5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Bakit ba may mga taong mahilig mangialam ng sariling buhay? Kagaya ngayon may istudyante ang pinatawag sa principal office dahil may nag away-away sa social media na nag leak ang gc nila at kung ano-anong paninira ang ginagawa nila.

Actually wala naman talaga dapat akong pakialam doon eh, kaso ang siniraan nila ay si Ci-L kaya talaga dapat may pakialam ako.

Anong ikinagagalit nila kay Ci-L? Simple lang, yung mga lalaki dito sa school ay galit sa kaniya dahil ang mga girlfriend nila ay may gusto sa kaniya kaya madami ang galit sa kaniya dahil binabasted niya ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

Nagulat pa ako dahil may baklang nag confess sa kaniya doon sa principal office, pano ko nalaman? Kasama ako doon eh, nakisama ako kahit hindi naman talaga ako kasama, marami naman sila kaya hindi ako halata na sumama lang doon.

Natatawa pa nga ako dahil pinapagalitan sila, buti na lang 'di ako nakita. Napansin ko din doon na parang wala lang kay Ci-L ang nangyari, dahil siguro sanay na siya sa ganon.

Bakit naman kase ang gwapo niya? Bakit ang bait at talino niya? Tumakbo agad ako papunta sa room pagkatapos malaman ang mga dapat kong malaman.

"Where the hell did you go!!?" Bungad agad sa'kin ni Ian.

"Sa tabi-tabi lang," sagot ko naman at umupo sa upuan ko.

"Shockss kang babaita ka, alam mong may group project tayo hindi mo pa ginagawa?" Sabi niya naman na ikinangisi ko.

"Nakaraan kopa tapos yun, hindi lang halata pero napaghandaan ko na," ngumisi ako sa kaniya ng makita ang gulat sa mukha niya.

"The hell?"

"Puro ka kase landi," sabi ko at nakatikim naman ako ng batok mula sa kaniya.

Matapos ang klase ay lumabas ako ng room para makita si Ci-L, lagi kase siyang dumadaan sa third floor para bumili sa canteen.

Tumambay ako sa labas ng room para makita siya, pero bigo ako dahil hindi ko siya nakita kundi ang mukha ni Ivan ang nakita ko.

"Nakita ko na naman mukha mo, paniguradong mamalasin na naman ako," reklamo niya ng makita ako.

"Naunahan mo lang ako ng sasabihin," inirapan ko siya habang tumatawa.

"Alam ko naman kase na yun ang sasabihin mo eh, lagi na lang, pag ikaw talaga na buntis at ako pinaglihian mo, humanda ka," banta niya agad.

"Kingina mo," binatukan ko siya at mabilis naman siyang nakatakbo.

"Joke lang, ito oh," may inabot siya sa'kin na agad ko namang tinanggap kahit nagtataka. "Ang sabi ni Ci-L mag hanap daw ako ng pwede kong isama sa party, alam ko naman na gusto mo kaya ikaw na lang yayayain ko," matapos basahin ang laman ng invitation card ay niyakap ko siya nang mahigpit.

"I love you so much!!" Sabi ko at nandidiri niya naman akong tinulak palayo.

"I love you lang ni Angel tinatanggap ko," mabilis ko siyang sinambunutan at kinulong sa pagitan ng braso ko.

"Walang anuman ha," sarkastika kong sabi bago siya bitawan.

"Ang harsh mo naman," reklamo niya.

"Bakit pala hindi si Angel ang sinama mo?" Taka kong tanong, oo nga bakit ako sinama niya at hindi ang girlfriend niya.

"Wala na kami," mahina niyang sabi na ikinagulat ko.

Deserve.

"Huh? Panong-"

"She cheat on me, nahuli ko siyang may kahalikan kagabi," malapit na siyang umiyak kaya mabilis ko siyang hinila at niyakap at bumuhos na nga ang luha niya.

"Pag umiyak daw bakla," hinampas niya ako ng mahina bago tumawa, niyakap niya naman ako pabalik bago punasan ang luha niya.

"Ayaw ko na pre, focus muna ako sa pag-aaral at sa school, malapit na tayo grumaduate, saka na muna ang love life,"

"Buti naman at natauhan ka sa wakas," binatukan ko siya.

Matapos ang kadramahan niya ay bumalik na rin siya sa room nila, kaya pala hindi lumabas ng room nila si Ci-L ay nagpabili lang s'ya kay Ivan ng makakain.

Excited akong umuwi para makahanap ng dress na pwede kong suotin, susunduin daw ako ni Ivan ng 8:30 kaya nagpaalam na ako kay Tita at Tito, pinayagan naman nila ako at mag sabi daw ako kung uuwi ako o hindi.

"Ako na mag aayus sa'yo," suggestions ni Tita, pumayag naman ako dahil wala naman akong alam sa mga make up, maganda na ako kahit walang korolotes sa mukha.

Miski lip tint nga hindi ako naglalagay dahil kaiba sa labi, pero dahil may important occasion ngayon, kailangan mas maganda ako.

Nagtataka si Tita kung bakit daw naka black dress ako, cocktail dress lang ang suot ko partner with black sandals and black sling bag, black lipstick at black ribbon sa likod ng maikli kong buhok.

"Para kang aattend ng libing," natatawang sabi ni Tita.

"Gothic theme kase yung party Tita, sakto kase favorite color ko,"

"Ang weird mo talaga, bakit itim?"

"It's gave me comfort po kase, kahit na dark siya masaya siyang mag isa," paliwanag ko.

"Haystt, sige na, tapos na, bumaba kana at paniguradong nandon na si Ivan." Lumabas na siya ng kwarto ko at hinanda ko na ang sarili ko.

"Ganda naman ng 'Queen of the darkness' na yan," bungad sakin ni Ivan, naka tuxedo siya at puro itim din.

Queen of the darkness kase ang lagi kong sinasabi, sabi ko sakanila I'm an evil haha.

Kaya kapag may mga dula-dulaan dati at may mga masasama na character ako yung pino-portrait nila.

"Shut up!" Sita ko dito. Nagpaalam na ako kayla Tita at Tito, buti na lang at wala si Nica.

Umalis na kami ng bahay, pinagbuksan niya naman ako ng pinto.

"Ingat mahal na reyna, sapagkat ang mahal na hari ay papatayin ako kapag may nangyaring masama sa kamahalan," sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman siya nga malakas.

"Manahimik ka nga, ang dami mong sinasabi eh," reklamo ko pagpasok niya ng driver seat.

Habang nagmamaneho ay panay lang ang asar niya sakin, nananakit na ang mata ko kakairap sa kaniya. Ang panget talaga ng ugali nitong lalaki na'to.

"Para saan ba yung party?" Tanong ko dahil hindi ko masyado matandaan kung ano yung nakasulat sa invitation card dahil excited akong mag prefer.

"Katamaran mo talaga mag basa," hinampas ko siya kahit na nagmamaneho siya.

"Hindi ako tamad, excited lang," bawi ko.

"Birthday ng kuya niya, gothic theme kase mahilig sa fantasy yun," sagot niya naman, tumango lang ako bilang tugon.

Excited talaga akong makita ang itsura ni Ci-L haha, feeling ko mas lalo siyang pumogi kapag naka all black ang suot niya.

Alam kong malapit na kami sa bahay nila dahil alam ko ang daan papunta don, ilang beses ko na siyang nakitang naglalaro sa maliit nilang court doon, minsan kase pumupunta ako dito sa village nila, dumadalaw ako sa Lola ko, yun lang ang takas ko para makapasok sa village nila, masiyado kaseng mahigpit eh.

"Ilang year's mo na ngang crush si Ci-L?" Tanong bigla ni Ivan.

"Ten year's," sagot ko.

"Wow," bulaslas niya, inirapan ko lang siya.

Simula kase elementary humahanga na ako sa kaniya perp hindi kagaya ng pag hanga ko da kaniya ngayon, masyado na akong obsessed ngayon eh, dati masabi ko lang na crush ko siya, yun na yun wala ng lampas o kahit ano pang dahilan, pero hindi ko enexpect na makakaabot ako sa puntong ganito.

"Tsss,"

Nang makapasok kami sa gate ng village nila ay agad na pinarada ni Ivan ang kotse niya malapit sa garahe nila Ci-L, madami ng tao dahil marami ng naka park na kotse sa labas ng bahay, pati yung gate puno na.

Inalalayan ako ni Ivan na makababa ng kotse at hanggang sa mag lakad papasok, bumungad agad samin ang mababangong halaman bg Mommy ni Ci-L, base kase sa pagkakaalam ko ay mahilig sa bulaklak ang Mommy niya.

"Ready kana bang makita ang iyong hari mahal na reyna?" Tanong ni Ivan at ngumisi.

"Manahimik ka diyan, sasapakin kita," banta ko dito at tinawanan lang ako.

Nakahawak ako sa braso ni Ivan ng pumasok kami sa loob, naka agaw agad ako ng attention ng mga bisita na para bang ako yung may kaarawan.

"Gorgeous,"

"Bagay sa kaniya ang damit niya,"

"Ang ganda niya,"

Madami pa akong narinig na compliment kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko sa labi, isa rin kase yun baka mapansin ako ni Ci-L.

"Yung labi mo mapupunit na sa laki ng ngiti mo," pang-aasar sakin ni Ivan. "I'll introduce you to my friend's," sabi niya.

"Sige," dinala niya ako sa table na puro lalaki ang naka upo.

Malaki ang bahay nila Ci-L, pagpasok mo pa lang ay makikita mo na ang mamahaling chandelier, maraming mamahaling painting ang nakasabit at hindi mawawala ang bulaklak sa paligid ng bahay, mataas ang hagdan paakyat ng second floor.

Mayaman nga ang pamilya nila, ano kaya ang ikinamatay ng Daddy niya? Hanggang ngayon kase ay hindi ko pa din alam kung ano. Masyado kase nilang tinago at ayaw na ilabas pa sa public.

"Guys, this is Jenna Vien, my friend," pakilala niya, ngumiti naman ako sa kanila.

Isa isa naman nila akong kinamayan, hindi ko matandaan ang pangalan nila dahil ang dami nila, pero nakikita ko naman silang kasama nila Ci-L mag laro ng basketball.

"I'll introduce you to Ci-L," agad ako umangal sa sinabi ni Ivan.

"No, ayaw kong makilala niya ako na kaibigan mo, hindi pa ako ready," tanggi ko kaagad na may iling pang kasama.

"Malalaman niya din naman," sagot naman niya.

"Hayaan mo'ng siya ang makaalam," sagot ko din. Hindi ko ba alam pero ayaw kong sabihin na magkaibigan kami ni Ivan.

Humiwalay na ako kay Ci-L nang makakita ako ng kakilala, kaibigan siya ni Ci-L na kakilala ko, close naman kami kaya sa kaniya na ako sumama.

"Good evening ladies and gentlemen, let's welcome the birthday boy, Tian Frous and he's mother," nagpalakpakan na kami ng bumaba ng hagdan ang mag Ina.

Pogi din naman ang kuya ni Ci-L pero mas pogi pa rin siya para sakin, maraming babae ang tumuli ng ngumiti ng malaki si kuya Tian.

Sunod na tinawag si Ci-L na nagpanganga sakin dahil sa subrang gwapo niya.

Oh my god! He's so hot!!!

__________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro