9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Who's that fucking guy!?

"Short hair!" Tawag sakin ni Ci-L na nagpabalik sakin sa katinuan. Ilang minuto na silang naghahalikan doon at hindi man lang nahihiya sa ginagawa nila. "Ayus ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango naman ako bilang tugon.

Hindi na ako nakapag order ng maayos dahil hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Namjil yun.

"Kain na," sabi ni Ci-L, hindi ko man lang napansin na dumating na pala ang order namin.

Mabilis akong sumubo dahil sa gusto ko ng umalis dito bago pa niya ako makita, bakit naman kase ganiyan siya? Harap harapan talaga?

"Hey, easy," saway sakin ni Ci-L, hindi ko siya pinakinggan dahil gusto ko na talagang umalis sa lugar na'to.

Susubo pa sana ako kaso bigla akong nasamid, agad naman akong inabutan ng tubig ni Ci-L at tissue.

"Sabi sa'yo eh," sagot niya naman, uminom ako ng tubig bago umayos ng upo. Nakakahiya.

"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong niya.

"A-ah...b-bigla kaseng sumakit ang ulo ko," pagsisinungaling ko. Alam kong mali kaya lang wala na akong ibang dahilan para makaalis dito.

"S-shit, sorry, I didn't notice, come on, ihahatid na kita," magpo-protista pa sana ako kaso tumayo na siya at hinawakan ako sa kamay.

Parang nag slow motion ang lahat ng hawakan niya ako, he's soft and warm hand touch mine, natauhan lang ako ng bahagya niya akong hinila.

Tumayo na ako matapos niyang magbayad, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng restaurant.

Buti na lang talaga hindi kami nakita ni Namjil, ang sarap niyang kutusan, pero bago pa kami tuluyang makaalis ay nakuhaan kopa sila ng litrato ng kahalikan niya, may pang ganti na rin ako sa'yo.

"Before I'll take you home, daan muna tayo sa drugstore," sabi niya at nagsimula nang nagmaneho.

"No need, may gamot kami sa bahay," sagot ko naman.

"Are you sure?" Nag-aalala niyang tanong, tumango naman ako bilang sagot. "Dapat pala hindi na kita niyaya, o kaya dapat sinabi mo na masama ang pakiramdam mo para hindi na tayo tumuloy, pwede namang sa ibang araw na lang," nakokonsensya niyang tanong.

Ang laki na tuloy ng kasalanan ko, parang kasalanan niya pa tuloy na nagkasakit ako, eh hindi naman totoo, buwesit kase itong si Namjil eh.

"Hindi ah, ayus lang, gusto ko rin naman," mabilis kong sagot na hindi ko na napansin na masyado na palang exposed yun, "I... I mean, nakakahiya naman kung tatanggi pa ako," mabilis kong paliwanag.

Tinawanan niya lang naman ako.

Shocks ang ngiti niya nakakatunaw, mabilis akong umiwas ng tingin dahil baka mahalata niya pa na pinapantasya ko siya.

Akala ko ay diretso na ang uwi namin, pero hindi dahil dumaan talaga siya sa drugstore para bumili ng gamot, hindi niya na ako pinababa ng kotse baka daw kung mapano pa ako.

"Ano ba naman kase, Jenna," napasapo ako sa noo ko dahil nakokonsensya na ako.

Naghintay lang ako ng ilang minuto ay bumalik na siya dala ang gamot, nagsimula ulit siyang magmaneho kaya ipinikit ko ang mata ko para makapag pahinga, magiging totoo ata ang sakit ko.

Huminto ang kotse niya kaya minulat ko na pero wala kami sa bahay nasa isa kaming mini store na malapit sa village namin.

"Diyan ka lang, wag kang bababa," utos niya kaagad, napanguso naman ako bago tumango.

Bumaba na siya at pumasok sa mini store, ano naman kaya ang bibilhin niya don?

Pumikit ulit ako para sana magpahinga lang, pero hindi ko napansin na nakatulog na pala ako, kaya pagmulat ko ay nakahinto na ang kotse niya pero hindi sa bahay namin.

"Yes Ma'am," sagot ni Ci-L sa kausap niya sa cellphone, binaba niya na ang cellphone at pumasok ulit sa kotse.

"Doon ka muna sa bahay, sabado naman bumas at walang pasok kaya pwede ka doong matulog," gulat akong tumingin sa kaniya at umiling.

"Hahanapin ako nila Ti-"

"Alam na nila, si Tita mo ang kausap ko," sagot niya naman.

Patay.

Ginawa ko na lahat ng pwedeng dahilan para iuwi niya ako sa bahay, pero hindi siya pumayag at nag drive na nga pauwi sa kanila.

"I'll take care of you," sabi niya naman na ikinagulat ko.

Wala nga akong sakit huhu.

Mag sinungaling kapa, Jenna, kulang pa, kinarma kana agad hindi pa nakaka isang oras ang nakalipas.

Ang bilis mo naman karma, sana bukas or sa susunod na araw mo na lang ako dinalaw, bakit ngayon pa?

Wala na akong nagawa ng iparada niya ang kotse niya sa garahe nila.

"Mom, andito na po ako," sigaw ni Ci-L. Naglakad kami papunta sa dinning table at 'di nga kami nagkamali dahil nandon ang Mommy niya kasama si Kiya Tian.

Kumakain sila at nagkukwentuhan, nagtatawanan pa nga eh.

"Mommy," tawag ni Ci-L.

"Oh? Andiyan kana pala," si kuya Tian at napunta ang tingin niya sakin. "Hi," bati niya sakin na ikinagulat ko, hindi man lang ba niya tatanungin kung sino ako? Baghagya lang akong ngumiti sa kaniya.

"Hi, Jenna, I thought you didn't come, come on, kain muna kayo," tumayo pa ang Mommy niya para yayain ako sa lamesa.

"Hindi na po, tapos na kami kumain," pagtanggi ko.

"Sayang naman," nakanguso niyang sabi.

Tumingin ako kay Ci-L para humingi ng tulong at agad niya naman yung naintindihan.

"Mom, she's sick, pagpahingahin mo muna siya,"

"Oh god, I'm sorry, sige ipapahanda ko muna ang guess room para doon muna siya mag stay," agad na umalis ang mommy niya sa table at tinawag ang ilang katulong.

Nakakahiya naman parang nakakagulo pa tuloy ako, hinawakan ni Ci-L ang kamay ko kay bahagya akong nagulat.

"Jenna pala name mo," natatawa niyang sabi.

What?

"All this time hindi mo alam pangalan ko!?" Gulat kong tanong. Umiling naman siya bilang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan niya lang ako, the fuck? Kaya pala ang laging tawag niya sakin 'short hair' kase hindi niya alam ang pangalan ko?

Gusto ko siyang batukan kaya lang nakakahiya naman, hindi pa kami gaano ka close. Sumunod na lang ako sa kaniya papunta sa sala, pinaupo niya ako at mag hintay lang daw dahil maliligo lang siya.

Tinanguan ko na lang siya bago umupo doon.

Tingnan mo ginawa mo, Jenna, nagsinungaling kapa kase eh, hindi mo na lang sinabi na yung walanghiya mong pinsan ay may kahalikan sa loob ng restaurant.

Nasambunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa hiya at inis.

"Hey, are you okay?" Tanong ni kuya Tian, agad akong umayos ng upo dahil sa hiya.

"A-ayus lang po," mabilis kong sagot.

Umupo siya sa kaharap kong upuan at panandaliang nag isip.

"May tanong ako," kinabahan naman agad ako doon kaya inihanda ko na ang sarili ko dahil baka mali ang aking masagot.

"A-ano po yun?" Kinakabahan kong tanong.

"Ikaw ba at si-"

"Hindi po," tanggi ko kaagad, sabi ko na nga ba eh, baka mali ang tingin nila sakin at kay Ci-L, baka iniisip nila na kami na, eh wala nga yang gusto sakin eh, pano na lang kapag ang nga taga hanga na ni Ci-L ang makakita samin? Mayayari talaga ako.

"Patapusin mo muna ako," natatawa niyang sabi, tumahimik naman ako at hinintay siyang mag tanong, "tatanungin ko lang kung pumunta ka dito nung birthday ko?" Tanong niya, mabilis naman akong tumango.

"Yup, Ivan invite me," sagot ko.

"Ivan? Yung kaibigan ni Ci-L?" Tanong niya ulit, tumango ulit ako. "I see, kaya pala familiar ka sakin, hindi kita nakita non eh, masyado kase akong busy sa ibang bisita," paliwanag niya pa.

"Ayus lang po," nakangiti kong sabi. I talk to him and laugh.

He is so funny, mabilis niyang makuha ang loob ng isang babae, buti na lang hindi siya ang gusto ko kaya hindi ako nadadala sa pagpapa-cute niya, pero siguro yun na ang personality niya dahil sanay na sanay na siya.

Hanggang sa mapunta ang usapan namin kay Ci-L na gustong-gusto ko naman dahil may malalaman na naman ako tungkol sa kaniya.

"You know?"

"Hindi," sagot ko kaagad na tinawanan niya naman.

"Wala pa nga, excited," malamang sa malamang kung malapit siya kanina ko siya hinahampas.

"Ano ba yun? Para malaman ko na?"

"You know, you are the first girl he brought here,"

_________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro