15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

"I will explain everything." Sagot ko kay Jenna pagpasok ko ng hospital room niya.

"A-anong-" hindi ko na siya pinatapos at lumapit na sa kaniya para mag kuwento.

"Ci-L, maipakikilala ako sa'yo, kaibigan ko ito at wag na wag mong lulukuhin, bago pa lang sila dito sa lugar natin kaya umayos ka," banta sakin ni Ivan, umiling lang ako sa kaniya.

"Sino na naman yan? Ngayon ka lang nagpakilala sa'kin na may kasamang banta," natatawa kong sagot, minsan kase kapag may pinapakilala siya sa'kin ay parang pinamimigay niya lang na parang pagkain o laruan na anytime pwede itapon.

"Basta, I treasure her,"

"Eh yun naman pala eh, bakit hindi na lang maging kayo?"

"Siraulo ka ba? Utol ko yun, alangan namang patulan ko?"

"Ayaw ko," sagot ko pero hindi niya ako pinansin.

Ayun nga naging siraulo pa ako, malapit na kami matapos mag practice ng may tumawag kay Ivan, si Angel na may kasamang bakla at isang babae.

"Ci-L," tawag ni Ivan sa'kin, lumapit naman ako at kitang kita ko ang hiya sa mukha ng babae, morena, maikli ang buhok, dark eyes, sakto lang ang payat, hindi naman as in mapayat, at higit sa lahat, maliit.

"Hi," nabalik ako sa ulirat ng ilahad nito ang kamay niya sa harapan ko, natulala na pala ako. Mabilis ko yung tinanggap at tinawanan pa ako no Ivan at Angel, kaya nasiko ko tuloy siya.

"I'm Ci-L and You?" Tanong ko dito.

"Tulala ka kase kaya hindi mo narinig pangalan niya," pinandilatan ko ng mata si Ivan.

"Ahm... Yung kamay ko..." Mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos ko at binitawan ito. "I'm Jenna," tipid siyang ngumiti sa'kin.

Paulit-ulit kong kinukulit si Ivan na gumawa ng paraan para magkita ulit kami ni Jenna, pero ang siraulo tinatawanan lang ako.

"Oh? Akala ko ba ayaw mo?" Natatawa niyang tanong.

Hindi ko naman sinabing ayaw ko talaga, malay ko bang gano'n pala yung magiging tama ko sa kaniya, yun ata yung tinatawag nilang 'Love at first sight'.

"Oo na sige, ilalakad na kita." Irita niyang sabi sa'kin kase kinukulit ko na talaga siya.

Hindi ko ba alam kung bakit ang lakas ng hila niya sa'kin, wala siyang ginagawa pero ako itong gustong-gusto ko siyang makita, kaya kahit sa school ay dumadaan ako sa room nila para makita lang siya.

Hanggang sa isang araw ang tadhana na mismo ang nagtulak sa'kin papunta sa kaniya. Papunta ako ngayon sa court at maglalaro pero nakita ko doon si Jenna pero walang kasama.

"Hey," tawag ko dito. Bahagya siyang nagulat kay natawa ako. "I'm sorry,"

"Hi," bati niya na malawak ang ngiti.

"Anong ginagawa mo dito? Wala naman dito si Ivan, narinig ko na may date daw sila ni Angel," taka kong tanong, wala naman siyang dahilan para pumunta dito ng mag-isa.

"Actually, ikaw talaga ang sadya ko," bigla naman akong kinabahan. Ako?

"H-huh?"

"Huwag kang assuming, pinabibigay ni Ivan, nakalimutan mo daw," tinaas niya yung dala niyang paper bag.

"Ahh," yun lang ang nasabi ko, akala ko naman kung ano na, nakakahiya tuloy.

Sarap tuloy batukan ni Ivan, pwede namang ibang paraan na na lang.

"Sige, mauna na ako," paalam niya, mabilis naman akong nataranta, kailangan may gawin ako.

"Wait, pwede ka ba mamayang 7 pm?" Tanong ko, kinakabahan sa magiging sagot niya.

"Ahm... Wala naman akong gagawin, bakit?"

"P-pwede b-ba k-kitang-"

"Yayain mag date? Sus luma na yan, ang ayaw ko pa naman sa lahat yung pabagal-bagal, yung torpe." Napakamot ako sa batok ko sa sinabi niya.

"Sige, date tayo mamaya, sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ko, napanganga naman siya dahil doon.

"Eh paano kung ayaw ko nga?"

"Ako bahala."

Pagkagabi na ay pumunta na ako sa bahay nila, para magpaalam sa mga magulang niya na liligawan ko siya, nung una ayaw pa nila, pero napapayag ko din dahil makulit ako.

Gulat na gulat pa nga si Jenna ng makitang close na kami ng parents niya. Nginisihan ko siya pero inirapan niya lang ako.

Ilang buwan na ganon ang lagay namin, nililigawan ko siya at pinupuntahan ko pa sa classroom nila para mag bigay ng pagkain niya, wala namang mali o kung anomang problema relasyon namin, hindi niya pa ako sinasagot at ayus lang sa'kin yun. Kahit naman na wala kaming label ay parang magkarelasiyon na rin kami.

Sa mga fans ko naman ay suportado sila, siya naman ay hindi pinapalampas ang mga laro ko, lagi siyang nandoon para suportahan ako, kaya hindi ako nagkamali na siya ang niligawan ko, tanggap ako ng parents niya at ganon din ang parents ko.

Hanggang sa nga plano kami nila Ivan kasama si Ian at Jefferson na magpo-propose na ako sa kaniya sa araw ng birthday niya.

"Handa na ba ang lahat?" Kinakabahan kong tanong kay Ivan.

"Haha, ayaw ayaw kapa ha, kita mo na, magiging official na kayo," tinatawanan niya ako kahit kinakabahan na ako.

Binatukan ko naman siya at nagreklamo agad si Angel. Hinayaan ko na lang sila at nerelax ang sarili. Sana naman magustuhan niya ang surprise ko.

"Will you be my official girlfriend?" Kitang kita ko ang luha sa mga mata niya, magkasamang luha at tuwa.

"Yes, I want to be your official girlfriend." Umiiyak niyang sabi, kaya mabilis ko siyang niyakap at nag thank you.

Matapos ang pangyayari na yun ay sinabi ko kay Kuya Tian at Mommy na kami na ni Jenna, pati sila ay natuwan pero napawi ang tuwa naming lahat ng marinig ang isang balita.

"Naaksidente sila Jenna, kasama ang magulang niya."

Mabilis akong sumugod sa hospital nung time na yun, umiiyak at hindi alam ang gagawin, kasama ko si kuya Tian at Mommy, naabutan ko don si Ivan, Angel, Ian, Jefferson, at yung kapatid ng Mommy ni Jenna.

Umiiyak silang lahat, kaya hagulhol ako ng hagulhol dahil sa kaba, takot at lungkot.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa subrang takot, kaya nung lumabas yung doctor ay agad naming tinanong kung anong lagay nila ng pamilya niya.

"Ginawa na po namin lahat pero hindi na po namin nasagip ang magulang ng bata, siya lang po ang tanging nakaligtas at critical po ang lagay niya."

Napaiyak ako ng malakas dahil sa narinig, alam kong pangit tingnan kapag lalaki ang umiiyak pero wala na akong pakialam.

Hanggang sa...

"Sino po kayo?" Tanong ni Jenna sa'min, lalo akong napaiyak dahil doon, hindi niya kami maalala.

Hindi ko alam kung papayag ba ako sa plani ng Tita niya dahil ako ang boyfriend niya pero para rin sa ikabubuti niya ang gagawin namin.

"Pakiusap, huwag n'yo munang sabihin o ipaalala sa kaniya ang lahat, alam kong mahirap para sa inyo, pero pwede bang wag muna sa ngayon? Sariwang sariwa pa sa kaniya ang nangyari, mahihirapan tayo pero panandalian lang, pwede kayong magpakilala sa kaniya ng paunti unti pero wag nyong bibiglain, pwese ba, Ci-L?" Umiyak lang ako doon, si Ivan, Ian at Jefferson ay madali lang para sa kanila, pero ako? Hindi ko alam kung kaya ko.

Pumayag kami lahat sa plano, hindi ako nagpapakita sa kaniya at tinitiis kong wag siyang lapitan sa tuwing nakikita ko siya, hindi rin ako nagsasabi na kilala ko siya at short hair lang ang tawag ko sa kaniya.

Nagpaikli kase siya ng buhok at hindi ko alam kung bakit, hindi rin sinabi sa'kin ni Ivan.

"Kumusta siya?" Tanong ko kay Ivan habang tinatali ang sintas ng sapatos ko.

"Ayus lang," sagot niya, hindi yun ang enexpect kong sagot. "Kailan mo balak magpakilala sa kaniya? Alam mo bang crush na crush ka non?" Natatawa niyang tanong.

"Eh?" Tanong ko, ginaya ko yung ascent ni Jenna kaya natawa din ako.

"Oo, ang dami niyang poster at picture mo sa kuwarto niya na siya mismo ang kumuha ng mga litrato mo," nilabas niya ang cellphone niya at may pinakita sa'kin, napangiti ako ng makita ang kuwarto niya.

Puro picture ko at may poster pa na ang alam ko ay sa mga store lang yun nakalagay pero bakit nasa kaniya?

"Tinakas niya pa yung isa mong poster," natatawang sabi ni Ivan.

"Pwede bang gumawa ka ng paraan para magkita kami o magkausap?" Tanong ko, pumayag naman siya.

At yung time na din na yun ay nakita ko namin si Jenna naglalakad mag isa, kaya lumapit si Ivan at pinakilala ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mata niya pati ang kaba.

Hindi ko na pinalampas ang mga pagkakataon at nilalapit ko na ang loob ko sa kaniya hanggang sa umabot na nga sa dare at alam kong yun ang iuutos niya dahil maging siya ay gustong malaman kung sino ang nagugustuhan ko.

"Yun lahat ang mga nangyari, Jenna, patawarin mo'ko," nakayuko kong sabi, iyak lang siya ng iyak at niyakap siya ni Ian at Ivan, hindi ako makalapit sa kaniya dahil naka Wheelchair pa ako, hindi pa magaling ang paa ko. Ilang taon kong tiniis na huwag siyang lapitan, ngayon hindi ko na siya papakawalan.

"Iwan n'yo muna ako," nagkatinginan kaming tatlo pero tumango at nauna na silang lumabas.

"I'm sorry," yun lang ang nasabi ko bago tuluyang lumabas, umiiyak pa rin siya at hindi pa tumitigil.

Aantayin ko kung kailan niya ako papatawarin, hindi ako titigil hangga't hindi niya ako napapatawad.

_____________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro