Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"A- Andrew?", tanong ni Garreth sa kanya.

Hindi naman malaman ni Andrew kung ano ang gagawin.

"What the!", natatarantang sigaw ng isip niya.

Nagpalipat- lipat ang tingin sa kanila ni Bianca.

"Magkakakilala kayo?", takang tanong ni Bianca.

"Yeah! He is my----"

Pinutol ni Andrew ang iba pang sasabihin ni Garreth.

"Ah, pinsan siya ng kaibigan ko", bigla niyang sabi. At tumitig dito.

Kumunot naman ang noo ni Garreth. Parang nakuha nito ang ibig niyang sabihin.

"Ah. Hahaha! What a small world!", natatawang sabi ni Charlene.

"Oh Guys! Kain na muna tayo at later na tayo magchikahan", sabi naman ni Maggie.

"Oo nga naman. Medyo nagugutom na ako, eh", segunda ni Charlene.

"Una ka na babe. May itatanong lang ako sandali dito kay Andrew", sabi ni Garreth.

"Una ka na rin. Susunod ako", sabi ni Andrew kay Bianca at saka ngumiti.

"Okay!", sagot ng dalawang babae.

Nang makalayo na sa kanila ang dalawang babae ay tinanong siya kaagad ni Garreth.

"Bro, what are you doing? Isang taon kang nawala and dito lang pala kita makikita", bulong sa kanya nito.

"Garreth, may ipapakiusap lang ako. Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nagkita tayo. Lalong-lalo na kay lolo", pabulong naman niyang sagot.

"Pero Andrew, isang taon ka na nilang hinahanap. Siguro naman ay panahon na para umuwi ka at humingi ng tawad sa kanila. Isa pa, bumalik na sa London si Joyce"

Napabuntong hininga siya.

"Huwag muna ngayon, Garreth. Hindi pa panahon para umuwi ako", sabi niya.

Tumango ito.

"Pero alam ba ng girlfriend mo ang tunay mong pagkatao? I mean, pakiramdam ko, tinatago mo sa kanya ang tungkol sa pagkatao mo"

Umiling siya. "Hindi", tipid niyang sagot. Hindi na rin niya sinabi dito kung ano ang kaugnayan niya kay Bianca.

"Oh? Nag-uusap pa rin kayo? Mamaya na iyan at kumuha na kayo ng foods", sabi ni Bianca na tapos na palang kumuha ng pagkain. Kasama nito ang kaibigan na si Charlene.

"Oo nga", sabi naman ni Charlene.

Nagtinginan lamang silang dalawa. At saka nauna na si Garreth na kumuha ng pagkain niya. Sumunod na lamang siya dito.

Samantala, habang hinihintay nina Bianca at Charlene ang dalawang lalake ay nag- chikahan muna sila.

"Kumusta ka na? Balita ko famous writer ka na at naisapelikula na rin ang nobela mo", excited na tanong ni Charlene kay Bianca.

Napangiti siya. "Oo nga eh. Heto maganda pa rin", sabi niya saka humagikhik.

"Loka-loka! Maganda ka naman talaga. Buti nga hindi kayo ni Ivan ang nagkatuluyan. Kundi, hindi mo mami-meet si papa Andrew mo. Ang pogi!", kinikilig na sabi sa kanya ng kaibigan.

"Ehem. Sino ang pogi?", tanong ni Garreth na nasa likuran nila. Nakabalik na pala ang dalawa. At pagkatapos ay umupo.

"Babe, don't be jealous. Ikaw pa rin ang pinakapogi para sa akin", paglalambing ni Charlene dito.

Natawa naman si Bianca. Saka napatingin kay Andrew. Napawi ang ngiti niya nang mahuli niyang nakatingin rin ito sa kaniya.

"L-let's eat", maya-maya ay sabi niya sa mga ito.

Habang kumakain ay nakikiramdam lang si Bianca. Medyo tahimik kasi si Andrew at patingin-tingin ito kay Garreth.

"Oh! My gosh! Hindi kaya at bakla si Andrew?", tanong niya sa sarili.

Muntik siyang mabulunan sa naisip. Napatingin sa kanya ang tatlo.

"Are you okay?", tanong sa kanya ni Andrew.

Tumango lamang siya. At ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

Nang masigurado ng host sa reunion na tapos na silang kumain ay nagkaroon sila ng ilang activities. Pagkatapos ay sinabi nitong pwede ng sumayaw ang may mga partners.

Naunang tumayo sina Charlene at Garreth. Umupo lamang siya. Hindi kasi siya marunong sumayaw.

"Wanna dance?", tanong sa kanya ni Andrew.

Umiling siya. "I'm fine", nakangiti niyang sagot.

"Hindi ba at ang main reason kung bakit mo ako kinuhang fake boyfriend ay dahil sa mga kaklase mo? Tssss.. Sayang naman ang ibabayad mo sa akin", napailing na sabi nito sa kanya.

"Hindi ako marunong sumayaw"

"Sweet ang music, oh. Kaya mo 'yan. Let's go?", anyaya nito kanya.

Napaisip siya. Tama nga naman ito. Ngumiti siya at tumayo.

"Good", sabi ni Andrew.

Nang nasa gitna na sila ng dance floor, ay napapatingin ang halos lahat kababaihan sa kanila kahit may mga partners na ito. Lumulutang kasi ang kaguwapuhan ni Andrew.

Napangiti siya.

"So, balik ulit sa normal ang buhay mo pagkatapos nito?", tanong sa kanya ni Andrew.

Tumango siya. "Yeah."

"You can still contact me if you want", pilyo nitong sabi sa kanya.

Natawa siya.

"Ano ka ba? Hindi na ako aattend sa susunod na reunion ,nuh"

"Okay. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit wala ka pang boyfriend"

"Nagtataka nga rin ako. Hehehe"

"Maghanap ka na. Hindi biro ang magiging single na lang habang buhay. 'Yung iba nga, mga magulang na ang naghahanap ng mapapangasawa ng mga anak nila", sabi nito sa kanya saka napabuntong hininga.

"What do you mean?"

"Uh- nothing. Pero hindi ka ba pinapakialaman ng parents mo when it comes to your love life?"

"Hindi naman. 'Yun lang mga kapatid ko ang nangungulit sa akin na maghanap na raw ako ng mapapangasawa", sagot naman niya.

"I see.", sabi nito.

Huminto ang musika. Nag-aya na siyang umupo.

Nag-uusap pa sila nina Charlene. May mga activities na naman. Pero hindi sila sumali. Hanggang sa matapos ang reunion nila.

Bago sila tuluyang umalis sa lugar na iyon ay may mga lumalapit sa kanya at nangungumusta. Ang iba naman ay sinabihan siya na swerte raw siya sa boyfriend niya dahil sobrang guwapo nito.

Napapangiti na lang siya.

"Bianca, magkita tayo ulit ha. Kulang ang isang araw para magchikahan", sabi sa kanya ni Charlene.

"Oo bah. Heto ang calling card ko. Itext or tawagan mo lang ako", sagot niya.

"Thanks. Andrew, ingatan mo itong friend ko ha", sabi naman nito kay Andrew.

Ngumiti si Andrew at tumango. "Sure"

"O, paano. Una na kami. Pwede ko bang makuha ang contact number mo, bro?", sabi naman ni Garreth kay Andrew.

"Just give me your number. Ako nalang ang co-contact sa iyo. Here, i-type mo dito", at iniabot ni Andrew ang cellphone kay Garreth.

Napailing na lang si Garreth. Pero tinype din ang number doon.

"Thanks", sabi ni Andrew.

"Bye Bianca, bye Andrew", paalam sa kanila ni Charlene.

"Bye Charlene, Garreth", sagot ni Bianca.

Kumaway lang si Garreth at lumakad na sila ni Charlene.

Nagtinginan silang dalawa ni Andrew. At sabay na silang pumunta sa kotse niya.

------------------

"Thanks for today", sabi ni Bianca kay Andrew nang maihatid siya nito pauwi.

"You're welcome"

"Oh, by the way, here's your payment. And maraming salamat ulit", sabi niya at iniabot ang pera dito.

"Thanks. Paano, uuwi na ako", paalam nito.

Tumango siya. "Ingat", sabi niya pero biglang bumigat ang pakiramdam niya nang sabihin iyon.

"Thanks. Bye", at tumalikod na ito.

Tiningnan na lamang niya ito habang naglalakad palayo sa kanya. At bigla siyang nalungkot.
Tapos na ang adventure niya.

++++++++

A/N:

Naku, ano nga kaya ang tunay na pagkatao ni Andrew nuh?

Abangan!

At alamat nga pala sa mga readers. :-)

------Megan-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro