3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit nandito yung lalaki na yun, ang sabi niya last time ay aalis siya sa lugar na'to dahil doon na siya mag-aaral sa Cebu, alam kong wala akong karapatan para malaman, pero nakakapagtaka lang.

Iwinaksi ko na lang yun sa isipan ko dahil hindi naman yun makakatulong sa'kin.

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili, binuksan ko camera ko at pinasak ang usb sa laptop, nag edit lang ako ng pwede kong e print at ididikit sa album ko.

"Ang tanga mo girl," inirapan ako ni Ian matapos kong magkwento sa kan'ya.

"Maling nag kwento ako sa'yo." Kinuha ko yung chitchirya na kinakain n'ya at naki-kain din.

"Bakit hindi sinabi sa atin ni Hanz umuwi na siya?" Tanong n'ya naman.

"At sino kaba para sabihan niya?" Inirapan niya naman ako, sakto namang dumating na ang prof namin kaya nahinto ang chikahan.

Inisip ko na lang kung paano ako makikilala ni Ci-L, bakit ba kase hanggang ngayon hindi niya pa ako kilala?

What if magpapansin na ako sa kan'ya, kagaya ng ibang babae? Ganon din kaya ang  trato niya sakin kung nakilala niya ako ng mas maaga? Ayaw ko naman ng ganon, ang panget ng trato niya sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

Hindi naman siya mayabang, hindi din mapagmataas, sadyang wala lang siyang interest sa mga babae.

What if bakla siya? What if kaya ayaw niya saming mga babae kase lalaki ang gusto niya? Gusto kong masuka sa iniisip ko, imposible namang lalaki din ang gusto n'ya dahil magaling siya mag basketball.

Pero... What if kaya s'ya nagba-basketball kase maraming lalaki? What if...bakla nga talaga siya?

Napakagat ako sa kuko ko dahil sa mga iniisip ko, para mapatunayan yun ay kailangan kong alamin ang mga kinikilos niya, para magkaroon naman ng hustisya ang pagiging fan girl ko noh.

Napahikab ako dahil sa antok, ang boring naman kase ng subject na'to, lalo na yung prof.

"Miss Jenna Vien, can you help me to these books?" Tumango ako sa prof ko at binuhat ang mga books, bakit kaya sakin pa ito pinadala?

Wala na akong nagawa kundi buhatin yun, ang dami namang mga lalaki sa room bakit hindi na lang sila yung nag dala? Napairap na lang ako dahil wala naman na akong magagawa, hindi na ako pwede magreklamo kase buhat ko na. Tapos iniwan pa ako ng prof, kainis talaga.

Hirap na hirap tuloy akong bitbitin itong mga aklat.

"Hey, tulungan na kita," nabitawan ko yung aklat sa biglang pagsulpot ni Ci-L galing sa kung saan.

"Oh my god," sabi ko at agad na dinampot ang mga aklat.

"Bakit kase ikaw yung nagdala ng mga ito?" Tanong n'ya at tinulungan akong damputin.

"Ewan," sagot ko, matapos damputin ay kinuha n'ya sakin ang ibang aklat at s'ya na ang nagdala.

"Saan ba ito dadalhin?" Tanong niya ulit, tinuro ko naman at agad siyang nauna sakin maglakad.

Hindi niya ba talaga ako kilala?

Sinundan ko siya dahil nahihiya akong sumabay sa kaniya, nang makarating sa office ng prof ko ay nagulat pa siya dahil si Ci-L ang may dala ng ibang aklat.

Matapos niya mailagay don ay nagpaalam na siya sa mga guro, napairap ako ng 'di manlang siya nagpaalam sakin o ngumiti manlang.

Haystt, napabuga ako ng maraming hangin dahil inis, hindi na ako nakapagpaliwanag sa prof ko kung bakit siya ang may dala ng aklat, lumabas na ako at dumeretso sa room.

Nakasimangot akong umupo at wala sa mood na makipag-usap. Kahit na andaming tanong ni Ian ay hindi ko siya pinapansin. Nakaka-walang gana naman kase talaga ang nangyari.

Bakit ba ganon ang ugali non? Lagi na lang, ayaw niya ba talaga sa mga babae? Ano bang dapat kong gawin para mapansin niya? Hindi naman ako panget, dahil ang alam ko maraming nagkakagusto dito sakin, hindi ko lang pinapansin dahil hindi ko sila type.

Gusto ko ng sumuko sa pagiging fan niya, pero hindi naman ganon kadali kase halos lahat ng tungkol sa buhay n'ya alam ko na.

Gusto ko lang naman na mapansin niya, miski picture nga na magkasama kami ay wala ako, kapag talaga nagkaroon ako ididikit ko sa kwarto ko, ipapa-tarpulin ko pa.

Nakakairita talaga.

Matapos ang klase ay sumama ako kay Ian at Jeff sa date nila, third wheel, oo, okay lang naman daw sa kanila, gusto ko lang talaga makakita ng mga nakaka-engganyong mga lugar.

Pumunta kami sa park, maraming mga bata ang naglalaro doon, meron ding court na maliit na kung saan mga bata lang ang naglalaro, lumapit ako sa mga bata at binigyan sila ng lollipop na nabili ko kanina.

"You want some?" Nakangiti kong tanong sa batang maliit.

"Penge po," binigyan ko s'ya ng isa at nagsunuran na nga sila, binigyan ko sila isa-isa, buti na lang at nag kasiya yung binili ko.

"Ang cute," sabi ko sa kawalan dahil nawala na yung dalawa kong kasama.

"Saan na napunta yung mga yun?" Naglakad-lakad na lang ako para may magawa naman ako, buti na lang dala ko ang camera ko, kumukuha din ako ng litrato.

Habang naglalakad ako kumakain ako ng lollipop, natapat ang camera ko sa court kung saan maraming batang naglalaro.

Kinuhaan ko sila ng litrato at ganon na lang ang gulat ko ng biglang lumitaw mula doon si Ci-L. Umupo ako sa upuan malapit doon at pinanuod siyang makipag-laro sa mga bata.

Tinuturuan niya yung mga batang mag laro ng basketball, I was about to leave that place, wala na din naman akong mapapala don, hanggang tingin lang ako sa kaniya, pero may isang batang lumapit sakin.

"Ate, can you teach me like that too?" Tinuro n'ya pa si Ci-L at yung mga bata.

"Sorry, I don't know how to play basketball," sabi ko dito, pinantayan ko pa siya para magkatapat na kami.

Sumimangot naman siya sakin, wala akong nagawa kundi lumapit sa ibang batang naglalaro doon para malibang siya.

"I don't want to play with them, I want to play basketball!!" Sigaw n'ya at lumuluha na.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin, what did I do? Pinaiyak ko yung bata. Hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ako marunong mag basketball diba?

"Tahan na baby boy, please, ate don't know how to play basketball," pati ako naiiyak na din dahil hindi ko alam ang gagawin ko para patahanin s'ya.

"Hmm... I want to play..." Iyak pa rin s'ya ng iyak.

Asan na ba kase yung mommy nito?

"What's going on?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig kong boses, hindi agad ako naka-react dahil sa gulat.

"I want to play basketball..." Sabi nung bata kay Ci-L.

"Sure, I can teach you," umalis sa harap ko ang bata at lumapit kay Ci-L. "I can handle him, thank you," dagdag n'ya pa at iniwan na naman ako doon na nakatulala.

Why he always like that? Inis akong sumunod sakanila para tingnan siyang turuan ang bata mag laro.

"I thought you leave already," sabi n'ya nang makita ako.

"No, I want to see how you teach that little boy," sarcastic akong ngumiti sa kaniya.

Hindi n'ya na ako pinansin at patuloy lang siyang nagturo sa bata, tuwang-tuwa naman yung bata na patalon-talon kahit hindi naman shumo-shoot yung bola sa ring.

"That's it," sabi ni Ci-L, natawa pa ako dahil muntik s'yang madapa.

Tumayo ako para kumuha ng tubig dahil alam kong mapapagod sila kakalaro doon. Bumili na rin ako ng pwede nilang kainin.

Pagkatapos ay bumalik agad ako, sakto namang nagpapahinga sila.

"Kain muna kayo," inabot ko kay Ci-L ang tubig.

"Thanks," sabi niya, lahat sila ay binigyan ko na.

Nung pagabi na ay isa isa nang umuwi ang mga bata dahil hahanapin na 'raw sila ng mga parents nila.

Naiwan kami doon ni Ci-L, ni hindi man lang kami nag-uusap o kahit anong salita ay walang lumabas sa bibig ko.

Gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal dahil minsan lang ito mangyari, pero naisip ko rin na hindi pwedeng ako yung laging gagawa ng paraan. Hindi ako yung tipo ng taong mag papakadesperada para lang sa isang bagay na wala namang kwenta.

Hindi ko dapat minamadali ang lahat, may mga pagkakataong dapat hinay-hinay lang hindi binibigla. Lahat may tamang panahon.

Kaya tumayo na ako para umuwi dahil pati ako ay napagod rin.

"Mauna na ako sa'yo," kinuha ko ang bag ko at aalis na sana.

"C-can... C-an y-you..." Utal-utal niyang sabi, kinakabahan ako sa susunod n'yang sasabihin. "Can you stay for a while?"

__________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro