Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Tita, I actually saw and talked to Andrew yesterday", hindi nakapagpigil si Garreth sa sarili at sinabi rin sa kaharap ang totoo.

Kausap niya ang ina ni Andrew na si Vicky Fernandez.

Nagiging malungkutin kasi ito nang lumayas si Andrew sa kanila.

"Saan mo siya nakita, iho?", sumigla ito nang marinig ang pangalan ng anak.

"Sa reunion po nina Charlene. At kasama po niya ang girlfriend niya"

"Anong sabi niya? Hindi pa ba siya babalik dito? At anong hitsura ng girlfriend niya? Maganda ba?", sunud sunod na tanong ni Mrs. Fernandez.

Napakamot siya sa ulo nang itanong sa kanya nito ang tungkol sa "girlfriend" ni Andrew.

"Eh, ayaw pa po niyang bumalik Tita. Siguro ay galit pa rin siya kay lolo sa ginawa nitong pagpipilit na ipakasal siya kay Joyce. And yes Tita, maganda po ang girlfriend niya. Best friend niya sa high school si Charlene", sagot naman ni Garreth.

Biglang nalungkot ulit ang ginang nang marinig nito ang sagot ng pamangkin tungol sa lolo ni Andrew.

Napabuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ni Garreth.

"Nasa mabuting kalagayan ba si Andrew?"

"I don't know Tita. Pero parang naman. Actually 'yung girlfriend niya ay isang sikat na writer"

"Sinabi ba niya kung saan siya nakatira?",

Umiling si Garreth. "Hindi po Tita, ni hindi nga niya binigay ang number niya. Pero pwede po nating kausapin ang girlfriend niya. May cellphone number sa kanya si Charlene", balita niya dito.

"Sige iho. Kung pwede rin Sana, makipagkita tayo sa girlfriend niya"

Natigilan si Garreth. Naalala niya na hindi pala alam nito ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Andrew.

"Ah, Tita, hindi daw po alam ng girlfriend niya ang tungkol sa kanya", sabi niya.

"Ganoon ba iho? Gusto ko sanang makita ang girlfriend niya"

Nalungkot talaga ang ina ni Andrew.

"Ganito nalang tita, magpanggap ka na lang na kamag-anak ni Andrew. Itatanong ko kay Charlene kung saan ito nagtatrabaho para makausap natin siya", ito lang ang naisip na paraan ni Garreth para Malawi ang kalungkutan ng Tita niya.

"Talaga iho? Sige, pwede na rin tayong magpanggap", sagot nito.

"Sige ho Tita Vicky. Kakausapin ko si Charlene tungkol dito", sabi niya.

Napailing na lamang si Garreth. Si Andrew ay pinsan niya. Labag sa kalooban nito nang ipinagkasundo ito ng lolo nila sa apo ng partner nito sa negosyo kaya napilitang lumayas.

-------------------

Nasa harap na naman ng laptop niya si Bianca. Tapos na ang reunion nila pero blangko pa rin ang isip niya at walang maisipan na panibagong istorya na isusulat.

"Uy, friend! Ano na? Bakit nakatunganga ka pa rin diyan?", tanong sa kanya ni Ysa.

Tumingin siya dito. "Ayaw pa rin gumana ng utak ko", sagot niya.

"Ganern? Dahil ba hindi mo na makikita 'yung si Andrew?"

"Ano? Hindi kaya! Ayaw lang talaga gumana ng utak ko", sagot niya. Pero sa totoo lang, buong araw na niyang naiisip si Andrew.

"Asus! Oh, speaking of Andrew, kumusta naman ang reunion ninyo noong sabado?"

Napabuntong hininga siya.

"Okay lang. Pinagtitinginan kami. Tapos, nandoon ang bruhang si Lucy and friends niya", sagot niya.

"Wala bang ibang nangyari? Walang goodbye kiss?", tukso sa kanya nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Anong goodbye kiss?! Grabe ka bes!", sabi niya.

Humalakhak ang kaibigan niya.

"Ssshhhh... Hindi lang kayo ang tao dito", sabi ng isa nilang kaoposina.

Tumigil si Ysa sa pagtawa.

"Pasensiya na", sagot ni Ysa.

Natawa na lamang siya ng mahina.

May kumatok sa pinto ng opisina nila. Secretary ng department nila na si Claire. Lumapit ito sa kanila ni Ysa.

"Bianca, may mga naghahanap sa iyo. Nasa visitor's lounge sila", sabi nito sa kanya.

"Sino daw?", tanong niya.

"Kaibigan raw ng boyfriend mo. Teka, may boyfriend ka na ba talaga?", tanong nito sa kanya.

Napatakip siya sa bibig. At napatingin sa kaibigan.

"Puntahan mo na. Ikaw ha, may hidden boyfriend ka na pala", at humagikhik pa ito bago lumabas sa opisina nila.

"Naku friend, parang hindi pa yata tapos ang adventure mo. Hehehe", sabi sa kanya ni Ysa.

"Kaloka, puntahan ko muna ang bisita ko", at lumabas na siya sa opisina.

----------------------

Pagpasok niya sa visitor's lounge ay nakita niya ang isang ginang at ang ipinagtataka niya ay kasama nito ang asawa ng kaibigan niyang si Charlene.

"Garreth? Anong ginagawa mo dito?", nagtataka niyang tanong saka umupo.

Ngumiti si Garreth. "Hi Bianca! Sorry if nadistorbo ka namin ng Tita ko. By the way, this is my Tita Vicky, Tita si Bianca nga po pala, girlfriend ni Andrew", pakilala sa kanila nito.

Bahagya siyang naubo sa huling sinabi nito.

"Are you okay, iha? Mabuti naman at nakita na kita. Ang ganda mo pala", nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Thank you, ma'am. Ah, bakit po kayo nandito?", tanong niya.

"Ah, nagpunta kami dito kasi gusto sana naming humingi ng contact number ni Andrew. At kung saan siya nakatira", si Garreth ang sumagot.

Naalala niya na pina-type ni Andrew kay Garreth ang number nito sa cellphone.

"I see. Hindi ba at may number si Andrew sa iyo? Hindi pa ba siya kumukontak?"

Umiling si Garreth. "Hindi eh, hinintay ko nga kasi may importante kaming sasabihin ni Tita sa kanya"

"Oo iha. Kung may impormasyon ka tungkol sa kanya, pwede ba naming makuha?", malungkot na sabi sa kanya ng ginang.

Natigilan siya. Sa totoo lang, tanging cellphone number lang ni Andrew meron siya. Hindi niya alam kung saan ito nakatira. At hindi na rin sila nag-uusap.

At nagtataka rin siya kung bakit hinahanap ng mga ito si Andrew.

"Hmmm, bakit ninyo pala siya hinahanap?", tanong niya.

"Bianca, gustuhin man naming sabihin sa iyo, ay hindi talaga pupuwede. Siya lang ang may karapatan sabihin sa iyo ang lahat- lahat", seryosong sagot ni Garreth.

"Huh? What do you mean?", naguguluhan niyang tanong.

"I smell something fishy here", bulong ng isip niya.

"Only him has the right to tell you everything. But for now, kailangan talaga namin siyang makita at makausap. Matutulungan mo ba kami, iha?", sabi sa kanya ng tita ni Garreth.

"I don't know kung ano ang ibig sabihin mga ito, but asawa naman ni Charlene si Garreth, at hindi ito ordinaryong tao sa pagkakaalam ko. Total ay tapos naman ang usapan namin ni Andrew", bulong ng isip niya. 

Bumuntong-hininga siya. "Okay, bibigyan ko po kayo ng contact number niya. Pero huwag na huwag po ninyong sasabihin sa kanya na ako ang nagbigay"

Ngumiti ang ginang at hinawakan ang kamay niya.

"Salamat iha", sabi nito.

"Thank you, Bianca. Tama nga ang sinabi ni Charlene na ang bait mo", sabi naman ni Garreth.

Tumango siya at tumayo. "Wait here. Kukunin ko muna sa opisina ang cellphone ko"

Tumango ang dalawa sa kanya.

Pagbalik niya galing sa opisina ay ibinigay niya sa mga ito ang contact number ni Andrew.

"Salamat talaga, iha. Paano ka ba namin mapapasalamatan?", tanong ng ginang sa kanya na bakas ang kasiyahan sa mukha.

"Wala hong anuman. Sige po at babalik na ako sa opisina", sabi niya.

At pagkatapos ay bumalik na sa opisina.

----------------

Nasa isang coffee shop si Andrew ng mga Sandaling iyon nang may matanggap na tawag.

Hindi nakarehistro ang numero kaya nagtataka siya kung sino ang tumatawag.

"Hello?", sagot niya.

Natigilan siya nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya.

"Andrew, anak. Mommy mo ito
P-  Pwede ba tayong magkita?"

++++++++++++

A/N:

Thank you sa mga nagbabasa.  Wala along maisip na sasabihin kaya hanggang dito na lang muna. Hihihi

-------Megan-------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro