13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

"Ahem, tumayo kana, mabigat ka," agad akong napatayo ng banggitin niya yun, inayos ko ang damit ko dahil baka nadumihan. "Baka gusto mo akong tulungan?" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil hindi pa rin pala siya nakakatayo.

Inoffer ko yung kamay ko sa kaniya na mabilis niya namang tinanggap, ang nakakainis lang ay subrang bigat niya pala, buti na lang at nakaya ko siya.

"Tara," yaya niya, sinundan ko naman siya maglakad. Hindi ako sumabay sa kaniya, pa'no na lang kapag may nakakita sa'min na fans niya? Yari na ako.

Mabilis naman kaming nakarating sa court na bwisit na bwisit sa kaniya, lagi na lang akong inaasar kainis.

"Marunong kaba?" Tanong niya.

"Hindi," sagot ko naman, hindi naman talaga ako marunong.

"Eh bakit sumama ka?" Mabilis kong hinubad yung suot kong sapatos at ibinato sa kaniya, pero mabilis din naman siyang umilag na tawa ng tawa.

"Kung sapakin kaya kita nang magising ka sa katotohanan na ikaw ang nangyaya sakin?" Hawak hawak niya ang bolang dinampot ang sapatos ko at inabot yun sakin.

"Ang sarap mo talagang inisin, ang bilis mong mapikon," sabi niya pa, inis kong kinuha sa kaniya yung sapatos ko at sinuot yun.

Buti na lang at walang tao sa court kundi kami lang, kung hindi baka na issue na kami.

"Sino ba naman kase ang hindi mapipikon sa mga pinangsasabi mo?" Inirapan ko pa siya.

"Tara," tumawa lang naman ang bwisit.

Sino bang mag-aakala na ang isang Ci-L ay ganito ang ugali? Hindi ko alam na ganito ang ugali niya, nakakainis na medyo masarap sa pakiramdam. Ang suwerte ko dahil nakakausap at nakakabiruan ko pa siya, dati panaginip ko lang, ngayon totoo na.

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang pinapanuod siyang mag laro doon sa ring.

"Matunaw ako Jenna, dali kana dito," lumapit ako sa kaniya at inabot niya naman sakin yung bola, kaso dahil nga dakilang bwisit siya, tinaas niya yun at hindi ko na naman maabot.

"Kung wala kang balak ibigay sakin ang bola, mabuti pang umuwi na lang ako," sabi ko sa kaniya.

"Abutin mo,"

"Baliw kaba? Kita mong ang tangkad-tangkad mo tapos aabutin ko?" Sagot ko dito, baka maulit na naman yung nangyari kanina.

"Kapag naabot mo'to, e dare mo'ko" gulat akong napatingin sa kaniya. Hinahamon ata ako nito ah.

Mabilis akong tumalon at hinampas yung bola sa kamay niya, tumalsik naman yun at mabilis rin akong nakatakbo para kunina yun.

"Pa'no ba yan?" Nakangisi kong tanong.

"Talagang gusto mo akong e dare ha," nakangisi niyang tanong.

"Sino ba naman kase ang hindi magkaka energy kung isang Ci-L na ang naghamon," natatawa kong sagot.

"Game, what's the dare?" Ngumisi ako bago nag isip.

"Kapag nanalo kayo sa laban n'yo sa lunes isisigaw mo kung sino yung babaeng nagugustuhan mo," ngumisi ako sa kaniya kahit alam kong masasaktan ako.

"Pa'no kapag sinabi kong wala akong babaeng nagugustuhan?" Tanong niya naman, tumingin ako sa kaniya bago tinaas ang kilay.

"So you mean walang babae? Ede lalaki," bigla siyang nasamid sa sariling laway.

"The fuck? Ako magkakagusto sa lalaki? Yuck," tanggi niya kaagad. "Game," sagot niya naman at mabilis na lumapit sakin bago inagaw ang bola sa kamay ko. "Syempre hindi naman pwedeng ako lang yung may dare, dapat ikaw din."

"Eh?"

"Kapag na shoot ko ito sa ring, mula dito sa kinatatayuan ko, ede-dare kita," tiningnan ko ang layo niya mula sa ring, medyo malayo yun pero hindi ako pwedeng pakampanti dahil mvp player siya.

"Game," mabilis niyang tinapon ang bola at parang nag slow motion yun papunta sa ring hanggang sa umikot ito sa ring at hindi oa nahuhulog, hindi kumukurap ang mata ko habang patuloy itong umiikot hanggang sa mahulog ito.

Patay.

Na shoot niya yung bola na ngumiti ng malapad, talagang may pinaplano siya saking masama, kapag talaga walang kwenta ang sasabihin nito papatayin kona 'to kahit marami ang iiyak.

"Sarap mong patayin sa totoo lang," sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Kaya mo ba? Anyway yung dare ko sa'yo doon na lang sa laro ko, kaya pumunta ka,"

Nagpapadiyak akong umuwi sa bahay dahil bwisit na bwisit ako kay Ci-L, pero masaya rin dahil hindi ko enexpect na ganon kami magkakakilala.

Naging busy ako ilang araw dahil sa malapit ba ang mid year term namin, kailangan ko nang mag review para sa exam dahil kailangan kong makatapos. Gusto ko pang maging guro soon.

Talagang binuhos ko ang oras ko sa pagbabasa, hindi muna ako nagpa-fan girl kay Ci-L, mas kailangan ko'to kesa sa love life ko 'no.

Ang daming reporting at recitation, idagdag pa yung mga project's and assignment, gusto ko na ngang sumuko eh, nahihiya pa akong humingi ng pera kay Tito at Tita, si Namjil naman hindi na ako ginugulo, salamat naman.

"Hoy bakla," nandito na naman si Ian sa kuwarto ko at nanggigising, wala pa akong maayos na tulog, lunes pa naman ngayon, mamaya pang one pm ang laro nila Ci-L kaya nagpapakasarap ako matulog tapos manggugulo itong bakla na'to.

"Ano na naman ba? Alam mo bang wala pa akong tulog dahil sa mga assignment at project na yan ha? Tapos ngayon manggugulo ka? Pwede ba umuwi kana muna?" Naiiyak kong sabi.

"Wala akong paki, tingnan mo'to," sagot niya naman.

"Ayaw ko, matutulog ako, inaantok pa ako eh," reklamo ko.

"Sige matulog, ewan ko lang kung makatulog kapag kapag nakita mo'to," inis akong bumangon at inagaw sa sa kaniya yung cellphone, pikit-pikit pa ang mata ko na tingnan yung cellphone, medyo blurred kase.

Nang maliwanag na ay saka ko lang napagtanto na ako yung nasa picture at ang mas worse ay si Ci-L ang kasama ko, yun yung time na napatid ako at napahiga sa kaniya.

Ito na nga ba yung sinasabi ko eh.

"Confirm, ikaw nga yan," nawala ang antok ko dahil dito, lahat ng fans ni Ci-L ay ito ang pinag-uusapan.

'This girl is so nakakainis, hindi ko siya kilala pero naiinis ako sa kaniya'

'Ate, nauna po kami sa pila.'

'Baka naman, tinaboy na ako niyan tapos sa'yo lang babagsak?'

'Bagay naman sila.'

'Akala ko ba ayaw ni Ci-L sa babae?'

Sari-saring comment ang nabasa ko sa Twitter at talagang trending na ang post na yun, shutaa yan, sino ba nag post noon?

Nakilala kaya nila ako? Pa'no na'to? Hindi ko na alam gagawin ko. Napasambunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis. Bugbog na nga ako sa school works, dadagdag pa yan, ayaw ko na, lupa eat me now!

Mawawala din siguro yan kapag umamin na siya mamaya sa laro nila, sana lang talaga manalo siya.

"Jenna," tawag ni Tita na mula sa labas ng kuwarto ko.

"Po?" Tumayo ako para buksan yun, sumama pa si Ian.

"Kakain na, Ian sumama kana samin mananghalian,"

"Sige po," kapal ng mukha, nakikidayo na nga lang makikikain pa.

Umirap muna siya sakin bago sumunod kay Tita, nakanguso naman akong sumunod sa kanila, iniisip ko pa rin kung paano ko tatakasan lahat ng ito.

Nagsimula na kaming kumain, nasa hapag si Tito, Tita, Namjil, Ian at Ako, wala kaming imikan lahat, tahimik at walang mangahas magsalita, hindi rin kase ako sanay na kasabay ko sila kumain, minsan nauuna sila, minsan naman ako, kaya hindi ko alam kung anong meron ngayon at naisipan ni Tita na isabay ako.

Kung hindi lang dahil kay Ian hindi ako sasabay, pa'no ang kapal ng mukha ng bakla na'to, tss hindi man lang nag dala kahit kapirasong tinapay.

"May gagawin kaba mamaya Jenna?" Tanong ni Tita, nag-isip naman ako.

"Meron po," sagot ko, pupunta ako sa laro ni Ci-L.

"Ah okay, ingat,"

Eh?

Anong trip ni Tita? Binalewala ko na lang yun at mabilis na kumain para matapos na, ayaw ko na mag stay sa lamesa na ramdam ko yung tension, nag away-away ata sila, kaya please lang ayaw ko madamay.

Mabilis akong tumayo para ilagay ang kinainan ko sa lababo.

"Akyat na po ako," paalam ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, mabilis na akong umakyat at ng makarating sa kwarto ay mabilis ko yung sinara.

Haystt

Napabuga na lang ako ng hangin, umupo ako sa study table ko at bunuksan ang laptop, ang kaso maling akala pala dahil pag bukas ko Twitter ang napindot ko at ayun, puro mukha ko ang nasa feed non.

Ako ang kanilang pinag-uusapan at su Ci-L, ano bang gagawin ko dito sa usapan na'to, nakakainis, ayaw ko namang silang sagutin dahil isa lang ako, wala akong laban sa kanila.

Sinara ko ulit yun at napasambunot sa buhok, hindi ko alam ang gagawin ko, baka paglabas ko ng bahay andiyan yung napakaraming basher ko o baka naman kahit naglalakad lang ako batuhin ako ng itlog ko kahit ng mga anong bagay, wag lang bato jusko.

Nakakainis kase eh, bakit ba kase sumama pa kayla Ci-L, pwede namang ako nalang? Baka naman panaginip lang ito? Pwede n'yo na akong gisingin, ayaw ko na dito, mas malala pa ito sa napanaginipan ko nakaraan eh, ayaw ko na.

Umalis na din si Ian matapos makipagchikahan sa'kin, ewan ko kung anong nakain non at sasamahan daw akong manuod mamaya.

Nagready na ako para mamaya, nagsuot lang ako ng black over size t-shirt tuck in with hanging black pants at yung black ko din na rubber shoes.

Dinala ko din yung black shoulder bag ko na maliit, syempre hindi yun pwedeng mawala, kahit saan ako mag punta may dala akong pouch o kaya bag.

Hindi na akong nagpaalam kay Tita na umalis, wala naman silang lahat sa bahay, sinarado ko na lang yun bago tuluyang umalis.

Nakarating ako sa venue na subrang dami ng tao, sinuot ko yung shades na dala ko para naman kahit papaano ay hindi nila ako mamukhaan, pinakita ko lang yung ticket ko at binigyan na ako ng seat doon sa VIP, hindi pala makakasama sakin si Ian dahil VIP ticket pala ang binigay sakin ni Ci-L.

Marami rin akong kasama dito sa VIP yung iba parents, kapatid o kaibigan. Anong gagawin ko dito? Hindi naman ako pwede mag ingay dahil nakakahiya, tapos wala pa akong kakilala, nakakainis talaga.

"Jenna?" Tawag ng kung sino, inis ko yung nilingon dahil baka may makakilala sakin, patay na talaga. Nakita ko si Angel na papunta sakin. VIP din siya dahil kay Ivan panigurado.

"Ang ingay mo, manahimik ka nga," bulong ko dito.

"Sorry naman," natatawa niyang sabi, o ayan may kadaldalan na ako sa wakas.

Nang magsimula na ang laro ay isa isa na silang tinawag, subrang nakakabingi yung mga sigawan nila, nakakairita, pwede namang manuod ng tahimik.

Tahimik lang akong nanuod doon, hindi ko alam pero masama yung pakiramdam ko na may mangyayari, masusi kong pinanuod si Ci-L mag laro, matamlay siya at parang walang gana mag laro, lahat ng tira niya ay hindi pumapasok sa ring.

Nainis ata yung coach nila at pinalitan siya ni Ivan, nakabawi naman sila at nahabol yung score, si Ci-L tahimik lang at tulala, pinag-uusapan na rin siya, rinig ko ang bulungan ng iba, dismayado.

May sakit ba siya?

"Anong kayang nangyari kay Ci-L?" Tanong ni Angel.

Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako kay Ci-L, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga ginagawa niya. Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka lalong lumala ang sitwasyon.

Kita kong nilibot niya ang tingin niya hanggang sa huminto yun samin, VIP seat, matagal siyang tumitig dito samin bago inalis at yumuko.

Ang score nila ay nahahabol na ng kalaban, hindi kaya ni Ivan, pati siya naiinis na rin, may sinabi siya kay Ci-L nung nagpahinga na sila at galit siyang tumayo para kumuha ng tubig.

Ano bang nangyayari? Hindi ganito dati eh, maganda sila maglaro kaya nga lagi silang panalo.

Sa unang round pareho lang ang score nila, pinapasok ulit si Ci-L, may sinabi pa yung coach niya sa kaniya na nagpabago bigla ng mood niya, ilang beses siyang bumuntong hininga bago pumasok sa court.

Ngayon laro ay maganda na, nakakapasok na ang tira niya at mukhang masaya na siya, ibang klase din, baka nga may nangyari lang kanina.

Sa second round ay malaki na ang agwat nila sa kalaban kaya may possibility na manalo sila.

"Grabe din si Ci-L ha," natatawang sabi ni Angel, natawa lang din ako at hindi siya sinagot.

Lagi naman siyang the best para sakin.

________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro