14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Third round ng kanilang laro ay malapit na mahabol yung score nila, nakalimutan ko pala dalhin yung camera ko, nakakainis.

Nagtatawanan na si Ivan at Ci-L ngayon, medyo sinuntok pa ni Ci-L si Ivan, haystt malamang na may nangyari nga kanina, makikichismis na lang ako mamaya.

Sa fourth round nila at last round na ay nagutom na ako, wala man lang pagkain, nakalimutan ko din mag dala, pumasok ng sabay si Ci-L at Ivan kaya maganda ang laro, lagi silang nakaka shoot at puro three points pa.

"Galing," sigaw ni Angel at nakikisama sa mga babaeng nagtatalonan, sinamahan pa ng mga bakla kaya subrang ingay.

"Ang pogi nung number 17 na jersey," napatingin naman ako sa nagsabi non, at yung sa kabilang supporters pala, tsss si Ci-L yun eh.

Pogi talaga siya, hindi lang pogi, napangiti na lang ako at pinanuod na sila, malapit na sila manalo.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at pinicturan sila, saktong ititira niya na ang bola ng banggain siya ng isang kalaban nila kaya napahiga siya sa sahig, mabilis akong napatayo dahil sa kaba.

Inagaw naman ni Ivan ang bola at saktong pagtira naman niya ay ubos na ang oras, buti na lang at na shoot niya at three points pa. Ang laki ng agwat ng score nila sa score ng kalaban.

"Si Ci-L, puntahan mo na kaya?" Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko siya, baka lalo kaming ma issue, pero bahala na.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya, hindi ko na pinansin yung mga taong nakatingin sa'kin ngayon, pinaupo na siya sa bench at agad ko siyang binigyan ng tubig.

"Ayus ka lang ba? Asan ang masakit? Dalhin na kaya kita sa hospital?" Nag alala kong tanong at sinuri pa ang katawan niya. Habang nagsasaya ang mga kasama niya ay ako naman itong hindi makangiti dahil nga sa nangyari.

Hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko na siya sa mata, nakatingin lang siya sakin at ngumiti.

"Nakuha mo pang ngumiti sa lagay mo ha?" Inis kong tanong.

"Ang cute mo pala kapag nag-aalala," mas lumawak pa ngayon ang ngiti niya, mabilis naman akong umiwas ng tingin dahil sa pag init ng pisnge ko, hayst, nakuha pang mag biro.

"So? Walang masakit?" Tanong ko, nginuso niya naman yung paa niya.

"Masakit," reklamo niya, mabilis ko yung tiningnan at ganon na lang ang gulat ko ng makitang namumula na yun at medyo violet na rin ang kulay.

May sasabihin pa sana ako kaso may biglang sumingit kaya napatayo ako.

"Jusko, dadalhin na kita sa hospital, Ci-L," sabi ni Tita Geselle, Mama pala yun ni Ci-L. Napanatag naman ang loob ko. Kinuha ko na yung gamit ko at handa ng umalis.

"Where do you think your going?" Taas kilay na tanong sakin ni Ci-L, pati tuloy si Tita Geselle at kuya Tian ay napatingin sa'kin.

"Uuwi na hihi," nakangiwi kong sagot.

"Wait," may binulong siya kay Kuya Tian na tinanguan naman ng lalaki, taka akong tumingin sa kaniya ng makitang kinuha niya yung mic at inabot kay Ci-L.

"Ahem," natahimik ang buong court at napunta kay Ci-L ang attention ng marami. "This time aamin na ako," halos lahat kami ay kinabahan. Aamin na ba siya na bakla siya? "Kaya ayaw kong may lumalapit sa'king babae ay dahil ayaw kong isipin ng nagugustuhan ko na ang dami kong babae at iniisip ko rin kung paano niya ako magugustuhan, pero wala naman akong ginagawa para malaman kung gusto niya ba ako o hindi," lahat ng tao dito sa court ay nakatingin may Ci-L.

Masasaktan na ba ako? Sana pala hindi na lang ito yung dare na binigay ko sa kaniya. Nagsisisi na tuloy ako, kainis.

"Ilang beses ko na siyang laging tinitingnan, ilang beses kong balak lapitan at kausapin siya pero sadyang wala lang talaga akong lakas ng loob para harapin siya, hindi ko alam kung ano ang mga tipo niya sa lalaki, hindi ko alam kung ano ang mga paborito niya dahil tinitingnan ko lang siya malayo, kaya ngayon, aamin na ako," tumingin siya sakin na nakangiti, may luha ng namumuo sa mga mata ko dahil sa kabang ibang babae ang banggitin niya.

Wala naman akong magagawa kundi tanggapin kung hindi ako ang gusto niya diba? Tama na yung ilang taon na paghanga ko sa kaniya.

Pati si Tita Geselle at kuya Tian ay nakangiti sakin, bakit ako? Tuluyan ng tumulo ang luha ko na mabilis ko ring pinunasan.

"This girl made me happy, I don't know that it was her, I first meet her in mini store in our grandma's village, she was holding a poster of mine, hindi niya ako nakilala dahil naka cup and facemask ako," bahagya siyang natawa. "Hindi ko alam na big fans ko pala siya at nagulat ako na isa pala siya sa kaibigan ng isa sa mga team ko," bahagya na akong nagulat doon.

Takang-taka ako ng lumapit sakin si Tita Geselle at niyakap ako, "thank you," sabi niya, hindi ako tumigil kakaiyak dahil sa hindi malaman kung anong nangyayari sa paligid ko.

"I don't know kung totoo ba yung naririnig ko tungkol sa kaniya, pero hindi naman ako nagsisisi na nakilala ko siya," pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan na siya, inalalayan siya ni Ivan at Kuya Tian na makalapit sakin. "Ang babaeng nagugustuhan ko ng mahabang panahon ay si..."

Ayaw kong marinig, promise ayaw ko.

"Si Jenna, I love her so much," humagulhol ako sa iyak ng banggitin niya ang pangalan ko, niyakap ako ni Tita pero bumitaw din siya dahil lumapit na si Ci-L. "I'm sorry if I didn't tell you earlier, natatakot kase ako na baka hindi mo ako magustuhan," bulong niya sakin.

"Baliw kaba?" Umiiyak ko siyang hinampas sa dibdib.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako nagtiis kahit nasasaktan na ako, gustong-gusto kitang lapitan pero pinangungunahan ako ng takot." Niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din naman ang ginawa ko sa kaniya.

Hindi ko alam na mangyayari ang matagal ko ng pinapangarap lang, hindi ko lubos maisip na ang isang Ci-L ay magkakagusto sa isang kagaya ko.

Finally my dream come true.

Habang kayakap niya ako, para bang may kung ano sa ulo ko na sumakit na lang bigla, at meron akong nakikita na mga picture na hindi malinaw.

"Aray," inda ko, mabilis naman akong tinulungan ni Ci-L, nanghihina ang tuhod ko kaya napaupo ako, pero nasalu din naman ako ni Ci-L at Kuya Tian.

Hindi ko na marinig kung ano ang mga sinasabi nila, pasakit ng pasakit ang ulo ko dahil sa mga pumasok na mga ala-ala sa ulo ko at nakikita ko. Hindi malinaw pero nakikita ko doon si Ci-L at si Mama pati na rin si Papa.

Tuluyang nanghina ang katawan ko dahil sa nakita ko.

"I'm Jenna,"

"Gusto ka daw makilala ng lubusan ni Ci-L," natatawang sabi ni Ivan.

"Yung kaibigan mo na basketball player?" Tanong ko.

"Oo,"

Hanggang sa ibang image na naman ang nakikita ko.

"Jenna, gusto mo daw si Ci-L?" Tanong ni Ivan.

"I think, I like him." Sagot ko na nakangiti pa.

Parang palabas na bigla na lang nag change ng settings.

"Jenna, will you be my official girlfriend?" Nakaluhod si Ci-L at may hawak na box ng singsing.

Kitang kita ko yung sarili ko na umiiyak sa subrang tuwa.

"Yes, I want to be your official girlfriend." Mabilis akong niyakap ni Ci-L at nag thank you.

Nakikita ko rin dito ang mga kaibigan ko na masaya sa nasaksihan.

Hanggang sa nakita ko na naman ang sarili ko na nakasakay sa isang kotse, masayang nag da-drive si Daddy at umaawit pa si Mommy na sinasabayan ko naman.

"When you're gone, pieces of my heart I've been missing you, When you're gone-"

Hindi natuloy ang awit dahil isang malakas na pagsabog ang narinig ko, kitang-kita ko ang pagbaliktad ng kotse dahilan para maipit si Mommy at Daddy, samantalang ako naman ay sumakit ang ulo dahil tumama ito sa upuan dahilan para mawalan ako ng malay.

Pawisan ako ng gumising at kitang-kita ko ang puting kisame, hindi ko alam kung nasan ako pero umiiyak ako ng umupo ako, masakit ang ulo dahil sa mga ala-alang nakita ko.

"Jenna?" Tawag ni Tita.

"N-namatay si Mommy at Daddy d-dahil sa car a-accident? A-at k-kasama ako doon?" Tanong ko habang umiiyak.

"Jenna?"

"B-bakit... Bakit hindi n'yo sinabi sa'kin na nagka amnesia ako? B-bakit kailangan n'yong itago lahat sa'kin?"

Hirap na hirap akong tanggapin lahat, bakit hindi nila sinabi sa'kin? Maging si Ci-L ay matagal na akong kilala at naging kami pa, pero bakit tinago nila?

"I will explain."

____________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro