10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Nagising ako sa tumatamang sikat ng araw sa mukha ko, umaga na pala, nag inat muna ako para gisingin pang maigi ang sarili ko.

"Good morning, Jenna," napabalikwas ako ng bangon dahil sa tinig na narinig ko, hindi naman yun si Tita.

Naalala ko na wala pala ako sa bahay, nandito pala ako Kayla Ci-L. Yari na, bumungad sakin ang nakangiting mukha ng Mommy ni Ci-L.

"Good morning din po, Tita Geselle," bati ko pabalik. Nginitian niya naman ako bago siya lumabas ng kuwarto.

Mabilis naman akong naghilamos at inasikaso ang hinigaan ko, tinali ko ang buhok ng pa bun at bumaba na.

Naabotan ko si Tita na nasa graden at nagdidilig ng mga halaman niya.

"Good morning, Jenna, kumain kana ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.

Kinuha ko yung isang hose at tinulungan siyang mag dilig.

"Alam mo bang ito na lang ang ginagawa ko tuwing na mi-miss ko yung Daddy nila Ci-L ? Hindi ko na kase alam ang gagawin ko, ang sakit sakit nung nangyari, hindi ko pa rin matanggap," tiningnan ko siya at tumutulo na nga ang luha niya, mabilis niya naman yung pinunasan.

Sandali akong natahimik dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko, hindi ako marunong mag comfort huhunesss.

"Mommy," tawag ni Ci-L , hinarap ko siya at napanganga ako sa kagwapuhan niyang taglay, naka jersey siya at at pawisan, may dala din siyang bola.

"Oh? Andiyan kana pala, kumain na kayo sa loob ni Jenna, tapos ihatid mo na siya pauwi, dahil paniguradong hinahanap na siya sa kanila." Nginitian ako ni Ci-L bago ako niyayang pumasok sa loob.

As if naman na hinahanap ako doon.

Pinaghanda kami ng maid nila ng breakfast, naligo muna si Ci-L, dahil pawisan daw siya, hinintay ko lang siyang bumaba para sabay na kaming kumain, naglakad-lakad muna ako sa sala nila, tiningnan ko yung mga picture frame nila doon, kasama ang Daddy niya.

Napangiti ako ng mapait ng makita ang family pictures nila, nakakainggit. Hinawakan ko yun at tiningnan ng maigi.

Buti pa sila masaya.

"Jenna," nabitawa ko yung picture frame sa sahig dahil sa gulat, na out balance din ang paa ko kaya muntik na akong mahulog sa sahig, buti na lang at nasalo ako ni Ci-L.

Mabilis ang pangyayari, hindi agad ako umalis sa pagkakasalo niya sakin at ganon din naman siya, dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko at naamoy ko na ang hininga niya.

Hahalikan niya ba ako?

Ipinikit ko ang mata ko at handa ng saluhin ang halik niya.

"JENNA!!!!!" napabalikwas ako ng tayo dahil sa gulat. Nandito pa pala ako sa room, kita kong kakaaalis lang ng prof namin.

"Ano ba!!?" Irita kong tanong kay Ian.

"Baliw kang bakla ka, nananaginip kana naman noh?" Inirapan niya ako, napasampal siya sa noo niya dahil sa inis.

What? Panaginip lang lahat? No... Totoo yun, totoo lahat ng nangyari, totoo yun.

Napasimangot naman ako dahil sa panghihinayang.

"Ian, sabihin mo, anong date ngayon?" Naiiyak kong tanong kay Ian.

"Gurl, July 23, may laban ngayon yung crush mo," inis niyang sabi, "kanina kapa tulog habang nag le-lecture ang prof, sabi niya wag kana gisingin dahil baka pagod ka, kay ayun, absent ka." Dagdag niya pa.

Tuloy-tuloy na nga akong napaiyak, hindi dahil absent kundi sa panhihinayang, bakit naman ganon? Kung kailan maganda na yung nangyari samin tapos hindi pa pala totoo, bakit naman panaginip lang? All this time pala humahanga pa rin ako sa kaniya ng patago?

Nakita ko na lang ang sarili kong tahimik na nanunuod sa kaniya, nawalan na ako ng ganang kuhaan siya ng litrato, nang malaman kong panalo sila ay umalis na ako kaagad, si Ian may date na naman, kaya naglakad ako mag isa pauwi, bakit ba hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na malabo niya akong magustuhan?

Bakit ba hanggang ngayon ay wala pa rin akong love life? Naluluha akong kumain ng ice cream sa Wednesday Café, naalala ko yung sa panaginip ko na dito ako bumili ng milk tea.

Pinunasan ko yung luha na tumulo sa mukha ko at tumayo na matapos kumain at magbayad. Lumabas na ako ng café at dumeretso sa bahay.

Ibigsabihin hindi rin totoong may boyfriend si Namjil? Hasytt...

Wala na namang mangyayari sa buhay ko, pumasok ako sa kuwarto ko at tiningnan yun ng kabuuan, malalaking poster ng lalaki, maliliit na picture na ako mismo ang kumuha, umupo ako sa study table ko at bumungad na naman ang mukha niya sakin.

Ipinikit ko ang mata ko bago umiyak ng umiyak. Bakit ba hindi ko matanggap hanggang ngayon na wala talagang pag-asang magustuhan niya ako?

Hanggang kailan ako magiging ganito? Inis kong tinanggal lahat ng picture niya na nakadikit sa study table ko at nilagay yun sa basurahan, maging ang mga poster niya na dinikit ko sa pader ng kwarto ko ay tinanggal ko rin.

"Tama na, Jenna... Tama na ang pagpapaka tanga sa lalaking malabo kang magustuhan..." Humiga ako sa kama at doon ko binuhos lahat ng sakit, hanggang sa makatulog.

"Hoyy bakla ka, gumising kana," inis kong tiningnan si Ian.

"Ano na naman ba!?" Irita kong tinakpan ang mukha ko ng kumot.

"Bakit paga 'yang mata mo? Umiyak ka?" Nag-aalala niyang tanong, umupo siya sa kama ko at tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

"Hindi ba obvious?" Inirapan ko siya bago tumalikod sa kaniya ng higa.

"Inaway kaba ng baklitang si Namjil? Ayang babae talaga na yan, masasambunotan ko na talaga yan," irita niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin at pinikit na ang mata at wala ng balak makinig sa mga sasabihin niya, puro na lang kase sermon tapos wala namang connect sa mga problema mo, bwisit.

"Pa'no ka nakapasok dito?" Taka kong tanong.

"Walang tao, wala yung bruha mong pinsan tapos nasa trabaho ata yung Tito at Tita mo." Sagot niya naman.

"Ayun, trespassing ka," inirapan ko siya at bumangon na, dumiretso ako sa cr para maghilamos.

"Pasalamat ka walang pasok ngayon, punta na lang tayo mall,"

"Libre mo?" Tanong ko paglabas ko ng cr, nakita kong nakatulala siya sa basurahan ko.

"Ano 'to? Bakit nasa basurahan na lahat?" Gulat siyang tumingin sakin pero hindi ko siya pinansin. "Bakla ka, anong nangyari?" Pinulot n'ya pa yun isa-isa, may mga nakalukot pa na picture niya. "Sayang naman yung picture nni Papa Ci-L, bakit mo ginanito? Sabihin mo nga sakin, ano ba nangyari?"

"Ayaw ko na, nakakapagod mag habol sa kaniya na malabo naman niya akong magustuhan." Tipid kong sagot.

________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro