Isang dilim na puno ng takot, pag-aalala at walang kasiguraduhan.

Agad akong napapikit at kunwari'y wala pa ring malay nang mapansin ko ang kaluskos ng mga damo, may papalapit sa posisyon kong sinasabayan ng malakas na kabog ng aking dibdib.

Naramdaman ko ang paggapang ng braso niya sa likod ko habang ang isa nama'y nasa aking binti. Dahan-dahan niya akong inangat at pakiramdam ko'y inilabas niya ako mula sa taxi dahil dumadampi na sa aking balat ang lamig ng gabi.

Gusto kong pumalag. Gusto kong kumawala at tumakbo na lang. Ngunit nakakalungkot lang isipin, hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas upang igalaw man lang ang isa kong kamay. Napakalakas ng epekto nang naamoy ko kanina at parang pina-paralyze nito ang buo kong katawan.

Mahina akong napa-aray nang pabagsak niya akong inihiga sa mamasa-masa pang damuhan. Pinilit kong dumilat ngunit hindi ko kaya dahil baka mukha lang ng demonyong 'to ang makikita ko.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang bigat niya sa ibabaw ko. Napatingin na talaga ako sa kaniya. Gusto kong lumaban ngunit animo'y halimaw siyang handa akong lamunin ng buhay. Nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin, kinakagat ang kaniyang ibabang labi. Nakakapandiri.

Natatakot ako.

Kinakabahan.

Pinagpapawisan.

Lihim na nagdarasal ng tulong.

Hinawakan niya ang magkabilang pulso ko't inilagay iyon sa bawat gilid ng ulo ko-madiin, masakit. Pumapalag ako pero panghihina lang ang dulot nito sa tuwing susuntukin niya ako sa sikmura.

Malakas ko na lang naipikit ang aking mga mata. Paisa-isang tumutulo ang mga luha ko nang simulan niyang halikan ang aking leeg. Nais kong sumigaw ng tulong ngunit walang anumang boses ang lumalabas mula sa bibig ko. Nais kong muling magpumiglas ngunit hindi kaya ng katawan ko.

Panginoon ko, tulungan mo po ako.

Hindi ko man maaninag ang pagmumukha niya'y naninindig ang mga balahibo ko sa bawat paglapat ng labi niya sa aking balat. Nakakapangilabot.

Dahan-dahang bumaba ang mga labi niya, walang pinapaglapas mula sa braso ko magpahanggang sa pulsuhan ko. Isang masakit at mapait na pangingiliti iyon sa aking balat. Mas bumuhos pa ang aking mga luha.

Lumipat ang atensyon niya sa aking pang-itaas na damit na ngayo'y punit na. Napakuyom ang aking kamao nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking balikat. Tuluyan na ngang lumapat ang kaniyang labi dito. Napahagulgol na ako ng iyak.

Unti-unti itong bumaba at kaunti na lamang talaga ang kulang, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin upang pigilan siya. Napapikit ako ng mariin sa inis sa sarili. Bakit wala akong magawa?

Nang mapangisi muna siyang nakatingin sa aking dibdib na wala nang saplot ay napakalakas na ilaw ang nagliwanag sa amin mula sa isang direksyon. Kasabay nito ang pagtunog ng napakalakas na brake ng isang motor sa tapat mismo namin.

Agad napahinto ang lalaki at pareho kaming napatingin sa bagong dating. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari dahil sadyang napakabilis nito. Hinawakan ng taong kararating lang ang lalaki sa kaliwang balikat, hinarap ito saka pinalapat ang mabigat nitong kamao sa kanang pisngi. Nabitawan ako ng lalaki dahil napahawak siya sa kaniyang pumutok na mga labi at nag-uusok sa galit ang pagmumukha.

Mabilis itong tumayo at nang akma nitong sumagot ng suntok ay nakaiwas ang bagong dating. Tumagilid ito at pinaulanan ng suntok sa tiyan ang lalaking driver kaya tumilapon ito. Napaupo ako sa gilid sa sobrang takot na pati ako'y madadamay. Niyakap ko na lamang ang aking sarili habang silang dalawa'y nagpapalitan ng suntok.

"Waaaaaa!" Sigaw ng driver nang sumugod ito bitbit ang isang maliit na kutsilyo ngunit nang sasaksakin na niya ang lalaki'y nakaiwas na naman ito.

Madiin nitong hinawakan ang pulsuhan ng driver na may hawak ng kutsilyo saka hinampas ito sa kaniyang tuhod dahilan para malaglag ang kutsilyo't mapasigaw sa sobrang sakit. Tinuhod naman nito ang tiyan ng driver nang nagpupumiglas ito. Napaluhod ang driver habang hawak ang tiyan at namilipit sa labis-labis na sakit.

"Next time, choose your victim wisely. Not that you're taking advantage of someone's weakness just like her. It's disgusting!" Galit na singhal ng lalaki sa driver na kalauna'y bumagsak sa lupang nauna pa ang mukhang sumubsob at nawalan ng malay.

Napatingala ako sa lalaking nasa'kin na rin pala ang tingin. Inilahad niya ang kamay ngunit puno pa rin ako ng takot at nanginginig ang buo kong katawan. Matapos ang ilang segundong pagtitig lamang sa kaniyang kamay ay tinanggap ko na iyon. Inalalayan niya akong tumayo, pinaakbay ang kanang braso ko sa kaniya saka dahan-dahan akong naglakad sa iginiya niyang papunta pala sa kaniyang motorsiklo.

"Are you okay? Just hold me tightly so you won't fall," aniya na hindi pa rin tinatanggal ang helmet sa ulong kanina pa niya suot. Para tuloy siyang Power Ranger habang nakikipag-away kanina. "Trust me, you're in good hands now," dagdag pa niya nang mapansing natutulala pa rin ako sa nangyari.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinalibot sa kaniyang baiwang dahilan para mas magkalapit ang aming mga katawan. Ganoon man ang ginawa niya'y hindi ako nakaramdam ng takot at pagdududa sa kaniya.

Nakaramdam ako ng seguridad at kapayapaan sa presensya niya. Alam ko ngayong wala nang makakasakit at mananamantala sa akin dahil nandito siya, kasama ko.

Sa buong byahe namin ay nakasubsob lang ang mukha ko sa likod niya-umiiyak, humahagulgol dahil sa mga naganap. Hindi ko lubos akalaing sa kagustuhan kong mailigtas si Caleb mula sa kapahamakan ay ako pa ang mapapahamak at muntikan nang magahasa.

Hindi ko tuloy maiwasang mas humagulgol pa nang maalala ang nangyari kay Caleb. Kumusta na kaya siya? Wala kaya siyang galos o anumang injury? Nakauwi na kaya siya ng bahay?

"Caleb.."

Sobrang paos na ng boses ko. Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari dahil lubha akong inantok.

"Hmm-A-Aray!"

Nalukot ang mukha ko nang sumakit ang katawan ko sa pagpipilit na maupo sa kamang hinihigaan ko ngayon. Nailibot ko ang aking mga mata sa bawat sulok ng kwartong napakalinis tingnan. Hindi pambabae o panlalaki ang disenyo ng kwarto, tamang-tama lang.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Iniluwa nito ang isang lalaking sa tingin ko'y kasing tangkad ko lang, mga 5 feet 8 inches. Doon ko lamang nakita ang buo niyang mukha. Maaliwalas ang kaniyang aura, may kaputian ang kulay ng balat, medyo mahaba ang buhok na naka-man bun sa likod.

Ilang saglit pa'y isang batang babae na sa tingin koy nasa anim na taong gulang ang sumunod sa kaniyang pumasok at pumulupot sa kaniyang braso.

Nang makalapit na sila sa aki'y biglang nanlaki ang mga mata ng batang babae, napatingala sa lalaki na may nagtatanong na mga tingin. Dali-dali itong bumitaw sa pagkakahawak ng braso ng lalaki, napatakbo at halos masakal ako sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin.

"I missed you so much, mommy! God finally answers my prayer to bring you back home."

Hindi ako makagalaw. Kahit paghinga ko'y napatigil kasabay ng tibok ng aking puso.

"M-Mommy?" Ng may pinagdugtong na mga kilay, nagtataka akong napatanong sa batang babae na malapad pa rin ang ngiting humiwalay mula sa mahigpit na pagkakayakap sa akin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro