4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

"Can you stay for a while?" Para akong mahihimatay sa sinabi niya, how can he invite me to stay with him this time?

Agad akong bumalik sa pagkaka-upo sa tabi niya. Kahit na hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito ay pinili kong manatili.

"B-bakit?" Tanong ko. Hindi s'ya sumagot sa'kin kaya tiningan ko siya, ngunit ang kaniyang atensyon ay naka focus sa ring ng court.

Hindi ko muna siya kinausap dahil mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Gusto ko siyang kausapin, gustong-gusto, pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin o tatanungin man lang dahil baka isipin niya na nang hihimasok ako sa buhay niya.

Ilang minuto siyang nakatitig doon bago magpasiyang magsalita.

"You know, when I was a little, hindi basketball ang gusto ko, siguro kilala mo na ako kung dito ka nakatira sa lugar na'to, ang akala ng iba ito talaga ang gusto ko," tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, bakas ang lungkot sa tono ng boses niya. "Chess ang gusto kong laro at hindi basketball, simula elementary lumalaban na ako ng mga Contest about Chess kase yun naman talaga ang gusto ko," he paused at yumuko.

"Kung hindi mo naman pala gusto, bakit pinipilit mong mag laro?" Tanong ko, hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya, bilang isang taga hanga n'ya malaking karangalan ang malaman ito mula sa kan'ya.

"Kase ito na lang yung ala-ala na naiwan sakin ng Daddy ko," sagot niya naman na ikinalungkot ko.

"I'm sorry to hear that," napayuko na rin ako sa hiya at awa sa kaniya.

"Gusto kong patuloy na maglaro dahil ito yung gusto niya para sakin, naglalaro din naman ako ng chess kaso hindi ko na kayang pagsabayin lalo pa't engineering ang kinuha kong course," sagot n'ya naman.

I feel bad for him, pero wala naman akong magagawa don dahil choice niya yun, pero ano bang role ko dito ngayon? Ang makinig lang sa kaniya dahil yun ang gusto niya, may malalabasan siya nang bigat na dinadala niya.

"Bakit nga pala engineering ang kinuha mo?" Tanong ko, matagal ko nang gustong malaman kung bakit, kaso itong si Ivan hindi niya daw alam at ayaw niya ring itanong kaya buwesit na buwesit ako sa lalaki na yun.

"Diko din alam, pinagpipilian ko ang nursing at engineering, engineering ata ang para sa'kin dahil doon ako nakapasa, kung 'di papalarin, tanod na lang," natawa kami pareho sa huli niyang sinabi.

Nakuha niya pa magbiro kahit may problema na siyang dinadala, hindi ako nagsisisi na humanga ako sa kagaya niya, worth it to stan him, that's why many girls are easy to catch he's attention, maliban sa physical appearance n'ya, mabait rin siya.

"You know what, may mga bagay na kailangan nating isakripisyo para sa ikakasaya ng iba, may mga bagay din naman na kailangan nating hindi gawin para tayo naman ang sumaya," sabi ko at tumingin siya sakin, ngumiti ako ng bahagya bago muling nagpatuloy. "Hindi mo kailangang pilitin ang ayaw lalo pa kung hindi mo naman mahal ang paglalaro ng basketball, hindi mo nga ba mahal?" Umiwas s'ya sakin ng tingin at muling tumingin sa ring habang hawak ang bola.

"I don't know," tanging sagot niya at pinaglaruan ang bola.

"Kung hindi mo yan mahal, sa tingin mo ba makakarating ka sa kung saan ka ngayon? Magagawa mo pa kayang maging sikat na basketbalista sa lugar na'to kung hindi mo minahal ang basketball?" Sandali siyang natigilan bago ngumiti.

"You're right, I sacrifice many things just to practice this sports, siguro nga minahal ko na, kase nahihirapan na rin akong bitawan siya lalo pa't nakasanayan ko na." Tumayo siya at nagulat ako ng ipasa niya sakin ang bola.

"Hindi ako marunong mag laro," sabi ko agad.

"Just try it," kahit walang alam ay tumayo ako para lang masabayan siya, tinali ko muna ang hanggang balikat kong buhok at nakisabay sa kaniya mag laro.

"Shoot!" Sigaw niya matapos itira ang bola, hindi nga siya nagkamali dahil pumasok yun sa ring.

Nakangiti siya habang tumatakbo at ako naman ay parang tanga na humahabol sa kaniya para agawin ang bola, pero mabilis siya at pinaglalaruan lang ako, nang maagaw ko ang bola na alam kong sinadya n'ya namang ibigay sakin ay sinubukan kong e-shoot sa ring kaso hindi pumasok, tumama lang siya pero hindi pumasok.

"Hindi naman pumapasok, nakakainis," reklamo ko.

"Lakasan mo kase ang tira mo, short hair," short hair? Bawat tira ko ay tinatawanan niya ako kaya inis na inis ako kapag bina-bato ko ang bola. "Lakasan mo pa!" Sigaw niya, pero diko naman sinasadya na sa kaniya mapunta ang bola at matamaan siya.

"Oh my god, I'm sorry, sorry," lumapit ako sa kaniya para tingnan kong may sugat ba siya o wala, pero natatakot akong hawakan siya kase naka-takip ang kamay niya sa mukha n'ya. "Are you okay?" Dagdag ko pa.

Hindi siya sumagot kaya kinabahan na ako, please be okay, diko alam gagawin ko kapag may nangyari sa'yo huhu.

Nilakasan ko na ang loob kong hawakan siya at alisin ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya, pero para akong naistatwa ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ito.

Ang init ng kamay niya ang una kong naramdaman, malambot na para bang matutunaw ako sa subrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang gusto ng umalis sa katawan ko.

Yung feeling na parang nag slow motion ang paligid at parang dalawa lang kami ang tao dito, totoo pa lang nangyayari yun.

"I'm okay," don lang ako natauhan sa sinabi niya, mabilis kong binawi ang kamay ko at tumalikod na dahil alam kong pulang-pula na ang mukha ko.

"Mauna na ako sa'yo," paalam ko kaagad dahil sa kabang nararamdaman.

Mabilis kong kinuha ang gamit ko at handa ng umalis pero pinigilan na naman niya ako.

"Wait, can you please keep quiet, 'wag mo sasabihin sa iba yung sinabi ko sa'yo," sabi niya kahit nakatalikod pa ako, ayaw ko na rin humarap dahil nahihiya na ako.

"Sure, I keep it," sabi ko naman at humakbang na paalis.

"Thank you for listening," pahabol niya, kumaway na ako at dali-daling umuwi ng bahay.

Habang naglalakad ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari, hindi ko inakala na makakasama ko siya ng ganong katagal.

Pag uwi ko ng bahay ay si Nica agad ang bumungad sakin, nandon siya sa sofa at naglalaro sa laptop niya, nilampasan ko lang siya at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.

"Gabi kana naman umuwi, para kang pokpok sa kanto kung umuwi," nag-init bigla ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili, wala ako sa mood makipag-away dahil good mood ako ngayon, ayaw kong sirain ng dahil lang sa kaniya. "Kung maka asta akala mo kung sino ka, palamunin ka lang naman dito sa bahay, pabigat," dagdag niya pa na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

Padabog kong ibinaba ang baso ng tubig at lumapit sa kaniya.

"What is your fucking problem!!? Anong ginawa ko sa'yo at ganiyan ang inaasta mo sakin!!!?" Galit kong tanong.

"You, you are my problem!!!" Sigaw niya naman at dinuro pa ako. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at 'di makapaniwala.

"Ano bang ikinagagalit mo sakin!?"

"Simula lang naman kase ng dumating ka dito sa bahay nagkagulo-gulo na kami!!" Sigaw niya sakin.

"Anong gulo ang sinasabi mo!? Ni hindi nga ako pinapakialaman ng Mama at Papa mo, tapos ikaw kung maka asta ka akala mo magulang kita, pwede ba Nica ilagay mo sa lugar yang ugali mo," inis kong sabi at tinalikuran siya.

Nagulat pa ako ng makitang palabas ng kuwarto nila si Tita at Tito, pero hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang sa kuwarto ko.

Isa lang naman ang ayaw ko dito sa bahay eh, si Nica, okay naman sila Tito at Tita, hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo sakin ni Nica, wala naman akong ginagawa.

Pagpasok ko ng Cr ay agad kong nilabas ang camera at enedit ang picture para e print. I was happy because of what happened between me and Ci-L.

Kinabukasan ay hindi ko na hinintay na magising ang mga kasama ko sa bahay, hindi na rin ako nag almusal at umalis na lang, dumeretso ako sa café para doon na lang mag almusal, kasya pa naman ang allowance ko for this month.

"One chocolate coffee and chocolate cake," pumunta na ako sa bakanteng table at umupo doon.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang hinihintay ang order ko.

"Malunod ka niyan sa lalim ng iniisip mo," umupo sa harapan ko si Angel na may dalang kape.

"Tsss," ngumisi ako at tumingin sa labas.

"May problema ka?" Tanong niya.

"Nothing," tipid kong sagot.

"Nakita ko si Ci-L kanina, may kasamang babae," natatawa niyang sabi, tiningnan ko siya ng masama at tumigil naman siya.

Speaking of girl, hindi ko pa nalalaman kung sino yung babaeng kasama niya sa Mall.

Nilabas ko ang camera ko at ipinakita sa kaniya ang picture na kuha ko nung nasa Mall ako.

"Siya ba?" Tanong ko na ikinataas ng kilay niya.

"Yup, how did you get that?"

"I follow him last day and I saw theme in a Mall," tinawanan niya ako na para bang wala ng bukas.

"Obsessed kana girl," sagot niya naman.

"Shut up!" Sakto namang dumating na ang order ko kaya tumahimik na ako.

Nagsimula na akong kumain habang iniisip kung sino ba yung babae na yun, may secret girlfriend ba siya? Pinsan? Nanay? Sugar Mommy? Tita? Fiancé?

Who are you girl?

_________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro