EPILOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Nagising ako ng maramdaman kong may tao sa loob ng kuwarto ko dito sa hospital, hindi pa rin kase ako pinalabas ng hospital dahil kailangan pa daw na obserbahan ng paa ko.

"May gusto sana akong itanong sa'yo," nagulat ako sa boses ni Jenna, umayos ako ng upo at inalalayan niya naman ako.

"Ano yun?" Taka kong tanong.

"Nakaraan bago mo'ko kausapin," kumunot ang noo ko, "Yung nag ice cream tayo na ikaw ang nag bayad," tumango ako, "before that happen nanaginip ako," taka akong napatingin sa kaniya.

"Anong panaginip?"

"Gusto ko lang malaman kung totoo ba yun o panaginip lang talaga," sagot naman niya.

"E kuwento mo," utos ko. Tumango naman siya bago nag simulang mag kwento.

Kinukwento niya ngayon yung napanaginipan niya na malinaw na malinaw na nangyari nga sa'min, totoo lahat ng napanaginipan niya, hindi lang isang panaginip kundi isang ala-ala ang kaniyang nakita.

"You mean totoo lahat yun?" Gulat niyang tanong.

Tumango naman ako at ngumiti, hindi pa rin talaga siya makapaniwala at humawak pa sa dibdib niya.

"May kulang nga sa kwento mo eh," natatawa kong dagdag, napataas naman ang kilay niya.

"That time, nung nahulog yung frame namin sa bahay hindi ko yun nasalo dahil ikaw ang inuna ko kaya nabasag yun,"

"Ginising kase kaagad ako ni Ian nakakainis," napakamot pa siya sa ulo niya.

"And we kiss," nanlaki ang mata niya at napatakip sa labi.

"Seriously?" Nanlalaki ang mata niya dahil sa narinig. Tumango naman ako sa kaniya.

"That's our first kiss," natatawa akong tumingin sa kaniya, namumula na siya ngayon at hindi makatingin sa'kin ng deritso.

"I can't believe that it was really happened," napalakas ata niyang sabi yun.

"Bakit? Hindi ba worth it na matikman mo ang labi ko?" Agad siyang nakakuha ng unan at binato ako. "Aray,"

"Tumigil ka nga diyan, kita mo ng hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa'kin ang mga nangyayari," inirapan niya pa ako.

"Ayus na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. Tumango naman siya kaya napanatag na ako.

"Ikaw? Ayus na ba ang paa mo?" Tumango naman ako, medyo masakit pa nga lang pero hindi ko na sinabi sa kaniya para hindi na siya mag alala.

Natahimik kaming dalawa at hindi alam ang sasabihin, nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa kawalan.

Nabasag ang katahimikan namin ng may pumasok sa kuwarto.

"May dala akong pagka-"

Gulat si mommy nang makita niya si Jenna pero nakabawi rin at tuloy-tuloy ng pumasok.

"Sakto, madami akong dalang pagkain, dito kana kumain Jenna," pilit lang na ngumiti si Jenna.

"Sige po,"

"Ayus na ba pakiramdam n'yo pareho?" Tanong ni Mommy habang inaayos ang kakainan namin.

"Opo," sabay naming sagot.

"Goods, kumain na kayo,"














"Graduate na tayo!!!" Sigaw ni Jenna matapos makuha ang diploma, ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Congratulations!" Bati ko dito. Niyakap niya naman ako at ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

"I have a gift for you," bulong niya na ikinagulat ko.

"Really?"

"Yes, ang dami mo kaseng nakuhang award eh, kaya deserve mo ng regalo galing sa'kin," nakangiti niyang sabi at hinila ako papunta sa kotse nila.

Binuksan niya yun at kinuha ang isang malaking box, meron yung picture naming dalawa sa labas, yun ata yung first picture namin together.

"It's my gift, sana magustuhan mo," sabi niya.

"Basta galing sa'yo mahalaga para sa'kin," Sagot ko at hinalikan siya sa noo. Kinuha ko yung regalo niya at niyakap siya ng mahigpit. "Ako din may regalo sa'yo," nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Akala ko yung bulaklak na binigay mo sa'kin ang regalo mo?" Nakanguso niyang sabi, "sabi mo kase kanina yun na yun." Dagdag niya pa.

Hinila ko siya pabalik sa gym kung saan sinagawa ang graduation namin, marami pa ring tao doon at proud pa rin ang magulang nila, ang saamin naman ay nag-uusap si Mommy at Yung Tita ni Jenna.

Binalik ko si Jenna kay Ivan at Ian, pumunta naman ako sa stage at kinuha ang microphone.

"Ahem," isa isang tumingin sa'kin lahat ng istudyante na nandoon sa harapan, ang mga parents kase ay nasa likod, kaya na saakin lahat ng attention nila.

Isa isang naglapitan ang mga istudyante, si Ivan at Ian naman ay hinila si Jenna papunta sa gitna, nakaplano na ang lahat.

"Ahem," sabi ko ulit sa mic at mabilis na kumilos ang mga istudyante at pumunta sa baba ng stage kasama si Ivan at Ian.

May mga hawak silang papel, ang ganda tingnan ng mga istudyante na naka toga at talagang graduate na, sa mga pagkakataong nahihirapan kami sa lahat ng subject, nandito kami ngayon at panibagong buhay na naman ang kalaharapin namin.

"Sa araw na ito, gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na, congratulations kase nakaabot tayo dito, bukas panibagong buhay na naman ang masasagupa natin, nakayanan natin ngayon, kaya alam kong kaya din natin sa susunod," Panimula ko. "Pero isa lang ang gusto kong sabihin kaya ako nandito ngayon sa harapan n'yo, para kunin ang kamay ni Jenna sa kaniyang nagsisilbing magulang, Jenna,"

Isa isang tumaas ang hawak na papel ng mga istudyanteng nakatayo sa harapan. Ang iba naman ay nasa gilid.

Naglakad ako palapit sa kaniya ng makita ko ang gulat sa mga mata niya, kitang kita ko ang luhang tumatakas sa mga mata niya.

Tiningnan ko sila Ivan na nasa harapan na may hawak ng letters na 'WILL YOU MARRY ME?' natawa pa ako dahil baliktad ang hawak ni Ivan na letter 'U'.

"Ci-L," naiiyak siyang tumingin sa'kin, nakaluhod ako at hawak ang singsing na pinagiponan ko para makabili ako.

"Will you?"

"Yes Ci-L, I will marry you." Nagatatalon ako sa tuwa dahil don, dahan-dahan kong sinuot sa kaniya ang singsing hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka move on sa nangyari.

"I can't believe engaged na ako," lumuluha niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya bago halikan. Me too, I can't believe na magiging akin kana rin sa wakas.

Lahat ng istudyante ay nagipon-ipon at hinubad namin ang mga cup na suot namin, pagkatapos ng isang kanta ay sabay-sabay namin 'yong tinapon si ere.

Kasama sa pagtapon ang mga luha, iyak, lungkot at sama ng loob ang iiwan namin sa school na'to, simula grade 1 hanggang ngayon ay nakatapos rin kami ng takbuhin at kaniya kaniyang buhay na ang kakaharapin namin.

I can't believe we made it, maraming pagsubok ang napagdaanan namin at sa wakas nalampasan namin.

Ngayon, ang isang pangarap ay amin ng natupad, pangarap naman para sa'ming sarili ang tutuparin namin.

"Until this day I'm glad I'm with my family, especially Jenna, I'm glad she accept me even I'm not her ideal guy, I will make sure that she's happy with me, I will make sure that."

"Hanggang sa susunod na pahina ng ating buhay."

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro