11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

"Bagay ba sakin bakla?" Tanong ni Ian habang sinusukat yung mga damit na pinamili niya.

"Kahit naman sabihin kong hindi, kukunin mo pa rin," inirapan ko siya pero ang bwisit tinawanan lang ako. "Mabuting 'di ka na lang nagtanong 'di ba?" Dagdag ko pa.

Binayaran niya na yung mga pinamili niya at pumunta na kami sa mga make up kit o mga ginagamit sa mukha.

Ang bakla na'to ang arte-arte, dinaig pa ako, ano bang nagustuhan dito ni Jefferson? Buti na lang hindi siya niluluko ng lalaki.

Ano kayang mangyayari kay Ian kapag niluko siya ng boyfriend niya, maraming magaganda dito at higit sa lahat pogi din naman si Jeff, kaya hindi malabong magkagusto ito sa babae.

"Jenna, wala ka bang bibilhin?" Tanong niya sa'kin.

"Wala, 'di ko na kailangan ng ganiyan para gumanda, maganda na ako," inirapan niya ako bago namili ulit ng mga gagamitin.

Naglibot-libot lang rin ako doon at tumingin ng mga gamit, kaso hindi ko bet, yung iba kase meron na ako sa bahay, hindi rin naman ako mahilig mag lipstick at puro lip gloss lang ako, hindi rin ako nagpupolbo dahil dumadami ang pimples ko.

Nakakita ako ng facial mask kaya yun na lang kinuha ko, kumuha rin ako ng extra lotion at pabango.

Pagkatapos mag bayad ay dumiretso kami sa restaurant para kumain, naabotan na kase kami ng tanghali kaka-window shopping ni Ian.

"Si Namjil ba yun?" Agad akong napatingin sa tinuro ni Ian, ganon na lang ang gulat ko ng makita may kahalikan siyang lalaki.

The fuck?

Ganitong ganito yung nakita ko sa panaginip ko, pero hindi si Ian ang kasama ko, kundi si Ci-L.

"May plano ako gurl," malademonyong ngumiti si Ian st inutusan yung waiter na doon na lang dalhin yung order namin malapit sa kanila.

"Ano na naman yang kademonyohan mong plano?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Trust me," kinindatan niya ako bago hinila palapit kayla Namjil, para silang uhaw sa isa't isa na hindi man lang nahiya na maraming tao sa paligid nila.

Mabilis ang naging kilos ni Ian at agad kaming nakarating sa lamesa malapit sa kanila, at ang lintik, hindi man lang kami napansin, busy na busy sa ginagawa nila, kadiri.

"Ahem!" Malakas na sabi ni Ian, pero ang dalawa wala pa ring pakialam.

Tumayo na ako dahil sa inis, mabilis akong lumapit sa kanila at nagpamewang sa harapan nilang dalawa.

"Excuse me!" Malakas kong sigaw, wala nang pakialam kahit may iba pang makarinig.

Nakakahiya yung ginagawa nila, para silang uhaw na uhaw sa isa't isa, hindi man lang nahiya sa ginagawa, wala ba siyang dignidad? Pinag-uusapan na sila ng mga tao dito sa restaurant, yung iba pa nga kinukuhaan sila ng picture. Nakakahiya.

"J-jenna?" Pawis na pawis siyang tumingin sakin, pati yung lalaking kahalikan niya, hindi naman guwapo, para namang mauubusan ng lalaki itong si Namjil.

"Ano!? Wala ka ba talagang hiya sa sarili mo? Para kang baliw na walang pakialam sa iniisip ng ibang tao," napatingin naman siya sa paligid at halos malaglag ang mata sa subrang laki. "Ano na lang ang sasabihin ni Tito at Tita kapag malaman nila ito!?" Inis kong tanong.

Para siyang bayarang babae na kahit saan pwedeng maglampungan at higit ng kung sinong lalaki.

"J-jenna... P-please... W-wag mo sabihin kayla Mommy at Daddy..." Naluluha niyang pakiusap.

"Ayan, diyan ka magaling, pero kung awayin mo si Jenna parang wala ng bukas," singit ni Ian.

Tuluyang ng pumatak ang luha sa kaniyang mata, yung lalaki naman nakayuko na at hindi na makatingin samin.

"Ngayon, nahihiya kayo? Pero hindi n'yo man lang naisip na mapapahiya kayo bago n'yo ginawa 'yang kahihiyan n'yo," napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. "Bahala ka sa buhay mo," lumabas na ako ng restaurants kasunod si Ian.

"Girl, ano plano mo?" Tanong ni Ian.

"Uuwi," tipid kong sagot.

"Haystt, alam mo, masiyado kang mabait kaya ka inaabuso ng pinsan mo, pagkatapos no'n, ayus na ulit? Aawayin ka na naman niya? Hirap kase sa'yo, ikaw na yung nasasaktan pero mas gusto mong manahimik na lang, kagaya ngayon, kay Ci-L, hindi ko naman sinasabi na may kasalanan yung tao, kase hindi niya naman kasalanan kung hindi ikaw ang gusto niya diba?" Mahaba niyang sabi.

Ang daming sinabi wala namang saysay, napabuntong hininga na lang siya matapos ko siyang iwanan.

Naglakad lang ako pabalik ng bahay, napadaan pa ako sa court malapit sa plaza at nakita ko na naman ang malaki niyang poster.

Sandali ko lang yung tiningnan at umiwas na rin ng tingin, kaya ko naman sigurong alisin itong nararamdaman ko sa kaniya eh, makakayanan ko.

Napabuntong hininga ako ng dalawang beses bago patuloy na naglakad. Habang naglalakad iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Tita at Tito yung nakita ko. Kapag sinabi ko papagalitan si Namjil at parang nakaganti na rin ako sa kaniya, pero patuloy niya pa rin akong aawayin, kapag hindi ko naman sinabi, maaaring hindi niya na ako guluhin.

"Jenna!!" Sigaw ng kung sino, iginala ko ang paningin ko sa paligid para alamin kung sino man yung tumawag sakin. "Jenna!!" Sigaw niya pa ulit.

Inis akong lumingon sa likod ko at laking gulat ko nang makita si Ivan na papalapit sakin at handa na akong dambahin. Mabilis ang naging kilos ko at agad akong umiwas para hindi niya ako madamba.

"Kala mo ha," binelatan ko pa siya.

"Tss, anyway, samahan mo kami," nakangisi niyang sabi.

"Kami?" Taka kong tanong, ngumuso siya sa likuran ko at doon ko lang napansin na kasama niya pala si Ci-L.

"Hi," nakangiti niyang bati. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa paninigas sa subrang ganda ng boses niya. Minsan ko lang marinig at hindi pa ako ang kausap, pero ngayon, siya na itong bumati sakin.

Napatulala naman ako sa kaniya at yung puso ko parang sasabog anomang oras, binuka ko ang bibig ko para sana batiin siya pabalik pero walang lumabas na kahit anong salita dahil sa kabang nararamdaman ko.

Jenna, gising.

Sinubukan kong kurutin ang sarili ko para sana gisingin ang sarili dahil baka panaginip na naman ito, ang yaman yaman ko na sa panaginip jusq.

"Jenna?" Tawag ni Ivan na nagpabalik sakin sa katinuan, tipid akong ngumiti at nagmukhang ngisi kaya mabilis akong tumalikod at pinandilatan si Ivan. "Oo nga pala, Ci-L si Jenna, Jenna si Ci-L," mas lalo kong dinilat ang mata ko para sabihing manahimik na siya, hanggang ngayon kase hindi pa rin nawawala yung kaba ko.

"Hi Jenna," mabilis na hinawakan ni Ivan ang balikat ko at pinilit akong ipaharap sa lalaki. Mababatukan ko talaga ito mamaya.

"H-hello," balik bati ko at pinilit na hindi mautal pero bigo ako.

"Sumama kana Jenna, tutal nandito kana rin, kakain lang naman tayo ng ice cream, libre ni Ci-L," tinaas baba niya yung kilay niya na para bang sinasabing sumama na ako dahil chance ko na yun.

"Sige, libre naman pala eh," pagkukunwari ko.

"Good, akala ko pipilitin pa kita eh," nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Ci-L.

Gagawin niya yun?

"Kinilig ka na naman," bulong ni Ivan at sumabay kay Ci-L maglakad.

Hinabol ko sila at binigyan siya ng isang batok, napa 'aray' naman siya pero hindi ko na pinansin, tumawa lang din su Ci-L.

Bakit kung kailan sisimulan ko ng tanggalin ang nararamdaman ko para sa kaniya, siya naman itong lumalapit, I hate this.

Kung kailan ready na akong tanggapin na hindi niya ako magugustuhan ito namang si tadhana gumagawa ng paraan para paasahin ako lalo.

Pa'no na kang kapag wala na naman itong kasunod? Nakakainis.

_______________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro