10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Parang kinakabahan ka?" Natatawang tanong ni Mama Mac.

"Opo eh, first time kong makikita si Ken na magpe-perform sa stage, excited ako na ewan." Kinakabahan kong sagot sa kaniya.

"Si Negy nga nung una chill lang haha," sabi niya at tinuro pa si Negy, pati si Ken sa unahan ay natawa na rin. "Sino ba bias mo sa lima?" Tanong niya bigla.

"Si Pinuno, bias wrecker ko si Ken eh, pero OT5 ako, lahat sila sinusuportahan ko." Sagot ko naman na walang pag-aalinlangan, para bang nakalimutan ko na kasama pala namin si Ken.

Kung pwede lang magkwento sa kapatid ko about sa nangyayari ngayon, malamang na inggit na inggit na yun.

"Hello Ma? Bakit?" Lahat kami ay napatingin kay Mama Mac. "Huh?! Anong nangyari? May event pa naman ngayon si Ken," sagot niya.

"Okay lang." Bulong naman ni Ken sa unahan at tumingin sa akin, pati si Mama Mac ay napatingin rin.

"Sige Ma, papunta na ako," mabilis niyang binaba ang cellphone at tumingin sa amin. "Sorry talaga, Jai, ikaw na munang bahala kay Ken, dalawa kayo ni Negy, emergency lang." Dahil no choice naman ako ay tumango na lang din ako.

Ibinaba na namin si Mama Mac, kami naman ay dumeritso na kasama ang ibang staff.

"Ate Bea, pagkatapos natin sa event, saan ang kasunod?" Rinig kong tanong ni Ken.

"Magpahinga Ken, wala kang schedule bukas, pero may rehearsal kayong lima." Tumango naman ang isa.

After that conversation ay natahimik ang buong Van, si Negy naman ay busy manuod ng TikTok, naka earphones pa talaga.

Napanguso na lang ako habang pinapanuod ang mga buildings na matataas na nadadaanan namin, walang ganito sa Palawan, ang mataas lang do'n ay pride ng mga tao.

Ilang minuto ang nakalipas ay dahan-dahang lumiko ang Van, kahit nasa loob kami ng van ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga fans sa labas.

"Kennnnn!!!!" Para akong matatanggalan ng tenga sa subrang lakas ng sigaw nila ng bumukas ang pinti ng Van at nakita nila si Ken.

"Si Ken ha," Paalala ni ate Bea sa mga staff.

"Sa backstage na lang kaya ako bumaba?" Tanong ni Ken kay ate Bea.

"Bakit? Ayaw mo bang makita mga fans mo?" Tanong niya naman.

"Hindi naman sa gano'n," sagot naman ni Ken, pero parang may idudogtong pa siya pero ayaw niyang sabihin.

"Baka kasi dumugin siya, kunti lang pa naman ang body guards na dala natin." Singit naman ni Negy.

"Sabagay, kuya do'n na lang kami bababa sa backstage." Sabi ni ate Bea.

"Masanay kana Jai, lalo na kapag lima sila ang bumaba haha." Natatawang sabi sa akin ni Negy, bumaba na siya samantalang ako naman ay hindi alam ang gagawin. Dapat ba akong magpakita sa kanila?

Natatakot ako sa mga fans nila, mali atang pumayag ako ah. What if di maging maganda image ko dito? Hindi ko ata kakayanin.

Nang makarating kami sa backstage ay kaagad kaming bumaba at pumasok sa loob kung saan ang dressing room ni Ken.

"Malapit na mag Sound Check." Bilin ni ate Bea.

Gano'n? Hindi man lang pinapahinga si Ken?

"Negs?" Tawag ko dito, lumingon naman siya sa akin habang inaayos ang nga gagamitin namin for Ken. Iba rin ang nag-aayos ng mga damit at sapatos ni Ken na gagamitin mamaya.

"Bakit?" Malumanay niyang tanong.

"Ilang minutes na lang bago mag Sound Check?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa kaniyang relo bago sumagot.

"Five minutes, bakit?" Curious niyang tanong.

"Wala lang, kasi hindi pa nakakapagpahinga si Ken eh." Sagot ko naman.

"Hayaan mo na, na-late tayo ng dating eh." Sagot niya naman.

"Lagi bang ganito?"

"Hindi naman, kadalasan nga pagdating pa lang namin deritso na kaagad sa stage ang lima."

Kaya pala minsan mukha talaga silang pagod.

"Negy, Jai, ayusan na si Ken." Utos ni ate Bea. Kaagad naman kaming kumilos si Negy.

"Jai, foundation, ikaw na maglagay." Kabadong-kabado ako habang papalapit kay Ken dala ang foundation. Naka focus lang siya sa kaniyang cellphone at walang pakialam sa nangyayari sa kaniya.

"Lalagyan na kita ha?" Mahina kong bulong. Kaagad namang umangat ang kaniyang ulo kaya bahagya akong nagulat. Sunod-sunod ang kaba na naramdaman ko ng magtama ang mga mata naming dalawa, idagdag mo pa yung bigla na lang siyang ngumiti.

"Jai?" Napailing ako ng bigla akong tawagin ni Negy.

Focus Jai, focus.

"Wag ka ng mahiya sa amin, do your job." Paalala ni ate Bea. Tumango naman ako bago ko ayusan si Ken.

"This is not the first time na inayusan mo'ko, so don't be nervous." Natatawang sabi naman ni Ken.

Tama, hindi ito ang unang beses, pangalawang beses pa lang 'to. Huminga ako ng malalim bago ko sinimulang ayusan si Ken. Kagaya ng sabi nila, hindi ako kinabahan, I'm just enjoying the moment na kasama ko si Ken, my ultimate bias wrecker.

Nang matapos ko siyang ayusan ay nag drill lang siya ng kaniyang boses, ako naman at si Negy ay nakatingin lang sa kanila. May ilan kaming kasamang scouts na kasama niya mamaya bilang backup dancers.

Nang tinawag na siya para sa Sound Check kay naiwan kami doon, gusto ko sana siyang panuorin pero hindi pala ako pwedeng lumabas dito dahil magtataka yung ibang fans kapag nakita ko.

Makiki-update na lang ako sa Twitter ng nangyayari kagaya ng lagi kong ginagawa tuwing may event sila dati.

Nang matapos ang Sound Check ay bumaba na ulit siya sa backstage, doon ay pinagbihis siya sa kaniyang susuotin, pina ready na rin kami, pinanusan naman ni Negy ang pawis ni Ken, para talaga siyang Prinsipe, napaka poging nilalang.

Habang inaayusan ko si Ken ay siya namang pagsasalita ni at Bea tungkol sa mga paalala kay Ken.

"Wag kang bababa ng stage kahit pa gustong-gusto mong makipag interact sa fans, mamaya na kapag tapos na ang event, okay?" Tumango naman si Ken. Si Ken kasi talaga yung idols na gustong-gusto makipag interact sa fans, nahahalata ko yun sa kaniya matagal na.

"Jai, manuod kayo mamaya ha?" Bulong ni Ken na ikinagulat ko.

Why he's inviting me to watch his performance?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro